Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 24

1

INTRODUKSYON

Maraming pagbabago ang naganap sa pag-uugali ng mga kabataan

sa loob ng silid-aralan. Sa mga nakaraang panahon, ang respeto at

disiplina ay mahalaga sa bawat mag-aaral. Tulad na lang kung paano

itinuring ng mga kabataan noon ang kanilang mga guro bilang

pangalawang magulang. Ngunit sa kasalukuyan, tila nag-bago na ang

pananaw ng ilan sa kahalagahan ng edukasyon at paggalang sa mga

nakakatanda. Marami nang kabataan ang nagiging suwail at hindi na alam

kung paano ang tamang pag-respeto sa kanilang mga guro. Sa kabila ng

mga pagbabagong ito, mahalaga pa rin ang papel ng edukasyon sa

paghubog ng mga tamang pag-uugali ng bawat kabataan. Sa loob ng

silid-aralan makikita ang malaking pagkakaiba sa pag-uugali ng mga

kabataan noon at ngayon. Dati, mas maingat at masunurin ang mga

istudyante ang pag-respeto sa mga guro at pagdisiplina sa kanilang sarili ay

kanilang pinapahalagahan. Ngunit sa kasalukuyan, tila marami na ang nag-

iba karamihan sa mga kabataan mas nagiging mapagmatigas na at


2

madalas ay hindi na sinusunod ang patakaran sa paaralan. Mapapansin din

na halos karamihan sa mga kabataan ay nahuhumaling na sa teknolohiya

kaysa sa pag-aaral. Ito ay nagdudulot ng hindi magandang epekto katulad

na lamang ng kakulangan sa kanilang kaalaman at kasanayan. Hindi na rin

nawawala ang mga isyu ng ‘cyberbullying’ at iba pang problema dulot nga

sosyal medya Sa ganitong sitwasyon, mahalaga na bigyang pansin ang

mga kabataan at nararapat na tuonan ng tamang gabay at pagsuporta

upang matutunan nilang maging responsible at disiplinado. Dapat rin na

ipagpatuloy na itaguyod ang tamang pag-respeto, disiplina, at pakikisama

upang maging responsableng mamamayan sa hinaharap at dapat na

tutukan ang edukasyon ukol sa tamang paggamit ng teknolohiya upang

maiwasan ang masamang epekto nito. Paano nagbago ang antas ng

toleransiya at respeto ng mga kabataan sa loob ng silid-aralan mula noon

hanggang ngayon? May mga pagbabago ba sa kanilang pakikitungo sa

mga authority figures tulad ng mga guro? Ano ang mga pagbabago sa

paraan ng mga kabataan sa pagpapakita ng pakikisama at pakikipagkapwa

sa kanilang mga kaklase? May mga bagong dynamics ba sa grupo o


3

samahan sa loob ng silid-aralan? Paano nagbago ang mga paraan ng

komunikasyon ng mga kabataan sa loob ng silid-aralan? Ano ang

implikasyon nito sa kanilang pakikisalamuha at pagtanggap ng mga ideya?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay magiging kapaki-

pakinabang sumusunod na indibidwal: mga kabataan, mga magulang mga

guro, at mga susunod na mananaliksik.:

Sa mga kabataan na tila baga lumalayo na sa tamang landas at

lumiliko na sa tuwid na daan upang mapakita at maipahayag ang malaking

pagbabagong ito sa aming kapwa kabataan at maipaunawa sa sa kanila

ang masasayang dulot nito sa kanilang sarili at kung paano maiiwasan o

maiaalis sa kanilang sarili ang mga maling pamamaraan ng pag-uugali

gayon din sa mga sumusunod pang henerasyon ng ating bansa.

Gayundin sa mga magulang, upang maipakita ang mga bagay na

direktang nakakaapekto sa mga kabataan at sa pagbabago ng kanilang


4

pag-uugali at pakikitungo na maaaring may kinalaman mismo sa kanilang

mga paraan ng pakikitungo at pag-disiplina sa kanilang anak.

Mga Guro. Makakatulong ng malaki sa pag-aaral na ito sa mga guro

upang mabigyan sila ng pagkakataon na pansinin ang kakayahan,

kakulangan sa kanilang pamamahala at malaman ang kaangkupan ng mga

makabagong kagamitan sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa paksang

tinatalakay.

