Pagsusuri Sa Heneral Luna

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

PANGHULING GAWAIN SA GE 14

Pangalan: REYNA O. SULIVA Pangkat: BSED-3A


Guro: SHOVIE PETERE Petsa: April 28, 2023

GABAY SA PAGSUSURI NG PELIKULA

I. Tungkol sa Pelikula

A. Pamagat ng Pelikula:
-Ang pamagat ng pelikula ay “Heneral Luna” Kung saan mapapanood ang
mahalagang pangyayare sa buhay ng isa sa pinaka matapang at
makabayang bayani at sundalo ng bansa, sa panahon ng digmaan sa
pagitan ng Pilipinas at ng Amerika.

B. Direktor:
- Jerrold Tarog

C. Prodyuser:
- E.A. Rocha

D. Pangunahing Tauhan:

- Heneral Luna/Antonio Luna– John Arcella – siya ang bida sa pelikula kun saan
naipapakita ang pagiging matapang at handing mamatay para sa kalayaan ng
bayan. Namatay sa kamay ng mga kapwa sundalong Pilipino sa kadahilanang
marami ang kumakalaban sa kanya maging ang Presidente sa panahong ito na si
Emilio Aguinaldo.
- Emilio Aguinaldo – Mon Confiado – Siya ang presidente sa panahong ng digmaan
sa pagitan ng Pilipinas at Amerika. Isa siya sa lihim na tumututol sa marahas na
pakikipaglaban sa mga Amerikano kagaya ng kagustuhan ni Heneral Luna na
dapat ay hindi matakot sa kanila dahil iyon ang magiing dahilan upang maging
alipin at abusuhin.
- Joven Hernando – Arron Villaflor – ang mas nakakaalam sa totoong hangarin ng
Heneral Luna. Mahinahon lamang at parang si Jose Rizal.
- Col. Paco Roman - Joem Bascon – tauhang maaasahan ni Heneral Luna.
- Maj. Manuel Bernal – Art Acuna – tauhang maasahan ni Heneral Luna.
- Capt. Jose Bernal – Alex Medina – Isa sa mga inaresto ni Heneral Luna dahil sa
hindi pagsunod ng utos niya. Siya rin ang naglakas loob na patayin si Heneral
Luna kasama ang iba pa.
- Pedro Paterno – Leo Martinez – isa sa miyembro ng gabinete na tutol sa
pamamahala ni Heneral Luna.
- Felipe Buencamino – Nonie Buencamino – miyembro ng gabinete na
nangungunang tumututol sa pamamahala ni Heneral Luna at nagsasabing mas
maigi na ang makipag areglo sa mga Amerikano sa paraang hindi katulad ng kay
Heneral Luna. Tinagurian siyang taksil ni Heneral dahil sa pakikipag sosyo nito sa
mga Espanyol. At isa siya sa mga nagpapatay kay Heneral Luna.
- Hen. Gregorio Del Pilar- Paulo Avelino – isa sa mga magigiting na heneral.

E. Tema ng Pelikula:
- Ang paksa ng pelikula ay patungkol sa pakikipagdigmaan para sa kalayaan
at ang pagiging biktima sa kamay ng sariling sandatahan.

