Aralin 4: Diyalogo NG Mga Tauhan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Aralin 4: Diyalogo ng mga Tauhan

Aginaldo ng mga Mago


Sinulat ni O. Henry
Isinalin sa Filipino ni Rufino Alejandro

Piso at walampu’t pitong sentimos. Iyan lang. At ang animnapung sentimos nito
ay barya. Makaitlong bilangin ni Della. Piso at walumpu’t pitong sentimos.

At kinabukasan noon ay Pasko.Talagang wala nang dapat gawin kundi


sumalagmak sa munting gusgusing sopa at magpalahaw. Kaya’t iyon nga ang ginawa
ni Della.

Tinapos ni Della ang kanyang pag-iyak at hinarap ang kanyang mga pisngi.
Siya’y nagpulbos. Tumayo siya sa tabi ng bintana at matamlay na pinagmasdan ang
isang abuhing pusang nanunulay sa isang abuhing bakod sa abuhing likod bahay.

Kinabukasan noon ay araw ng Pasko at ang pera niya’y wala kundi piso at
walumpu’t pitong sentimos lamang para ipambili ng pang-aginaldo kay Jim. Kung ilang
buwan siyang nagtabi ng pera-pera at ito ang kanyang natipon. Gaano ba naman ang
itatagal ng kitang dalawampung piso isang linggo! Naging malaki ang kanyang mga
gastos kaysa kaniyang inaasahan. Laging gayon ang nangyayari. Piso at walumpu’t
pitong sentimos lamang na pambili ng aginaldo para kay Jim. Sa kanyang Jim.
Maraming oras ang ginugol niya sa pag-iisip ng isang magandang pang-aginaldo kay
Jim. Isang pang-aginaldong maganda, pambihira at yari sa pilak – yaong maaari nang
sabihing karapat-dapat ariin ni Jim.

Kagyat siyang pumihit at nilisan ang bintana at humarap sa salamin.


Nagniningning ang kanyang mga mata, datapwa’t dalawampung segundong nawalan
ng kulay ang kanyang pisngi. Maliksi niyang inilugay nang puspusan ang kanyang
buhok.

Ang mag-asawang James at Della Dillingham Young ay may dalawang ari-ariang


ipinagmamalaki nila nang labis. Ang isa’y gintong relos ni Jim na minana niya sa
kanyang ama at sa ama ng kanyang ama. Ang isa pa ay ang buhok ni Della.At ngayo’y
nakalugay ang magandang buhok ni Della, alon-alon at kumikislap na parang buhos ng
kayumangging tubig sa isang talon. Abot hanggang sa ibaba ng kanyang tuhod at
mistulang pananamit na niya. At pagkatapos ay maliksing pinusod niyang muli na
nangangatog pa ang kanyang mga kamay. Minsan siyang natigilan samantalang
dalawang patak na luha ang tumulo sa gasgas na pulang karpet sa sahig.

Isinuot ang kanyang lumang dyaket na kulay kape: isinuot ang kanyang lumang
sombrerong kulay-kape rin. Umalembong ang kanyang saya at nagkikinang ang
kanyang mga mata nang siya’y humagibis na papalabas sa pintuan, manaog at
lumabas sa lansangan.

Sa tapat ng hinintuan niya ay may karatulang ganito ang mababasa: “Mme.


Sofronie. Lahat ng Uri ng Kagamitang Yari sa Buhok.” Patakbong pumanhik si Della sa
unang hagdanan at saka naghinto upang bigyang-panahon ang kanyang paghingal.

“Gusto ba ninyong bilhin ang aking buhok?” ang tanong ni Della.“Bumibili ako ng
buhok,” sabi ng Madame. “Alisin mo ‘yang sombrero mo’t nang makita ko ang hitsura
niyan.” ni Della ang alon-alon niyang buhok.

“Beinte pesos.” Ang wika ng Madame, habang iniaangat ng sanay na kamay ang
makapal na buhok. “Bayaran n’yo ako agad,” ang wika ni Della.
O, at ang sumunod na dalawang oras ay masayang nagdaan. Hindi pala. Sa
loob ng dalawang oras na sumunod ay walang ginawa si Della kundi ang halughugin
ang mga tindahan sa paghahanap ng maipang-aaginaldo kay Jim.