Mga Iba Pang Mananaliksik. Makakatulong ang kalalabasan ng

pag-aaral na ito sa mga susunod na mananaliksik upang makalikha pa ng

karagdagang impormasyon at makagawa ng isang konklusyonna puwede

niyang ipaalam sa ibang tao upang mas maging laganap ang kaalaman ng

mga tao tungkol sa pag-aaral na ito. Makakatulong din ito sa kanila upang

mabigyang sagot ang madalas na problema sa kakulangan ng sanggunian

at mabibigay rin ng paraan sa kanila upang makapag-isip ng mga

napapanahong paksa na dapat mas pag-ukulan ng pansin at maihanda sila


5

sa mga posibleng pagbabago sa pamamahala ng silid-aralan na maari

nilang maging patnubay o gabay sa kanilang pagtuturo sa hinaharap.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matukoy ang pag uugali ng

kabataan sa loob ng silid-aralan. Ang panulurang ito ay may mga tanong na

sumusunod:

1. Ano ang pag-uugali ng mga kabataan noon at ngayon?

2. Ano ang karaniwang pag-uugali ng mga nag-aaral?

3. Ano ang naging epekto ng makabagong teknolohiya sa mga

kabataan?

4. May malaking dulot ba ang mga pagbabagong ito sa darating na

henerasiyon ng ating bansa?

Inaasahang Resulta ng Pag-aaral


6

Sa pananaliksik na ito ay inaasahang makilala ang iba’t ibang pag-uugali ng

mga kabataan sa loob ng silid aralan.Inaasahan ding malaman kung ano

ang mga rason ng mga bata sa unti unting pag iba ng mga ugali.

Depinisyon ng mga Terminong Gagamitin sa Pag-aaral

Ang mga sumusunod na salita ay bibigyang kahulugan ayon sa

gamit nito sa kasalukuyang pag-aaral upang magkaroon ng malinaw na

interpretasyon at pang-unawa ng mambabasa.

Obhetibo Naayon sa kung ano ito noon at kung ano ito dapat.

Scaffolding isang estratehiya sa pagtuturo na naglalayong gabayan

ang mga mag-aaral sa pag-unawa ng mga konsepto o

kasanayan

Batayang Teoretikal
7

Sa pag-aaral na "Noon vs. Ngayon: Pagkilala sa Pag-uugali ng mga

Kabataan sa loob ng silid-aralan," maaaring gamitin ang mga sumusunod

na batayang teoretikal:

Ang ‘’Social Learning Theory’’ ni Albert Bandura (1977) ang mga

kabataan ay natututo ng kanilang mga pag-uugali mula sa mga modelo sa

kanilang paligid, tulad ng mga guro at kapwa estudyante. Ang pag-aaral na

ito ay maaaring magtakda ng mga pagbabago sa pag-uugali ng mga

kabataan sa loob ng silid-aralan sa pagitan ng noon at ngayon, at kung

paano ito naapektuhan ng mga modelo sa kanilang paligid. Sa

pamamagitan ng social learning theory, maipapakita kung paano ang mga

bata ay natututo mula sa kanilang mga magulang, guro, at iba pang tao sa

paligid nila. Ang teorya ni Bandura ay nagbibigay-diin din sa kahalagahan

ng obserbasyon at imitasyon bilang paraan ng pagtuturo.

Ang teoryang Socio-cultural naman ni Lev Vygotsky, kanyang

binigyang diin ang ginagampanan ng scaffolding o paggabay ng

nakakatatanda sa 6 karunungan ng isang bata. Ayon pa sa teoryang ito, sa


8

pamamagitan ng paggabay ng may nakakaalam ay natuturuan ang isang

bata na matamo ang kabuuang kaalaman. Sa ganitong kaparaanan,

nagagawa ng isang guro ang nararapat upang hubugin at suportahan ang

kakayahan ng isang bata.

Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral

Ang mga pangunahing saklaw ng pananaliksik na ito ay ang

paghahalintulad ng mga kabataan noong 70s, 80s at 90s sa mga

kabataang ngayon mula sa persepsiyon, hinuha at obserbasiyon ng mga

pilipinong nasa edad 30 pataas. Dalawamput- limang kababaihan at

kalalakihan ng aming inanyayahan sa aming isinagawang pagsasarbey.

Ang pananaliksik na ito ay nakakatutok lamang sa gawi at pag-uugali

ng mga kabataan noon at ngayon at kung ano ang dulot nito, gayon din ang

mga solusyon ukol dito.


