Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

“Ang Tagahuli ng Ibon sa Impyerno”

Yama: Ako ang hari ng impyerno, si Yama! At nandito ako upang dumalo sa pulong ng anim na paraan. Yai, yai, nandyan ba
ang aking mga alalay?
Mga Demonyo: Ha! Narito kami.
Yama: Kapag may dumating na makasalanan, itaboy n’yo sila sa Impyerno.
Mga Demonyo: Masusunod po mahal na hari.
Kiyoyori: Lahat ng tao’y makasalanan, at dahil hindi ako naiiba sa karamihan ano ba ang dapat kong ikatakot?
Ako si Kiyoyori, isang tagahuli ng ibon. Isang bantog na tagahuli sa kapatagan. Pero ang buhay ko’y umabot na sa
katapusan. Tinangay ako ng hangin at ngayo’y naglalakbay sa kadiliman. Walang bahid ng pait ay iniwan ko ang mundong
aking kinamulatan. Tinangay ako ng aking mga paa ditto sa anim na paraan. Sa aking palagay, sa langit pa rin ako
mahihimlay.
Mga Demonyo: Ha! ha! May naaamoy akong paparating na tao. Sigurado akong isa itong makasalanan, at may ihaharap na
kami sa’yo Haring Yama. Mahal na hari, ang unang makasalanan ay dumating na.
Yama: Bilisan ninyo’t itulak siya agad sa impyerno.
Mga Demonyo: Abot-kamay lang ang impyerno kayat halika na ang langit ay hindi madaling marating kaya sumama kana.
(Hihilahin ng demonyo ang kamay ni Kiyoyori ngunit manlalaban siya) Yai! Yai! Ibang klase ito sa mga makasalanan sa balat
ng lupa. Ano bang pinagkakaitan mo sa lupa?
Kiyoyori: Ako si Kiyoyori, ang kilalang tagahuli ng ibon.
Demonyo: Tagahuli ng ibon? Kumikitil ka ng buhay mula umaga hanggang gabi. Mabigat ang kasalanan mo. Nasisiguro
kong sa impyerno ang tuloy mo.
Kiyoyori: Ang katotohanan ay hindi ako kasinsama ng katulad ng iniisip ninyo. Mas makabubuti siguro kung sa langit ninyo
ako papupuntahin.
Unang Demonyo: Hindi pwede! Itatanong ko muna sa Hari ang tungkol sa kaso mo. Ipagpaumanhin ninyo mahal na hari!
Yama: Anon’ng kailangan?
Unang Demonyo: Sabi ng bagong dating na makasalanan isa raw siyan g tagahuli ng ibon sa kapatagan. Kaya sabi ko
sakanya na dahil kumikitili siya ng buhay ayaw at gabi, nakagawa siya ng mabigat na kasalanan at karapat-dapat lamang na
pagdusahan niya ito sa Impiyerno. Pero ayaw niyang sumang-ayon at iniisip niyang hindi patas ang panghuhusga natin
sakanya.
Yama: Dalhin mo’ng makasalanan na ‘yan dito.
Kiyoyori: Susunod ako.
Demonyo: Heto na po ang makasalanang pinatawag Ninyo.
Yama: Halika rito ikaw na makasalanan! Nalaman kong buong buhay mo ay ginugol mo sa panghuhuli ng ibon. Iyan ay
paglapastangan sa buhay. Ngayon din ay dapat kang mapunta sa impiyerno.
Kiyoyori: Hindi kayo nagkakamali sa tinuran Ninyo tungkol sa akin, pero ipinakakain sa mga palkon ang mga ibong hinuhuli
ko wala namang ibang nasasaktan sa ginagawa ko.
Yama: Isang uri din ng ibon ang palkon, di ba?
Kiyoyori: Tama, kayo.
Yama: Sa tingin ko ay hind inga gaanoong kabigat ang iyong kasalanan.
Kiyoyori: Mabuti naman po at umaayon kayo sa akin. Mas kasalanan naman talaga ng palkon yon kaysa sa akin. Kaya
hinihiling ko pong ako’y papuntahin Ninyo sa langit.
Yama: At dahil hindi pa ako nakatitikim ng ibon sapul na ako’y maging hari, ihuli moa ko ng isa, at gusto kong matikman
ngayon din. Pagkatapos ibibigay ko s aiyo ang hiniling mo nang walang away.
Kiyoyori: napakadali niyan. Manghuhuli ako ng ilang ibon ngayon at iaalay ko sa inyo.
Koro: Manghuli, manghuli, kailangang manghuli at lumabas nan ga sila, isang kumpol na ibon at pinukol na ang panang
panghuli upang sa gayon ay maihaw na at maialay sa hari ng impiyernong may kapangyarihang taglay.
Yama: Sige, sige! Titikman ko. Meri, meri! Yum,yum! Ang sarap, ibang-iba ang lasa!
Kiyoyori: (sa mga demonyo): Gusto n’yo bang tikman?
Mga Demonyo: Salamat, gusto naming. Hmmmm…masarap nga.
Yama: Wala pa akong natikmang kasinsarap nito. Dahil sa napakasarap ang handog mo sa amin, maaari ka ng bumalik sa
lupa. Doo’y puwedes kang manghulig muli ng mga ibon sa loob ng tatlong taon pa.
Kiyoyori: Tatanawin ko itong malaking utang na loob.
Koro: Babalik sa lupa, upang doon manghuli ng ibon. Iba’t-ibang klaseng hindi makakatakas sa iyong patibong. Pero bago
siya tuluyang bumalik pinabaunan s’ya ng koronang sa bato ay hitik. Babalik na siya sa kapatagan at doo’y magsisimula ng
bagong buhay.
Gawain 1
Panuto: Isulat sa unang hanay ang mga salitang may salungguhit at itapat mo sa wastong kahulugan nito, at saka
gamitin sa makabuluhang pangungusap.

