Professional Documents
Culture Documents
Kasaysayan NG El Fili
Kasaysayan NG El Fili
Bago pa man bumalik sa sariling bayan si Jose Rizal noong Oktubre 1887, marami ng kasawiang
dinanas ang kanyang mga kamag-anakan at kaibigan dahil sa pagkakasulat niya ng Noli Me Tangere.
Nang mga panahong yao’y nagdaranas din ng suliranin sa lupa ang mga magsasaka ng Calamba. Ito ay
kanilang inilapit kay Rizal na humingi naman ng tulong ang pagdinig sa kasi ng problema sa lupa,
napasabay pa sa pagdinig ng kaso ni Rizal ukol sa pagpapalathala ng tinaguriang “makamandag” na
babasahing Noli Me Tangere. Maraming mga tuligsa at pagbabanta ang tinanggap ni Rizal. Ang
kanyang pamily ay giniyagis din ng maraming mga panggigipit.
Sinimulan ni Rizal and nobelang El Filibusterismo sa harap ng karanasang ito. Magkakabisa sa kanya
kaipala ang mga sakit sa loob na dinanas niya at ng kanyng pamilya. Bagaman may mga pagpapalagay
na mayplanosi Rizal para sa ikalwang nobela, naiba ito ng mga pangyayaring kinasangkutan niya sa
pagbabalik sa sariling bayan. Tuwiran at di-tuwiran, naapektuhan ito ng wala pang anim na buwang
pagkamalas niya ng mga kasamaang ginagawa ng mga pari, katulad ng “pagpapayaman sa kanilang
mga asyenda, pang-aakit sa mga babae, panggugulo, pagliligpiy sa mga kaaway atbp.”
Nilisan ni Rizal ang Pilipinas noong Pebrero 3, 1888 dahil sa pangamba niyang manganib ang buhay ng
mga mahal sa buhay. Katakut-takot na liham ng mga pagbabanta na karamihan ay walang lagda ang
dumarating at ipinayo ng gobernador na bumalik siya sa ibang bansa. Ani Rizal sa isang sulat na
ipinadala niya kay Blumetritt habang naglalakbay.
“Lahat ng mga punong panlalawigan at mga arsobispo ay naparoroon sa Gobernador Heneral araw-
araw upang ako’y ipagsumbong. Ang buong ahente ng Dominiko ay sumulat ng sumbong sa mga
alkalde na nakita nila akong lihim na nakikipagpulong sa mga babae at lalaki sa itaas ng bundok.
Totoong ako’y naglalakad sa bundok kung bukangliwayway na kasama ng mga lalaki, babae at bata
upang damhin ang kalamigan ng umaga ngunit laging may kasamang tenyente ng guwardiya sibil na
marunong managalog…
Inalok ako ng salapi ng akong mga kababayan para lisanin ang pulo. Hiniling nila ang mga bagay na ito
hindi lamang sa aking kapakanan kundi sa kanila na rin sapagkat marami akong kaibigan at
kasalamuha na maaaring ipatapon kasama ko sa Balabag o Marianas. Dahil dito kahit may kaunting
karamdaman, ako’y dali-daling nagpaalam sa aking pamilya.”
Hindi nagwakas sa paglisan ni Rizal ang suliranin. Ang kanyang pamilya ay inusig. Umakyat ang kaso sa
lupa ng mga Mercado-Rizal hanggang Kataastaasang Hukuman ng Espanya. Maraming kamag-anakan
niya ang namatay at pinag-usig. May isa pang tinanggihang mapalibinng sa libingang Katoliko. Sa gitna
ng mga pag-aalalang ito, ginigiyagis si Rizal ng mga personal at pulitikal na suliranin; nangungulila siya
kay Leonor Rivera at waring walang kasiglahan ang insipirasyong dulot ng paniningalang-pugad kay
Nellie Boustead; sinasagot niya ang kabi-kabilang tuligsang tinatamo ng Noli Me Tangere; namatayan
siya ng dalawang kaibigan at mababa ang pagkikilalang iginagawad sa kanya ng mga kasama sa
Kilusang Propaganda. Bukod dito’y dumanas si Rizal ng suliranin sa pananalapi. Naisiwalat ni Rizal ang
kanyang paghihirap sa isang liham na naipadala kay Jose Maria Basa:
“Ako’y nanghihinawa na sa paniniwala sa ating mga kababayan. Parang sila’y nagkakaisa upang
maging mapait ang aking buhay; pinipigilan nila ang aking pagbabalik, nangangakong bibigyan ako ng
tustos, at pagkatapos na gawin sa loob ng isang buwan ay kalilimutan nang muli ako… Naisanla ko na
ang aking mga alahas, nakatira ako sa isang mumurahing silid, kumakain ako sa mga pangkaraniwang
restawran upang makatipid at mailathala ko ang aking aklat. Hindi naglao iyon, ititigil ko kung walang
darating sa aking salapi. A, sasabihin ko sa iyong kung hindi lamang sa iyo, kung hindi lamang ako
naniniwalang may mga mabubuti pang Pilipino, nais kong dalhin ang aking mga kababayan at ang
lahat sa demonyo…”
Sa kabutihang palad, nang lahat ang pag-asa ni Rizal, dumating ang hindi niya inaasahang tulong ni
Valentin Ventura mula sa Paris. Ipinadala niya ang kabuuang gugol sa pagpapalimbag ng aklat
matapos mabalitaan ang pangangailangan ni Rizal sa salapi.
Natapos limbagin ang aklat noong Setyembre 18, 1891 sa Ghent,Belgium. Inihandog ni Rizal ang
nobela sa alaala ng mga paring sina Gomez,BurgosatZamora.
Ang pagkahandog na ito sa tatlong paring martir ng ikalawang nobela ni Rizal ang panunahing dahilan
kung bakit ito ay itinuturing na isang nobelang political. Naglalahad dito sa isang malatalaarawang
pagsasalaysay ang mga suliranin ng sistema ng pamahalaan at ang mga kaakibat na problema:
problema sa lupa, pamamahala, pamamalakad ng relihiyon at edukasyon, katiwalian atbp. Tuwiran at
di-tuwiran, masasalamin din ang mapapait na karanasang gumiyagis kay Rizal sa ilang mga eksena at
yugto ng nobela.
Masagisag at malarawan ang ebolusyon ni Simoun mula kay Crisostomo Ibarra, bagaman hindi
maiiwasang makilala ang mga kapaitan at kabiguan sa paraang hindi maipagkakamali – kasama na
pati ang pangungulila at pag-aasam sa pag-ibig.
Mga Tauhan: