Professional Documents
Culture Documents
El Filibusterismo Script Group 1
El Filibusterismo Script Group 1
•Characters•
1. Elias
2. Crisostomo Ibarra/Simoun
3. Mga Guardia Civil
Simula…
Ibarra: Elias!
Elias: Wala lamang ito, ako’y makakatakbo pa at tayo'y makakatakas sa mga kastila!
*
*
**SIMULA NG EL FILIBUSTERISMO**
•Mga Tauhan•
1. Donya Victorina
2. Kapitan ng Bapor
3. Don Costudio
4. Ben Zayb
5. Padre Salvi
6. Simoun
7. Padre Sibyla
Donya Victorina: Hayy, Don Costudio , Hindi ko alam kung nasan ang aking escoso, at hindi
ko alam ang nangyare at bigla nalang siya nawala, kaya heto ako bumabyaheng magisa
sapagkat gusto kong tumungo ng Laguna upang siya’y hanapin.
Kapitan ng bapor: Paumanhin mga senyor at donya Victorina ngunit matatagalan ang ating
pagbyahe
Donya Victorina: Buenos días a todos ustedes! Kay bagal bagal Ang kupad kupad! Usad
pagong! Wala na bang ibibilis Itong bapor? Parang Isang dekada na tayong naglalayag sa
sobrang bagal! Kaunting tulin naman ng makina kapitan!
Donya Victorina: Ang mga indiyong yan ang nagpapabagal ng ating paglalakbang pati na rin
ang pag unland ng Las Filipinas
Padre Salvi : Hindi ang mga indiyo ang ating problema, ang ilog
/*Pagsulpot ni Simoun
Simoun: Donya Victorina, huwag masyadong pausukin ang iyong tainga. Baka kumupas ang
iyong magagandang koloretes sa mukha. Sa katunayan, madali lang namang lutasin ang
suliraning ito. Hindi ko nga alam kung bakit ni isa ay hindi ito naisip.
Simoun: Simple lang naman ang aking mungkahi. Gumawa sana ng isang kanal na papasukan
ng ilog hanggang sa paglabas at pararaanin sa Maynila. Lilikha ito ng bagong ilog sa
pamamagitan ng paggawa ng kanal at sarhan na ang dating llog Pasig. Sa ganitong paraan,
hindi maaaksaya ang lupa at iikli pa nga ang oras ng paglalakbay.
Don Custodio: Simple? Don Simoun, ipagpaumanhin ninyo kung ako ay tututol sa inyong
mungkahi. Malaking salapi ang gugugulin at saan naman tayo kukuha ng salaping
ipambabayad sa mga manggagawa?
Simoun: Sino namang nagsabing pasasahurin ang mga manggagawa? Isa pa'y sapilitang
pagtatrabahuhin ang mga bilanggo, bihag, matatanda at mga binata at batang lalaki.
Simoun: Himagsikan?! Haha! Naghimagsik ba ang mga taga Ehipto nang buuin nila ang
piramide? Eh ang mga bilanggong Hudyo laban kay Tito, sila ba ay nagalsa? Ang isang
edukadong tao na katulad ninyo ay ganito pala kahina pagdating sa kasaysayan.
Don Custodio: Ngunit, hindi taga Ehipto ni hindi Hudyo ang inyong kaharap. Isang tigre kung
magalit ang mga Pilipino lalung lalo na noong sila'y sapilitang pinagawa.
Simoun: Don Custodio, malayo na ang panahong iyong tinutukoy. Ang Pilipinas ngayon ay iba
na sa Pilipinas noon. Paniguradong hindi na sila maghihimagsik kahit pa bigyan sila ng
maraming trabaho o patawan ng malaking buwis. Naalala ko lang, nai-kuwento ni Padre Salvi
na ang bahay at pagamutan sa Los Baños ay naitayo sa ganoong pamamaraan..
Simoun: Wala ng kung anu ano pa. Ang nasabi ay nasabi na! At kayo Padre Sibyla, huwag na
ninyong subukang magsalita ng mga kabalbalan. Ano naman ang kabuluhan ninyong mga
prayle kung ang bayan ay maghihimagsik? (aalis)
Ben Zayb: Kung sabagay. Ikaw naman Don Custodio, ano naman ang iyong panukala?
Don Custodio: Kung sa tutuusin ay mas mainam pa ang aking mungkahi. Nais kong pag-
alagain ng itik ang mga taong nananahan malapit sa ilog. Ang mga itik ay kakain ng suso
kasama ang mga buhangin sa ilalim ng lawa na kung makukuha ay mas mapapalalim pa ang
tubig at mas mapabubuti ang takbo ng bapor.
Donya Victorina: Naku! Don Custodio! Kung maraming mag-aalaga ng itik ay dadami na rin
ang balot! Pwe! Nakasusuka! Nakapandidiri! Tabunan na sana ang lawa.
/*Cut scene
*
*
•Mga Tauhan•
1. Kapitan Basilio
2. Isagani
3. Basilio
4. Simoun
5. Padre Florentino
6. Kapitan ng bapor
Kapitan Basilio: Oh ikaw pala Basilio! Kamusta na? Ano na ang lagay ni Kapitan Tiyago?
Basilio: Ito, patuloy pa ring nag-aaral ng medisina. Si Kapitan Tiyago ay mabuti - buti na rin po.
Ngunit, ayaw pumayag na siya'y alagaan pa. Sa totoo nga ho eh, pinatungo ako sa San Diego
sa udyok ng ilan upang dalawin ang bahay roon. Pero ang totoo, gusto lamang niyang humithit
ng apyan!
Kapitan Basilio: Tunay ngang salot sa atin ang apyan! Kilala iyan ng mga nuno noon subalit
hindi sila nagmalabis. Ang apyan ay para sa panggagamot lamang. Maiba tayo, kamusta na
ang inyong balak na ipatayo ang Akademya sa Wikang Kastila? Sa aking palagay ay hindi niyo
ito maisasakatuparan.
Kapitan Basilio: Paano si Padre Sibyla? Maaaring siya'y tutol sa inyong balak.
Isagani: Ano naman po kung siya ay sasalungat? Nakasalalay pa rin sa Kapitan Heneral sa Los
Baños ang huling desisyon. Walang magagawa si Padre Sibyla kung sasang-ayon ang Kapitan
Heneral.
Kapitan Basilio: Mabuti naman kung ganoon, sana kayo’y magtagumpay, at akoy mauuna na
Basilio: Uy Isagani maiba nga ako ano nga pala ang sabi ng iyong amain tungkol kay Paulita?
Isagani: Tungkol kay Paulita?(kikiligin) Ayun, pinangaralan ako tungkol sa pag aasawa. Akala
niya siguro ay agad agad kaming magpapakasal. Sinabi ko sa kanya na perpekto ang aking
iniirog. Maganda, mayaman, ulila na at para bang pakiramdam ko ay nasa langit ako kapag
nakikita ko siya.
Basilio: Oh? Bakit ka namumula? Kapag umiibig ka nga naman! Sabagay, sino ba namang
hindi mabibighani sa kagandahan ni Paulita. Kaya lang...
/*Nagtawanan
/*Pagdating ni Senyor Simoun
Simoun: (papasok) Anong dahilan at bakit lubhang maligaya ang mga batang ito?
Simoun: Mabuti naman Basilio. Mabuting mabuti. Teka sino ba itong makisig na kaibigan mo at
ngayon ko lamang siya nakita?
