Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Narrator: Ginising si Basilio ng kampana para sa misa de gallo.

Palihim siyang lumisan


ng bahay at tumungo sa gubat na kanahihimlayan ng inang si Sisa. Anibersaryo ng
pagkamatay nito at habang nasa ilalim ng puno ng balete ay sinariwa niya ang mga
naging karanasan sa nagdaang taon.
** flashback **
Kapitan Tiago: Basilio, ikinalulungkot ko ang sinapit ng iyong ina na si Sisa, sa mura
mong edad ay kinailangan mong harapin ang lahat ng ito. Huwag kang mag-alala maaari
ka namang tumuloy sa aking tahanan. Kukupkupin kita at pag-aaralin sa San Juan de
Letran, hindi ba't pangarap mo ang makapag-aral?
Basilio: Maraming Salamat po Kapitan Tiago. Hindi ko po alam kung papaano
masusuklian ang kabutihan niyo. Pangako po pagbubutihan ko ang aking pag-aaral bilang
kapalit sa pagtulong ninyo sa akin.
Narrator: Noong mga unang taon ni Basilio sa paaralan ay nakaranas siya ng panunukso
dahil sa kaniyang pananamit. Nilayuan siya ng mga kamag-aral. Pagtungtong naman ng
ikatlong taon ay naging guro niya ang palabirong Dominikano na sinubukan siyang
ipahiya sa talakayan ngunit hindi ito nagtagumpay dahil nasagot ni Basilio ang lahat ng
mga katanungan. Dahil sa angking galing ay inilipat siya ni Kapitan Tiago sa Ateneo
kung saan naging maayos ang pagtanggap ng mga estudyante sa binata.

** eskwelahan **
Propesor: Basilio, tunay na ikaw ay mahusay. Kapag ito ay ipinagpatuloy mo ay natitiyak
kong magiging mabuti kang doktor balang araw
Basilio: Salamat po propesor!
** puntod ni Sisa **

Basilio: Inay pasensya na po kung ngayon lang ako nakadalaw ulit sa puntod ninyo. Nang
kayo ay mawala nilisan ko ang San Diego upang subukan ang aking kapalaran sa
Maynila. Buti na lamang ay nakilala ko si Kapitan Tiago, kinupkop niya ako at pinag-
aral. Marami akong pagsubok na hinarap pero heto na ako ina, konti nalang at magiging
ganap na akong doktor, at kapag nakapagtapos na ako ay pakakasalan ko si Juli, ang
aking kasintahan. Inay sana nandito ka at nakikita mo ang katuparan ng aking mga
pangarap.

You might also like