F. Buod ng Pelikula:
- Si Heneral Luna ay tinaguriang pinakamatapang na sundalo sa panahon ng
digmaan sa pagitan ng Pilipinas at ng Amerika. Siya ay kilalang may
prinsipyo, kaya’t kung sino man ang hindi sumusunod sa patakaran, batas,
at ang nagtataksil ay kanyang mahigpit na pinaparusahan. Kaya’t
tinagurian siyang Heneral Artikulo Uno. Ganoon siya dumisiplina ng
sundalo kaya’t marami ang nakakita ng magandang kinabukasan sa likod
ng pamumuno niya. Ngunit sa kasamaang palad ay mayroon paring mga
taong takot, takot na lumaban, takot sa digmaan, at takot malamangan. Ito
ang mga naging mas matinding kalaban ni Heneral Luna maliban sa mga
sundalong Amerikano. Ika nga niya “mayroon tayong mas matinding
kalaban kaysa mga Amerikano, at iyon ay ang sarili natin”. Sa kagustuhang
manalo sa labanan ay mas nanaig ang katiwalian. Naging matagumpay ang
ilang labanan nila Heneral Luna sa ibang mga bayan, ngunit nagkaroon ng
isang pagkakataon nagkaalitan sila ng kapwa niya Heneral, ukol sa
pakikipaglaban sa Amerikano, at dahil dito kailangang pumili ni Presidente
Aguinaldo kung sino sa kanila ang papanigan, dahil kung hindi ay
magpapatayan sila.Sa huli ay si Heneral Luna ang kaniyang pinanigan.
Isang araw, nakatanggap si Heneral Luna ng isang telegrama, galing kay
Presidente Aguinaldo na kung saan siya’y pinapupunta nito sa isang
pulong. Si Heneral Luna at ang dalawang kapitan nalang niya ang nauna sa
pulong sa kadahilanang nagkaroon ng problema ang ibang mga kawal sa
pagtawid sa isang ilog. Ang pagpunta na pala niya sa pulong na iyon ang
kaniyang magiging huling sandali, Pinagtaksilan si Heneral Luna at pinatay
ng kanyang sariling Bayan. Siya ay paulit ulit na pinagbabaril, sinaksak at
tinadyakan ng mga kawal hanggang masiguradong hindi na ito humihinga.
Maging ang Presidente na si Emilio Aguinaldo ay naghugas kamay sa
pagkamatay niya. Siya ay pinagbabaril ng sundalong Pilipino sa likod ng
utos ng iilan sa mga miyembro ng gabinete na sina Felipe Buencamino,
isang sundalong kapitan na si Jose Bernal at ng iba pa.

II. Mga Aspektong Teknikal

A. Musika
- Ang musikang ginamit ay akma sa paksa at tema ng pelikula. Damdaming
matapang at may matinding emosyon. Naktulong ito upang mapukaw ang
damdaming matapang sa kabila ng digmaan at ang damdaming
pinagtaksilan sa huli.

B. Sinematograpiya
- Maganda ang kabuuang kulay ng pelikula dahil naipapakita rito ang mala
kulay kayumanggi dahil sa ang pelikula ay pangyayare iilang taon at
dekada na ang nakalilipas. Mayroong pagka mapusyaw dahil ito ang akma
sa panahong wala pang kuryente o ilaw, ngunit nagiging malinaw siya sa
kamera at naipapakita ang galaw ng mga karakter lalong lalo na ang mga
emosyong ipinapakita nito.

C. Pagkasunud-sunod ng mga Pangyayari


- Maganda ang pagkakasunod-sunod ng eksena kung saan malinaw na
ipinahiwatig ang kadakilaang ipinakita ng pangunahing tauhan na si
Heneral Luna, kung saan madaling maunawaan ng mga manonood.
Simula sa pagpapakita ng katapangan, mga pulong na hindi
pagkakaunawaan sa pagitan ng mga miyembro ng gabinete, pakikipag
digmaan, mga hakbang niya sa mga dumarating ng problema o hadlang sa
planong pabagsakin ang hukbo ng mnga Amerikano. Hanggang sa
pagpapatunay ng kataksilan ng kapwa Pilipino at mga sundalo at
pagkamatay niya sa mga kamay nito.

