Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ako’y Magiging Matapat

Si Judy ay isang mag-aaral sa Baitang 5, palagi siyang nangunguna


sa kanilang klase mula kinder hanggang sa kasalukuyan. Dahil sa
kaniyang kasipagan, siya rin ang naastasang maging pangulo ng
samahan ng mga mag-aaral sa kanilang paaralan. Mas nakilala siya dahil
palagi siyang pinapadala ng paaralan upang makipagtagisan ng talino at
pampalakasan. Kailanman ay hindi siya umuwi ng walang bitbit na
karangalan kaya lubos siyang pinagmamalaki ng mga guro at ng
kanyang mga kamag-aral. Pinagbubuti niya ang pag-aaral para
mapanatili niya ang pagiging pinakamahusay sa klase.
Isang araw, nagpagawa ng isang proyekto ang kanilang gurong si
Ginoong Rogelio. Nagpagawa ito ng isang dayorama ng isang istraktura
sa paaralan gamit ang karton. Nasabik at labis na natuwa si Judy sa
gagawing proyekto, kaya’t nang makauwi ay agad-agad niya itong
sinimulan. Napakaganda at kitang-kita ang pagiging malikhain sa
ginagawa niyang dayorama. Hating-gabi na nang matapos niya ang
gawain, nang kaniyang maalala ang takdang-aralin na ipinagawa ng
kaniyang guro sa asignaturang Filipino, nagpasulat ito ng isang sanaysay
ukol sa pagiging matapat. Dahil sa pagod at kakulangan sa oras, ay
napagpasyahan niyang sumipi na lamang ng sanaysay ukol sa paksa
gamit ang internet. Mabilis niyang natapos ang gawain at agad na
natulog.
Kinabukasan, humanga ang kanyang gurong tagapayo sa ipinasa
niyang dayorama samantalang napuna nito na ang kanyang ginawang
sanaysay ay hindi orihinal at kanya lamang sinipi dahil sa ilang mga
impormasyon na hindi niya nagawang baguhin dahil sa kaantukan.
Matapos ang klase ay pinaiwanan si Judy ng kaniyang guro. Agad
niyang ipinaliwanag sa kanyang guro ang nangyari. Humingi siya ng
tawad at nangakong hindi na muli uulitin ang ginawa at magiging tapat
na sa kanyang mga gawain sa lahat ng pagkakataon.

Tanong:
1. Sino sino ang napagkatiwalaan na mamuno sa gagawing
proyekto sa klase ni G. Javier?
2. Anong proyekto ang kanilang gagawin?
3. Bakit hindi maituturing na tapat sa gawaing proyekto sa
pampaaralan ang ginawa ni Judy?
4. Kung ikaw ay kasamahang miyembro, sasang-ayon ka ba sa
ginawa ni Judy? Bakit?

You might also like