Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Department of Education

Region VI – Western Visayas


Schools Division of Iloilo City
District I–City Proper
ILOILO CENTRAL ELEMENTARY SCHOOL
Gen. Luna Street, Iloilo City

Pangalan: _____________________________________ Petsa: _____________


Antas at Baitang: _____________________________ Score: _____________

Learning Activity Sheets (LAS) Filipino 5 Quarter 4 Week 2


ARALIN 1
Pamagat ng Aralin:
Aralin 1: Paggamit ng iba’t ibang uri ng pangungusap sa pagsasalaysay ng napakinggang balita
Layunin: Nagagamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap sa pagsasalaysay ng napakinggang balita
(F5WG-IVa-13.1)
Sanggunian: Alab Filipino-Ikalimang Baitang Vibal Group, Inc. 2016

Konsepto:
Pagpuputol ng mga puno sa Mt. Makiling kinondena
Sa ulat ni Gemma Amargo- Garcia (May0 10, 2014)

Maynila, Pilipinas- Mariing kinondena ni dating Environment Secretary at Buhay


Partylist Rep. Lito Atienza ang pagpuputol ng mga puno ng Department of Public Works
and Highways (DPWH) sa paanan ng Bundok Makiling sa Los Baños, Laguna.
Sa privilege speech ni Atienza, sinabi nito na hindi niya papayagan na ang natural
resources ng bansa ay masasakripisyo para lamang sa progreso.
Ang tinutukoy ni Atienza ay ang 18 puno na tinatayang mahigit 50 taong gulang ang
pinutol sa Barangay Timugan para sa road-widening project ng DPWH ng walang
kaukulang permiso mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Paliwanag pa ng mambabatas, dapat na matuto na sa nararanasang matinding init
sa ngayon dahil sa kawalan ng mga puno sa bansa kaya dapat na mas magtanim ng
maraming puno at alagaan ito.
Umapela ito sa DPWH at DENR na suriing mabuti ang nasabing isyu.
Samantala, pinapurihan naman nito si Congressman Joaquin Chipeco Jr ng 2nd
District ng Laguna dahil sa agad nitong pagpapatigil sa nasabing proyekto.

Basahin ang mga pangungusap na kinuha mula sa balita.


1. Kinondena ni dating Environment Secretary at Buhay Partylist Rep. Lito Atienza ang
pagpuputol ng mga puno sa paanan ng bundok Makiling.
2. Bakit isasakripisyo ang natural resources ng bansa para lamang sa progreso?
3. Pakipatigil ang pagpuputol ng mga puno sa paanan ng bundok.
4. Magtanim kayo ng maraming puno at alagaan ang mga ito.
5. Napakainit na ng panahon! Matuto na tayo!

Mapapansin na ang unang pangungusap ay naglalahad ng isang katotohanan na naganap sa


balita. Ito ay ang pangungusap na pasalaysay. Ang pangungusap na pasalaysay ay maaaring
nagkukuwento o nagsasalaysay at nagtatapos ito sa bantas na tuldok.
(Halimbawa: Si Ana ay matulin tumakbo.)

Ang ikalawang pangungusap naman ay pangungusap na humihingi ng kasagutan. Ito ay ang


pangungusap na patanong kung saan nagsisiyasat o nagtatanong ang ganitong uri at nagtatapos
sa tandang pananong (?).
(Halimbawa: Kailan kaya matatapos ang pandemiyang ito?)

Sa ikatlong pangungusap, mapapansin na ang diwa nito ay humihingi ng pabor. Ito ay


tinatawag na pangungusap na pakiusap. Ito ay ginagamitan ng magagalang na salita upang
makiusap. Maaaring gamitan ito ng bantas na tuldok o tandang pananong.
(Halimbawa: Maaari ba akong humiram ng lapis? Pakibukas naman po ang pinto.)
Ang pangungusap naman sa ikaapat na bilang ay pangungusap na nag-uutos at
nagpapahayag ng obligasyong dapat gawin. Ito ay tinatawag na pangungusap ng pautos. Nagtatapos
din ito sa tuldok.
(Halimbawa: Magdilig ka ng halaman.)

Samantala, sa panghuling pangungusap, mapapansin na ang pangungusap na ito ay


nagsasaad ng masidhing damdamin. Ito ay ang pangungusap na padamdam. Maaaring ang
damdaming isinasaad nito ay tuwa, takot o pagkagulat. Nagtatapos ito sa tandang padamdam (!).
(Halimbawa: Naku! Ang daming insekto!)