Sa wakas ay nakakita siya. Talagang bagay na bagay kay Jim. Parang


ipinasadya. Walang ibang tindahang mayroon noon. Isang magandang kadenang
platino, na ang disenyo ay simpleng-simple ngunit nakaaakit. Sa tingin lamang ay
talagang makikilalang mamahalin. At sadyang karapat-dapat sa relos. Pagkakitang-
pagkakita niya sa kadenang iyon ay sumaksak agad sa loob niya ang bagay na iyon
kay Jim.
Katulad na katulad nito – mahinhin at mahalaga. Dalawampu’t isang piso ang
ipinabayad nila roon sa kanya at nagmamadali siyang umuwi, dala ang dalawampu’t
pitong sentimos na natitira. Kapag nakabit na ang kadenang iyon sa kanyang relos ay
pihong madalas na titingnan ni Jim ang oras sa harap ng kaniyang mga kaibigan.

Bagaman sadyang maganda ang relos, palihim kung ito’y dukutin ni Jim upang
tingnan ang oras dahil sa lumang katad na nakakabit.

Nang dumating ng bahay si Della, minabuti niya ang gumawa ng kaunting pag-
iingat. Kinuha niya ang kanyang pangulot at pinainit ang kalan at kinumpuni ang
kasiraang nilikha ng pag-ibig na pinalubha pa ng kagandahang loob.

Nang alas-siyete na’y handa na ang kape at ang pagpiprituhan ng karne.Si Jim
ay hindi kailan ginagabi ng dating. Kinuyom ni Della ang kadena sa kanyang palad at
naupo sa sulok ng mesang malapit sa pintong laging dinaraanan ni Jim.

Narinig niya ang mga yabag ni Jim sa unang hagdanan, at siya’y namutlang
sandali. Ugali na niya ang magdasal nang kaunti patungkol sa mumunting bagay na
nangyayari sa araw-araw at ngayo’y bumulong siya ng ganito, “O Poong Diyos,
marapatin Mo pong sabihin niya na ako’y maganda pa rin.”

Bumukas ang pinto at pumasok si Jim at pagkatapos ay isinara uli iyon. Parang
nangayayat siya at ang mukha niya’y walang bakas ng kagalakan. Kawawa naman!

Dadalawampu’t dalawang taon lamang siya at nag-iintindi na dahil sa kanyang


pamilya! Kailangan niya ang isang bagong damit na pang-ibabaw at wala pa rin siyang
guwantes.

Pumasok si Jim at walang katinag-tinag. Ang mga mata niya’y nakapako kay
Della at ang tingin niya’y nakapagpangilabot sa babae. Hindi naman galit, ni pagtataka,
ni pagpipintas, ni hilakbot, ni ang alin man sa mga simbuyong pinaghahandaan na ni
Della. Basta’t nakatitig si Jim sa kanya na ang mga mata’y nagpapahayag ng isang
damdaming hindi mahulaan.

Maingat na bumaba si Della mula sa mesang kaniyang kinauupuan at lumapit


kay Jim.

“Jim, mahal ko,” ang wika niya, “huwag mo sana akong masdan nang
papaganyan. Ipinaputol ko ang aking buhok at ipinagbili sapagkat hindi na ako
makatatagal pa hanggang sa isang Pasko kung hindi kita mabibigyan ng isang
aginaldo. Ito nama’y hahaba uli – huwag ka sanang magagalit ha, ha? Talagang
kinailangang gawin ko iyon. Malakas namang humaba ang aking buhok. Hala, sabihin
mong Maligayang Pasko, Jim at tayo’y magsaya. Hindi mo nalalaman kung gaano
kaganda ang aginaldong binili ko para sa iyo.”

“Pinutol mo ang iyong buhok?” ang tanong ni Jim na parang naghihirap ng


pagsasalita. “Ipinaputol ko at ipinagbili,” ang wika ni Della. “Hindi ba gusto mo rin ako
kahit na putol ang aking buhok?” Dinukot ni Jim ang isang balutan sa kaniyang bulsa at
inihagis sa mesa.
“Huwag ka sanang magkakamali tungkol sa akin, Della,” ang wika. “Sa palagay ko’y
walang makababawas sa aking pagkagusto sa aking giliw dahil sa buhok o sa
pabango, o ano pa man. Datapwat kung bubuksan mo ang pakete ay mauunawaan mo
kung bakit ako nagkagayon noong bagong dating ako.”