Basilio: Señor Simoun, siya nga po pala si Isagani, isa po siyang magaling na makata. Hindi pa
po ba kayo nakapupunta sa kanilang bayan?
Simoun: Basilio, bawat segundo ay mahalaga. Ayoko lamang sayangin ang bawat segundo ng
aking buhay sa isang bayang ang mga tao ay walang kakayahang bumili ng alahas
Isagani: Mawalang-galang na po, bawat segundo nga ay mahalaga subalit bawat sentimo rin
ay lubhang kapaki-pakinabang. Ayaw po namang sayangin ang aming salapi sa pagbili ng mga
bagay na hindi naman namin kailangan.
/*Tumanggi si Basilio
Simoun: Bakit naman hindi? Ayon kay Padre Camorra, ang pag-inom raw ng maraming tubig
ay sanhi ng kahinaan ng mga tao sa Pilipinas.
Isagani: Sabihin niyo rin sa kaniya na matamis at naiinom ang tubig ngunit pumapatay ng apoy.
Ito'y nag-aalab kapag umiinit at kapag ito'y namuhi at nagiging karagatang minsan ng lumunod
at nagpayanig sa daigdig.
Basilio: Kardinal Moreno, Eminencia Negra o ang kamahal mahalang itim. Ito ang taguri sa
kanya sapagkat siya ang tagapayo ng Kapitan-Heneral.
Kapitan: Padre Florentino! Kayo pala! Halina sa itaas! Naroroon ang ibang mga prayle!
Kapitan: Sige na Padre Florentino, minsan lamang ito. Baka po isipin ng mga prayle sa itaas na
ayaw ninyo silang makasama.
Padre Florentino: Sige Kapitan papanhik na lamang ako. May sasabihin lamang ako sa aking
pamangkin.
Padre Florentino: (lalapit kay Isagani) Isagani, ako'y papanhik lamang sa itaas.
Padre Florentino: (hahawakan ang braso ni Isagani) Sandali lang Isagani, dito ka na lamang.
Masyado ng nakakahiya sa Kapitan kung pareho pa tayong aakyat. Bakal isipin na
pinagsasamantalahan natin ang kanyang kabaitan..
Isagani: Oh sige ho maghihintay na lamang ako dito sa ibaba (pag-alis ni Padre Florentino)
Sasamantalahin, sasamantalahin daw. Hmp. Ang totoo ayaw niya lang na makausap ko si
Donya Victorina. Sayang, hindi ko makikita si Paulita!
/*Cut scene
*
*
Padre Camorra: Padre Florentino! Mabuti naman at pinaunlakan mo ang paanyaya ng Kapitan
at pumanhik ka rito! Akala namin eh, ayaw mo kaming makasama.
Padre Florentino: Hindi naman sa ganoon Padre. Marami lang akong inaasikaso sa ibaba.
/*(Papasok si Simoun)
Don Custodio: Señor Simoun, saan ba kayo nanggaling?Sayang at hindi ninyo nakita ang mga
magagandang tanawin habang tayo'y naglalayag.
Simoun: Marami na akong nasilayang mga magagandang tanawin. Subalit, para sa akin ay
mas makabuluhan ay yaong may mga alamat.
Kapitan: Naku kung alamat lamang ang ating pag-uusapan ay mayaman na diyan ang Ilog
Pasig. Isa na rito ang Alamat ng Malapad na Bato!
Donya Victorina: Sige nga at ikuwento mo nang gumaan-gaan naman ang aking pakiramdam.
Kapitan: Sinasabi na ang Malapad na Bato na ito ay isang batong buhay. Ayon sa iilan, ito raw
ay pinamumugaran ng mga ispiritu. Naging pugad daw ito ng mga tulisan na nanghaharang ng
mga bangka.
Paulita: Tiya, alamat lamang iyon. Hindi naman siguro iyon totoo. Bitawan mo na yung braso ni
Señor Simoun, nakakahiya oh. Pop
Donya Victorina: Ay, pasensya naman.
Kapitan: May isa pang alamat, ang alamat ng yungib ni Donya Geronima na...na... ikukwento
pnaman ni Padre Florentino.
Padre Florentino: Ako?
Kapitan: Opo eh ikaw lang naman sa atin ay may alam ano po?
Padre Florentino: Oh siya siya! May isang binatang nangakong magpakasal sa isang dalagang
nagngangalang Donya Geronima. Subalit, isang araw ay nabalitaan niya na lamang na naging
Arsobispo ng Maynila ang kaniyang Kapitan. Nang siya'y dumako sa Arsobispo upang hilingin
ang katuparan ng kaniyang pangako, ipinagawa na lamang siya ng Arsobispo ng yungib na
napapalamutian ng baging..
Donya Victorina: Ano naman ang nangyari kay Donya Geronima sa yungib?
Padre Florentino: Doon na siya nanihrahan, namatay at inilibing. May mga nagsasabing siya
raw ang diwata ng yungib dahil siya'y nakikita ng mga tao na naghahagis ng mga pilak na
ginagamit sa piging sa ilog.
Padre Salvi: Ikukwento ko naman ang alamat ng Buwayang Bato. Minsan may isang Intsik na
di bininyagan ang dumaan sa tapat ng isang simbahan. Walang anu ano, isang demonyo na
naganyong buwaya ang nagpalubog sa kaniyang. bangka upang siya'y hilain sa impyerno.
Humingi siya ng tulong kay San Nicolas. Sa isang iglap, naging bato ang buwaya.
Donya Victorina: Naku! Nakaririmarim! Ayokong hilahin ng buwaya! (yayakapin ulit. si Simoun)
Ben Zayb: Maalala ko lang, batid ba ninyo kung saan napatay ang isang nagngangalang
Guevarra, Navarra, o Ibarra? (lalakad papalayo si Simoun)
Kapitan: Hindi kay Señor Simoun. Sa dakong dagat, sinasabing tumalon si Ibarra sa tubig nang
makita niyang pinaliligiran na siya. Sumisid siya sa ilalim at sa tuwing lumilitaw ang kanyang ulo
upang huminga ay pinauulanan siya ng bala. Sa dako roo'y hindi na siya nakita at may
nakakitang nagkulay dugo ang tubig. Ngayon ang ika-13 taon ng pangyayari.
Padre Sibyla: Ay kasama ng bangkay ng kanyang ama. Hindi ba isa siyang pilibustero?
Ben Zayb: Iyan ay matatawag na murang libing, Padre Camorra!
Padre Camorra: Kapag pilibustero talaga, sadyang hindi nagbabayad ng maringal na libing.
Ben Zayb: Señor Simoun, anong nangyari sa inyo? Bakit tila'y natigilan kayo?
/*Cut scene
*
*
•Mga Tauhan•
1. Huli
2. Tano
3. Kabesang Tales
4. Tandang Selo
5. Hermana Bali
6. Mga guardia civil (Richard at Jullien)
Huli: (nananahi) Alam mo Kuya, nais ko ring makapag-aral sa Maynila katulad mo. Pero hindi
naman sapat ang kinikita ni Ama sa kaniyang mga ani.
Tano: (nagsisibak) Kaya mo ba gustong makapag aral ay upang mapantayan mo ang narating
ng iyong katipang si Basilio..
