AP 2 Quarter 4 Week 3

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

SSES AP 2 (QUARTER 4 WEEK 3)

Balik Aral:
PANUTO: Basahin ang bawat pangungusap. Isulat ang letra ng tamang sagot:
Ano-ano ang mga karapatan na dapat tinatamasa ni Leo sa kanyang karanasan. Isulat ang sagot sa
pangalawang column.

ARALIN:
Karapatan Ko, Isagawa Ko
Mahalagang malaman nating lahat ang ating karapatan na dapat tamasahin na may katumbas na
tungkulin bilang kasapi ng komunidad. Tinatamasa ba natin ito sa ating komunidad? Ito ang
usapan ng ilang mga bata.

MGA PAGSASANAY:
Pagsasanay 1
Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay wasto at MALI naman kung hindi. Isulat ang
sagot sa patlang.
________1. Ang mga bata ay may tungkulin na dapat gampanan sa ating komunidad.
________2. Kung ang isang komunidad ay maayos, malinis at tahimik at may pagkakaisa ang
bawat mamamayan ay tiyak na walang kaguluhang magaganap.
________3. Ang mga nakatatanda lamang ang may karapatan at tungkulin na dapat gampanan sa
ating komunidad
________4. Hindi ginagampanan ang tungkulin ng bawat isa sa komunidad.
________5. Kailangang nagbabayanihan at nagtutulungan ang bawat isa sa komunidad
Pagsasanay 2
Panuto: Iguhit ang kung ang pangungusap ay nagsasaad ng tungkulin na dapat gampanan
sa bawat karapatang tinatamasa at naman kung hindi.
________1. Isinilang akong malusog at binigyan ng magandang pangalan na Liza kaya tungkulin
kong pangalagaan ang aking pangalan.
________2. Maaga akong pumapasok sa aming paaralan upang ako’y maglaro at matulog sa loob
ng aming silid-aralan.
________3. Malinis at mabango ang aming kapaligiran kaya tungkulin kong panatilihin itong
malinis at mabango sa pamamagitan ng pagtulong sa paglilinis.
________4. Malaya at ligtas akong nakakapaglaro sa palaruan na pinatayo ng aming kapitan sa
aming lugar kaya tungkulin kong ingatan ang mga kagamitan dito.
________5. Mayroon akong magulang na mabait at mapagmahal, ngunit sinisigawan ko sila kung
hindi naibibigay ang aking kagustuhan.

You might also like