Ang balutan ay pinunit ng mapuputi at magagandang daliri. At isang malakas na


tili ng galak, at pagkatapos ay – isang hagulgol na sinasabayan ng pagdaloy ng
masaganang luha.

Pagkat ang dala ni Jim para sa kanya ay mga suklay – isang huwego ng mga
suklay na malaon nang inaasam-asam ni Della mula nang ang mga iyon ay makita niya
sa isang bintana ng tindahan sa Broadway. Idinaiti niya ang mga yaon sa kanyang
dibdib, at sa wakas ay naitaas niya ang kanyang paninging hilam sa luha ang winika,
“Malakas humaba ang buhok ko, Jim.”

At si Della’y lumuksong animo’y isang pusang napaso, at ang sabi, “Oh! Oh!”
Hindi pa nakikita ni Jim ang magandang aginaldo sa kanya. Iniabot iyon ni Della sabay
pagbubukas ng kanyang palad. Ang mahalagang metal ay kinang na gaya ng apoy ng
kanyang kaluluwa.

“Hindi ba maganda, Jim? Hinalughog ko ang buong bayan para lamang makita
ko iyan. Pihong matitingnan mo na ngayon ang oras kahit makasandaang beses
maghapon. Akin na ang relos mo. Tingnan ko lamang kung gaano kaganda kung
maikabit na ang kadena.”

Sa halip ng ibigay ang hinihingi, si Jim ay nagpatihiga sa sopa at iniunan ang


kanyang ulo sa kanyang mga palad, at saka ngumiti.

“Dell, itabi muna natin ang ating mga pang-aginaldo at itago natin ng ilang araw.
Sayang na gamitin agad ngayon ang mga iyon. Ang relos ay ipinagbili ko para maibili
ng mga suklay para sa iyo. Mabuti pa’y prituhin mo na ang karne.”
Gaya ng alam na ninyo, ang mga Mago ay mga taong marurunong –
napakarurunong – at sila ay nagdala ng mga alay sa Sanggol sa sabsaban. Sila ang
may imbento ng pagbibigay ng mga aginaldo kung Pasko. Palibhasa’y marurunong,
pihong ang kanilang mga alay sa Sanggol ay may magagandang kahulugan, marahil ay
yaong maaaring ipakipagpalitan kung sakaling magkakapareho. At dito’y pinag-inutan
kong isalaysay sa inyo ang simpleng kasaysayan ng dalawang hangal na bata na
nakatira sa isang abang tahanan, na buong talinong nagsakripisyo para sa isa’t isa
kahit na mawala ang lalong mahalagang ari-ariang ipinagmamalaki ng kanilang
tahanan.

Ngunit parang huling paalala sa marurunong ng ating kapanahunan, dapat


sabihin dito na sa lahat ng nagbigay ng aginaldo, ang dalawang ito ay siyang
pinakamarunong. Sa lahat ng nagbigay at tumanggap ng aginaldo, sila ang
pinakamarunong. Sila ang pinakamarunong sa lahat ng dako. Sila ang mga Mago.

Ang diyalogo ang nagsisilbing daan upang ang bawat isa sa atin ay magkaroon ng
ugnayan. Ito ang tumutulong sa atin para maibahagi natin ang mga bagay-bagay o
kaalaman na gusto nating iparating sa ating kapwa. Sa pamamagitan nito, madali
nating naipararating sa ating kapwa ang mga gusto nating ipahiwatig at mga
nararamdaman.
Sa kuwentong “Aginaldo ng mga Mago”, mapapansin natin ang kasiningan sa
pagpapahayag ng diyalogo ng mga tauhan. Ito ang nagpapaganda sa usapan at daloy
ng mga pangyayari sa kuwento. Kaya mahalaga ito sa bawat kuwento.
Gawain: Punan mo!
Panuto: Punan ng angkop na salita ang mga patlang na nasa diyalogo nina Jolo at
Xia. Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon na nasa ibaba.
Pramis, Huli na “To

Xia: Jolo,1. _____________ kong 2.___________ ang 3.___________ mo ng madaling


araw.

Jolo: Ha? Uhh, ano kasi, marami kasing 4. __________ na binigay ang 5._________
namin.

Xia: Ganun ba? Bakit si Stephen, hindi naman 6.____________ at inaabot ng


7.____________?

Jolo: (Namumutla at halatang kabado) Xia, ang 8.___________, inaabot ako ng


madaling araw sa café sa 9._______________ ng computer.

