Dokumen - Tips Ang Pamahalaang Lokal

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 34

Ang Pamahalaang

Lokal
OAyon sa 1987 Konstitusyon ng
Pilipinas, ang lokal na
pamahalaan ay tumutukoy sa
pagkakahati-hating teritoryal at
pulitikal ng Pilipinas. Binubuo
ito ng mga lalawigan, lungsod,
munisipalidad at mga barangay.
OSa pamamagitan ng
pamahalaang lokal,
madaling naipaparating ng
mga mamamayan ang
kanilang mga naisin,
adhikain at mga karaingan
sa mga kinauukulan.
OAng pamahalaang lokal din
ang nagsisilbing ahensiya
ng pamahalaang pambansa
sa pagpapatupad ng mga
tuntunin at kautusan sa
pamayanan.
OSa ilalim ng
sentralisadong
pamahalaan, ang mga
lokal na pamahalaan ay
nilikha lamang ng
pambansang
pamahalaan o Kongreso.
Ang isang bansang hindi
sentralisado, ang mga lokal na
pamahalaan ay nakararanas ng
higit na kalayaan o awtonomiya.
Ang kanilang kapangyarihan ay
nagmumula sa sa charter ng
Konstitusyon at hindi sa
pambansang pamahalaan o
Kongreso.
Mga Lokal na
Pamahalaan sa
Pilipinas
O Ang pamahalaang lokal ng Pilipinas
ay binubuo ng mga lalawigan,
lungsod, munisipalidad at mga
barangay. Ang tiyak na pagkakahati-
hati ng mga gawain at
kapangyarihan ng bawat isa ay
nakasaad sa mga probisyon ng
Batas Republika Blg. 7160 na kilala
sa tawag na Local Government
Code of 1991. Umiral ito noong
Enero 1, 1992.
Kapangyarihan ng mga
Lokal na Pamahalaan
Kapalit ng kapangyarihang
mayroon ang lokal na
pamahalaan, sila ay
inaasahang makakagawa ng
mga paraan upang matiyak
ang mga sumusunod:
OMapanatili at mapagyaman ang
kultura ng bansa;
OMapangalagaan ang kalusugan
at kaligtasan ng mga
mamamayan;
OMapangalagaan ang mga
karapatan ng mga tao na
makapanirahan sa isang lugar
na may balanseng ekolohiya;
OMalinang ang kakayahan ng
mga nasasakupan sa larangan
ng agham at teknolohiya;
OPataasin ang moral ng publiko;
OPatatagin ang kabuhayan ng
mga mamamayan;
O Tingnan nang may pagkakapantay-
pantay ang lahat;
O Lumikha at magkaloob ng matatag
na hanapbuhay; at
O Panatilihin ang katahimikan,
kaayusan at katiwasayan sa
nasasakupan

Ang mga ito ay nasa ilalim ng


tinatawag na General Welfare Clause.
Kapangyarihan ng
Pamahalaang Lokal sa
Paglikha ng mga
Pagkukunan ng Pondo
OItinatadhana ng mga batas
na ang mga pamahalaang
lokal ay may
kapangyarihang lumikha ng
mga paraan upang
makalikom ng salapi na
ipangtutustos sa lahat ng
mga pangangailangan ng
mga mamamayan.
OItinatagubilin din ng mga
batas na ang mga
pamamaraan ng
pamahalaang lokal sa
paglikom ng badyet ay
dapat naaayon sa mga
tagubilin ng Kongreso.
Ang mga sumusunod na
probisyon ay nangangasiwa
sa sistema ng pagbubuwis at
ng iba pang paraan na
ginagawa ng pamahalaang
lokal sa paglikom ng pondo:
OAng pagbubuwis ay
makatarungan at naaayon sa
kakayahan ng mga tao;
OAng mga nakokolektang buwis
ay dapat lang na magamit sa
kapakanan ng mga
mamamayan;
OAng pagbubuwis ay hindi
nagmamalabis ng nakapang-
aapi; at
OAng pagbubuwis ay naaayon
sa batas, sa pampublikong
polisiya, at sa pambansang
pamantayang pang-ekonomiya.
Laang Pondo ng Pambansang
Pamahalaan sa Lokal na Pamahalaan

