Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Gawain 2: Replektibong Sanaysay

Panuto: Panoorin ang bidyo na nasa ibaba. Makinig nang mabuti at unawain upang
makabuo nang mahusay na Replektibong Sanaysay. Isulat ang inyong Replektibong
Sanaysay sa buong papel (drawing book) at gumamit ng wastong estraktura o bahagi
ng Sanaysay at wika.
https://www.youtube.com/watch?v=XQjgtSTAUps&t=268s
Sa Aking Pagtanda (Sulat ni Nanay at Tatay)

‘Mula sa bidyo aking napanood tungkol sa sulat ni Nanay at Tatay na “Sa Aking

Pagtanda” ito ay hango sa tunay na pangyayari sa buhay nating mga tao. Dumaraan

ang bawat isa sa atin sa proseso na mula pagkabata, mag kaedad at tumanda. Ang

mga pangyayari at mga pinag dadaanan natin simula tayo’y ay bata pa ay nakaalalay

sa atin ang ating mga magulang, umaalalay at gumagabay sa atin.

Isinasaad sa bidyo ang pag hingi ng pabor ng magulang sa kanyang anak

upang mas lalo pang maunawaan at maintindihan ang bagay na kanila ng pinag

dadaanan.Nabanggit sa sulat ang mga bagay na nagbago simula ng sila ay tumanda at

magkaedad kung kaya’t nakakaranas ng pagkakamaling hindi naman sinasadya.

Maihahalintulad natin ang mga kaganapan nila ngayong matanda na, noong tayo ay

bata pa na nangangailangan ng kalinga at aruga nila. Nagiging makulit kagaya natin

noong tayo ay bata.

Isang paraan ng pagbabalik natin sa kanila kung ano ang paghihirap at

pagtitiyaga nilang ginawa para tayo ay palakihin, ay gayundin ang pag aalagang gawin

natin kapag sila naman ang nangangailangan ng kalinga natin. Dala dala ng ating

magulang ang pagmamahal mula ng tayo ay isilang nila hanggang sa huling hantungan

ay tayo parin ang nasa isip nila. Hanggang hindi pa huli ang lahat, sila ay karapat dapat

din pag alayan ng pagmmahal at pag aalaga tulad ng unang pinakita nila sa atin.
Gawain 3: Larawang Sanaysay
Panuto: Humanap ng mga larawan na may kaugnayan sa iyong ‘di malilimutang
karanasan sa shs. Gawin itong batayan sa pagbuo ng iyong sariling sanaysay ng
larawan o photo essay.

Unang larawan Ikaapat na larawan

Ikalawang larawan Ikalimang larawan

Ikaanim na larawan

Ikatlong larawan
SANAYSAY
KASIYAHAN MULA SA KARANASAN
Ang mga sumusunod na larawan ay nag papaalala sa akin ng mga karanasan

at kaganapan sa senior high school. Naririto ang mga pangyayari na nagging kasiyahan

ng mga katulad kong mag aaral. Ang pagpasok sa paraalan ay isang pagsubok sa

bawat mag aaral na kahaharapin tuwing sasapit ang umag ng araw, kung minsan ay

tinatamad bumangon upang pumasok at natataon din ang pag ka late sa klase, ngunit

kapag nasa paaralan na doon na nagsisimula ang kasiyahan kasama ang mga kaibigan

at kapwa mag aaral. Mag sisimulang mag turo ang guro, at hindi maiiwasan ang

kaingayan ngunit nandoon parin ang pag katuto ng bawat isa. Bagong kaalaman hatid

ng aming guro para sa lahat, palitan ng ideya at imahinasyon na makadadagdagan sa

diskusyon. Ang mga programang pang paaralan na inaanyayahan ang mga mag aaral

na pumunta sa covered court para makiisa, mainit man at siksikan nandon naman

naming nararanasan maging tunay na estudyante, nag kakasiyahan at natututo sa mga

bagay. Lubos na nakakatuwang isipin ang mga pangyayari at karanasan sa paaralan.

Tunay na napakasayang maging mag aaral, nahihirapan man sa ibang bagay patuloy

parin ang pag katuto mula sa tulong ng aming mga guro, paaralan at maging ng kaming

kamag aral.

You might also like