Huli: Siyempre isa na iyon, gusto ko naman maging isang karapat dapat na babae para sa
kaniya. Isa pa, nais ko ring makatulong kay ama, sa iyo at kay Lolo.
Huli: Oo nga ama, paniguradong malaki ang iyong kikitain kapag iyan ay iyong naibenta sa
Merkado.
Kabesang Tales: Marami nga aking ani subalit napakalaking buwis naman ang sinisingil ng
mga prayle sa akin.
Tandang Selo: Ipagpalagay mo na lamang na lumalaki na ang buwaya at dumating ang mga
kamag-nak nito upang lamunin ang iyong salaping pinaghirapan.
Kabesang Tales: Pero ama, silay'y sumosobra na. Kailangan ko ring pangalagaan kung ano
ang pinaghirapan ko!
Tandang Selo: Anak, magtimpi ka! Walang mapapala kung lalabanan mo sila!
Kabesang Tales: Hindi ko hahayaang makuha nila ang lupa, hindi maaari
/*Dadating si Tano
Guardia civil/Jullien: Sinusundo namin si Tano, para maging parte ng depensa militar
Tano: Ano?!
/*Kinaladkad ng mga guardia civil si Tano
/*Cut scene
*
*
•Mga Tauhan•
1. Richard
2. Jullien
3. Kabesang Tales
4. Hermana Bali
/*(Nasa sakahan si Kabesang Tales, ng bigla siyang tutukan ng baril ng mga guardia civil)
Huli: Ingkong, ano na ang gagawin natin? Wala akong ganoong kalaking halaga ng salapi.
Tanging dalawang daang piso lamang ang mayroon ako.
Tandang Selo: Pasensya na apo at wala akong maiaambag na salapi. Mas mahirap pa sa atin
ang ating kamag-anak at kapitbahay kaya hindi rin natin sila mahihingan ng tulong.
Huli: (Kukunin ang alahas) Isasangla ko na lamang ang iilan kong alahas. Ngunit, hindi ko
maaring ipagbili ang agnos na ito na bigay ni Basilio. (hahalikan ang agnos)
/*(Paalis si Huli)
Hermana Bali: Magandang araw Tata Selo! Ano Huli, tayo na! Mayroon akong kakilalang
magpapahiram sa iyo ng pera upang matubos mo ang iyong ama.
Huli: Sige tara na ho! Lolo, dito muna kayo ha?Pagbalik ko, siguradong matutubos na natin si
Ama.
/*Cut scene
*
*
•Mga tauhan•
1. Huli
2. Hermana Bali
3. Hermana Penchang
Hermana Bali: Magandang araw ho Hermana Penchang! Huli, siya ang sinasabi ko na
makatutulong sa iyo.
Hermana Penchang: Magandang umaga rin. Tumuloy muna kayo. (Sa loob ng bahay)
Huli: Kailangan ko lamang ng kaunting salapi. Kailangan ko po kasing mabawi ang aking ama
sa mga tulisan.
Hermana Penchang: Anak ka pala ni Telesforo. Sandali lamang (aalis at babalik pagkatapos
ng ilang sandali) Narito ang salapi.
Huli: Maraming salamat Hermana Penchang! Pangako babayaran ko rin po ito kaagad!
Hermana Penchang: Huwag kang mag alala Huli, madali lamang iyan bayaran. Mababayaran
mo lamang iyan kapag pumayag kang maging alila at utusan sa aking bahay.
/*Cut scene
*
*
•Mga tauhan•
1. Simoun
2. Basilio
Basilio: Maligayang Pasko ina! Alam ninyo po, malayung malayo na po ako sa Basilio
labingtatlong taon na ang nakararaan. Hindi na po ako dungisin, hindi na rin po ako hunghang.
Ina, marangal na ang aking buhay! Nakilala ko si Kapitan Tiyago at pinag-aral ako ng Medisina.
Pero ina, ang pagmamahal ko sa inyo ni Crispin ay hindi pa rin nagbabago. Ina, mahal na
mahal ko po kayo! Sana ay narito kayo sa aking tabi upang makita ninyo ang iyong anak na
naaabot na ang kaniyang mga minimithi sa buhay.
Basilio: Teka, ano 'yon? (Makikita niya si Simoun na naghuhukay ng kayamanan) Siya nga ba?
Siya nga ba ang lalaking tumulong sa akin upang mailibing si Ina? (Lalapit siya kay Simoun)
Basilio: May labintatlong taon na po ang nakararaan nang ako ay inyong tulungan sa paglilibing
ng aking ina. Ikaliligaya ko kung kayo naman ang aking tutulungan.
Basilio: Isang taong para sa akin ay dakila. Isang taong inakala ng lahat na patay na.
Crisostomo... Crisostomo Iba...
Simoun: Basilio, nakabatid ka ng isang lihim na maaari kong ikasawi. Maaari kitang patayin at
ibintang ito sa mga tulisan. Subalit hahayaan kitang mabuhay at huwag ko sanang pagsisihan
ito. Umalis ako sa bayang aking sinilangan. Nagpayaman at nagbalat kayo. Magtatagumpay na
sana ako sa aking mga mithiin. Subalit kayo! Kayong mga Kabataan! Na hinayaang ang sarili
na lasunin ang isip ng kasuklam - suklam na pamahalaang España!
Simoun: Hinahayaan ninyo ang inyong sariling alilain at alipinin ng mga Kastila. Para kayong
mga asong habol ng habol sa isang pirasong buto na ayaw naman ipagkaloob sa inyo! Ano ang
inyong hangad sa pagtuturo ng Wikang Kastila? Na dagdagan pa ng isa pang wika ang ating
bayan upang lalong hindi kayo magkaintindihan?
Basilio: Naku Señor Simoun kayo po'y nagkakamali. Sa pamamagitan ng wikang Kastila,
maaari na po tayong mapalapit sa pamahalaan.
Simoun: At ano ang gagawin ninyo?Patayin ang sarili ninyong katangian at ipailalim ng tuluyan
ang pag-iisip sa pag iisip ng iba upang tuluyan ng maging. alipin? Magtulungan tayo Basilio.
Pareho tayong inapi at inalipusta sa sariling bayan. Pareho tayong may nais na pagbayarin.
Maghiganti tayo!
Basilio: Hindi na mabubuhay pa ng paghihiganti ang aking ina at kapatid! Ano ang mapapala
ko kung silay' aking ipaghihiganti?
Simoun: Hindi sa lahat ng pagkakataon ay maamo ang isang tao. Walang mag- aapi kung
walang magpapa api. Katulad mo rin ako noon ngunit tingnan mo ang aking sinapit. Ililigpit ka
rin nila sa sandaling maaari ka ng iligpit.
Basilio: Tutulungan po kita Señor sa lahat ng pamamaraan maliban lamang sa inyong iniisip.
Lubhang delikado po ito. Ang gusto ko lamang ay mabuhay ng payapa at tahimik.
Simoun: Sa una mo lamang iyan masasabi Basilio, subalit kapag naranasan mo na ang lahat
ng mapapait na aking naranasan, ay babalik at babalik ka rin sa akin. Kung sakali mang
magbago ang iyong isip, hanapin mo lamang ang aking tirahan sa Escolta.