ABRIL 8, 2024 (Lunes) | Pagsasanay 1: Piliin ang tamang pangungusap ayon sa sitwasyong
nakalahad. Isulat ang letra ng sagot sa patlang.
_____1. Isinasalaysay ni Lito na nakakita siya ng itim na pusa sa kalsada.
a. Ako ba ay nakakita ng itim na pusa sa kalsada?
b. Nakakita ako ng itim na pusa sa kalsada.
c. Naku! May itim na pusa sa kalsada!
d. Tignan ninyo ang itim na pusa sa kalsada.
_____2. Nagtatanong si Mario sa kaniyang Nanay kung tutuloy pa ba silang pamilya sa pag-uwi sa
probinsiya.
a. Pakitanong nga si Nanay kung tutuloy tayong umuwi sa probinsiya.
b. Yes! Uuwi tayo sa probinsiya!
c. Nanay, tuloy po ba ang ating pag-uwi sa probinsiya?
d. Kami ay uuwi sa probinsiya.
_____3. Tuwang-tuwang binuksan ni Dhing ang regalong damit ng kaniyang Ninang Glecy.
a. Wow! Ang ganda ng bago kung damit!
b. Maganda ang bago kong damit.
c. Buksan mo nga ang regalo.
d. Maganda ba ang regalo ng Ninang Glecy ko?
_____4. Inutusan si Mello na magsibak ng kahoy ng kaniyang ama.
a. Maaari ka bang magsibak ng kahoy?
b. Mello, magsibak ka ng kahoy.
c. Nagsisibak ng kahoy si Mello.
d. Bakit ka nagsisibak ng kahoy?
_____5. Nakikiusap ang kapitan na huwag magtapon ng mga basura sa ilog.
a. Saan ninyo itatapon ang mga basura?
b. Naku! Maruming marumi na ang ating ilog!
c. Maaari bang huwag tayong magtapon ng mga basura sa ilog?
d. Huwag ninyong itapon sa ilog ang mga basura.
_____6. Nagtatanong si Clark sa kanyang Nanay kung dadaan sila sa palengke.
a. Dadaan ba tayo sa palengke Nanay?
b. Nanay, daanan na natin ang palengke.
c. Nanay, inuutusan kita, dumaan tayo sa palengke.
d. Yehey! Dadaan tayo sa palengke!
_____7. Inutusan si Jayson ng kaniyang Ate Joan na magdilig ng halaman.
a. Jayson, bakit hindi ka nagdidilig ng halaman?
b. Magdilig ka nga ng halaman, Jayson.
c. Wow! Nagdidilig ng halaman si Jayson!
d. Si Jayson ay nagdidilig ng halaman.
_____8. Naipit ang kamay ni Ester sa pinto.
a. Bakit naipit ang kamay mo sa pinto?
b. Aray! Naipit ang kamay ko sa pinto!
c. Pakiipit nga ang kamay ko sa pinto.
d. Naipit ang kamay ko sa pinto.
_____9. Naiwan mo ang iyong lapis na gagamitin sa inyong klase sa sining, paano ka makikiusap sa
iyong kaklase upang manghiram ng lapis?
a. Bakit mo ako pahihiramin ng lapis?
b. Maaari bang makahiram ng lapis?
c. Pahiram nga ng lapis.
d. Ako ay nanghiram ng lapis.
_____10. Sinabi ni Nicole sa kaniyang guro na tapos na siyang sumagot sa pagsusulit.
a. Binibining Cruz, tapos na po ako sa pagsusulit.
b. Ginoong Ramos, iwawasto na po ba natin ang sagot?
c. Yes! Tapos na ako!
d. Sinong hindi pa tapos?

ABRIL 11, 2024 (Huwebes) | Pagsasanay 2: Tukuyin kung anong uri ng pangungusap ang
isinasaad sa bawat bilang. Piliin ang sagot sa kahong nasa ibaba.

Pasalaysay Patanong Padamdam Pakiusap Pautos

1. Ang pangungusap na _________ ay ginagamitan ng magagalang na salita upang makiusap.


Maaaring gamitan ito ng bantas na tuldok o tandang pananong.
2. Ang pangungusap na _________ ay maaaring nagkukuwento o nagsasalaysay at nagtatapos ito
sa bantas na tuldok.
3. Ang pangungusap na _________ ay nagsisiyasat o nagtatanong at nagtatapos sa tandang
pananong.
4. Ang pangungusap na _________ay nag-uutos at nagpapahayag ng obligasyong dapat gawin.
5. Ang pangungusap na _________ ay nagsasaad ng masidhing damdamin at nagtatapos sa
tandang padamdam.

