Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Pagsasanay Bilang 2: Pokus ng Pandiwa Ika 3- Nobyembre, 2023

Panuto: Tukuyin ang paksa, ang pandiwa at kung ano ang pokus nito.
Paksa – i-Highlight ang PAKSA gamit ang kulay dilaw
Pandiwa- i-Highlight ang PANDIWA gamit ang kulay berde
Isulat ang pokus sa espasyong nakalaan bago ang bawat bilang, AKTOR, LAYON o
GANAPAN

HALIMBAWA :

Layon ----Ginamit niya ang braille upang matutong magbasá.

___________ 1. Ang tagumpay ay nakamit niya sa kabila ng pagiging bulag.


___________ 2. Pinag-aralan niya itong mabuti kaya’t mabilis siyang natuto sa
maraming bagay.
___________ 3. Hindi siya nakikinig sa mga negatibong bagay na nabubuo sa kanyang
isipan.
___________ 4. Si Roselle Ambubuyog ay nagbigay-inspirasyon sa maraming
kabataan.
___________ 5. Pinag-aaralan niyang mabuti ang kanyang mga aralin.
___________ 6. Siya ay nag-aral nang mabuti upang maabot ang kanyang mga
pangarap.
___________ 7. Ang kanyang magulang ay gumabay sa kanya sa lahat ng bahagi ng
kanyang búhay.
___________ 8. Ang kanyang magulang ay gumabay sa kanya sa lahat ng bahagi ng
kanyang búhay.
___________ 9. Si Grace ay lumaking biktima ng polio mula pagkabata.
___________ 10. Ang saklay ay ginamit niyang gabay sa kanyang paglakad.
___________ 11. Inuna niya ang pangangailangan ng mga tao sa kanyang
pagseserbisyo.
___________ 12.Si Grace Padaca ay nag-iisip ng magagandang bagay para sa
kanyang mga nasasakupan.
___________ 13. Nabayaran niya ang malaking pagkakautang ng Isabela sa kanyang
termino.
___________ 14. Siya ay nakapagpasyal na sa Baguio.
___________ 15. Siya ay nag-alay ng panalangin sa mga namatay na mahal sa buhay.

PAALALA: MAGKAKAROON TAYO NG PASULIT SA LUNES, IKA-6 ng NOBYEMBRE 2023


tungkol sa sumusunod : SI PELE ANG DIYOSA NG APOY AT BULKAN, MITOLOHIYA at
POKUS NG PANDIWA

You might also like