D. Pagganap ng mga Artista


- Masasabing magaling gumanap ang mga artista lalong lalo na ang mga
pangunahing tauhan. Si John Arcella na gumanap bilang mahalagang tauhan ay
naipamalas niya ang angking katapangan ni Heneral Luna hanggang sa katapusan.
Masasabing nabigyan niya ng hustisya ang karakter nito. Para naman sa Presidente
na pinagbidahan ni Mon Confiado, makikitang nabigyan niya ng hustisya dahil sa
unay naging pantay siya sa paghuhusga ngunit naging makasarili rin sa huli. Sa
mga sumuportang artista naman ay magaling din umarte lalong lao na sa mga
kanang kamay ni Heneral Luna na sina, Joem Bascon at Art Acuna, naging tapat
sila hanggang sa huling hininga ng bida. At sa mga sundalong nakipaglaban at
namatay, napakagaling sa pag arte, dahil naipakitang parang nasa totoong labanan
sila. Sa mga nagtaksil na sina, Alex Medina, Leo Martinez, at Nonie Buencamino,
ay nabigyang hustisya ang pagiging kontrabida sa pelikula. Napukaw nila ang
damdaming gaya ng galit sa mga ito. Sa pagganap ng mga artista ay mas
nabigyang halaga at hustisya ang pelikulang nagpapahiwatig ng katapangan at
pagtataksil sa panahon ni Heneral Luna.

E.Tagpuan
- Dahil ang pelikula ay kasaysayan ng bansa sa kamay ng mga Amerikano at
nais ipahiwatig rito ang mga labanan at mga tauhang sinaunang Pilipino, namakit ng
pelikula ang akmang tagpuan. Gaya ng sa lugar ng labanan, sa bukid, sa bahay
pagpupulong, bahay ni Heneral Luna at ang palasyo ng pangulong Aguinaldo. Nakatulong
ito upang magkaroon ng kapani paniwalang ganap sa pelikula dahil akma ang mga
tagpuang ipinakita. Akma sa tema ng labanan at pag-aaway away at sa kabuuang kuwento
ng pagiging isang sundalo ni bida na si Heneral Luna.

III.Kahalagahang Pantao

A. Paglalapat ng Teoryang Realismo


- Ang mga pangyayare sa pelikula ay hango sa totoong pangyayare sa buhay
ng isa sa pinakamatapang na Heneral ng sunadlong hukbo ng Pilipinas
noong panahon nng digmaan laban sa mga Amerikano. At dahil
tumatalakay ito sa labanan, naipakitang ang mga tauhan ay nagbabarilan o
nag-aaway away. Sa ibang bahagi ng bansa kadalasan mayroong ganitong
klase ng isyu sa lipunan, kaya’t masasabing ito’y uri ng teoryang realismo
at makatotohanan. Pangalawa ay ang kasalukuyang nagaganap parin sa
politika o sa gobyerno ay ang isyung pagpanig sa di makatarungang
pamamalakad nito at ang pagtataksil sa sariling bayan upang makaangat at
para sa sariling kapakanan.

B. Mga Aral
- Ang aral na makukuha sa pelikula ay ang pagkakaroon ng tapang sa kabila
ng mga pinagdadaanan, lalong lalo na sa mga hamon ng buhay ngayon.
Naipamalas rin ang pagiging makabayan ng pangunahing tauhan.
Pagkakaroon ng prinsipyo sa sinumpaang katungkulan at handang
mamatay para sa bayan. Bilang isang sundalo, hindi lang trabaho ang
pagprotekta sa mga mamamayan at lupaing Pilipinas, kundi ang mahalin
ito at maging matapang na mandirigma laban sa mga umaapi.

C. Bisang Pampanitikan

1.BISANG PANG-KAISIPAN-
Sagot:
Ang pelikula ay naging daan upang mapatunayan at maipakita na kahit noong panahon ni
Heneral Luna at sa kalagitnaan ng digmaan ay hindi nawawala ang hindi pagkakapantay-pantay
o di kaya nama’y paggamit ng dahas upang malamangan ang kapwa. Bilang isang
estudyante, mas naintindihan ko at namulat ako sa katotohanang, sa panahong ito’y mayroon ng
hindi pagkakaunawaan sa panig ng mga Pilipino. Na kapwa Pilipino ang nagsisiraan at
nagpapatayan ng dahil lang sa hindi pagkakaunawaan at pagpapahalaga sa sariling kagustuhan.
Dito’y namulat ako sa katotohanang maging ang pangulo na si Emilio Aguinaldo ay isa sa mga
taong kumalaban kay Heneral, at para sa akin, ito’y hindi makatarungan.
Bukod sa nagbigay kaalaman ang pelikula patungkol sa kung anong klaseng
pamumuno mayroon sa panahon ni Heneral Luna, ipinakita din nito kung paanong biktima
siya, ng kataksilan ng sariling bayan. Paano ka mananalo sa labanan kung ang mismong kakampi
mo ang siyang kalaban. Masakit isipin na walang silang pagpapahalaga sa mga sundalong
namatay sa labanan, sa mga taong nagbuwis ng buhay para sa kalayaan, at sa mga taong minahal
ang bayan kaysa sariling kapakanan.

