Banghay Aralin Sa Filipino 9

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Department of Education

Region VI – Western Visayas


Division of Iloilo City

Pang-araw-araw na Tala sa Pagtuturo


Guro: SHIELA M. WHITEHEAD Antas: BAITANG 9
Petsa: Marso 14, 2023 Asignatura: FILIPINO
Markahan: Ikatlong Markahan Araw:
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipapamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga piling akdang tradisyunal
Pangnilalaman ng Silangang Asya
B. Pamantayang Ang mag-aaral ay nakasusulat ng sariling akda na nagpapakita ng pagpapahalaga sa
Pagganap pagiging Asyano
C. Mga Kasanayan sa F9PN-IIe-f-48
Pagkatuto  Nasusuri ang maikling kuwento batay sa estilo ng pagsisimula,
(Code ng bawat pagpapadaloy at pagwawakas ng napakinggang salaysay
kasanayan)
Paksang Aralin:
Panitikan: “Nagmamadali ang Maynila” - Buod
II. NILALAMAN
Maikling Kuwento - Pilipinas
Gramatika/Retorika: Pagsasalaysay (Ang Pagsulat ng Kuwento)
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa
Gabay ng
Guro
2. Mga Pahina sa
Kagamitang Pang- Panitikang Asyano 9 – Pahina 145
Mag-aaral
3. Karagdagang
Kagamitan
mula sa Portal ng
Learning Resource
B. Iba pang Kagamitang
Aklat, sipi ng akda, mga larawan
Pagtuturo
III. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa
Itanong: Ano ang ikinaiba ng maikling kuwentong pangkatutubong-kulay
nakaraang aralin
sa iba pang uri ng maikling kuwento?
at/o pagsisimula
ng bagong aralin
Gawain: “One Minute Paper”
 Itala ang pagkakakilala mo sa lungsod ng Maynila
B. Paghahabi sa
____________________________
layunin ng aralin
____________________________

C. Pag-uugnay ng
mga halimbawa
sa bagong aralin

Isa sa sikat na murang bilihan sa Maynila ang Divisoria. Ilarawan ito sa


pamamagitan ng pagsulat ng talata.
____________________________________________________________
 Ano ang estilong ginamit mo sa paglalarawan sa simula, sa pagpapadaloy
at pagwawakas ng salaysay?
D. Pagtalakay sa
bagong konsepto
 Dugtungang Pagbabasa ng buod ng Maikling Kuwento na ‘Nagmamadali
at paglalahad ng
ang Maynila – pahina 145 ng aklat
bagong
kasanayan #1
Pagtalakay sa aralin:
1. Ano ang estilong ginamit ng awtor sa pagsisimula ng kanyang kuwento?
Isa-isahin ang mga estilong ginamit at patunayan ang sagot.
E. Pagtalakay ng Estilong ginamit Mga Patunay
bagong konsepto
2. Paano pinalago ng awtor ang daloy ng kuwento para maging kawili-wili sa
at paglahahad ng
mga mambabasa/tagapakinig? Isa-isahin ang mga ginamit na estilo o
bagong
kaparaanan?
kasanayan #2
3. Sa palagay mo naging epektibo ba ang paraang ginamit para patuloy mong
basahin/pakinggan ang kuwento? Ipaliwanag.
4. Isalaysay ang estilong ginamit ng awtor sa pagwawakas ng kuwento? Ibigay
ang pananaw o suhestiyon sa estilong ginamit.
F. Paglinang sa Panuto A: Suriin ang estilo ng pagsisimula, pagpapadaloy at pagwawakas ng
Kabihasaan maikling kuwento “Suyuan sa Tubigan” ni Macario Pineda
(Tungo sa
Formative Suyuan sa Tubigan
Assessment) ni Macario Pineda
Madaling-araw pa lamang ay papunta na sa tubigan sina Ka Albina, kasama ang anak na
dalagang si Nati at ang pamangking si Pilang. Sunung-sunong nila ang mga matong ng kasangkapan
at pagkain. Habang daan, nakasabay nila sina Ka Ipyong, Pakito at Pastor na nakasakay sa kalabaw
dala ang kani-kaniyang araro. Habang naglalakad, nagkakatuwaan
sila at nagkakatuksuhan. Si Ore na kasama rin nila ay nagpatihuli na parang may malalim na iniisip.
Nang marating nila ang tubigang aararuhin, may nadatnan na silang nagtatrabaho. Ang iba
naman ay katatapos lamang sa pagtilad at habang nagpapahinga ay nagkakasarapan sa
pagkukuwentuhan. Habang abala sa pag-aayos ng mga kasangkapang gagamitin sina Nati at Pilang,
nandoon din si Pastor at nagpipilit na tumulong kay Pilang. Si Ore naman ay mapapansing
pinamumulhang pisngi. Inabutan ni Pilang si Pastor ng kape ngunit sinamantala ito ng binatang
sapupuhin ang kamay ng dalaga. Walang kibong lumapit si Ore kay Nati at humingi ng kape at
kamote.
Walang patlang ang sulyapan nina Nati at Ore habang nagkakainan. Si Pastor naman ay
laging nahuhuling nakatingin kay Pilang. Makakain, inumpisahan nila ang suyuan. Sunud-sunod
silang parang may parada. Masasaya silang nag-aararo at maitatangi ang kanilang pagkakaisa sa
tulung-tulong na paggawa. Para silang nagpapaligsahan sa ingay at
hiyawan. Ganoon na nga ang nangyari. Lihim na nagkasubukan sa pag-aararo sina Pastor at Ore.
Pagpapakitang bilis sa pagbungkal ng lupa at gilas ng kalabaw. Ipinanahimik lamang ito ng
dalawang dalaga na alam na
alam ang dahilan. Nauna si Pastor, sumusunod lamang si Ore. Malaki na ang kanilang naaararo
ngunit patuloy pa rin sila. Mahina ang kalabaw ni Ore kaya nahuhuli, samantalang magaling ang
kalabaw ni Pastor kaya nangunguna. Hindi na makahabol si Ore sa layo ni Pastor nang huminto
na ang kalabaw niya sa sobrang pagod.
. Tinawag sila ni Ka Punso para kumain. Tumigil si Pastor. Kinalagan ang kalabaw niya at
sinabuyan ng tubig. Nakatawa itong lumapit sa mga kasama. Samantalang si Ore ay hinimas-himas
pa muna ang batok ng kanyang kalabaw na bumubula ang bibig at abut-abot sa paghinga. Nilapitan
siya ng isa sa mga kasamahan at ipinagpatuloy ang ginagawa niya. Lumapit si Ore sa mga
kasamahang mapulang-mapula ang mukha at paulit-ulit na ikinukuskos ang mga palad na malinis na
naman sa pantalon at walang masabi kundi ang pag-aming talagang makisig ang kalabaw ni Pastor.
Naupo si Ore ilang hakbang ang layo kina Nati at Pilang. Si Pastor ay kumakain sa tabi ni Pilang.
Nilapitan ni Pilang si Ore at dinulutan ng pagkain. Naibsan ang pagod at hirap ni Ore.

Panuto B: Gumawa ng isang maikling iskit ukol sa isang tradisyunal na


panliligaw.
Unang Pangkat: Pagpapakita ng pagsisimula ng panliligaw
Ikalawang pangkat: Pagpapakita ng Pagpapadaloy ng panliligaw
Ikatlong Pangkat:Pagpapakita ng Pagwawakas
Ikaapat na Pangkat:
Pagsusuri ng pagsisimula ng Panliligaw

Ikalimang Pangkat: Pagsusuri ng pagpapadaloy ng Panliligaw

Ikaanim na Pangkat: Pagsusuri ng pagwawakas:

Mga Batayan Mga Puntos Puntos


5 3 1
Nilalaman Naibigay ang May kaunting Maraming
buong husay ang kakulangan ang kakulangan ang
hinihingi ng nilalaman na nilalaman na
takdang paksa sa ipinakita ipinakita
pangkatang
Gawain
Presentasyon Buong husay na Naipakita ang Di-gaanong
naipakita ang pagkamalikhain naipakita ang
pagkamalikhain pangkatang pagkamalikhain
sapangkatang gawain sa pangkatang
gawain gawain
Kooperasyon Naipakita ng Naipamalas ng Naipamalas ang
buong miyembro halos lahat ng pagkakaisa ng
ang pagkakaisa miyembro ang iilang miyembro
sa pangkatang pagkakaisa sa sa paggawa ng
gawain pangkatang pangkatang
gawain gawain
Takdang Oras Natapos ang Natapos ang Di-natapos ang
pangkatang pangkatang pangkatang
Gawain ng Gawain ngunit gawain
buong husay sa lumagpas sa
itinakdang oras. yakdang oras
Kabuuang Puntos - 20-Puntos

G. Paglalapat ng
 Paano nakakatulong ang pagkakaroon ng sapat kaalaman para
aralin sa pang-
mapadali ang paglalarawan sa katangian ng isang tao, bagay o
araw-araw na
sitwasyon?
buhay
 Magbigay halimbawa batay sa karanasan.

Sa pagsisimula ng kuwento ipinakilala ng awtor ang uri ng


paligid,pamumuhay at pag-uugali ng mga tauhan.. naging madali ang pag-unawa sa
mga pangyayaring inilarawan sapagkat hindi ito nalalayo sa realidad na nangyayari
sa ating paligid.
H. Paglalahat ng Sa patuloy na pagdaloy ng kuwento, isa-isa ipinakilala ang mga
aralin posibleng kahaharapin problema ng tauhan na ang pag-ugatan ay ang uri ng
pamumuhay na inilarawan sa simula palang ng kuwento. Gumamit ng mga
dayalogo para lalong madaling maunawaan.
Nagwakas ang kuwento sa hatid nitong bisang pandamdamin, pangkaisipan
at pangkaasalan sa mambabasa.

Panuto: Suriin ang estilong ginamit ng awtor sa binasang buod ng maikling


kuwentong “Nagmamadali ang Maynila”
Pamagat

Tauhan Tagpuan
I. Pagtataya ng
Aralin Pagsusuri ng pagsisimula:

Pagsusuri ng Pagpapadaloy:

Pagsusuri ng pagwawakas:
Panuto: Magsaliksik ng isa pang halimbawa ng maikling kuwentong
J. Karagdagang
pangkatutubong kulay at suriin ang estilo ng awtor sa pagsisimula,
Gawain para sa
pagpapadaloy at pagwawakas nito.
takdang-aralin at
Isusulat ang sagot sa isang pirasong papel.
remediation
V. MGA TALA  Natamo ang kumpetensi, ipagpapatuloy ang aralin
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mga mag-
aaral na nakakuha ng 65/80 na mag-aaral ang nakakuha ng 80% sa pagtataya
80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral
na nangangailangan ng
iba pang Gawain para sa
remediation.
C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng
mag-aaral na
nakaunawa sa aralin?
D. Bilang ng mga mag-
aaral na magpatuloy sa
remediation?
E. Alin sa mga
estratehiyang pagtuturo
nakatulong ng lubos?
Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang
aking naranasan aa
solusyunan sa tulong ng
aking punungguro at
superbisor?
G. Anong kagamitang
panturo ang aking
nadiuho na nais kong
ibahagi sa mha kapwa
ko guro?

NINUTAHAN:

LALICE JOY J. ARQUINTILLO


Puno, Departamento ng Filipino

APRUBADO:

ARLENE JOY B. ALONZAGA


Punong-guro III

You might also like