Xia: Naku Jolo, 10.______________ ka niyan sa 11.___________ mo.

Jolo: Wag mo naman akong 12. ______________ Xia. Pramis, huli na ‘to. Di na ako
uulit.

Xia: Pramis? Sige basta 13._____________ ka na diyan sa


14. _________________ mo.

Jolo: OO Xia, 15.____________ ka. Hinding-hindi na talaga.

madaling araw tumigil kalalaro isumbong

kinahihiligan maniwala napapadalas lagot

napansin pag-uwi proyekto guro

ginagabi totoo mama

Buuin mo!

Panuto: Pag-aralan mo ang paksa sa sumusunod na usapan at pagkatapos ay bumuo


ka ng sariling pangungusap upang mabuo ang diyalogo. Sikaping gumamit ng masining
na mga salita.

Usapan # 1

Egay: Nabalitaan mo ba ang napipintong giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine?


Evelyn:
________________________________________________________________
Egay: Sana ay making sila sa pakiusap ng United Nations.
Evelyn:
________________________________________________________________
Usapan # 2

Rowena: Mare, ano ba ‘yung sinasabi nila na makakalikasang pamumuhay?


Jelly: ________________________________________________________________
Rowena: Ah! Kahit paano pala ay nakatulong ako sa kalikasan natin. Nagdadala ako ng
sariling eco bag.
Jelly: ________________________________________________________________

Usapan # 3

Benjie: Pare, nabalitaan mo na ba na namatay na ang kumpare nating si Joel?


Ken: ________________________________________________________________
Benjie: Kaya iwasan na rin natin ang pag-inom. Mabuti pa, mag-basketball tayo o mag-
exercise
Ken: ________________________________________________________________

Mga Salitang Magkatulad


at Magkaugnay ang Kahulugan
Ang maikling kwentong “Aginaldo ng mga Mago” ay may pagkakaugnay sa kuwento ng
Bibliya tungkol sa tatlong taong marurunong na mas kilala sa tawag na tatlong hari. Ito
ay mababasa sa Ebanghelyo ni Mateo (Mateo 2:1-12). Ang tatlong taong maalam na ito
ay nag-alay ng mga regalo sa isang sanggol na isinilang sa isang sabsaban. Ayon sa
kasaysayan, sa kanila nagsimula ang kaugalian natin na magbibigay ng regalo tuwing
Pasko.