Simoun: Isang sutil na bata, sa katunayan wala ng kwenta ang mga kabataan ngayon
Simoun: Tama kaya ang aking ginawa? Bahala na, mamatay na ang mahina at matira ang mga
malalakas, kaunting pagtitiis nalang, malapit na akong magtagumpay, kaunting tiis na lamang
/*Cut scene
*
*
•Mga tauhan•
1. Kabesang Tales
2. Simoun
3. Kapitan Tika/Shayne
4. Kapitan Basilio
5. Bisita/Shaira
6. Hermana Penchang
/*(Pagpasok ni Simoun )
Mga Tao: Teka si Simoun ba iyon? Ano kaya ang ginagawa niya rito? Bakit nasa bahay siya ni
Kabesang Tales?
Simoun: Maaari bang dito muna ako manuluyan ng isang gabi at dalawang araw? Tutal, ang
iyong tahanan naman ang pinakamalaki sa nayon.
Kabesang Tales: Maaari po Señor Simoun! Subalit paano kung may mga tulisang
nagmamanman? Maaari kayong mapaha...
Simoun: Huwag kang mag-alala Tales! Sapat na ang rebolber na ito. (ilalapag ang sisidlan ng
alahas)
Hermana Penchang: Talagang ang gaganda ng mga alahas! Gusto ko pa namang. bumili ng
singsing para sa Birhen ng Antipolo,
Hermani Bali: Señor Simoun, anu ano bang alahas ang mayroon ka?
Simoun: Ayy. Kung hindi mo naitatanong ay mga prestihiyosong mga alahas ito.Narito ang
kolyar ni Cleopatra, gintong singsing ni Sila, at singsing ng mga senador at maginoong taga-
Roma!
Simoun: Kapitan! Ito ang singsing na galing sa Prinsesa Lamballe at hikaw ng isa sa mga
dama ni Prinsesa Antoniette.
Kapitan Basilio: Haha. Wala akong naintindihan! Pero siguro napakamahal ng mga alahas na
ito!
Hermana Penchang: Eh Señor Simoun magkano naman itong hikaw na ito. laalay ko sana sa
Birhen ng Antipolo baka sakaling maisama ang aking pangalan sa kaniyang himala at para
umakyat ako sa langit.
Simoun: Tatlong libong piso lamang Hermana.
Simoun: Mga kaibigan! (tatapikin ang kahon) Ang kahong ito'y tulad ng sa mangagamot.
Taglay nito ay buhay at kamatayan, lunas at lason. Sa isang dakot ng mga hiyas ay maaari
kong lunurin ang mga tao sa Pilipinas.
Simoun: Tumatanggap din ako ng mga lumang alahas upang palitan ng salapi.
Sinang: Kabesa! Bakit hindi niyo ipagbili ang agnos ni Huli? Tutal kailangan ninyo ng pera hindi
po ba?
Sinang: Napakagandang agnos po iyon Señor! Magaganda ang palamuti at ito ay nangggaling
sa aking kaibigang nag-mongha.
Kabesang Tales: Isasangguni ko muna ito kay Huli bago ko ibenta. Señor, aalis muna ako.
Babalik din ako kaagad. (Kinaumagahan)
Simoun: Bumalik na ba si Tales? Teka? Nasaan ang aking rebolber? (Kukunin ang sulat)
Simoun: (tatayo) (tatawa ng malakas) Sa wakas! Natagpuan ko na rin ang aking hinahanap!
(tatawa ng malakas)
/*Cut scene
*
*
Padre Camorra: Puñales! Panalo na ipintalo pa! Napakawalang kwenta talaga kalaro sina
Sibyla at Irene!
Ben Zayb: Pabayaan mo na Padre Camorra! Baka nais lang nilang magpalakas sa Kapitan-
Heneral kaya nagpapatalo.
Ben Zayb: Tutal, kalahating oras pa bago mananghalian, pag-usapan muna natin ang mga
bagay na kailangan pagdesisyunan.
Padre Sibyla: Ang pagbubukas ng Akademiya ng Wikang Kastila. Ang kahilingang ito ng mga
kabataan ay mapangahas at naghahangad na saklawan ang kapangyarihan ng mga prayle.
Simoun: Sang-ayon ako sa iyo Padre Sibyla. Maging ako ay tututol din sa pagpapatayo ng
ganyang paaralan..
Padre Camorra: Walang karapatang matuto ng Wikang Kastila ang mga Indiyo! Kapag
natutunan na nila ang ating wika, mangangatwiran na sila at magiging kalaban ng Diyos at
Pamahalaan!
Padre Sibyla: (mahinahon) Maaaring mapahiya ang mga prayle. At sa aming pagbagsak,
maaaring pamahalaan naman ang sumunod.
Padre Fernandez: Kailangan nating mamulitika. Ibigay natin ang lahat ng kanilang kailangan.
Tingnan ninyo, mas marami sila kaysa sa atin. Kailangan natin sila pero. hindi nila tayo
kailangan. Sa pamamagitan niyo, mas tatatag ang ating pamamahala.
Padre Camorra: Nag-iisip ka ba ha? Hindi dapat ipatayo ang paaralang iyan! (Magtatalo-talo
ang mga prayle)
/*Cut scene
*
*
•Mga Tauhan•
1. Padre Milion
2. Placido Penitente
3. Magaaral na natutulog na napagalitan (Ernest)
4. Juanito
5. Monique
6. Richard
Padre Millon: Hoy aba! Natutulog ka sa klase ko, habang di ka pa natatawag?! Hindi mo ba
alam ang leksyon!
Ernest/Estudyante: Ang salamin ay anu mang makinis na bagay sa ibabaw na ginawa upang
Makita ang anumang Makita nag iharap ditto. Nahahati ito sa dalawa, salaaming metal at
salaaming bubog.
Padre Millon: kung ika'y bibigyan ng kaputol na kahoy at masisinagan ng larawan ng mga
bagay na ilalagay sa harap, saang bahagi mo ilalagay ang bawat isa?
Placido: Aray!
Padre Milion: Ikaw Placido! huli ka na nga sa klase ko, nag iingay ka pa?! Tumayo ka at ikaw
ang sumagot sa aking mga katanungan!
Placido: uhh
Padre Millon: Mas mainam ang tawag sa iyo na Placidong bulong! Labinlimang araw na liban!
Isa pa at magbabakasyon ka na!
Padre Millon: Sa tuwing liliban ka ngisang araw, lima ang katumbas. Ilang ba ang limang
makalima?
Padre Millon: 3 beses pa lamang kitang nahuli. Ilan ang talong lima?
Padre Millon: kapag lumiban ka pa ng isa ay lalabag ka na. Mamarkahan pa kita ng isang guhit
dahil di mo alam ang leksyon ngayon.
Placido: hindi ko po maisip kung pano ang wala rito ay makapag uulat ng leksyon.
Padre Milion:Sa iyong tingin ba ang pagliban ay makatarungan, ano ang ikakatwiran mo diyan
pilosopopastro?
Placido: Sige, ilagay mo na ang lahat ng guhit na gusto padre, aalis na ako sa klaseng ito at
hindi na ako pababalik pa!
*
*
•Mga tauhan•
1. Estudyante(Monique)
2. Sandoval
3. Isagani
4. Juanito
5. Pecson
6. Macaraig
Isagani: Kapag naitatag na ang paaralan, siguradong pupurihin ng pamahalaan tayong mga
mag-aaral at lahat ng tumutol ay magsisisi.
Estudyante/Monique : Subalit, baka ipiit sa bilangguan kaming mga kasapi, maging kayo,
batay sa payo ng Obispo na sasangunian ng Kapitan-Heneral.