9

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Sa kabanatang ito, ang mga mananaliksik ay nangalap ng mga

impormasyon batay sa kanilang pinag-aralan. Makikita sa kabanatang ito


10

ang mga nakalap na kaugnay na literatura at kaugnay na pag-aaral na

makakatulong sa mga mananaliksik upang maging matagumpay ang

kanilang isinasagawang pag-aaral.

Kaugnay na Pag-Aaral

Ayon kina Stobs at Delmont (2007), ang mga sumusunod ay

mahalagang bahagi ng pisikal na kapaligiran na nililikha ng mga guro: ang

kanilang pisikal na kaanyuan, ang kaayusan ng mga upuan, at ang mga

kagamitan sa pagtuturo. Ang kapaligiran sa pag-aaral ay nagtatampok ng

mga katotohanan at totoong mga pangyayari sa mundo na nagbibigay ng

kaalaman sa mga mag-aaral. Ang mga kaalamang ito ay maaaring

magmula sa mga guro, mga kapwa nila mag-aaral o sa mga kagamitan sa

pag-aaral tulad ng aklat at iba pa. Ang tatlong elemento na ito ay

sumusimbolo sa tatlong mahahalagang bahagi ng pagkuha ng kaalaman

(Kanselaar et.al 2010). Ang pagkatuto, kung gayon, ay maituturing na

bunga ng pakikipag-ugnayan sa tatlong elementong ito.


11

Ayon kay Love at Krueger (2005), ang mga mag- aaral ay natututo

sa pinakamabisang paraan kung ang kanilang kapaligiran ay kaayaaya at

naaayon sa kanilang pagkatao.

Ang mga guro na nakapag-iiwan ng mabuting impresyon at

impluwensya sa mga mag-aaral ay ang mga gurong nagpakita ng personal

na pagmamalasakit sa kanila. Sa katunayan, sinabi ni Pussey (2009)," Ang

responsibilidad ng isang guro ay hindi ang magpasok ng impormasyon sa

isip ng mga mag-aaral. Sa halip, tungkulin nilang iharap ang mga aralin sa

kanila at sa positibong paraan ay tulungan silang malaman at madiskubre

ang mga dapat nilang matutunan at masagot ang sarili nilang mga

katanungan upang higit silang matuto." Totoong nangangailangan ng

panahon ang paglikha ng kapaligirang kaayaaya sa pag-aaral, subalit sulit

ang anumang pagsisikap na gagawin ng mga guro.

Ayon naman kina Salandanan, et.al. (2006), sapagkat ang layunin ng

edukasyon ay ang pagkatuto ng mga estudyante. Makakamit ang layuning

pampagtuturo kung magkakaroon ng makabuluhang interaksyon sa pagitan

ng mga guro at estudyante sa nais na maging bunga o resulta ng pag-


12

aaral. Higit na mainam kung isaalang-alang ng guro ang kawilihan at interes

ng mga ito.

Ayon pa kay Badayos (2011), ang guro ang dapat magsabi kung ano

ang mabisa sa kanya at sa kanyang mag-aaral ayon sa interes at kawilihan.

Mahalagang bigyang pansin ang mga nagaganap sa loob ng klasrum kung

epektibong pagtuturo ang pag-uusapan sa halip na humango na lamang ng

mga teknik at paraan na ipinatutupad ng mga ekspert.

Kaugnay na Literatura

Ang Kabataan Noon at Ngayon

Ang kabataan noon at ngayon ay may maliit lamang na puwang sa

kanilang pagkakalayo sa kilos, gawi, ugali, pananamit, damdamin at iba

pang bagay. Sinasabing ang mga kabataan noon ay higit na magalang,

masunurin at mabait di-tulad ng mga kabataan ngayon. Lubhang taimtim sa

puso't isipan nila ang kanilang ginagawa; sa kabilang dako, ang kabataan

ngayon ay may mapagwalang-bahalang saloobin. Lalong masinop sa pag-


13

aayos ng katawan at pananamit at lubhang matapat sa pagsunod sa batas

ang mga kabataan noon, kaya wika nga, ang kabataan noon ay hubog sa

pangaral at kababaang-loob at ang asal ay ipinagmamalaki ng lahat.