2.BISANG PANG-KAASALAN-
Sagot:
Ito’y nagbibigay kaalaman na mali ang maging makasarili. Lalong lalo na kung isa ka sa
mga taong pinagkakatiwalaan ng karamihan. Mali man ang paraan ng pagdedespilina ng
Heneral, subalit ito ang mabisang paraan upang mapasunod ang hukbong sandatahan. At pag
sundalo ka, alam mo sa sarili mong, laging una ang bansa kaysa sarili at pamilya. Kaya’t
hanggang sa kamatayan obligasyon mong lumaban.

3.BISANG PANDAMDAMIN-
Sagot:
Awa kay Heneral Luna na naging biktima ng sariling bayan. Hiling lamang niya ay
kalayaan at kapayapaan, ngunit binigay sa kanya ang pagkamatay ng walang katarungan. Isa
siyang matapang at modelo dapat sa lahat ng Pilipinong takot maapi ng sinuman. Ngunit
namatay siya sa mga kamay ng kapwa Pilipino lamang.
Galit at dismaya ang mararamdaman sa ginawa ng pangulong Aguinaldo, dahil sa
pagkakaroon niya ng hindi pantay na pamumuno lalo na pagdating sa mga opsiyales ng gabinete.
Isa siyang lihim na taksil ng bayan. Isa siya sa dapat na inaasahan ng marami lalong lao na ng
Heneral, ngunit siya ang humila nito pababa.
Galit naman ang mararamdaman ng manonood sa mga miyembro ng gabinete dahil sa
ginawang pagtataksil at pag patay kay Heneral Luna. Hindi matatawaran ang ginawa nila rito
lalong lalo na sa paraan ng pagpatay, masasabing ito’y hindi makatao.

D. Kabuuang Pananaw
Maganda ang pelikulang ito para sa mga mga kabataan ngayon tulad
ko. Dahil kalimitan lang sa amin ang nakakaalam sa tunay na nangyari sa
panahong ito. Sa pinagdaanan ng ating mga bayani hindi lang sa kamay ng
mga mananakop, kundi sa kamay ng kapwa Pilipino.
Naiiba ang pelikulang ito sa iba pang pelikula dahil, tumatalakay ito
sa pagkakaroon ng away sa dapat na kakampi. Na hindi lahat ay
mapagkakatiwalaan. Minsan ang ahas ay nasa tabi tabi lang. Dahil it ay isang
mahalagang pangyayari sa kasaysayan, angkop itong ipakita sa mga
mamamayang Pilipino, upang magkaroon rin ng aral na masama ang dulot ng
pagiging sakim at pagtataksil. Na dapat ay magtulungan kaysa mag away-away
lalong lao na sa panahon ng kahirapan o mga hamon sa buhay. Mas madaling
malutas ang problema kung tulong-tulong at sama-sama.
Karapat-dapat na panoorin ang pelikula dahil maliban sa pagbigay
pugay sa isa sa mga magigiting na bayani at pagbabalik tanaw sa mga
mahahalagang pangyayare sa kasaysayang Pilipino, nagbibigay linaw rin ito na
sa panahong ito, makikitang mayroong masasamang epekto ang pagiging
makasarili, at na sumasalamin ito sa iilan na nangyayari ngayon sa ating
gobyerno.

You might also like