Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Guimaras State University

Graduate School

Mary Joy S. Sangullas MED FIL 1-A

Panggitnang Pagsusulit

Pagsusuri sa Maikling Kwento

A. Pambungad:

Ang maikling kwento ay anyo ng panitikang nagsasalaysay nang tuloy-tuloy ng isang


pangyayari hango sa tunay na buhay. Ito ay may isa o ilang tauhan lamang, sumasaklaw ng maikling
panahon, may isang kasukdulan at nag-iiwan ng isang kakintalan o impresyon sa isipan ng
mambabasa. Ang kasukdulan o climax ang bahagi ng kwentong nagbibigay ng pinakamasidhi o
pinakamataas na kapanabikan o interes sa mambabasa. Ang kakintalan o impresyon ang kaisipang
naiwan sa isipan ng mambabasa. Ang maikling kwento ay nakakapagbigay-aral sa mga mambabasa.
Ipinamumulat ng maikling kwento kung ano ang tunay na nangyayari sa buhay ng isang tao.
Dinadala ng maikling kwento ang mambabasa sa reyalidad ng buhay na kung minsan ang
mambabasa ay pinapalagay na siya ang pangunahing tauhan sa kwento.

B. Pamagat:
“Laki sa Layaw” ni Pedro S. Dandan
C. Tauhan:
Berto- bugtong na anak ng mag asawang Ninay at Bindoy
Ninay- asawa ni Bindoy in ani Berto
Bindoy- asawa ni Ninay am ani Berto
Luz Matimtiman- guro ni Berto
Don Sergio- may-ari ng dalawang malaking kisikisan ng bigas
Mang Seto- dating may-ari ng kiskisan ng bigas at ngayon ay tagasingil ng pautang
ni Don Sergio
D. Tagpuan:
Nayon ng Pulong-Gubat
E. Banghay:

Nagsimula ang kwentong “Laki sa Layaw” ni Pedro S. Dandan sa pagppakilala sa


pangunahing tauhan na si Berto. Si Berto ay bugtong na anak ng kilalang mariwasang mag-
asawang Ninay at Bindoy sa Nayon ng Pulong- Gubat. Mahal na mahal nila si Berto. Sapul sa
pagkabata ay pinalayaw na nila ito. Ipinagkaloob nila ang lahat ng maibigan nito, gaya ng
mga laruan, mamahaling damit, salapi, anumang sukat makalibang sa anak. Lalong
nagpakasasa sa buhay si Berto ng mag-umpisa ito ng kanyang pag-aral. Sa kabila ng
pagkalulong ni Berto sa lahat ng kaginhawaan sa buhay ay ipinagmamalaki ng mga magulang
nito na siya ay makapagtapos ng pag-aaral bilang isang manananggol.

Isang araw nakatanggap ang mga magulang ni Berto ng sulat mula sa kanyang guro na
si Ginang Luz Matimtiman. Ang nilalaman ng sulat ay nagpaalala na kailangan imulat ito sa
wastong asal at kaugalian, lalo na ang tungkol sa kanyang mga Gawain sa paaralan. Sinasabi
na si Berto ay isang matalinong bata, ngunit bunga ng malabis na pagkahilig niya sa mga
kalayawan ng katawan, gaya ng paglilimayon o malimit na pagsala sa pagpasok, panonood ng
sine, paninigarilyo at kung minsan ay pakikipagsugal, napapabayaan niya ang kanyang pag-
aaral. Dahil ditto maaring ikabigo niya ang kanilang pagsusulit sa buwang papasok.