Sandoval: Huwag ka puro pangamba ang iyong iniisip kumpadre. Hindi ganiyan ang Kapitan-
Heneral. Mayroon siyang sariling pag-iisip at kaya niyang tumayo sa sarili niyang mga paa.
Pecson/Jullien: Wala naman akong sinasabing ganiyan Sandoval. Ang sa akin, mayroon
namang sariling pag-iisip ang Kapitan-Heneral, iyon ay ang desisyon ng mga nakapaigid sa
kaniya.
Sandoval: Lubang kinakailangan ng bawat kabataan ang wikang Kastila. Wala akong
nakikitang dahilan upang tumutol dito ang pamahalaan.
Pecson/Jullien: Marahil ay natatakot sila na maunawaan natin ang kanilang mga batas kung
marunong tayong magkastila. Isa pa, sa gabi idaraos ang klase, maaari itong maging sanhi ng
mga kasagwaan.
Pecson: Paano kung sa lahat ng mga ito ay ipagkait pa rin sa atin ng Kapitan- Heneral ang
ating kahilingan?
Sandoval: Kung gayon, hindi rin nasayang ang inyong pagsisikap. Ibinunyag ninyo na ang
pamahalaan ay hunyango at nagbabalat-kayo lamang. Maging ako, kahit isa akong Espanyol,
ay makikiisa sa mga Pilipino sapagkat hindi karapat-dapat ang isang pamahalaang tutol sa
ikauunlad ng kaniyang nasasakupan.
Pecson: Nasasabi mo lamang iyan dahil ikaw ay isang Kastila. Kung ako man ang nagsabi ng
kahit kalahati man lang ng mga sinabi mo, ikaw man ay ipagpapalagay na ako'y isang
pilibustero!
Makaraig/Shaira: Mayroon akong mabuting balita! Ayon kay Padre Irene, nasa kamay na raw
ni Don Custodio ang usapin!
Isagani: Kalabisan na kung hihingi tayo ng tulong kay Padre Irene. Kalabisan na rin ang
paggamit kay Pepay mapakiling lamang si Don Custodio.
/*Cut scene
*
*
•Mga tauhan•
1. Isagani
2. Ginoong Pasta
Isagani: Naniniwala po ang mga kabataan sainyo kayat nais naming humingi ng tulong upang
mapakiling saamin si Don Costudio
Ginoong Pasta: Ayokong makiaalam sa mga ganyang usapan, maselan ang aking kalagayan
at maraming ari-arian kaya kaylangan ko ng pag iingat
Isagani: Hindi po namin hangad na ilagay kayo sa kagipitan, iisa lang po ang aming layunin, iba
iba lamang po ang paraan
Senyor Pasta: Kahanga hangang kasagutan, ngunit hindi niyo parin ako mapapapayag, Binata
isantabi ninyo ang mga kuro-kurong iyan sapagkat mapanganib, pabayaan ninyo ang
mamahala ang pamahalaan!
Isagani: Ang pamahalaan ay itinatag para sa kagalingan ng bayan, upang kaniyang ganap na
mapagampanan ang tungkulin at kailangang pakinggan ang mungkahi ng mga mamamayan na
lalong nakababatid ng kaniyang pangangailangan
Isagani: Ipagpatawad po ninyo, kung ang bayan ay may kahilingan sa pamahalaan, na ayon
naman sa batas at ang kahilingan ay magaking, bakit ito mamasamain?
Ginoong pasta: Ibigay niyo na lamang ang panahon sa pag aaral at nalalapit na ang
pagsusulut. Mahusay kang magsalita ng kastila, bakit inaabala mo pa ang sarili sa mga bagay
na ito? Marahil, iisa lamang ang pagkukuro namin ni Padre Florentino. Ihatid ninyo ang aking
pangangamusta sa kanya
Isagani: Lagi pong bilin ng aking amain na laging isaisip ang kapakanan ng iba gaya ng
kapakanan ko. Naparito ako para sa mga wala sa mabuting katayuan
Ginoong Pasta: Balang araw ay magpapasalamat ka sa akin. Tiyak na maaalala ninyo ako pag
nagkauban na ang inyong buhok, katulad ng sa akin
Isagani: Ginoo, pag akoy nagkaroon ng ubangg tulad ninyo at sa paglingon ko sa kahapon ay
nakita kong pawang pansarili lamang ang aking pinag-ukulan at walang ano man para sa
bayang nagkaloob sa akin ng laban, bawat uhan ay ituturing kong tinik sa akin at sagisag ng
kahihiyan. Paumanhin Ginoong pasta at akoy aalis na
/*Umalis na si Isagani
/*Cut scene
*
*
Mga Tao: (nag-uusap usap tungkol sa disenyo at pagkaing nakahain sa bahay ni Quiroga. Ang
iba namay ay kakamayan at babatiin si Quiroga)
Tsismosa 1/Shayne: Ano ba naman iyan! Kay papangit ng mga dekorasyon ni Quiroga sa
kaniyang bahay!
Tsismosa 2/Princess: Oo nga ano? Mga mumurahin lamang siguro ito at inangkat mula Tsina
Tsismosa 3/Krisha: Kaya siguro humihina ang kalakal ng aking asawa ay dahil kakumpitensya
niya ang Intsik na ito!
Tsismosa 4/Ernest: Alam niyo ba? Mas marami pa ang napupuntang salapi mula sa kinikita sa
loterya sa Tsina kaysa sa napupunta dito sa Pilipinas! Garapal talaga ang mga Intsik!
/*(Dadating si Simoun)
Quiroga: Yung tatlong brilyanteng inutang ko mula sa 'yo, hanggang ngayon hindi ba
nababayaran ng taong pinautangan ko rin.
Quiroga: Dapat ay isang brilyante lamang ang kukunin ko para sa isang babaeng gagamitin
kong pansuhol sa isang ginoo na kailangan ko sa kalakalan. Nang tatlo ang kaniyang kunin,
wala na akong nagawa. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin nababayaran.
Simoun: Naloko kayo! (hahalakhak) Bale, siyam na libo ang inyong pagkakautang. Sige,
gagawin ko na lamang itong pitong libo.
Simoun: Itatago ko lamang ang ilang mga baril sa inyong tindahan upang maipasok ko ito sa
adwana.
Quiroga: lyon lang naman pal...ANO? Mga baril? Subalit Don Simoun, ako po'y natatakot, baka
ako ay mahuli. Isa pa, takot ako sa mga baril.
Simoun: Hindi ka naman mananagot dito. Itatago ko nang unti-unti sa iba't-ibang tahanan ang
mga armas. Pagkatapos, magkakaroon ng pagsisiyasat at maraming mabibilanggo. Siguradong
kikita ako sa paglakad na pawalan ang mga bilanggo.
Simoun: Kung hindi kayo papayag edi marapat lamang na bayaran ninyo ang siyam na libong
inyong pagkakautang.
Quiroga: Ano eh... Uhm... Sige na nga po, payag na ako, tutal wala naman akong ibabayad.
Simoun: Isa itong kasunduan Quiroga, sana'y hindi mo talikuran ang ating pinag- usapan.
(Lalabas sa sala)
Padre Salvi: Alam ninyo ba ang palabas ni Ginoong Leeds sa perya sa Quiapo?
Padre Camorra: Totoo ito. Nasa loob ng isang kahon ang ulo at ipinatong sa mesa.
