Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

5

Learning Activity Sheet


ARTS 5
KUWARTER 4 -MELC 1
Pagkilala sa mga kagamitang ginagamit sa paggawa ng
tatlong dimensyon likha.

DIVISION OF NEGROS OCCIDENTAL

1
MAPEH-5 (ARTS)
Learning Activity Sheet (LAS)
Ika-apat Markahan - MELC 1- Pagkilala sa mga materyales sa paggawa ng
tatlong dimensyong likha ( 3 – Dimensional Crafts ) na nagpapahayag ng
balanse at paulit – ulit na ibat – ibang hugis at kulay. (Mobile, Papier - mache
at Paper beads )
Pagtalakay sa makabagong pamamaraan ng paglilimbag gamit ang piraso ng
maninipis na rubber (suwelas o talampakan ng sapatos) tapete, at iba pang
malambot na kahoy na pwedeng ukitin ng may ibat-ibang linya at tekstura

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang- ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng gawain kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.”

Ang MAPEH-5 (ARTS) Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay inilimbag


upang magamit ng mga Paaralan sa Rehiyon 6 - KanlurangVisayas.

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang


porma nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6 – Kanlurang
Visayas.

Kalihim: Leonor Magtolis Briones


Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheet

Manunulat: Enelyn G. Cezar


Editor: Victoria J. Pido
Tagasuri: Marichu P. Barnuevo
Tagaguhit: Charles David H. Beare
Tagalapat: Raulito D. Dinaga, Othelo M. Beating

Tagapamahala: Marsette D. Sabbaluca, CESO VI - SDS


Dennis G. Develos, PhD - OIC, ASDS
Ma. Teresa P. Geroso - OIC, ASDS
Zaldy H. Reliquias PhD - Chief, CID
Raulito D. Dinaga - EPS, LRM
Victoria Pido - EPS, MAPEH
Othelo M. Beating - PDO II, LRM

Inilimbag sa Pilipinas ng Division of Negros


Occidental Department of Education – VI – Western
Visayas
Office Address: Duran Street, Iloilo City
Telefax: (033) 336-2816 (033) 509-7653

2
E-mail Address: region6@deped.gov.ph
Website: www.depednegrosoccidental.weeebly.com

3
5
ARTS
IKAAPAT NA MARKAHAN – MELC 1
Pagkilala sa mga materyales sa paggawa
ng tatlong dimensyong likha ( 3 –
Dimensional Crafts ) na nagpapahayag ng
balanse at paulit – ulit na ibat – ibang
hugis at kulay. (Mobile, Papier - mache at
Paper beads )

Pagtalakay sa makabagong pamamaraan


ng paglilimbag gamit ang piraso ng
maninipis na rubber (suwelas o
talampakan ng sapatos) tapete, at iba pang
malambot na kahoy na pwedeng ukitin ng
may ibat-ibang linya at tekstura

3
4
MABUHAY!

Ang MAPEH-5 (ARTS) Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay


nabuo sa pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan ng Division of
Negros Occidental sa pakikipagtulungan ng Kagawaran ng Edukasyon,
Region 6 – Kanlurang Visayas sa pakikipag-ugnayan ng Curriculum
Implimentation Division (CID). Inihanda ito upang maging gabay ng learning
facilitator, na matulungan ang ating mga mag- aaral na makamtan ang
mga inaasahang kompetensi na inilaan ng Kurikulum ng K to 12.
Layunin ng LAS na ito na gabayan ang ating mga mag-aaral na
mapagtagumpayan nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain
ayon sa kani- kanilang kakayahan at laang oras. Ito ay naglalayon ding
makalinang ng isang buo at ganap na Filipino na may kapaki-pakinabang na
literasi habang isinasaalang-alang ang kani-kanilang pangangailangan at
sitwasyon.

Para sa mga tagatulong ng pagkatuto:

Ang MAPEH-5 (ARTS) Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay


binuo upang matugunan ang pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa
larangan ng edukasyon, na patuloy ang kanilang pagkatuto kahit na sila ay
nasa kani- kanilang mga tahanan o saan mang bahagi ng learning center sa
kanilang komunidad.