Ang pagiging epektibong guro isang masalimuot na proseso na

nagpapatuloy habang ang guro ay nasa propesyong ito. Ito ay

nangangailangan ng patuloy na pagpapaunlad ng sariling kakayahan at

personalidad (Gavino, 2010). Bilang konklusyon dito, binigyang-diin ni

Emmanuel (2010) ang kahalagahan ng guro sa pag-unlad ng isang bansa

at ang pangangailangan ng patuloy na pagpapasulong sa kanilang

kakayahan at propesyonal na katangian. Ayon sa kanya, ang mga

programa ng pagsasanay para sa mga guro ay dapat na ipatupad upang

mapasulong ang kanilang kakayahan sa pagtuturo, pamamahala ng

klasrum at wastong paggamit ng modemong teknolohiya sa pagtuturo. Ang

mga programang ito ay makapagpapaunlad sa kakayahan ng guro na

pamahalaan ang mga mag-aaral upang maging produktibo, displinado, at

responsableng indibidwal.
14

Ang walang hanggang hangaring matuto ng isang mag-aaral ay hindi

mapapasubalian sapagkat sa kanya nagsisimula ang layuning tugunan ang

kanyang pagnanais na matuto at makadiskubri ng mga kaalamang kanyang

magagamit sa hinaharap. Ang mga mag-aaral na may mataas na hangaring

magtagumpay sa kanyang pag-aaral ang siyang nagpapakita ng

magandang performans (Catalogo, 2019). Dahil dito, pumapasok sa

paaralan ang isang mag aaral at doon Inilinang ang kaalaman at

kakayahan na siyang magiging sandata sa pakk baka sa larangan ng

edukasyon at karunungan.

Ayon kay Асега (2018), за proseso па раgкалto, ang nga guro ang

may malaking gampanin sa paghubog, paginang at paghasa sa kakayahan

ng mga mag-aaral. Sa kanya nakasalalay ang kahihinaman ng prosesong

pagtuturo pagkatuto. Nasa balikat ng mga guro ang pagtuturo sa mga

kabataan ng mahahalagang karunungan at paglinang ng mabuting

katauhan. Kung kaya't Inaasahang gawin ng mga guro ang lahat ng

makakaya tungo sa hangaring matugunan ang pangangailangan ng mga

mag-aaral (Mendiola, 2019).


15

Ayon pa kay Zulueta (2018), ang guro ang siyang itinuturing na

pinakamahalagang baryabol sa edukasyong pangkapaligiran ng mga mag-

aaral kung kayat nararapat lamang na bigyang-buhay ng isang guro ang

Sapagkat ang guro ang lubos na may kabatiran sa kung anong mga mag-

aaral mayroon siya sa loob ng silid-aralan. Mahalagang malaman ang

kanya- kanyang katangian ng bawat estudyante upang hindi magkamali sa

pagbibigay at paglalahad ng aralin. Sa pamamagitan ng pagkilala sa mga

mag-aaral. napapanatili ang patuloy na pagbibigay ng makabuluhang

pagganyak sa mga ito. Napapanatili ang mithiing matuto ng matuto ng

panibagong kaalaman at kay Sullo (2017).

Upang lubos na magkaroon ng kawilihan ang bawat mag-aaral,

kinakailangang magtalaga ng araling may kaugnayan sa nais at

kagustuhan nilang gawin at naaayon sa kung anong mga estudyante

mayroon ang isang guro. Sa ganoong kaparaanan, nahuhubog at

nahahasa ang bawat mag-aaral na maging kapaki-pakinabang na nilalang

sa larangan ng kaalaman.
16

Ayon pa kay Mendiola (2018), bilang isang tagapagpalaganap ng

karunungan, kailangang pairalin ng guro na sila ang tagapaghatid ng

kaalaman, nakapagbabago ng pag-uugali at sinisikap na maisakatuparan

ang mga gawaing ito. Dagdag pa ni Acero (2018).

Ayon kay Bokals (2010) Ang kabataan noon at ngayon ay may maliit

lamang na puwang sa kanilang pagkakalayo sa kilos, gawi, ugali,

pananamit, damdamin at iba pang bagay. Sinasabing ang mga kabataan

noon ay higit na magalang, masunurin at mabait di-tulad ng mga kabataan

ngayon. Lubhang taimtim sa puso't isipan nila ang kanilang ginagawa; sa

kabilang dako, ang kabataan ngayon ay may mapagwalang- bahalang

saloobin. Lalong masinop sa pag-aayos ng katawan at pananamit at

lubhang matapat sa pagsunod sa batas ang mga kabataan noon, kaya wika

nga, ang kabataan noon ay hubog sa pangaral at kababaang- loob at ang

asal ay ipinagmamalaki ng lahat.