Ben Zayb: Sige, patutunayan kong hindi totoo ang mahika. Magpunta tayo sa Quiapo!
/*Cut scene
*
*
•Mga tauhan•
1. Paulita
2. Donya Victorina
3. Isagani
4. Padre Camorra
5. Ben Zayb
/*(Sa peryahan)
Paulita: Isagani, tingnan mo oh! Ang daming magagandang ilaw. Ang daming magagandang
tanawin dito sa perya.
Isagani: Yung mga tao rito sa perya. Pambihira kung makatitig sa iyo. Parang gusto ka nilang
agawin sa akin.
Paulita: (tatawa ng mahinhin) lyon naman pala. Huwag kang mag-alala dito lang ako sa tabi
mo. Hindi ako aalis. Hindi kita iiwan.
Isagani: Talaga?
Paulita: Oo naman.
Donya Victorina: At ako rin, hindi ko kayo iiwan! Dito lang ako sa tabi ninyo! Mga kabataan
talaga!
Paulita: Tiya naman. Maginoo po itong si Isagani. Siguradong ligtas ako palagi kapag siya'y
aking katabi.
Isagani: Oo nga po Donya Victorina. Huwag po kayong mag-alala. Baka kumulubot ang iyong
magagandang kutis sa mukha. Masasayang ang inyong kagandahan.
Padre Camorra: (papaluin nang malakas si Ben Zayb) Isang diwata! Isang diwata!
Padre Camorra: Pagmasdan mo. Kakaiba ang kaniyang kagandahan. Tila isa isang
engkantada!
Ben Zayb: lyan si Paulita Gomez. Tunay ngang hinahangaan siya ng mga kalalakihan dahil sa
angking alindog at kagandahan.
Padre Camorra: Kaniya palang nobyo ang aking estudyante! Lagot siya sa akin! Dito ka nalang
at susundan ko sila.
Ben Zayb: (pipigilan si Padre Camorra) Pumirmi ka nga lang Padre Camorra! Dito ka lang!
Ben Zayb: Tingnan mo nga naman! Kamukha ni Simoun iyong nagtitinda ng laruang gawa sa
kahoy.
Padre Camorra: Aba oo nga! Matanong ko lang, nasaan nga pala si Simoun?
/*cut scene
*
*
•Mga Tauhan•
1. Basilio
2. Simoun
3. Kapitan Tiyago
Basilio: Parang awa niyo na naman, kumain po kayo ng hapunan kahit kaunting higop lamang
ng sabaw. (kinakausap si Kapitan Tiyago)
/*(dadating si Simoun)
Basilio: Mahina na ang pintig ng puso at puso. Ayaw na ring kumain ni Kapitan Tiyago. Kaawa-
awa.
Basilio: Nakalatan na ng lason ang kaniyang buong katawan. Maaari siyang mamatay ano
mang oras.
Basilio: Ilang gabi nang nagigising siyang walang ilaw. Umiiyak at ako'y minumura. Inaakala
niyang siya'y aking binulag.
Simoun: Wala ngang pinagkaiba sa pamahalaan! (hahawakan ang ilang mga libro)
Basilio. Makinig ka. Walang sandali ang dapat na masayang. Hindi mo binubuklat ang mga
aklat na ibinigay ko sa iyo. Wala kang malasakit sa iyong bayan!
Simoun: Wala ng pero pero. Sa loob ng isang oras, sisiklab na ang higmasikang. hindi nila
malilimutan! Naparito ako upang ihandog ang iyong kamatayan o kinabukasan.
Simoun: Magpasiya ka! Narito ako upang ika'y iligtas alang-alang sa nakaraang nag-uugnay sa
atin.
Basilio: Ilang araw ng may sakit si Maria Clara. Ako'y dumadalaw sa kumbento upang
makibalita. Heto ang sulat na ibinigay ni Padre Irene kay Kapitan Tiyago! (iaabot ang sulat)
Magdamag na hinagkan ni Kapitan Tiyago ang larawan ni Maria Clara at humihingi ng tawad.
Tinugtog na kanina ang kaniyang agunyas.
Simoun: PATAY NA! ANG AKING MAHAL AY PATAY NA!! Namatay na hindi ko man lamang
nakikita o nayayakap. Namatay na hindi man lamang alam na ako'y buhay para lamang sa
kaniya. Maria! Maria mahal ko!
/*Cut scene
*
*
•Characters:•
1.Basilio/Gian
2.Sandoval/Chester
3.Tadeo/Clark
4.Guardia Civil 1,2 ,3 (Richard, Krisha, JP)
5. Makaraig/Shaira
Basilio: (makikita ang mga paskin at makakasalubong si Sandoval) Sandoval! Ano ang tungkol
dito sa mga paskin?!Sandoval!
Basilio: (makakasalubong si Tadeo/Clark) Kayo ba ang naglagay ng mga paskin? (kukunin ang
isang paskin sa dingding)
Tadeo: Wala na tayong pasok! Haha! Tayong mga kasapi sa Akademya ay ikukulong lahat!
Tadeo: Oo naman! Walang pasok kapag nasa kulungan ka! Walang pasok! Walang pasok!
(aalis)
Juanito: Wala! Wala akong kinalaman sa Akademya! Hindi ako nakikilahok sa samahan! Wala
akong kinalaman! (aalis)
Guardia Civil 3/JP: Sumama ka sa amin ngayun din! (Hahawakan si Basilio ng dalawang
Guardia Civil)
Basilio: Teka, anong ginagawa niyo? Hindi ninyo ako pwedeng dakpin! Huwag
/*Kakaladkarin
/*Cut scene
/* New Scene na nasa kulungan kunware si Basilio at Isagani
/*Cut scene
*
*
•Characters•
1.Shayne
2.Ernest
3. Huli
4. Hermana Bali
5. Hermana Penchang
Tsismosa/Shayne: Hoy! Nabalitaan niyo ba ang nangyari kay Basilio? Ay kaawa-awang bata.
Bali-balitang pinatawan siya ng parusa. Marahil ngayon ay patay na siya.
Hermana Penchang: Pinarusahan ng Diyos! Parusa ng Diyos ang pagkakabilanggo kay Basilio
sapagkat hindi siya marunong mag-antanda at magdasal!
Lalaking Tambay /Ernest: Hindi totoo yan! Mabuting bata sa Basilio, Siguradong wala siyang
kinalaman sa mga paghihimagsik at paskin.
Tsismosa/Shayne: Tumigil nga kayo! Nakulong na nga si Basilio. Ibig sabihin ay kasapi siya
doon. (hindi nila alam na naroon na si Huli), Kung gusto niyo, dalawin niyo pa sa bilangguan
nang magkaalaman. tayo! Siguradong puro latay na ang kaniyang katawan.
/*(Dadating si Huli)
Huli: Maraming salamat Hermana Bali. Subalit paano ko matutulungan si Basilio upang siya'y
makalaya?
Huli: Sino?
Huli: Ayoko! Natatakot ako sa kaniya. Noong kausap ko siya nang magpunta ako sa kumbento,
kakaiba ang mga titig niya sa akin.
Hermana Bali: Huli wala ng ibang paraan! Kahit anong oras ay maaaring bitayin si Basilio!