Aginaldo ng mga Mago


Sinulat ni O. Henry
Isnalin sa Filipino ni Rufino Alejandro

Si Jim Dillingham Young at ang kanyang kasama sa buhay na babaeng si Della


ay mag-asawang may labis na pag-ibig sa bawat isa, subalit hindi nila halos maabot
ang halaga ng arkila para sa kanilang apartamentong may iisang silid lamang dahil sa
labis na kalagayang pangkabuhayan. Isa itong tirahang katabi ng nakaangat na riles ng
tren. Para sa Pasko, nagpasya si Della na ibili si Jim ng isang tanikala para sa
pinahahalagan nitong orasang pambulsa na bigay pa ng ama nito. Nagkakahalaga ng
dalamwampung dolyar ang tanikala. Para makalikom ng salaping may ganoong halaga,
ipinaputol ni Della at ipinagbili ang kanyang pinahahalagahang mahabang buhok na
umaabot sa kanyang tuhod. Ibinenta niya ito sa tagagupit para magawang peluka ng
ibang tao. Samantala, nagpasya naman si Jim na ipagbili ang kanyang orasan para
maibili si Della ng magandang mga pangkat ng suklay na yari pa sa mga kabibe ng
pawikan, para magamit ni Della sa kaniyang mahabang kayumangging buhok.
Bagaman kapwa sila nalungkot dahil nawalan ng saysay ang kanilang mga alay para
sa isa't isa, nakuntento namang ang bawat isa sa mga natanggap nilang mga handog,
dahil kumakatawan ang mga ito sa kanilang pagmamahalan bilang mag-asawa. Mas
nakahihigit ang kanilang di-makasariling pag-ibig sa isa't isa kaysa kanilang mga ari-
arian.
PAGSUSURI
Katulad ng kuwento sa Bibliya, kung saan ang tatlong taong maalam ay sinundan ang
direksyon ng bituin para mahanap ang sanggol na si Hesus at isang mahabang
paglalakbay ang kanilang isinakripisyo para lamang masilayan at mahandugan ng
regalo ang batang Hesus.
Dito sa maikling kuwentong “Aginaldo ng mga Mago”, binigyang- diin ang
sakripisyong ginawa ng mag-asawang Jim at Della para lamang mabigyan ng regalo
ang isa’t isa. Ang mahaba at magandang buhok ni Della ay kanyang ipinaputol at
binenta para lamang mabilhan ng isang magandang kadenang platino ang relos ng
asawang si Jim dahil lumang katad lamang ang nakakabit sa relos nito.
Sa isang banda naman, ibinenta ni Jim ang kanyang minanang relos mula sa ama
upang mabili ang isang huwego ng mga suklay na matagal ng inaasam-asam ng
asawang si Della.
Isinakripisyo nila ang tanging yaman na meron sila para lamang mapasaya ang
isa’t isa ngunit kabaliktaran ang nangyari. Hindi na magagamit ni Jim ang regalo ni
Della sa kanya dahil wala na sa kanya ang relos at hindi na rin magagamit ni Della ang
regalo ni Jim sapagkat maigsi na ang kanyang buhok.
Ipinakita sa kuwento ang simpleng kasaysayan ng dalawang taong nagsakripisyo
para sa isa’t isa kahit na mawala sa kanila ang mahalagang pag-aari nila. Kaya naman,
sila ang maituturing na marurunong na mga mago sa lahat ng nagbibigay ng mga
regalo.
MAGKAKATULAD AT MAGKAKAUGNAY NA KAHULUGAN
Pansinin ang mga salitang nakasulat nang pahilig. Ang salitang ipinagbili at
ibinenta, alay at handog ay mga salitang magkatulad at magkaugnay ang kahulugan.
Maraming mga salita sa Filipino ang may pagkakapareho ng kahulugan. Ngunit kahit
magkatulad at magkaugnay ang kahulugan ng mga ito, naaayos naman nito ang antas
o tindi ng kahulugan.
Halimbawa nito ay ang mga salitang pag-ibig, pag-irog, pagsinta at pagmamahal.
Ang mga salitang ito ay magkakaugnay ang kahulugan ngunit kapag mas inayos sa
tindi ng kahulugan, nagsisimula ito sa pinakamagaan hanggang sa pinakamatinding
kahulugan. Kung gagamitin ang bilang 1-4, ito ang magiging ayos: 1. pagsinta, 2. pag-
irog, 3. pagmamahal at 4. pag-ibig.
Gawain: Gamitin mo!

Panuto: Piliin sa loob ng mga bilohaba ang angkop na kahulugan ng mga salita.
Pagkatapos, gamitin ito sa pangungusap.

abubot dekorasyon
1. palamuti

________________________________________________________________

ipinaalam isinangguni
2. ipinabatid

________________________________________________________________

3. napagwagihan napagtagumpayan nalampasan

________________________________________________________________

4. nagpatirintas nagpasalapid nagpapusod

________________________________________________________________

kagulat-gulat Kataka-taka
5. kagimbal-gimbal

Gawain: Ayusin mo!

Panuto: Ayusin ang mga salita ayon sa antas o tindi ng kahulugan. Gamitin teknik ng
pagkiklino.
A.
Kagunggungan
Kahangalan
Kabaliwan
kalokohan
B.
Galit
Muhi
poot
ngitngit
C.
Kinupkop
Inaalagaan
Tinangkilik
Kinalinga

D. Hapis
Lungkot
Pighati
Lumbay

Pakikipag-ugnayang Pandaigdig
Ang Aralin ay tungkol sa pakikipag-ugnayang pandaigdig. Sa pakikipag-ugnayan sa
ibat-ibang lugar, napakalaki ng tungkulin ng mass media sa kasalukuyan. Ang
pinakasikat sa ngayon ay ang facebook. Walang pinipiling edad ang gumagamit ng
gadyet na ito. Sa pamamagitan ng facebook ay nakakausap mo ang iyong mga kakilala
at kaibigan kahit anong layo ninyo sa isa’t isa. Ang pag-aaral sa mga panitikan ng ibang
bansa ay isa ring paraan upang malaman natin ang kanilang kultura.