Kaiba naman ang mga kabataan ngayon. Mulat sila sa makabagong

panahon kaya higit na maunlad sa pangangatwiran na kung magkaminsan

ay napagkakamalang pagwawalang-galang sa kapwa. Lubhang


17

mapangahas sa mga gawin at mahilig sa maraming uri ng paglilibang.

Napakatayog ng mga mithiin nila at higit na maunlad ang tunguhin. Marami

rin ang magkasing bait at magkasing sipag sa mga kabataan noon at

ngayon.

Ayon kay Howard W. Hunter (2009) Dati, kahit na lampara lang ang

gamit ay talagang puspusan ang pagsisikap ng mga bata na mag-aral at

matuto. Hindi alintana kung anong oras na sapagkat hindi pa rin naman

gaanong ginagamit ang orasan noon. Tanging ang sinag ng araw o ang

liwanag ng buwan lamang ang laging batayan ng orasan.

Ayon kay Ronald Verzo (2009) humihina ang ating mga kabataan sa

tamang paggamit nglengwahe at wika, partikular na dito ang cellphone na

maaaring gamitin sa pagpapabot ngating mensahe sa pamamagitan ng

SMS o Text messaging. Tintukoy rito ang unit-untingpaghina ng mga

kabataan ngayon sa paggamit ng tamang paraan ng pananalita

atpagpapahayag ng isang mensahe. Mas higit na napapaunlad ang mga

salitang balbal gayana lamang ng jejemon. Di tulad ng mga kabataan noon,

kung saan sulat o liham ang isangparaan ng pag-aabot ng mensahe.


18

Ang mga kabataan ngayon ay ibang-iba kaysa sa mga kabataan

noong aking panahon.” Iyan ang laging sambit ng lola sa akin. Nag-iiba-iba

raw sa bawat pagbabago ng henerasyon. Ikanga ay sumasabay sa pag-ikot

ng mundo. Ngunit grabe na raw talga ang ipinagbago ng mgakabataang

tulad ko. Nood daw, hindi makapagsalita ng pabalang ang mga

kabataan.Mayroon silang malaking respeto sa mga nakatatanda pati na sa

mga nakababata.Pinahahalagahan din daw nila ang kanilang edukasyon.

Gagawin pa raw nila ang lahat para makapag-aral. Hindi katulad ngayon,

nandiyan na sa harap nila ang pera, ayaw pa ringpagbutihin ang kanilang

pag-aaral.” (2002: Kabataan noon at kabataan ngayon)

Ang pahayag na ito ay sinusuportahan ni Ogbu (2005). Ayon sa

kanya, ang mga paaralan ay dapat na maglaan ng oportunidad sa mga

mag-aaral na nabibilang sa mga pamilyang may mababang uri ng

pamumuhay upang matuto at maging mas mahusay na mga mag-aaral.

Natuklasan niya na ang mga mag-aaral ay nakadarama ng kawalan ng

disiplina at iba pang di-kaayaayang pag-uugali kapag ang kanilang

kapaligiran ay hindi positibo. Ayon sa kanya, ang bawat mag-aaral ay dapat


19

tulungang malinang at maabot ang kanilang pangmadalian at

pangmatagalang tunguhin sa pag-aaral upang maging matagumpay.

Karagdagan pa, dapat na mapasulong ang kanilang kaugalian at

kakayahan sa pag-aaral upang mapaglabanan ang impluwensiya ng

barkada
20

METODOLOHIYA

Ang nilalaman ng kabanatang ito ay pamamaraang gagamitin sa

isasagawang pananaliksik. Ito ay naglalaman ng disenyo ng pag-aaral,

Tungkulin ng Mananaliksik, at mga datos.

Disenyo ng Pag-aaral

Ang pangunahing layunin ng Pananaliksik na ito, ay ang

makapagbigay ng kumpletong impormasyon kung ano ang malaking

pinagkaiba ng mga kabataan sa panahon noon at ngayon. Ang disenyong

gamit ay ang sarbey kung saan ang mga talatanungan ay ipinamahagi sa

mgataong saklaw ng pag-aaral upang makalap ang mga impormasiyon at

opinyon na magigingdatos para sa pag-aaral.