Bilang mga tagatulong ng pagkatuto siguraduhing naging malinaw


ang mga panuto sa mga gawaing iniatas sa kanila. Inaasahan din na
patuloy nating masubaybayan ang pag- unlad ng mga mag-aaral (learner’s
progress).

Para sa mga mag-aaral:

Ang MAPEH-5 (ARTS) Learning Activity Sheet na ito ay binuo upang


matulungan ka na mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit na wala ka ngayon sa
iyong paaralan. Pangunahing layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng
makahulugan at makabuluhang mga gawain. Bilang aktibong mag-aaral,
unawain nang mabuti ang mga panuto ng bawat gawain.

5
Kwarter 4, Linggo 1
Learning Activity Sheets (LAS) No. 1

Pangalan ng Mag-aaral: Grado at Seksyon: _


Petsa: _

GAWAING PAMPAGKATUTO SA MAPEH-5 (ARTS)

Nakikilala ang mga materyales na gianagamit sa paggawa ng tatlong


dimensyong likha ( 3 – Dimensional Crafts) na nagpapahayag ng balanse at
paulit – ulit na ibat – ibang hugis at kulay ( Mobile Art , papier – Mache at paper
beads)

Natatalakay sa makabagong pamamaraan ng paglilimbag gamit ang piraso ng


maninipis na rubber (suwelas o talampakan ng sapatos) tapete, at iba pang
malambot na kahoy na pwedeng ukitin ng may ibat-ibang linya at tekstura

I.Kasanayang Pampagkatuto at Koda

Nakikilala ang mga materyales na gianagamit sa paggawa ng tatlong dimensyong


likaha ( 3 – Dimensional Crafts) na nagpapahayag ng balanse at paulit – ulit na
ibat – ibang hugis at kulay ( Mobile Art , papier – Mache at paper beads) ( A5EL-
IVa )

Natatalakay sa makabagong pamamaraan ng paglilimbag gamit ang piraso ng


maninipis na rubber (suwelas o talampakan ng sapatos) tapete, at iba pang
malambot na kahoy na pwedeng ukitin ng may ibat-ibang linya at tekstura ( A5EL-
IVb )

I. Panimula

Ang iskultura ay isang Tatlong dimensyong Likha o three – dimensional art


na maaring magpahayag ng balanse o malayang pagtayo ng isang bagay. Ibig
sabihin makikita ang lapad, haba , at taas o lalim nito. Ang mga ito ay maaring i
display ng nakatayo. Sa paggawa ng 3 – Dimensional Craft naipapahayag din ang
pagkakaroon ng mga elemento ng sining na balanse, paulit – ulit na hugis at kulay
ng mga bagay. Ang mga Ito ay maaaring gawa sa kahoy ,plastic, metal, semento,
hibla ng halaman, mga patapong bagay gaya ng lumang dyaryo o lumang papel.

Ang gawaing sining sa araling ito binibigyang diin ang kahalagahan ng


muling paggamit ng mga bagay upang ang mga ito ay kapakipakinabang.Tatalakayin
dito ang kaugnayan ng sining sa kabuhayan ng tao.

Kabilang sa three – dimensional art sa Learning Activity Sheet na ito ay ang


mobile art o gumagalaw na sining, papier - mache o Taka , at paper bead.

6
Paper Bead
Papier - mache Mobile Art

II. Mga Sanggunian

MELC 2020, Kagawaran ng Edukasyon


Halinang Umawit at Gumuhit 5 152 – 163,
Sining Araw – araw 90 – 92,
Art 6 by LADICITA SALUD,
EXEMPLAR IN ART 5,
https://lrmds.deped.gov.ph
Exploring with MAPEH IV,
Module in Arts 4th Quarter by : MS SARAH F JARDER
MARICHU P. BARNUEVO,
Amazon.com, Pinterest,Youtube.com

III. Mga Gawain

Panuto: Suriin ang larawan ng mga halimbawa ng 3 – dimensional craft at sagutin


ang sumusunod na tanong.Isulat ang sagot sa mga patlang na nasa ibaba ng
bawat tanong.