Matatalinhagang salita Kasingkahulugan Gamitin sa pangungusap


Impiyerno
bantog
mahihimlay
kumikitil
ginugol
kumpol
pinukol
hitik
Gawain 2: Gabay na mga tanong;

1. Sino si Yama?
2. Ilarawan si Kiyoyori. Ano ang kanyang pinagkakakitaan noong nabubuhay pa siya?
3. Bakit itinuring na makasalanan si kiyoyori?
4. Sa iyong palagay bakit sinabi ng demonyong mas madaling magpunta sa impiyerno kaysa sa langit?
5. Bakit sinabihan ni Yama si Kiyoyori na naiiba ang kaso niya?
6. Posible bang mangyaring hilingin ng isang yumaong pabalikin siya sa lupa at bigyan pa ng isang pagkakataon?
7. Ilahad ang iyong naramdaman habnag binabasa ang maikling dula
8. Ano ang mabuting aral na iniwan ng dula sa mga babasa nito?
Gawain 3
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahyag. Isulat ang A sa patlang kung tama ang A at mali ang B; B kung tama ang B at
mali ang A; C kung kapwa tama ang A at B ; at D kung kapwa mali ang A at B.
1. A- Si Yama ay hri ng impiyerno.
B- Dumadalo siya sa pulong ng anim na paraan
2. A- Si Kiyoyori ay kilalang manghuhuli ng ibon.
B- Puno ng paghihinagpis ang kanyang pamamaalam.
3. A- Tinalikuran ni Kiyoyori ang mundong may hangganan.
B- Narating niya ang pulong ng anim na paraan.
4. A- Naaamoy ng mga demonyo kapag may paparating na tao.
B- Inililihim nila kay Yama ang pagdating nito.
5. A- Hindi na nila tinatanong ang makasalanan kung ano ang ginawa sa lupa.
B- Dinidiretso nila lahat ng makasalanan sa impiyerno.

You might also like