Hahayaan mo na lamang bang mamatay ang iyong katipan? (sa kumbento)
/*Cut scene
*
*
•Characters•
1.Huli
2. Hermana Bali
3. Padre Camorra
/*(nasa kumbento)
(papasok sa kumbento)
Padre Camorra: Ay ganoon ba. Sige hayaan mo muna kaming dalawang mag- usap.
Huli: Hermana...
Hermana Bali: Narito lang ako sa labas. Sige na. (lalabas si Hermana Bali)
Padre Camorra: Naku hija mahirap ang iyong hinihingi. Kalaban ng pamahalaan ang mga
katulad ni Basilio. Papayag lamang ako kung gagawin mo ang ipag-uutos ko.
Huli: (sasampalin si Camorra) Mahalay! Itim ang budhi! Hinding hindi ko gagawin ang
pinapagawa mo!
Padre Camorra: Huwag ka ng pumalag! Hindi ba't gusto mong mapalabas ng kulungan si
Basilio? (tatangkaing gahasain)
Huli: (magpupumiglas)
*
*
Donya Victorina: Paulita, Paulita. Pupunta pa tayo kay padre Camorra bago ka magpakasal,
nako Paulita, sumasakit ang ulo ko sayo, hindi mo batid na kriminal ang isang illegal? kriminal
na ngayon si Isagani! Kriminal na siya, itatak mo sa isip mo yan Paulita!
/*Cut scene
•Mga tauhan•
1. Donya Victorina
2. Paulita
3. Isagani
4. Juanito
Juanito: Anong mahal ko? Huwag mo nga siyang hawakan! Wala na kayong ugnayan ni
Paulita. Hindi ka na niya mahal!
Isagani: Ngunit sinasabi niyang hindi mo na raw ako mahal. Totoo ba iyon? Sabihin mong hindi
ito totoo. Sabihin mo!
Paulita: Bakit ka ba nanggugulo rito? Wala na tayong ugnayan. Nagkamali pala ako na ikaw ay
ibigin. Na ibigin ang isang bilanggong katulad mo!
Isagani: Paulita, sana maintindihan mo ako. Para sa bayan ang aking ginawa.
Paulita: Ayokong maging bahagi ng buhay ng isang taong hangal. Isa pa, mas matimbang sa
akin si Juanito, masayahin, maliksi, may dugong Kastila at anak ng isang mayaman. Ikaw? Ano
ang iyong maipagmamalaki? Isa ka lamang hamak na probinsyano at Indiyo!
Juanito: Narinig mo na? Ikakasal na kami ni Paulita. Wala na kayong ugnayan kaya umalis ka
na!
Isagani: Paulita, sabihin mong mali ang lalaking ito! Nangako tayo sa isa't isa!
Paulita: Kung ayaw mong umalis kami ang aalis. Juanito tayo na. (aalis kasama si Juanito)
/*Cut scene
*
*
•Characters•
1.Simoun
2. Utusan/Monique
3. Basilio
Utusan: Tinubos ko na po siya sa piitan gaya ng inyong ibinilin sa akin. Sinabihan ko rin siya na
pumunta dito ngayong umaga.
Simoun: Bueno. Iwan mo muna ako dito at kapag dumating si Basilio ay papasukan mo siya.
Utusan: (aalis)
/*(dadating si Basilio)
Simoun: Basilio? Basilio! Anong nangyari sa iyo? Bakit kakaiba na ang iyong hitsura?
Basilio: Ako'y isang masamang anak, kasintahan at kapatid. Hindi ko man lamang
naipaghiganti ang kamatayan ng aking kapatid at paghihirap ng aking ina. Ngayon ay handa na
akong gantihan ng sama ang kapwa sama. Ako'y nakalaang maglingkod sa inyo kasama ng
lahat ng sawimpalad.
Simoun: Magtatagumpay na sana ang unang himagsikan subalit ako noon ay umiibig pa rin
kay Maria Clara. Ngayon na siya'y pumanaw na, hindi na akong mag- aatubili pang ibaon sa
hukay ang lahat ng mga tampalasang nagdala ng pighati sa aking buhay. Lahat ng inabuso at
binaboy, ang aking ama, ang iyong kapatid at ina na sina Crispin at si Sisa, ang matalik kong
kaibigan na si Elias, si Huli, lalung-lalo na si Maria Clara, lahat sila ay ating ipaghihiganti! Heto,
iyong pagmasdan (ipapakita ang lampara)
Simoun: Walang buhay na dapat itira. Ang lahat ng dumi ay dapat linisin! At hindi lamang ito
basta-bastang Nitrolicerina. Ito ay likha sa mga luhang naipon at poot na kinimkim.
Simoun: Iba ang iyong gagawin. Pagkarinig ng putok ay lalabas ang mga artilyero at iba pang
kinasundo ko noon. Pupunta ang lahat sa lugar na kinaroroonan ni Kabesang Tales sa Sta.
Mesa. Sabay-sabay na susugod ang lahat. Magkakagulo at ang mga mamamayan ay nanaisin
na ring lumaban. Ikaw ang mamumuno sa iba. Dalhin mo sila sa bahay ni Quiroga dahil doon
nakaimbak ang mga baril at pulbura. Kami naman ni Kabesang Tales ay susubukang agawin
ang tulay. Mamamatay ang lahat ng mahihina! Ang lahat ng hindi handa!
Simoun: Oo! Lahat! Lahat ng Indio, Mestiso, Intsik, Kastilang duwag! Kailangang magsimula
muli. Mula sa mga dugong dadanak ay sisibol ang bagong lahi! Isang bagong lipunan na kahit
kailan ay hindi na magpapa-api!
Basilio: Subalit, ano naman ang sasabihin ng daigdig sa ganiyang mga pagpatay?
Simoun: Ang daigdig ay papalakpak. Tulad ng pagpalakpak ng Europa nang patayin ang
angaw-angaw na Indiyo sa Amerika.
Basilio: Kung sa bagay. Ano nga naman sa akin kung pumalakpak man sa akin o hindi ang
daigdig kung ang daigdig naman ay wala namang tingin sa mga api at mahihirap.
Simoun: lyan ang gusto kong marinig mula sa iyo! Tama lang talaga na ikaw ang aking piliin!
Heto ang rebolber. Sa ganap na ika-10 ng gabi na magtungo ka sa simbahan ng San Sebastian
para sa huling tagubilin. Sa ganap na ika-9 naman ay dapat na lumayo kayo, malayung-malayo
sa Anloague. Hihintayin kita Basilio.
/*Cut scene
*
*
•Characters•
1. Mga Tsismosa (Princess, Shaira, Richard)
2. Paulita
3. Donya Victorina
4. Padre Irene (magkakasal)
5. Padre Salvi ( Sa gilid lamang)
6. Padre Florentino ( Sa gilid lamang)
7. Padre Fernandez (sa gilid lamang)
Tsismosa 3/Richard: Kahit naman ako ay hindi ako papakasal sa isang ipiniit sa bilangguan at
gumawa ng karumal-dumal na pangyayari sa bayan.
Tsismosa 4/Princess: Oh ayan na pala sina Donya Victorina at Paulita! Tara makiusosyo tayo!
(Naglalakad patungong altar si Donya Victorina at Paulita)
Padre Irene: Ikaw naman Paulita, tinatanggap mo ba si Juanito bulang iyong kabiyak at
ipinapangakong kayo ay magsasama sa hirap at ginhawa habang buhay hanggang kamatayan?
