Mga Panuntunan NG Pangunang Lunas

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang Paunang Lunas o First Aid ay ang madalian at mabilis na pansamantalang

paggamot na ibinibigay sa naaksidenteng tao hanggang dumating ang isang


propesyunal. Isinasagawa ito ng isang taong pangkaraniwan hanggang sa panahong
maaari nang ibigay ang mas dalubhasang tulong pang-sagip buhay ng mga
manggagamot. Isa sa karaniwang dahilan kung bakit may mga taong nag-aatubiling
tumulong sa isang biktima ng sakuna o biglaang karamdaman ay kaba at takot.
Mga Panuntunan ng Pangunang Lunas
1. Tiyaking ligtas na lapatan ng pangunang lunas ang biktima ng pinsala o
karamdaman. Mahalagang maging mapanuri bago lapitan ang biktima at
umpisahang bigyan ng pangunang lunas. Suriin ang lugar. Magmasid sa paligid at
siguraduhing ligtas na lapitan ang biktima at hindi ka mismo mapapahamak sa
paglapit. Siguraduhin na walang dagdag na kapahamakan na idudulot sa biktima
ang paglapit at paglapat ng lunas. Alamin muna kung ano ang karamdaman ng
pasyente. Kapag ito ay karaniwang pinsala kagaya ng sugat, balinguyngoy, kagat ng
insekto, o paso, kaagad itong lapatan ng pangunang lunas tulad ng betadine,
ointment, at iba pa. Kung ang bikima ay nabalian ng buto o napilayan, hindi ito
maaaring alisin sa kinalalagyan o ilipat ng puwesto ang katawan. Hintayin ang mga
bihasa sa paglapat ng pangunang lunas. Maaaring ilipat ang kinalalagyan ng mga
taong biktima ng sunog o tubig sa pamamagitan ng paghila at hindi patagilid. Kung
walang stretcher, maaaring gamitin ang kumot o board na ilalagay sa likuran ng
biktima.

2. Unang isaalang-alang ang kaligtasan ng biktima ng pinsala o karamdaman.


Laging isaalang-alang ang kapakanan ng biktima ng sakuna sa lahat ng pagkakataon
at dapat alamin ang pangyayaring nagaganap. Alisin kaagad sa katawan ng biktima
ang anumang bagay na mabigat na nakadagan o nakapatong sa kaniyang katawan.
Sa mga tao naman ng biktima ng kuryente kapag kasalukuyan itong nangyayari,
patayin kaagad ang pinagmumulan ng kuryente at ilipat sa ligtas na lugar ang
biktima.
3. Magsagawa ng pangunang pagsusuri.
Kailangang suriin muna ang biktima bago lapatan ng pangunahing lunas. Unahin
munang suriin ang mga may kaugnayan sa daanan ng hangin, ang bibig, at ilong ng
biktima. Kung walang balakid sa daanan ng hininga, dapat na isunod na suriin ang
pinsala na may kaugnayan sa sirkulasyon o pagdaloy ng dugo sa katawan. Dapat
din alamin kung kailangan ng biktima ng Resusitasyong Kardyopulmonaryo o CPR
(Cardiopulmonary Resuscitation).
4. Isagawa ang madaliang aksiyon o kilos. Unahin ang dapat unahin. Dapat tandaan
ng mga tagapagbigay ng pangunahing tulong panlunas ang ABC o mga hakbang sa
pagbibigay ng mga paunang tulong-pansagip ng buhay bago magpatuloy sa
pagbibigay ng iba pang paglalapat ng pangunang lunas.
● A-Airway o Daanan ng Hangin
● B – Breathing o Paghinga
● C – Circulation o Pagdaloy ng Dugo sa Katawan
May ilang mga bansa na nagtuturo ng tatlong B (ang 3 B), na katulad ng ABC ang
pagkakasunud-sunod ng kahalagahan:
● Breathing o Buga ng paghinga (Bantay-hininga)
● Bleeding o Balong ng dugo
● Broken bones o Baling buto
5. Humingi ng tulong. Isipin lang ang katagang kaalaman sa paglapat ng
pangunanglunas, huwag mag-atubiling humingi ng tulong sa mga eksperto o
espesyalista upang makapagsalba ng isa o mahigit pang buh

You might also like