Professional Documents
Culture Documents
Filipino 2 Midterm Reviewer
Filipino 2 Midterm Reviewer
C. Uri ng Teksto
1. Informativ (Impormatibo)
2. Descriptiv (Paglalarawan)
3. Narativ (Pagsasalaysay)
4. Expositori (Paglalahad)
5. Argumentativ (Pangangatwiran)
6. Prosidyural (Proseso)
7. Persweysiv (Panghihikayat)
1. Tekstong Impormatibo
Layunin nitong magbigay ng konkretong impormasyon tungkol sa isang tao, bagay, lugar, hayop, o
pangyayari. Sinasabing ‘objective’ ang mga tekstong impormatib dahil walang halong anumang opinyon ang
pagsasalaysay sa uri ng tekstong ito. Kabilang sa mga ito ay ang mga kuwentong nagsasalaysay ng mga
tunay na pangyayari at mga babasahing mayroon tayo sa paaralan tulad ng mga teksbuk o batayang aklat.
Kadalasang sinasagot nito ang mga tanong na ano, sino, at paano.
2. Tekstong Deskriptibo
Isa namang uri ng naglalarawang babasahin ang tekstong deskriptiv o deskriptibo. Ito ay
nagtataglay ng mga impormasyong may kauganyan sa katangian ng mga tao, hayop, bagay, lugar, at mga
pangyayari. Dahil naglalarawan ang mga tekstong deskriptib, mayaman ang mga ito sa mga pang-uri at
pang-abay. Maaari din itong maging tekstong nagpapahayag ng pagkakatulad o pagkakaiba ng mga bagay.
Ito rin ay isang paraan ng masining na pagpapahayag ng paghanga sa ilang bagay.
3. Tekstong Naratibo
Isang uri naman ng teksto na nagsasalaysay ng serye ng mga pangyayari ay ang tekstong narativ o
naratibo. Katulad ng tekstong impormatib, ang layunin ng tekstong naratibo ay magbigay ng impormasyon.
Ang kinaibahan lamang, ito ay nakatuon sa kung paano nangyari ang mga tagpo, kompleto sa panahon,
tagpuan, at mga tauhan. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang mga talambuhay, anekdota, o epiko. Maaari din
itong piksyon at di piskyon.
4. Tekstong Prosidyural
May uri naman ng teksto na nakatuon sa pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari o mga hakbang
sa paggawa ng mga bagay. Ito ay tinatawag na tekstong prosidyural. Kilala rin bilang teksto ng
pagkakasunud-sunod, sumasagot ito sa mga tanong na paano—paano nabubuo ang isang bagay, paano
iluto, paano isinasagawa ang isang proseso, o paano naganap ang isang pangyayari.
5. Tekstong Persweysib
Ang tekstong persweysiv ang isang uri ng tekstong naglalayong manghikayat ng mga mambabasa.
Ginagamit ito sa mga pahayagan, telebisyon, at radyo. Karaniwang ginagawa ang tekstong persuweysib
upang mapukaw ang interes ng mga tao at maniwala sa sinasabi nito. Nagagamit ito sa mga advertisements
o mga patalastas sa TV o radyo. Maaari din itong gamitin sa mga kampanya o pag-aalok ng mga serbisyo.
6. Tekstong Argumentatibo
Ito naman ay uri ng teksto na nakatuon sa paglalahad ng mga opinyon, paniniwala o kuro-kuro sa
mga mahahalagang isyu o iba pang bagay. Katulad ng tekstong Persweysib, layunin din nito na manghikayat
ng mga mambabasa. Gayunman, gumagamit ito ng mga argumento at mga pangangatuwiran. Karaniwang
sinasagot ng mga tekstong argumentativ ang tanong na ‘bakit?’ Bagaman nais nitong makapaglahad ng
damdamin, kailangan pa ring suportado ito ng katotohanan o facts.
7. Tekstong Expositori
Paglalahad sa pamamagitan ng pagpapaliwanag ng mga konsepto at mga palagay batay sa
pansariling haka-haka, opinyon, o pananaw.
Antas ng Pagbasa
1. Primarya (elementarya)
Ito’y panimulang pagbasa sapagkat pinapaunlad dito ang rudimentaryong
kakayahan. Ibig sabihin, dinedebelop ito mula sa kamangmangan. Elementaryang pagbasa
rin ito dahil sinisimulang ipinatuturo sa paaralang elementarya. Sa primarya, wika ang
pokus. Ang pagkilala sa aktwal ng mga salita, at ang pagpapamalay sa kahulugan ang unang
konsentrasyon ng primaryang pagbasa.
2. Inspeksyunal o Mapagsiyasat
Sa antas ng pagbasang ito, ang panahon ang pinakamahalaga. Itinatakda sa
limitadong oras ang pagbasa. Dahil sa limitadong pagbasa, hindi lahat ng nasa aklat ay
babasahin kundi ang superfisyal o espisipiko na kaalaman lamang. Ang kailangang sagutan
habang nagbabasa ay: Tungkol saan ang libro? Anu-ano ang mga bahagi nito? Anong uri ito
ng babasahin – kasaysayan ba? Nobela ba? Diskurso ba? Tinatawag din itong pre-reading o
sistematikong iskiming.
3. Mapanuri o Analytikal
Ang antas na ito ay aktibo. Dapat intindihing mabuti ang ipinapakahulugan sa
pamamagitan ng malinaw na pag-iinterpret. Interpratibo ito, samakatuwid, sapagkat
matalinong hinihinuha ang mga pahiwatig at tagong kahulugang matatagpuan wika nga, sa
pagitan ng teksto o linya. Mahalaga rito ang malalim na nakapaloob na kaisipan.
4. Sintopikal
Pinakamataas ang antas na ito ng pagbasa. Pag-uunawang integratibo ang kailangan
sa antas na ito. Komplikado at sistematikong pagbasa ito. Humahamon sa kakayahan ng
bumabasa. Komparatibo rin ito. Ibig sabihin, dapat marami nang nabasang libro ang
bumabasa para makapagiba-iba, makapagsuri, makapamuna at makapagpahalaga, kaya
naman kahit matrabaho ang pagbasa rito, marami namang nakukuhang benepisyo.