Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Ang Agila at ang Maya

Isang Agila ang kasalukuyang lumilipad sa kalawakan, buong yabang niyang iniladlad at
ibinuka ang kanyang malalapad na pakpak. Habang patuloy siya sa kanyang paglipad ay
nakasalubong niya ang isang maliit na ibong Maya at hinamon niya ito.
“Hoy Maya, baka gusto mong subukan kung sino sa ating dalawa ang mabilis lumipad?” buong
kayabangan ni Agila. Kaya naipasya niyang tanggapin ang hamon nito para maturuan niya ng
leksyon.
“Sige! Tinatanggap ko ang hamon mo. Kailan mo gustong magsimula tayo?”
Natuwa ang Agila, hindi niya akalain na tatanggapin nito ang hamon niya.
“Aba, nasa sa iyon ‘yan. Kung kailan mo gusto,” buong kayabangang sagot ni Agila.
Napatingin ang Maya sa kalawakan. Nakita niyang nagdidilim ang kalangitan, natitiyak niyang
ang kasunod niyon ay malakas sa pag-ulan.
“Sige Agila, gusto kong umpisahan na natin ang karera ngayon na. Pero, para lalong maging
masaya ang paligsahan natin ay kailangang bawat isa sa atin ay magdadala ng kahit anong
bagay. Halimbawa ang dadalhin ko ay asukal ikaw nman ay bulak.”
Tumawa ang Agila sa narinig na sinabi ni Maya. Tuwang-tuwa talaga siya, bakit nga naman
hindi eh, mas hamak na magaan ang bulak na dadalhin niya kumpara sa mabigat na asukal na
dadalhin naman nito.
“O ano, Agila, payag ka ba?” untag ni Maya.
“Aba oo, payag na payag ako.”
“Sige doon tayo mag-uumpisa sa ilog na ‘yon at doon tayo hihinto sa tuktok ng mataas na
bundok na iyon,” wika pa ni Maya.
Gusto ng matawa ni Agila sa katuwaan dahil tiyak na ang panalo niya subalit hindi siya
nagpahalata.
At sisimulan nga nila ang paligsahan.
Habang nasa kalagitnaan na sila ng kalawakan ay siya namang pagbuhos ng malakas na ulan.
Nabasa ang bulak na dala-dala ni Agila kaya bumigat ito ng husto. Nahirapan si Agila , kaya
bumagal ang lipad niya.
Samantalang ang mabigat sa asukal na dala-dala naman ni Maya ay nabasa din ulan kaya
natunaw ito. Napabilis ang lipad ni Maya.
Dahilan sa pangyayari, unang nakarating si Maya sa ituktok ng mataas na bundok at tinalo niya
ang mayabang na Agila.
Aral
 Huwag maging mayabang.
 Huwag maliitin ang kakayahan ng iba.
 Maging mapagpakumbaba anuman ang ating ginagawa.
 Gamitin ang talino sa tamang paraan.
Ang Lobo at ang Kambing

Isang lobo ang nahulog sa balon na walang tubig. Sinikap niyang tumalon
upang maka-ahong palabas ngunit lubhang malalim ang balon na kanyang
kinahulugan.
Noo’y dumating ang isang uhaw na uhaw na kambing. Lumapit ito sa
balon at narining ang tinig ng lobo.
“Marami bang tubig sa loob ng balon?” tanong nito sa lobo. “Oo,
napakarami!” ang pagsisinungaling na sagot naman ng lobo.
Hindi na nagdalawang-isip pa ang kambing. Agad itong tumalon sa balon.
At nalaman ngang siya’y niloko lamang ng lobo.
“Ngayo’y pareho na tayong bilanggo ng balon na ito,” ang sabi ng lobo.
“Mamamatay tayo sa uhaw at gutom dito,” ang sabi ng kambing.
“Kung gusto mong makaalis dito, magtulungan tayo. Mayroon akong
naisip na paraan kung papaano nating gagawin iyon.”
“Papaano?”
Noon ipinatong ng lobo ang mga paa sa katawan ng kambing. “Ako muna
ang lalabas. At kapag nakalabas na ako, saka kita hahatakin palabas,”
pangako nito. “Sige,” ang sabi naman ng kambing.
Nakalabas nga ng balon ang lobo sa tulong ng kambing. Ngunit noong
pagkakataon na ng kambing para tulungan nito’y agad iyong tumawa ng
malakas. Pagkuwa’y sinabing, “Walang lobong manloloko kung walang
kambing na magpapaloko.”
At malungkot na naiwanan ang kambing sa malalim na balon.
Aral
 Maging matalino sa mga desisyong gagawin mo at huwag basta-basta

maniniwala sa ibang tao lalo na kung hindi mo pa siya lubusang


kakilala.
Ang Inahing Manok at ang kanyang mga Sisiw

Isang inahing manok na may anak na tatlong sisiw ang naninirahan sa gitna ng taniman ng
mais. Isang araw, lumabas ng bahay ang magsasakang may-ari ng taniman at sinabing,
“panahon na upang anihin ko ang aking maisan! Kailangan tawagin ko ang aking mga kapit-
bahay upang tulungan ako sa aking pag-ani bukas!”
Narinig ito ng mga sisiw at agad iminungkahi sa kanilang ina, “kailangang lumikas na tayo rito
at humanap ng ibang matitirahan inang! Kung hindi, matatagpuan tayo rito ng mga magsisipag-
ani bukas at huhulihin upang patayin!”
“Huwag kayong mabahala mga anak,” ang wika ng inahing manok. “Kung mga kapit-bahay
lamang ang aasahan niya, hindi agad magsisipag-kilos ang mga iyon! May panahon pa tayo
upang manirahan dito.”
Tama nga ang sinabi ng inahing manok. Sapagkat kinabukasan nga’y walang mga kapit-bahay
na dumating upang tumulong sa pag-ani ng magsasaka.
“Kung hindi ko maasahan ang aking mga kapit-bahay, sa aking mga kamag-anak ako lalapit
upang humingi ng tulong sa isasagawa kong pag-ani bukas!”
“Narinig ng mga sisiw ang sinabi ng magsasaka at dali-daling iminungkahi sa kanilang ina.
Ngunit muli, hindi nabahala ang inahing manok at sinabing, “kung sa mga kamag-anak lamang
siya aasa hindi magsisipag-sunod ang mga iyon! May mga trabaho ring dapat asikasuhin ang
mga iyon at tiyak na hindi maasahan. May panahon pa tayo para manirahan dito mga anak!”
Kinabukasan nga’y tama uli ang sinabi ni inahing manok. Walang kamag-anak na dumating ang
magsasaka upang tulungan siya sa pag-ani sa maisan.
Dahil dito, napilitan ang magsasakang tawagin ang kanyang anak at sinabing, “bukas na bukas
din, tayong dalawa na lamang ang aani sa ating pananim. Wala tayong ibang maaasahan kundi
ang ating mga sarili!”
Nang marinig iyon ng mga sisiw, dali-dali silang nagtungo sa kanilang ina at iminungkahi rito
ang sinabi ng magsasaka.
Noon nagdesisyon ang inahing manok na lumisan sila sa lugar na iyon, at sinabing, “kung
sinabi ng magsasaka na siya na ang gagawa ng pag-ani, dapat tayong maniwala! Sapagkat
totoong walang sinuman siyang maaasahan kundi ang kanyang sarili!”
Aral
 Kung nais mong magtagumpay sa isang bagay o larangan, pagsikapan mo iyon ng hindi
umaasa sa iba. Walang ibang tutulong sayo sa iyo para makamit ang tagumpay kung
hindi ang sarili mo lamang.

You might also like