1. Anong ang 3 – dimensional Craft?

2. Ano ang mga halimbawa ng sining na nabibilang sa 3 – Dimensional Craft?


_
3. Ano- anong mga kagamitan ang maaring gamitin sa paggawa ng 3 – Dimensional
Craft? _

2.Pagsasanay/ Aktibidad

a.Pagbasa. Basahin ang mga kagamitan sa paggawa ng tatlong dimensyong likha o


3 – Dimensional Crafts) ( Mobile Art , papier – Mache at paper beads)

Mobile art
Ang mga palamuting sinasabit at gumagagaw sa pamamagitan ng hangin ay
tinatawag na mobile or kinetic art( sculpture that moves ) .Ito ay maaring maka likha
ng tunog.Kailangang mayroong malayang paggalaw at balanse sa paggawa ng
mobile. Si Alexander Calder na isang US artist (1898- 1976) ay ang unang gumawa
ng nakamamanhang hanging sculpture o mobiles.

7
Mga kagamitan sa paggawa ng mobile art
1. Lumang sanga ng kahoy na maaring napulot mo sa hardin
2. lumang estambre o yarn at iba pang sinulid o tali
3. Mga nakolektang lumang bagay ( mga butones, lumang susi, maliliit na bote atbp.)
4. gunting
5. Mga pangkulay

Paper beads
Ang paggawa ng paper beads ay isang gawaing nakalilibang na maaari ring
pagkakitaan kung gagamitan ng kaalaman sa paglikha ng mga palamuti. Ito ay nagmula
sa bansang Inglatera na kung saan ang mga kababaihan ay matiyagang nagbibilot ng
maliliit na papel upang makulayan at matuhog para gawing palamuti sa katawan, gayundin
upang gawing palamuti sa sa bahay tulad ng kurtinang gawa sa tinuhog na beads.
Nangangailangan ng masusi at matiyagang pagbibilot o pagrorolyo ng maliliit na papel
upang makalikha ng beads na kukulayan ng pintura at disenyuhan ayon sa nais. Ang mga
ayos ng kulay at hugis ay nagpapakita ng ritmo o maaayos na indayog.

Nasa ibaba ang mga kagamitan sa paggawa ng paper beads

1.Papel- Magasin, art paper , coloured paperay maaaring gamitin


2.Lapis- Para sa pagguhit sa korte ng papel
3.Ruler-Para sa pagsususkat
4.Gunting- Para sa paggupit ng mga papel.
5.manipis na kahoy na Dowel- para sa pagrorolyo ng papel
6.Malambot na Brush- para sa pag-aaply ng glue sa papel
7.Glue/Pandikit- para sa pagdidikit –dikit ng mga paper beads
8.Patpat na kahoy-Para sa pagpaptuyo ng beads pagkatapos barnisan
9. Soft Paint Brush- para sa pagpapahid ng barnis
10.Barnis- para magkakulay at hindi kapitan ng dumi
11. Oasis Florist Block- para sa seguridad ng beads

Papier Mache / Taka


Ang “paper mache“ o Taka ay salitang pranses na ang ibig sabihin ay nginuyang
papel.Gawa mula sa pirasong mga durog o pinunit - punit na papel sa makitid at
mahabang piraso.Binuo sa pamamagitan papel na binasa ng pandikit o gawgaw .Ito ay
isang katutubong sining na yari sa papel at karaniwang ginagawa ng mga taga - Paete ,
Laguna. Ang mga laruan na kanilang ginagawa ay karaniwang malalaki at maaring
sakyan ng mga bata. Nakabubuo din sila ng mga palamuti sa tahanan, mapa at iba pa sa
pamamagitan ng papier mache.

Mga kamitan sa paggawa ng Papier Mache / Taka

1.lumang dyaryo o papel


2.pandikit ( niluto gamit ang gawgaw o harina )
3.molde o hulmahan
4. paint brush
5.pangkulay / pintura

8
b . I s i p i n Suriing mabuti ang mga sumusunod na likhang-sining at sagutin ang mga
sumusunod na tanong.

