Professional Documents
Culture Documents
AP4-Q1-W6-Ma'am Ailen Gaviola (Final)
AP4-Q1-W6-Ma'am Ailen Gaviola (Final)
Self-Learning Kit
Araling Panlipunan
Quarter 1 - Week 6
Araling Panlipunan – Grade 4
Self-Learning Kit
Quarter 1 – Week 6
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi
sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin
ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa Self-Learning Kit na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa Self-Learning Kit na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal
na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.
i
Paalaala sa Mag-aaral
Ang Self-Learning Kit (SLK) na ito ay ginawa para malinang ang iyong kakayahan batay sa
Most Essential Learning Competencies (MELC) ng Araling Panlipunan 4, Quarter 1, Week 6. Ito ay
ginawa sa simpleng paraan para madali mong maunawaan ang aralin sa linggong ito. Ito ay binubuo
ng mga sumusunod na bahagi:
Aking Kasama dito ang mga gawain para mabalikan ang mga
Madugtong nakaraang aralin at mahanda ka sa bago
Aking
Kasama dito ang mga gawain at pagsasanay na kailangan
Karagdagang
mong gawin para lalo pang mapahusay ang iyong kaalaman
Magawa
ii
Lesson Title Mga Paraan Upang Mabawasan ang Epekto ng
Kalamidad
Learning Nakapagmumungkahi ng mga paraan upang mabawasan
Competency ang epekto ng kalamidad
MELC Code AP4AAB-Ii-j-12
Aking Nalaman
Panuto: Basahin ang bawat pangungusap. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang
papel.
1. Ano ang tawag sa hindi pangkaraniwang pagtaas ng tubig sa dagat o karagatan dulot ng lakas
ng hanging dala ng bagyo?
A. Tidal wave B. Tsunami C. Storm surge D. Hurricane
2. Ito ay epekto ng naganap na paglindol. Ito ay ang higit sa normal na lebel ng pagtaas ng tubig
sa dagat o karagatan. Ano ito?
A. Tsunami B. Tidal wave C. Bagyo D. Storm surge
3. Bakit mahalagang malaman ang tsunami alert level at ang mga babala ng bagyo?
I. Upang mapaghandaan ang paglikas.
II. Upang makapagplano ng aksiyon na dapat gawin.
III. Upang maging alerto sa mga posibleng hindi magandang mangyayari.
IV. Upang walang mangyaring masama sa sinuman.
A. I at II lamang C. I at III lamang
B. I, II, at III lamang D. I, II, III at IV
4. Ang mga lugar na madalas daanan ng bagyo at may posibilidad sa storm surge ay karaniwang
mga lugar sa ________.
A. baybayin B. kagubatan C. kapatagan D. disyerto
5. Ang DRRMC ang ahensiya na nangangasiwa sa mga pagsasanay para sa kaligtasan ng bawat
mamamayan. Ano ang ibig sabihin ng DRRMC?
A. Disaster Risk Reduction and Management Coordination
B. Disaster Reduction and Risk Management Council
C. Disaster Risk and Reduction Maintenance Council
D. Disaster Risk Reduction and Management Council
6. Ang ________________ ay isang lugar o rehiyon kung saan nakalatag ang maraming
aktibong bulkan at nagaganap ang madalas na mga paglindol.
A. Arctic Circle C. Antartic Circle
B. Pacific Ring of Fire D. Pacific Ring of Water
7. Sa ibaba ay mga positibong implikasyon sa pagiging bahagi ng Pilipinas sa Pacific Ring
of Fire, maliban sa isa?
A. Pagiging resilient o matatag
B. Banta sa buhay at ari-arian
C. Nagtataglay ng likas o natural na harang
D. Naghahatid ng mayamang lupa na mainam sa agrikultura
8. Anong ahensiya ng pamahalaan ang namamahala sa pagkilos ng mga bulkan sa bansa?
A. DOLE B. PAGASA C. PHIVOLCS D. DRRMC
1
9. Anong bilang ang babala ng bagyo na may bilis ng hangin na hindi lalampas sa 60 kph
at inaasahan sa loob ng 36 na oras?