Pagkatapos na mabasa ng mga magulang ni Berto ang sulat napagkuro ng kanyang


ama na si Bindoy na may dapat silang panagutan sa pagiging malayaw nito. Gayunman ay
inakala niya na hindi pa huli sa panahon upang mabago ang ugali nito. Ngunit hindi niya
dapat kunin sa dahas si Berto. Ang lalong mabisa ay gamitan niya ng talino at kahinahunan
ang paraan ng pagtutumpak kay Berto. Nang dumating si Berto sa kanilang bahay hang
hapong iyon buhat sa paaralan, masayang tinawag ito ni Mang Bindoy at niyayang mamaril
ng batu-bato. Sinsabi pa ni Mang Bindoy na sila ay maliligo sa sapa. Malugod naming
sumang-ayon si Berto, sapagkat sa kauna-unahang pagkakataon ay noon lamang siya nayaya
ng kanyang Tatang sa gayong uri ng paglilibang. Habang sila ay naglalakad kinuwento ni
Mang Bindoy kay Berto ang tungkol sa buhay ni Don Sergio na may-ari ng kiskisan ng bigas.
Ayon sa kanya nagging maganda ang buhay nito dahil sa pagiging masipag at masinop nito
hanggang sa nagging maganda ang kanyang buhay. Sa kabilang banda kinuwento rin niya ang
buhay ni Mang Seto na kung saan dati itong may-ari ng kiskisan ng bigas pero dahil sa
pagpapariwara at kawalang pagpapahalaga ay nawala ito sa kanya. Ngayon si Mang Seton a
dating may-ari ng kiskisan ay nagging taga singil ng pautang ni Don Diego. Nakabaliktad ang
kanilang kalagayan dahil sa kawalan ng pagpapahalaga.

Sa wakas ng kwento sinabi ni Mang Bindoy kay Berto na kung ayaw niyang matulad
sa kalagayan ni Mang Seto ay kailangan niyang magbago ng pamumuhay. Doon naunawaan
ni Beerto ang kahalagahan ng pera at pag-aaral. Napagtanto ni Berto na kailangan niyang
pagtuonan ng pansin ang kanyang pag-aaral upang ito ay kanyang matapos at balang araw
magiging maginhawa ang kanyang buhay. Nang sumapit ang araw ng pagtatapos ng mga
mag-aaral sa mataas na paaralan sa nayon ng Pulong- Gubat, gayon na lamang ang tuwa ng
mga magulang at kapitbahay ni Berto. Nasaksihan nila ang makulay na parangal sap ag-abot
ng diploma sa mga batang mag-aaral. Kabilang si Berto sa mga nagtamo ng karangalang
nabanggit.
F. Tema:
Ang tema ng maikling kwento na Laki sa Layaw S. Dandan ay tungkol sa isang
pamilya na may isang anak na pinalaki na ibinigay ang lahat ng gusto. Ito ay tungkol sa
wastong pagmamahal at pagpapalaki ng magulang sa kanyang anak.
G. Estilo:
Ang estilo ng pagkakagawa ng maikling kwento ay maganda sapagkat maayos na
nailahad ng may-akda ang kwento na madaling mauunawaan ng mambabasa. Inilahad rin ng
may-akda ang pagpapakita ng paglalarawan at paghahambing upang mas lalong mapaganda
ang pagkalahad ng kwento. Inilahad ng maayos ng may-akda sa paraang mas madaling
maunawaan at maiparating ang mensaheng nais iparating sa mambabasa.
H. Kaugnayan sa Lipunan:
Ang Kwentong “Laki sa Layaw” Pedro S. Dandan ay napapanahon at kasalukuyang
nangyayari sa ating lipunan. Sa ngayong panahon marami sa kabataan ang laki sa layaw.
Sunod ang lahat ng gusto na hindi alam kung saan kinukuha ng mga magulang ang perang
ibinibigay sa kanila. Sa ngayong panahon marami sa mga kabataan lalo na ang mga anak ng
mayayaman na napapariwara ang buhay. Ito ay sa kadahilanang binibogay lang ang lahat ng
gusto at wala nang panahon na makigpag-usap at makabonding sa anak. Ito ay sa sobrang
dami ng mga Gawain na inaatupag sa trabaho. Nawawalan ng oras para kausapin ang anak at
tanungin kung kamusta na sila.
Sa ngayong panahon hindi lang mga anak mayaman ang nagpakasasa sa buhay
maging ang mga hirap sa buhay sapagkat may mga anak na hindi na iniisp ang kalagayan ng
kanilang buhay masunod lamang ang kanilang layaw. Na kung saan minsan humahantong sa
pagnanakaw para lang may ipangtustos sa lahat ng mga pangangailangan. Hindi alintana ang
maaring maging bunga ng kanilang ginagawa ang importante lang ay maging masaya lang
sila kahit minsan mali na yong ginagawa.

You might also like