21

Tungkulin ng mga Mananaliksik

Tungkulin ng isang mananaliksik na maging matapat at

makatarungan sa pagpapahayag ng mga isinusulat. Isaalang-alang ang

tunay na hangarin ng pinaghanguang impormasyon. Huwag ilihis ang tunay

na pakay ng orihinal na sipi kung ang hangarin lamang ay angkinin ang

isang kaalaman.

Panggagalingan ng mga Datos

Ang pag-aaral na ito ay nangangailangan ng tiyak o kwalitatibong

pananaliksik. Ang mga maaring saklaw nito ay ang internet, cellphone o

laptop. Maaari ring mag interview ukol pinagkaiba ng pag-uugali ng mga

kabataan noon at ngayon.

Paraan ng Pangangalap ng mga Datos

Ang mga mananaliksik ay gagamit ng mga talatanungan kung saan

ang pangunahing nakabilang rito ang mga katanungang kinakailangan ng


22

personal na impormasiyon mula sa respondente. Ang iba pang mga tanong

ay ukol sa reaksiyon ng mga respondente ukol samga pagbabagong

nagaganap sa mga kabataan ngayon. Ang iba pang karagdagang

mahahalagang datos ay nagmula rin sa mga sagot ng mga respondente na

lubos na nakatutulong sa isinagawang pananaliksik.

Paraan ng Pagsusuri ng mga Datos

Sa pagkilala sa pag-uugali ng mga kabataan sa loob ng silid-aralan

sa pagitan ng "noon" at "ngayon," maaaring gamitan ng iba't ibang paraan

ng pagsusuri ng mga datos. Una, maaaring obserbahan ang kanilang

pakikitungo sa kanilang kapwa estudyante at guro. Ang kanilang pagiging

maingat, mapagkumbaba, at maayos sa pakikisalamuha ay ilan lamang sa

mga bagay na maaaring maging batayan.

Pangalawa, maaaring magbigay ng mga aktibidad o survey upang

malaman ang kanilang pananaw at saloobin sa iba't ibang sitwasyon. Sa


23

pamamagitan nito, mas madaling matukoy kung ano ang mga ugali na

dapat paalisin o palakasin.

Sa huli, mahalaga rin ang regular na pakikipag-usap at feedback sa

mga kabataan upang mas maintindihan nila kung ano ang tamang ugali at

kilos na dapat ipakita sa loob ng silid-aralan. Sa ganitong paraan, mas

mapapabuti natin ang kanilang pag-unlad hindi lamang bilang mag-aaral

kundi pati na rin bilang indibidwal.

Baliditi ng mga Datos

Sa pag-aaral ng pag-uugali ng mga kabataan sa loob ng silid-aralan,

mahalaga ang pagkakaiba ng "noon" at "ngayon." Ang pananaliksik sa pag-

uugali ng mga kabataan sa nakaraan (noon) ay maaaring magbigay ng

batayan para sa pag-unawa sa kasalukuyang kalagayan (ngayon). Sa

pamamagitan ng pagtutok sa pagbabago at pag-unlad sa pag-uugali ng

kabataan, maaaring makabuo ng mga estratehiya at interbensyon upang

mapabuti ang kalidad ng edukasyon at pag-uugali sa mga paaralan.


24

Konsiderasyong Etikal

Ang tungkulin ng mananaliksik ay isang mahalagang bahagi ng pag-

unlad at kaalaman sa lipunan. Ang mga mananaliksik ay may

responsibilidad na magbigay linaw at katotohanan sa mga isyung

panlipunan, pang-ekonomiya, politika, at kultura. Sa pamamagitan ng

kanilang pagsasaliksik, sila ay nagbibigay liwanag sa mga suliranin at

hamon na kinakaharap ng lipunan. Sila rin ang nagtutulak ng pagbabago at

pag-unlad sa iba't ibang sektor ng lipunan. Bilang tagapagtataguyod ng

kaalaman at katotohanan, dapat maging mapanuri, obhetibo, at malikhain

ang bawat mananaliksik sa kanilang trabaho. Dapat nilang igalang ang

bawat impormasyon na kanilang natuklasan at ito'y maiparating nang wasto

sa publiko.

You might also like