Soslit Tula

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Arjay L. Peñ a BSSW 1 SOSLIT G.

Mendoza

“Isang Hangarin”

Paanyaya na ba ito ng tadhana?


Ito ba’y saakin ay nakatalaga?
Kung ito na nga ang hinihintay-hintay,
Hangarin ko ang Iyong pagpapatnubay.

Itong nasilayan ko ay karangalan;


Ito’y sumisimbolo ng katapangan.
Sa kanilang tindig masid na ang lakas,
Anumang hamon ay hindi umaatras.

Taglay sa puso nila ang integridad;


Katarungan nila’y responsibilidad.
Ang magsinungaling, mandaya’t magnakaw,
Ito’y hindi nila pahihintulutan.

Higit sa lahat, katapatan ay likas.


Buhay ay alay sa bansang Pilipinas.
Handa silang lumaban kung kailangan,
Protektahan lamang ang sangkatauhan.

Nang sila’y aking pagmasdan nang lubusan,


Diwa ko’y humanga at naliwanagan.
Banggit ng puso kong umuudyok sakin,
“Gusto kong tulad nila na magigiting.”

You might also like