A B C

Mga Tanong:
1. Anu-anong elemento ng sining ang makikita sa likhang sining na nasa larawan B?

2. Anong likhang sining ang nasa titik A? Ano ang ginamit na materyales sa larawan?
Magbigay ng tatlong halimbawa.

C. Alamin.
Panuto : Isulat ang titk ng tamang sagot

1.Ang ____ ay ginagamit upang mairolyo nang maayos ang papel.


A.manipis na kahoy na dowel
B. brush
C. barnis
D. patpat na kahoy

2.Alin sa mga sumusunod na mga kagamitan sa paggawa ng paper beads ang ginagamit
para sa seguridad ng beads?
A.Barnis
B. oasis florist block
C. brush
D. kahoy na dowel

3.Anu-ano ang maaring gamitin upang isabit ang mga palamuti?


A.alambre, makapal na tali o lubid
B.sinulid at karayom
C. ruler at ball thread
D. yarn thread at patpat

4.Ang paper machẻ ay salitang pranses na ang ibig sabihin ay _____.


Asinunog na papel
B.ginunting na pape
C. nginuyang papel
D. binasa na papel

5.Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng sculpture at 3D crafts maliban sa isa, alin
dito?
A.colored paper
9
B. paper machẻ
C. paper beads
D. Mobile

3. Mga Batayang Tanong

a. Tukuyin

Ang mga larawan ay nagpapakita ng three – Dimensional craft .Sagutin ang


sumusunod na tanong sa ibaba.

1. Ano ang ginamit na materyal sa unang larawan?


__________________________________________________________

2. Batay sa ikalawang larawan, anong materyal naman ang ginamit dito?


______________________________________________________

Gawin. Anong desinyo ang gagawin mo sa pagggawa ng 3- Dimensional craft? Ipakita ito
sa pamamagitan ng pagguhit ng disenyong nais mong gawin.

Sukatin ang likhang sining batay sa sumusunod na alituntunin, kung saan ang 5 ang
pinakamataas.Lagyan ng (/) tsek ang antas na sa palagay mo ay tugma sa iyong gawa.
Isuma ang kabuuan ng antas na nakuha na magsisilbing grado mo.

Kasanayan Antas
1 2 3 4 5
1. Naipakita ang tatlong dimensyong likha o 3 – Dimensional Craft
2.Napagsanib-sanib ang ibat-ibang hugis sa komposisyon
3.Naiguhit sa tamang hugis at proporsyon ang mga bagay.
4. Naipakita ang paulit – ulit na paggamit ng hugis at kulay
5.Natapos ang gawaing sining sa tamang oras

IV.Repleksiyon:

Kung ikaw ay mabigyan ng pagkakataon na gumawa ng 3 Dimensional Craft, alin sa


tatlong 3 – Dimensional Craft ang iyong gagawin at maaring mapagkakakitaan?

10
VI.usi sa Pagwawasto

Mga Gawain
1.Ang 3 – dimensional craft ay nagpapahayag ng balanse o malayang pagtayo ng isang
bagay.Ibig sabihin makikita ang lapad, haba , at taas o lalim nito.Ang mga ito ay
maaring e display ng nakatayo.
2. papier – mache ,mobile, paper bead
3. Ang mga Ito ay maaaring gawa sa kahoy ,plastic, metal, semento, hibla ng
halaman,mga patapong bagay gaya ng lumang dyaryo o lumang papel.
Pagsasanay / Aktibidad
b. Isipin
1.balanse , paulit – ulit na hugis at kulay ng mga bagay.
2.papel , pandikit, molde
C. Alamin
1. A
2. B
3. A
4. C
Mga Batayang tanong
a.Tukuyin
1. (Mga gamit sa paggawa ng pape bead)
2.( Mga gamit sa paggawa ng mobile )
Gawin: Depende sa sagot ng mga bata

V. Repleksiyon: Depende sa sagot ng mga bata

11

You might also like