O Lalawigan- dalawampu’t tatlong


bahagdan (23%)
O Lungsod- dalawampu’t tatlong
bahagdan (23%)
O Munisipalidad- tatlumpu’t-apat na
bahagdan (34%)
O Barangay- dalawampung bahagdan
(20%)
Isinasaalang-alang din sa
pagbibigay ng badyet ng
pamahalaang pambansa sa
mga pamahalaang lokal ang
mga sumusunod:
OPopulasyon- limampung bahagdan
(50%)
OSukat na nasasakupan-
dalawampu’t limang bahagdan
(25%)
OPatas na pamamahagi-
dalawampu’t limang bahagdan
(25%)
Mga Pinuno ng Pamahalaang
Lokal
OItinatadhana ng batas na ang
sinumang nagnanais na
manungkulan sa lokal na
pamahalaan ay dapat
magtaglay ng mga sumusunod
na kuwalipikasyon:
O A. Siya ay dapat na lehitimong
mamamayan ng Pilipinas;
O Rehistradong botante sa barangay,
munisipalidad, lungsod o lalawigan kung
saan siya nais kumandidato;
O May isang taon na nakapaninirahan sa
lugar kung saan niya ninanais
kumandidato bag dumating ang araw ng
halalan; at
O Nakakabasa at nakasusulat ng Filipino o
sa iba pang wika ng Pilipinas.
OAng mga kandidato s mga
posisyong gobernador, bise-
gobernador, kasapi ng
sangguniang panlalawigan,
alkalde, bise-alkalde at kasapi
ng sangguniang panlungsod ng
mga prominenteng
urbanisadong lungsod ay dapat
na 23 na taong gulang sa araw
ng halalan.
OAng mga kandidato sa pagka-
alkalde, bise-alkalde ng mga
tinatawag na independent
component cities/ muncipalities
ay dapat na 21 taong gulang sa
araw ng halalan.
OAng mga kandidato sa
pagka punong-barangay o
kasapi ng sangguniang
barangay ay dapat na 18
taong gulang sa araw ng
halalan.
OAng termino ng panunungkulan
ng mga halal na opisyal ay
tatlong taon. Walang sinumang
halal na opisyal ang dapat
manungkulan nang higit pa sa
tatlong sunod-sunod na termino
sa parehong tungkulin.
OAng panunungkulan naman
ng mga opisyal ng
barangay at ng mga kasapi
ng sangguniang barnagay
ay tatlong taon at
nagsisimula pagkatapos ng
regular na halalan ng mga
barangay tuwing ikalawang
lunes ng Mayo.
Batasan ng Lokal na
Pamahalaan
OAng kapangyarihang gumawa ng
batas para sa mga nasasakupan
ay pangunahing tungkulin ng
Sangguniang Panlalawigan para
sa mga lalawigan, ng
Sangguniang Panlungsod para sa
mga lungsod, Sangguniang
Bayan para sa mga
munisipalidad, at ng Sangguniang
Barangay para sa mga barangay.
OAng bise-gobernador ay ang
pinuno ng Sangguniang
Panlalawigan; ang bise-alkalde
naman ay ang pinuno ng
Sangguniang Panlungsod at
Sangguniang Bayan; at ang
punong barangay naman ay
ang pinuno ng Sangguniang
Barangay.
OAng pinuno ay bumoboto
lamang kapag may nagaganap
na tie sa halalang ginaganap sa
sesyon hinggil sa mga
nakahaing isyu o sa
pagpapatibay ng isang
panukalang-batas o ordinansa.
O Kung sa mga pagkakataong walang
kakayahan ang bise-gobernador, bise-
alkalde at punong barangay na
pangunahan at pamunuan ang
sanggunian, ang mga kasapi ng
sanggunian ay pinapayagang maghalal
ng bagong pinuno na magmumula sa
kanilang hanay. Dapat nga lamang na
idaos ang pamimili sa pamamaagitan ng
halalan sa isang pulong na quorum.

You might also like