Ang panonood ng teleserye na pagmamay-ari ng ibang bansa ay nakatutulong din


sa pakikipag-ugnayang pandaigdig. Karamihan sa kabataan ngayon ay di nagpapahuli
sa mga Korean nobela. Walang masama kung nalululong kayong mga mag-aaral, ang
mahalaga ay marunong kayong magpahalaga sa kultura ng iba.
Ang social media ang nagsisilbing tulay upang ang mga taong magkalayo ay
magkakaroon ng koneksyon sa isa’t isa. Sa pamamagitan ng internet, madali tayong
makakakalap ng mga impormasyon at mahalagang kaalaman. Ito ay may mabuting
dulot sa atin ngunit mayroon ding masamang hatid kapag sumobra na ang paggamit
ditto.

Karamihan na sa mga tao sa buong mundo ay gumagamit ng Cellular Phone.


Parang kakabit na ito ng buhay ng tao. Ito ang nagkokonekta sa atin sa mga pamilya at
kaibigan natin na sa ibang probinsiya at bansa. Nagsisilbi itong tulay upang mapaabot
ang mensahe ng bawat indibidwal na magkalayo.

Huli ka sa pagbabago kung wala kang Facebook Account. Sa pamamgitan ng


facebook, nakikita natin ang mga kaganapan sa buhay ng mga tao sa iba’t ibang dako
ng daigdig. Isa lamang ito sa mga social media app na ginagamit sa kasalukuyan ng
karamihan sa sandaigdigan.

SOCIAL MEDIA
Narito ang ibat- ibang application na ginagamit sa social media:
1. Blog. Pinaikling salita ng weblog na naglalaman ng mga komentaryo o balita ukol sa
ilang mga paksa. Para sa ilan, ito ay ginagamit para gawing online diary (talaarawang
nasa internet).
2. Twitter. Ito ay microblogging na serbisyo na nagbibigay kakayahan sa gumagamit
nito na magpadala at absahin ang mga mensahe na kilala bilang tweets.
3. Youtube. Sa pamamagitang ng multimedia sharing na ito, maaari mong ibahagi
ang mga video at nagbibigay-daan para sa mga gagamit (user) nito na mag-upload,
makita at ibahagi ang mga video clips. Ang mga videong ito ay maaari mong husgahan
ayon sa dami ng likes at ang dami ng mga nakanood ay parehong nakalalathala.
4. Friendster. Nakatuon ito sa pagtulong sa mga tao na makakilala ng mga bagong
kaibigan, makibalita sa mga lumang kaibigan at magbahagi ng mga nilalamang midya
sa web. Ginagamit din ang websayt sa pagtatala at pagtuklas ng mga bagong
pangyayari, mga banda, kinagigiliwang libangan at marami pang iba.
5. Facebook. Sa pamamagitan nito, maaaring magdaragdag ng mga kaibigan at
magpadala ng mga mensahe sa kanila at baguhin ang kanilang sariling sanaysay
upang ipagbigay-alam sa kanilang mga kaibigan ang tungkol sa kanilang sarili.
Ang mga ito ang ginagamit ng nakararami upang maisagawa ang pakikipag-
uganayan sa mga kaibigan at kapamilya saan mang dako ng daigdig.
Masining na Pagsasalaysay ng Maikling
Kuwento
Maikling Kuwento

Ang maikling kuwento ay nasilayan na noong panahon bago pa man dumating


ang mga Kastila sa ating kapuluan. Ito ay isang akdang pampanitikang likha ng
guniguni at bungang-isip na hango sa isang tunay na pangyayari sa buhay. Ito ay
nababasa sa isang tagpuan, upuan at nakapupukaw ng damdamin. May kapayakan at
kakaunting mga tauhan.

Mga Elemento ng Maikling Kuwento

1. Panimula. Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa, dito rin


kadalasang pinakikilala ang mga tauhan.

2. Saglit na Kasiglahan. Naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang


masasangkot sa suliranin.

3. Suliranin. Problemang haharapin ng tauhan.

4. Kasukdulan. Makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian


ng kanyang pinaglalaban.

5. Kakalasan. Tulay sa wakas.

6. Wakas. Resolusyon o kahihinatnan ng kuwento.

BAHAGI NG MAIKLING KUWENTO (natalakay na ang mga ito sa unang markahan)

1. SIMULA
2. GITNA
Saglit na Kasiglahan
Suliranin
Kasukdulan
3. WAKAS
Kakalasan
Wakas

You might also like