A. Babala bilang 1 C. Babala bilang 2
B. Babala bilang 3 D. Babala bilang 4
10. Sa anong eksaktong lokasyon matatagpuan ang Pilipinas?
A. Timog Asya C. Hilagang Asya
B. Silangang Asya D. Timog-Silangang Asya
Aking Madugtong
Ang mapa ng mundo ay ang pagkakalatag ng bahagi ng ibabaw ng mundo kung saan
makikita ang mga katubigan at kalupaan kasama na ang mga bansa ng bawat kontinente.
Aking Malalaman
2
Ang Pacific Ring of Fire ay isang lugar o rehiyon kung saan nakalatag ang maraming
aktibong bulkan at kung saan nagaganap ang madalas na paglindol.
Dahil sa kinalalagyan ng Pilipinas na isang bahagi ng Pacific Ring of Fire, kailangan ng mga
mamamayan ang mga paraan upang maging maagap sa pagtugon sa mga panganib. Sa tulong ng
iba’t ibang ahensya maaari nating maagapan ang mga sakunang darating sa ating bansa.
Narito ang mga ahensyang namahala sa kapakanan ng mamamayan laban sa mga kalamidad:
A. Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS)
ahensiya na namamahala sa mga pagkilos ng mga bulkan sa bansa, may
humigit-kumulang 22 aktibong bulkan sa Pilipinas.
B. Disaster Risk Reduction and Management Council (DRRMC)
ahensiya na nangangasiwa sa mga pagsasanay para sa kaligtasan ng bawat
mamamayan.
C. Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration
(PAGASA)
ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa mga paparating na bagyo at
ibang kondisyon o kalagayan ng panahon.
Bilang mamamayan kailangan nating alamin ang mga paraan upang maging ligtas sa ano mang
kalamidad na darating.
Mga implikasyon ng pagiging bahagi ng Pilipinas sa Pacific Ring of Fire
Positibo Negatibo
Tao o Mamamayan pagiging resilient o matatag banta sa buhay at ari-arian
Likas na yaman naghahatid ng mayamang lupa na pagkawasak o pagkasira ng kalikasan
mainam sa agrikultura
Teritoryo nagtataglay ng likas o natural na kailangang ilikas ang mga taong
harang nakatira malapit sa bulkan sa tuwing
magbabadya ito ng pagsabog
3
Mga dapat gawin upang makaiwas sa sakunang dulot ng paglindol, kung ikaw ay nasa:
Loob ng paaralan o gusali:
Duck, cover and hold
Kung malapit ka sa tabing-dagat, lumikas sa mataas na lugar dahil maaaring magkaroon ng tsunami.
Ang tsunami ay epekto ng nagaganap na paglindol, ito ay ang madalas na pagtaas ng tubig sa
normal na lebel.
4
Ang storm surge ay ang hindi pangkaraniwang pagtaas ng tubig sa dagat o karagatan dulot
ng lakas ng hanging dala ng bagyo. Sa ganitong pagkakataon kailangang:
Gumawa ng plano ng paglikas.
Lumikas sa mataas na lugar.
Lumayo sa mga lugar malapit sa tabing-dagat.
Tumutok sa radyo at telebisyon upang alamin ang mga babala ng bagyo.
Mga babala ng Bagyo at ang mga dapat gawin upang maiwasan ang epekto nito
Signal No. 1
Ang bilis ng hangin ay hindi lalampas sa 60kph at inaasahan sa loob ng 36 na oras.
Tiyakin ang seguridad at kaligtasan ng inyong tahanan sakaling lumakas ang bagyo
Signal No. 2
Ang bilis ng hangin ay nasa 61 hanggang 100 kph at inaasahan sa loob ng 24 na oras.
Signal No. 3
Ang bilis ng hangin ay nasa 101 hanggang 185 kph at inaasahan sa loob ng 18 oras.
Signal No. 4
Ang bilis ng hangin ay mahigit sa 185 kph at inaasahan sa loob ng 12 oras.
5
Ang hazard map ay nagpapakita ng mga lugar na mapanganib sa baha, bagyo, at storm
surge. Ang mga lugar na mapanganib sa bagyo ay ang mga lugar na nasa baybayin sa iba’t ibang
bahagi ng bansa samantalang ang mga lugar na mapanganib sa pagbaha ay karaniwang
matatagpuan sa gitna ng kapuluan. Ito ay ang mabababang lugar.
Ayon sa PAGASA, humugit-kumulang sa 20 bagyo ang dumaraan sa bansa bawat taon.
