Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Luha sa Likod ng Saya

Sa pag daan ng mga araw, marami na nga ang nagbago at magbabago. Sa pag lisan ng punong guro sa
Ulip National High School tila hindi nga matatawaran ang kanyang serbisyo at sakripisyo sa paaralan ni
Gng. Alrey E. Callao. Hindi maitangi ang saya na kanyang nadarama ng malaman niyang na promote siya
bilang Assistant School Principal 2 unti-unti na nga niyang natutupad ang matagal na niyang minimithi.

Strikto, ang tingin sa kanyang karamihan sa pagkagusto niyang walang mali at maayos ang lahat. Sa
dedikasyon niya sa trabaho unti-unti na nga itong nagbubunga. Malayo pa, pero malayo na.

Hindi rin matatawaran ang nagawa ni Gng. Callao sa Ulip National High School, kahit na hindi naging
madali ay nagawa niya pa ring mas mapaunlad at mapalago ang paaralan sa tulong na rin ng kanyang
mga kapwa guro na kahit hindi niya madalas nakikita ay nakasuporta lang sa kanya. May halong lungkot
man ang nadarama nila sap ag lisan niya sa kabilang banda masaya naman ito sa promosyon na nakamit
niya.

Gayunpaman, may halong kaba sa dibdib ang nararamdaman ni Gng. Callao sa pagtahak niya sa
panibagong landas na kanyang tatahakin kasama ang hindi pamilyar na mga mukha at ugali.

Mahirap at hindi naging madali sa kanya ang pag iwan sa tahanang kanyang kinagisnan subalit upang
matuto sa buhay kinakailangan gumalugad ng panibagong karanasan at maging matapang.

Maraming mang nangyari sa nag daang 4 na taon, may saya , iyakan, tampuhan, at awayan ngunit sa
bandang huli ang mas mahalaga natututo at nagpapatawad, sapagkat yun ay parte lamang ng proseso
ng buhay.

You might also like