Padre Irene: Ngayon, kayo Juanito Pelaez at Paulita Gomez ay kasal na! Pagpalain nawa kayo
ng Diyo sa inyong pagsasama! Mabuhay ang bagong kasal!
/*Cut scene
*
*
•Characters•
1. Princess
2. Don Costudio
3. Donya Victorina
4. Padre Salvi
5. Basilio
6. Isagani
7. Simoun
8. Heneral Kapitan
9. Juanito
10. Guardia Civil(Richard)
Don Custodio: (kinakamayan ang mga nagsisidatingan) Magandang gabi! Magandang gabi!
Tuloy lamang kayo.
Donya Victorina: (kakamayan si Don Custodio) Magandang gabi Don Custodio, mabuti ay
pinaunlakan mo ang aming paanyaya.
Don Custodio: Siyempre naman Donya Victorina, hindi ko palalampasin ang sandaling ito.
Alam mo naman na kung nasaan ang enggrandeng piging, ay naroon ako.
Donya Victorina: Magandang gabi mga padre! Halina at magtungo na tayo sa loob.
Basilio: (nasa tapat ng bahay) Hayaang magbayad ang mga mabubuti kasama ang mga
masasama. Hindi ako magsusumbong, alagad ako ni Simoun.
Simoun: (darating)
(Sa loob)
Paulita: Naku nag-abala pa kayo. Kay gandang lampara. Maraming salamat po.
Juanito: Mabuti pa nga! Sayang naman ang kagandahan (ilalagay ang lampara sa gitna ng
mesa)
Simoun: Paulita, nais ko pa sanang magtagal subalit mayroon akong kliyenteng nais bumili ng
aking alahas na kailangan kong katagpuin.
Paulita: Ay ganun ho ba? Sige po salamat sa pagpapaunlak ng aming imbitasyon. (Sa labas)
Basilio: Hindi ako masamang tao! Kailangan ko silang iiligtas! (tatakbo papunta sa pinto)
Bantay: Bawal kang pumasok dito! Tingnan mo nga iyang suot at hitsura mo!
Simoun: (lalabas) Basilio, sa Escolta magmadali! May sindi na ang lampara! (pabulong)
Basilio: (kumaripas ng takbo at makikita niya si Isagani) Isagani anong ginagawa. mo rito?
Halika na, lumayo na tayo sa bahay niyan!
Basilio: Gusto mo pa bang mabuhay? May lampara sa loob ng bahay na mayroong dinamita.
Kapag iyon ay sumabog, lahat tayo ay mamamatay!
Isagani: Hayaan mo muna akong makita siya kahit sa huling sandali. Bukas ay iba na siya.
Isagani: (tatakbo din pero maiisip niya na naroon si Paulita kaya papasok siya sa loob ng
bahay.)
(sa loob)
Mga tao: Ano itong papel na ito? Anong ibig-sabihin nito? (pasa-pasa ang papel)
Don Custodio: Isang pilibusterong matagal nang patay. Ito'y masamang biro.
Don Custodio: Hindi kaya ay ibig sabihin niyan ay papatayin tayong lahat ngayong gabi?
Kapitan-Heneral: Padre Irene, nawawala na ang ilaw ng lampara, itaas ang mitsa.
Padre Irene: (itataas ang mitsa pero mabilis na kukunin ni Isagani ang lampara)
/*Cut scene
*
*
•Characters•
1. Padre Florentino
2. Simoun
3. Utusan/Monique
Simoun: (nakahiga na) Kaunti lamang po. Subalit sa ilang sandali ay matatapos na rin ang
paghihirap ko.
Simoun: Wala nang mangyayari! Nag-aaksaya lamang kayo ng panahon! Mamamatay ako
dala ang aking lihim
Simoun: Ako si Crisostomo Ibarra. Labintatlong taon na ang nakararaan magmula noong ako'y
bumalik mula sa pag-aaral sa Europa upang gumawa ng mabuti para sa bayan at pakasalan
ang aking irog na si Maria Clara. Subalit, lahat ng ito ay nawala nang idawit nila ako sa
kaguluhang wala akong kinalaman. Tumakas ako dala ang kayamanan ng aking mga
magulang, nagpayaman at bumalik upang maghiganti sa mga nang-api sa akin at sa aking
mahal sa buhay.
Padre Florentino: Patawarin ka ng Diyos, anak. Alam niyang hindi mo ginusto ang lahat, na
ikaw ay nasilaw lamang ng galit at paghihiganti. Kagustuhan Niyang lahat nang nangyari. Hindi
nagtagumpay ang iyong plano nang dahil sa Kanya. Sapagkat alam Niyang hindi ito tama.
Igalang natin ang Kanyang kapasyahan.
Simoun: Ang ibig ninyong sabihin, gusto ng Kaniyang kalooban na mangyari ang mga ito?
Padre Florentino: Walang makakapagsabi ng iniisip ng Diyos, ngunit kailan man ay hindi Siya
naghangad ng masama para sa atin.
Padre Florentino: Sapagkat hindi Niya nais ang paraang iyong ginawa. Hindi kailanman
mapapawi ng kasamaan ang isa pang kasamaan. Walang nalilikha ang poot kundi krimen at
mga kriminal. Tanging pag-ibig lamang ang makapagliligtas! Ang kalihtasan ay nasa kabaitan,
ang kabaitan ay pagpapakasakit at ang pagpapakasakit at pag-ibig.
Padre Florentino: (kukunin ang kahon) Nawa'y makasama mo na ang iyong mga mahal sa
buhay na namayapa sa paraiso kung saan hindi ka na maghihirap. (ihahagis sa dagat ang
kahon) Malibing ka nawa sa kailaliman ng dagat... ngunit. kung kakailanganin ka ng tao para sa
isang marangal na hangarin, ipahintulot ng Diyos na matuklasan ka sa sinapupunan ng alon.
Pansamantala, diyan ka muna, hindi makababaluktot ng katwiran, hindi mag-uudyok ng
kasakiman. (aalis si Padre Florentino)
*WAKAS*
MGA TAUHAN:
•Simoun - LA
•Elias - JP
•Isagani - Erick
•Basilio - Gian
•Kabesang Tales - Ernest
•Tandang Selo - Shaira
•Senyor Pasta - Jenny
•Ben Zayb - Chester
•Placito Penitente - Jenny
•Padre Camorra - Dana
•Padre Fernandez - Nathaniel
•Tadeo- Clark
•Kapitan ng bapor- Ernest
•Kapitan Tiago- Richard
•Kapitan Basilio - Ernest
•Kapitan Heneral - Krisha
•Padre Salvi - Jullien
•Padre Florentino - Clark
•Padre Irene - Monique
•Padre Millon/Professor - Shayne
•Kapitan Tiago - Richard
•Sisa - Mariah
•Don Costudio - Dana
•Juanito Pelaez - JP
•Macaraig/Makaraig - Shaira
•Sandoval - Chester
•Tano- Erick
•Pecson- Jullien
•Donya Victorina - Shayne
•Paulita Gomez - Cherie
•Quiroga - Richard
•Huli- Samantha
•Kapitan Tika- Shayne
•Hermana Bali - Princess
•Hermana Penchang - Krisha
•Utusan ni Padre Florentino- Monique
Mga sundalo;
1. Mariah
2. Jullien
3. JP
4. Richard
Mga magaaral;
1. Jenny
2. Ernest
3. JP
4. Richard
5. Monique