Aking Masubukan
A. Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang mga sagot.
6
2. Ano ang mga dapat gawin kapag lumilindol? _______________________
3. Tumutukoy sa babala ng bagyo kung saan ang bilis ng hangin ay
mahigit sa 185 kph at inaasahan sa loob ng 12 oras. _________________
4. Ito ang tsunami alert level kung saan kinakailangan ang madaliang
Paglikas. ___________________
5. Isang lugar o rehiyon kung saan nakalatag ang maraming
aktibong bulkan at kung saan nagaganap ang madalas na paglindol. __________
6. Positibong implikasyon na dulot sa mga tao o mamamayan. _____________________
7. Ipinagbabawal na ang paglalayag ng mga sasakyang pandagat at paglipad
ng mga sasakyang panghimpapawid. _________________________
8. Ang bilis ng hangin ay nasa 101 hanggang 185 kph at inaasahan sa loob ng 18
oras. ______________________
9. Ang bilis ng hangin ay hindi lalampas sa 60kph at inaasahan sa loob ng 36 na
oras. ___________________________
10. Ito ang tsunami alert level na hindi kailangan ang paglikas. ___________
2. PAGASA
3. PHIVOLCS
Aking Tayahin
A. Panuto: Ayusin ang mga jumbled letters sa bawat bilang upang mabuo ang
mga konseptong iyong napag-aralan.
7
4. Mahalagang malaman ang (NMSTUAI LTRAE VLLEE) ________________at mga
babala ng bagyo upang mapaghandaan ang paglikas o ano mang aksiyon na dapat gawin.
5. Ang mga lugar na madalas daanan ng bagyo at may posibilidad sa storm surge ay
karaniwang mga lugar sa (YYAABBIN) _____________.
7. Ang duck, cover, and hold ay mga bagay na dapat tandaan upang maiwasan ang mas
masamang epekto ng (INDOLL)__________________.
9. Ang Pacific Ring of Fire ay isang lugar o rehiyon kung saan nakalatag ang maraming
aktibong (ULBAKN)_________________ at kung saan nagaganap ang madalas na mga
paglindol.
__________1. Si Ana ay nakikinig ng radyo upang malaman ang tsunami alert level
at mga babala ng bagyo. Lagi niya itong ginagawa upang
mapaghandaan ang paglikas o ano mang aksiyon na dapat gawin.
8
Aking Karagdagang Magawa
1. Ano ang iyong maaaring gawin upang maging ligtas sa anumang sakuna?
2. Bilang isang mag-aaral, paano ka makatutulong upang mabawasan ang hindi magandang
epekto ng kalamidad?
Susi sa Pagwawasto
9
Aking
AkingMasubukan
Nalaman
A.
1. Karagdagang
Aking positibo at negatibo
Magawa
1. C
2. duck, cover and hold
Tanggapin2. ang
3. Signal ANo.
iba-ibang
4 sagot
ng 4. bata D Alert level 3
3.
mgaTsunami
4. ARing of Fire
5. Pacific
5. D resilient o
6. pagiging
6. B
matatag
7. BNo. 2
7. Signal
8. CNo. 3
8. Signal
9. ANo. 1
9. Signal
10. D Alert Level 0
10. Tsunami
B.
DRRMC – Disaster Risk
Reduction and Management
Council
PAGASA – Philippine
Atmospheric Geophysical and
Astronomical Services
Administration
PHIVOLCS – Philippine
Institute of Volcanology and
Seismology
10
Sanggunian
https://www.youtube.com/watch?v=LcxGNs_ql6c&feature=share
https://www.youtube.com/watch?v=cHXSRcwq6p4&feature=share
youtube video (mga aktibong bulkan sa Pilipinas)
https://www.youtube.com/watch?v=cHXSRcwq6p4&feature=share
11
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VII
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF DANAO CITY
Prepared by:
AILEN R. GAVIOLA
Writer
Contact No: 09453595000
Email Account: ailen.gaviola@deped.gov.ph
FB Account: Ailen Roble Gaviola
12
Susi ng Pagwawasto:
Aking Tayahin:
A.
1. Earthquake Drill
2. storm surge
3. tsunami
4. Tsunami Alert Level
5. baybayin
6. hazard map
7. lindol
8. bagyo
9. bulkan
10. kapuluan
B.
1.
2.
3.
4.
5.
13