Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Kenzel Lawas | BSA21 | EA4 (Interpretasyon ng awit)

We Heal as One
Malikhaing Interpretasyon
Noong Marso 11, 2020, idineklara ng World Health Organization ang COVID-19 bilang
pandemic. Idineklara naman ang lockdown sa kabuuan ng Metro Manila at iba pang
lugar noong Marso 15, 2020 upang maiwasan ang paglaganap ng COVID-19. Ilang
libong Pilipino ang nagkasakit at pumanaw ng dahil rito. Maraming negosyo ang
nagsara at ilang milyong Pilipino rin ang nawalan ng pangkabuhayan. Dahil rito,
nabalot ng takot ang lahat ng mga Pilipino. Marami rin ang nawalan ng pag-asa.

Mayroong 4 na importanteng mensahe ang kantang ito. Ito ay sumasalamin sa


Padrong Kultural ng mga Pilipino. Ang mga sumusunod ay ang kultural na
paniniwala, tradisyon at naging pamantayan ng mga Pilipino tuwing humaharap sa
kahit ano mang pagsubok sa buhay, gaya lamang ng COVID-19 na pandemya na
ating nararanasan ngayon.

PAG-ASA
Ang isa sa pinakamensahe ng kantang ito ay ang salitang
“PAG-ASA”. Ito rin ang nagsisilbing sentral na paniniwala ng
mga Pilipino. Kahit ano man at gaano man karami at kabigat
ang pagsubok na harapin ng mga Pilipino, nasa paniniwala na
natin na dapat maging matatag sa buhay at huwag mawalan ng
pag-asa. Sabi sa kanta, “The test we face is for us to prove
That we can heal as one”. Malalagpasan rin natin itong
pandemyang ito. Basta huwag lang tayong mawawalan ng pag-
asa sa buhay.

PAGKAKAISA
Sa pandemyang ito, hindi tayo nag-iisa. Ito rin ang naging
kaugalian ng mga Pilipino sa gitna ng pagsubok. Sabi sa kanta
“Ngunit di man nagsasama Kaya pang magkaisa”. Dapat tayong
magkaisa upang malapagpasan natin ang ano mang pagsubok na
darating sa ating buhay at sabay sabay tayong babangon muli.

PAGTUTULUNGAN
Isa sa mga lipunang gawi ng mga Pilipino ang pagtutulungan. Ito
ay tinatawag nating “bayanihan”. Ayon sa kanta, “We serve,
we share, we show compassion”. Ang mga salitang ito ay
sumasagisag ng pagtutulungan at pagmamalasakit ng mga Pilipino
upang malagpasan natin ano mang pagsubok ang ating harapin
sa buhay.

PAGMAMAHALAN
Ang pagmamahalan ang isa sa mga pagpapahalaga na
nagpapabuklod sa mga Pilipino. Ayon sa kanta “We heal as one
with kindness”. Nailalarawan dito na ang pagmamahal natin sa
isa’t-isa ay makatutulong upang malabanan natin ang pagsubok
na dala ng pandemya at sama sama tayong babangon muli mula
sa matinding epekto ng pandemya.

You might also like