Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Enabling Assessment 3: Natatanging Kultura

Script

Materyal na bagay: Krus

Magandang araw! Ako si Kenzel Lawas mula sa BSA21 at narito ako upang talakayin
ang bagay na hawak ko ngayon. Ang aking hawak ngayon ay isang krus. Ang krus ay
isang bagay na kawangis ng letrang “t” na karanawing gawa sa dalawang tabla ng
kahoy. Noong unang panahon, sa krus ipinapako ang lahat ng mga nakagawa ng
napakabigat na kasalanan bilang parusa. Sinisimbolo nito si Hesu Kristo dahil dito Siya
ipinako at namatay dahil sa ating mga kasalanan. Ito ay isang banal na imahe sa
Katoliko. Sa pamamagitan ng krus, inaalaala parati ng mga Katoliko ang
pagpapakasakit at pagkamatay ni Hesu Kristo upang iligtas ang sanlibutan mula sa
mga kasalanan. Kaya naman, karamihan sa mga Katoliko ay mayroong suot ng krus o
di kaya ay mayroong krus sa bawat tahanan dahil sinasagisag nito ang pagtaboy sa
lahat ng mga masasamang elemento na maaaring sumira sa magandang pamumuhay
ng isang Katoliko. Ito rin ay isa sa mga importanteng simbolo sa kultura ng pagiging
Lasalyano. Isa sa tatlong core values ng pagiging Lasalyano ay ang espiritu ng
pananampalataya or spirit of faith sa Ingles. Bago magsimula ang klase at iba pang
mga aktibidad sa Pamantasan ng De La Salle – Dasmariñas, naka-ugalian na ng mga
Lasalyano ang manalangin. Karaniwang nagbabasa muna ng Gospel ang tagapagdaloy
ng panalangin na susundan naman ng Lasalyanong panalangin. Sa pamamagitan nito,
ang mga Lasalyano ay humihingi ng patnubay at gabay mula sa Panginoon upang
maging matagumpay ang pagdaraos ng klase o ng aktibadad. Mayroon ring iba’t-ibang
mga gawain hinggil sa panrelihiyong Katoliko sa nasabing pamantasan upang lalo pang
lumalim ang pananampalataya ng mga Lasalyano at mapalapit pa sa Panginoon.
Karamihan rin sa mga silid-aralan sa nasabing pamantasan ay mayroong krus sa
harapan ng klase na nakadikit sa pader. Sinisimbolo nito ang matinding
pananampalataya kay Hesu Kristo ng mga Lasalyano. Naniniwala kasi ang mga
Lasalyano na kapag mayroong krus, natutulungan nito na mapagtibay ang relasyon ng
mga tao sa Panginoon upang hindi tayo maligaw ng landas. Sa pamamagitan ng krus,
naniniwala ang mga Lasalyano na ito ay nagsisilbing paalala na parating nasa tabi natin
ang Panginoon at kasama Niya parati tayo sa lahat ng pagsubok na ating haharapin sa
buhay. Gayundin, ito rin ay nagpapakahulugan na parating nasa sentro ng buhay ng
isang Lasalyano ang Panginoon. At bilang panghuli, naniniwala rin ang mga Lasalyano
na kapag mayroong krus sa harapan ng klase, parati tayong ginagabayan ng
Panginoon upang maging maayos ang magiging daloy ng klase. Dagdag pa rito,
inilalayo rin tayo mula sa lahat ng mga kapahamakan at masasamang espiritu sa tulong
ng krus na ito.

You might also like