Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Blue ang Kobrekama ni Jake

by Jimmy Alcantara

Wala nang palabas sa TV nang dumating si Michael. Lagi-lagi na lang siyang ganitong
oras kung umuwi. Hindi ko naman siya maaway siya ang padre de pamilya.
Lagi-lagi na lang siyang umaga kung umuwi. Hindi na niya napapansin na every other
day ay iniiba ko ang ayos ng sala niya, ang lugar ng mini-component niya, ang
bedsheets at pillowcases niya.

Gusto ko siyang awayin, pero nasa ibaba pa siya, at nagkakalampagan ang mga plato at
mga kubyertos. Hindi pa siya kumakain, isip-isip ko. May nabasag na isang baso, isang
plato. Binaba ko siya hawak niya ang refrigerator. Wala akong masabi. Iyak siya nang
iyak.

Mike, kumain ka na, ipinagluto kita ng tinola. Hindi niya ako pinansin, kumuha siya ng
kutsilyo at sinubukang bakbakin ang balat ng ref. Hindi pa siya nakuntento. Humanap
siya ng sandpaper at kiniskis ang pinto nito. Naawa ako sa kanya kaya kinuha ko ang
kutsilyo at sandpaper. Dinala ko siya sa sala; amoy alak si Michael. Sabi niya: Bukas
aayusin natin ang kulay ng bahay, ayoko ng ganitong buhay.

Niyakap ko siya. Noong isang buwan bumili ako ng pintura sa Cubao. Sa gusto kong
pasayahin at sorpresahin siya, pinintahan ko ng pula ang ref. Nakaka-praning ang
amoy ng Scarlet Aluminum Paint kaya pati ang cupboard, lababo, lampshade, airpot
hanggang sa ceiling fan at TV ay pinasadahan ko rin. Mike, hindi na uli ako bibili ng
pulang pintura. Kahit ngayon na wala nang laman ang lata. Wala nang laman ang lata,

Mike, naririnig mo ba?

Bago siya nahiga ay pinunasan ko siya. Habang pinapahiran ko ng pulbos ang dibdib
niya ay sinabi kong nakakalungkot ang maghapong mag-isa sa bahay. Umasim ang
mukha ni Mike pero hindi niya pinahalata. Hindi kami pwedeng magkaanak. Baog si
Mike. At flip ako. Parusa ng Diyos sa amin. Magsi-six years na kaming live-in pero wala
pa rin kaming balak na magpakasal.

Kinabukasan sa harap ng almusal ay sinabi niya, "Ampon tayo, gusto mo?"

"Gusto mo?" sabi ko.

Tumango siya. "Sige, ampon tayo."

Hindi makakasama si Mike nang araw na kukunin ko ang bata. May project sila sa
opisina at kailangang nandoon siya sa presentation nito. Ako na ang nag-drive sa kanya
pagpasok niya. Dumiretso ako sa Quezon City.

1
Hindi kalakihan ang ampunan pero malinis at de-aircon. Kinausap ko ang
namamahala. Sandali lang at ibinigay na ang bata at iniwan ko ang inaasahang iwan ko.
Inilagay ko ang bata sa gilid ko. Sa bahay, inihiga ko siya sa matagal nang nakahandang
kama para sa kanya. Blue ang kulay ng kobrekama.

Cute na cute ang baby kulot ang buhok niya at ang taba ang sarap-sarap pisilin. Maputi
siya, parang si Michael. Matutuwa si Mike sa anak niya, lalake kasi tulad ng gusto niya.

Ano ang ipapangalan namin sa iyo, baby? Gusto mo ba ng Jake? Kami na ang mga
magulang mo, baby. Palalakihin ka namin, pag-aaralin ka namin. Tanggapin mo, kami
na ang mga magulang mo. Isipin mo mula ka sa amin. Hindi ka ampon, nagkataon lang
na may dalawang tao na talagang gumawa sa iyo para sa amin. Palpak kasi kami. Oo,
siyempre naman, anak, mahal ka namin.

Umiiyak na ang bata, gutom na siguro. Nagtimpla ako ng gatas at ibinigay sa kanya.
Hindi man lang niya nakalahati ang bote. Gusto lang sigurong maglambing. Kinarga ko
siya, inugoy-ugoy ko at huminto siya sa pag-iyak. Nakakatulog na siya nang
maramdaman ko ang pagbukas ng pinto sa ibaba. Nariyan na siya nang maramdaman
ko ang pagbukas ng pinto sa ibaba. Nariyan na si Mike. Dali-dali kong inilapag ang
bata sa kama at lumipad pababa sa kinaroroonan ni Mike.

