Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ako ay Magiging Matapat

Si Judy ay isang mag-aaral sa Baitang 5, palagi siyang nangunguna


sa kanilang klase mula kinder hanggang sa kasalukuyan. Dahil sa
kaniyang taglay na kasipagan, siya rin ang naatasang maging pangulo ng
samahan ng mga mag-aaral sa kanilang paaralan. Mas nakilala siya dahil
palagi siyang ipinapadala ng paaralan upang makipagtagisan ng talion sa
anumang paligsahang pang-akademiko at maging sa pampalakasan.
Madalas siyang umuuwi nang may bitbit na karangalan kaya lubos
siyang pinagmamalaki ng mga guro at ng kaniyang mga kamag-aral.
Pinagbubuti niya ang pag-aaral para mapanatili niya ang pagiging
pinakamahusay sa klase.
Isang araw, nagpagawa ng isang proyekto ang kanilang gurong Si
Ginoong Rogelio. Nagpagawa ito ng isang dayorama ng isang istraktura
sa paaralan gamit ang karton. Nasabik at labis na natuwa si Judy sa
gagawing proyekto, kaya’t nang makauwi ay agad-agad niya itong
sinimulan. Napakaganda at kitang-kita ang pagiging malikhain sa
ginagawa niyang dayorama. Hating-gabi na nang matapos niya ang
gawain, ngunit nalimutan niyang gawin ang kaniyang takdang-aralin sa
Filipino. Nais ng kanilang guro na magsulat ng sariling sanaysay ukol sa
pagiging matapat. Dahil sa pagod at kakulangan sa oras, napagpasiyahan
niyang sumipi na lamang ng sanaysay ukol sa paksa gamit ang internet.
Mabilis niyang natapos ang gawain at agad na natulog.
Kinabukasan, humanga ang kaniyang gurong tagapayo sa ipinasa
niyang dayorama samantalang napuna ng kaniyang guro sa Filipino na
ang kaniyang ginawang sanaysay ay hindi orihinal at kaniya lamang
sinipi dahil sa ilang mga impormasyon na hindi niya nagawang baguhin
dahil sa kaantukan.
Matapos ang klase ay binilinan si Judy ng kaniyang guro na
maiwan upang makausap. Agad niyang ipinaliwanag sa kaniyang guro
ang nangyari. Humingi siya ng tawad at nangakong hindi na muli uulitin
ang ginawa at magiging tapat na sa kaniyang mga gawain sa lahat ng
oras at pagkakataon.
Tanong:
1. Sino ang mag-aaral sa kuwento? Ilarawan mo.
2. Anong proyekto ang kaniyang gagawin?
3. Bakit hindi niya nagawa ang takdang-aralin sa Filipino?
4. Sang-ayon ka ba sa sa kaniyang ginawang desisyon upang
makapagpasa ng takdang-aralin? Bakit?

You might also like