"Mike! Mike! Nandito na ang bata. Kamukha mo, halika, tiyak na matutuwa ka."

Nagmamadaling pumanhik si Mike. Mabilis niyang binuksan ang pinto. Tuwang-tuwa


si Mike. Sa tuwa niya, naiyak niya. Lumabas siya ng kwarto at nagkulong sa CR.

Inabot si Mike ng dalawang oras sa toilet. Na-upset siguro siya dahil ang batang iyon
ang isang palatandaan ng mga pagkukulang naming bilang mag-asawa.

Pero, eto na ang bata, Mike. E ano kung hindi siya sa atin? Sa atin na siya ngayon. Anak
na natin siya. Magulang na niya tayo.

Hindi kumain ng hapunan si Mike. Hindi ko rin siya namalayan nang humiga siya sa
kama. Nagising ako sa pagbali-balikwas niya. Gising si Mike. At ayaw niyang
magsalita.

Nararamdaman kong umiiyak na ang bata. Akmang tatayo ako nang magsalita si Mike.

"Ricky, isoli mo siya, hindi natin kailangan ng kasama."

Hindi ko siya inintindi. Nagda-drama na naman si Mike.

"Nagugutom na ang anak mo. Heto ang unan mo. Wag mo nang pasakitin ang yong

2
ulo, bukas mag-uusap tayo."

Binuksan ko ang ilaw at lumapit sa kinaroroonan ng bata. Hinawakan ko siya. Tuyo pa


rin ang lampin niya. Nagtimpla ako ng gatas at ibinigay ko ito sa kanya. Binuhat ko
siya, inilagay sa dibdib ko at inugoy-ugoy.

Nakatitig si Mike, umaapoy ang mata.

"Bagay na bagay sa iyo, para kang tarantado."

"Ano ba ang problema, Mike? Di ba sabi mo'y okay ang bata sa bahay? Ngayon, bakit
ka nag-iingay?"

Galit na galit na si Mike, nagbabanta na. Ayos na raw ang mga maleta niya, at ngayon,
tiyak nang aalis siya. Nagmumura na si Mike. Natatakot na ako sa kanya. Diyos ko,
huwag mong sabihing nababaliw na rin si Mike, huwag mong sabihing nahawaan ko
siya. Diyos ko, tama na ang isang flip sa pamilya. Tumayo si Mike, nagbabasag na ng
gamit. Ibinato niya ito doon, ang iyon ditto. Hagis ng ano, pukol ng ano. Kipkip ko ang
baby ko ng tumakbo ako palabas ng kwarto. Baka kung ano pa ang gawin niya sa baby
ko. Lumipad ako papunta sa guestroom. Humabol si Mike, pero nagging mas mabilis
ako sa kanya. Ini-lock ko ang pinto. Tinawag ko ang lahat ng santong kakilala ko para
pakalmahin si Mike. Itinulak niya ang pinto. Madaling bumigay ang binubukbok na
pinto. Sa lakas ng pagkakasalya ni Mike ay muntik nang magiba ang dingding at haligi
ng bahay.

Surrender na ako, Mike, do whatever you want.

Bumukas ang pinto. Umaapoy pa rin ang mga mata ni Mike. Pero ano ito? Umiiyak na
sa galit si Mike.

"This is it. I’ve had it, Ricky. Hindi na ito anxiety, this is insanity."

Hindi ko siya maintindihan. Magaling na ako. There is nothing wrong with me. Si Mike
ang nababaliw. Yakap-yakap ko ang baby ko. Nalilito ako. Anong nangyari sa atin,
Michael?

Kinuha ni Mike ang anak ko. Ayoko. Huwag mo siyang gagalawin, bata pa siya, wala
pa siyang alam. Ihahagis niya ang baby ko. Huwag, Mike, mamamatay ang bata.
Ibinato niya ang anak ko sa sahig.

"Mike, hayop ka. Pag namatay ang baby ko, sino pa ang kasama ko dito sa bahay mo?"

"Tatawagan ko si Marvin. We're both taking you in," ang sabi ng walang pusong si
Mike. Lumabas siya.

3
Pinuntahan ko ang anak ko. Gasgas ang mukha. Dumilat ka, baby. Sabihin mong mahal
mo ang daddy. Niyakap ko siya. Dumilat ka, baby, say how much you love your
daddy. Hinimas ko ang likod niya labas ang buto. Hindi, may kung anong lumawit
lang.

Nangiti ako. Ibinalik ko ang mga baterya sa dating ayos.

You might also like