ARALIN 2
Pamagat ng Aralin:
Aralin 2: Paggamit ng Iba’t-ibang Uri ng Pangungusap sa Pakikipagdebate Tungkol sa isang Isyu
Layunin: Nagagamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap sa pakikipag-debate tungkol sa isang isyu
(F5WG-IVb-e-13.2)
Sanggunian: https://unangaralin.wordpress.com/unangaralin/ang-debate-o-pakikipagtalo/

Konsepto:
Ang debate o pakikipagtalo ay isang pormal na pakikipagtalong may estruktura at sistemang
sinusundan. Isinasagawa ito ng dalawang grupo o indibidwal na may magkaslungat na panig tungkol
sa isang partikular na paksa; ang dalawang panig ay: Ang proposisyon o sumasasang-ayon, at ang
oposisyon o sumasalungat. May isang moderator na magiging tagapamagitan upang matiyak na
magiging maayos ang daloy ng debate at igagalang ng bawat kalahok ang tuntunin ng debate.
Pagkatapos ng debate, may mga huradong magpapasiya kung kaninong panig ang higit na
nakapanghikayat o mas kapani-paniwala. Ang mga hurado ay dapat walang kinikilngan sa dalawang
panig at kailangang nakaupo nang magkakalayo sa isa’t-isa at hindi mag-usap-usap bago magbigay
ng kani-kanilang hatol upang maiwasang maimpluwensiyahan ang hatol ng isa’t-isa.
Sa pakikipagtalong ito, ang bawat kalahok ay binibigyan ng pantay na oras o pagkakataon
upang makapaglahad ng kani-kanilang mga patoo gayundin ng pagpabulaan o rebuttal. May
nakatalaga ring timekeeper sa isang debate upang matiyak na masusunod ng bawat tagapagsalita
ang oras na laan para sa kanila.
Maaring gamitin ang iba’t-ibang uri ng pangungusap sa pakikipagdebate upang ipahayag ang
pagsang-ayon at pagsalungat sa isang isyu o usapin. Ang pagsang-ayon ay isang pahayag na
nakikiisa sa isang isyu o usapin.
Ang ilang hudyat na salita o pariralang ginagamit sa pagsang-ayon ay: sang-ayon ako, tama,
iyan ay nararapat, pareho tayo, oo, at tunay. Samantala, ang pagsalungat naman ay isang pahayag
na ngangahulugang pagtutol sa isang usapin o ideya. Ang ilang hudyat na salita o parirala sa
pagsalungat ay: ayaw ko, hindi ako naniniwala, hindi ako sang-ayon, hindi ako naniniwala, hindi
totoong, maling-mali talaga, at hindi totoo.
Sa pakikipagdebate o pakikipagtalo ay kailangan na may katibayan ang lahat ng katwiran at ito
ay nakalahad sa maayos na pagpapahayag. Ilahad ng maayos at mahinahon ang mga mali sa
katwiran ng kalaban. Maaari ring ipaliwanag ang mga kahinaan ng mga ebidensiya o patunay na
inilahad ng kalaban.
Ang pakikipagdebate ay nakakatulong upang malinang ang ating mga kasanayan sa wasto,
mabilis na pag-iisip, mabilis na pagsasalita, lohikal na pangangatwiran at pag-uuri ng tama at mali.
Nakakatulong din ito upang magkaroon tayo ng pang-unawa sa mga katwirang inilalahad ng iba at
pagtanggap sa nararapat na kapasyahan. Maging ang magandang asal ay maaaring malinang tulad
ng paggalang at pagtitimpi o pagpipigil ng sarili.

ABRIL 12, 2024 (Biyernes) | Pagsasanay 3: Basahing mabuti ang mga sumusunod na tanong at
isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot.

____1. Ito ay isang pormal na pakikipagtalong may estruktura at sistemang sinusundan.


A. debate B. away C. hamon D. laro
____2. Ito ay isang panig sa pakikipagdebate na sumasang-ayon sa isyung pagdedebatehan.
A. Oposisyon B. moderator C. proposisyon D. hurado
____3. Sino ang magpapasya kung aling panig sa pakikipagdebate ang nakakapanghikayat o kapani-
paniwala?
A. Oposisyon B. moderator C. proposisyon D. hurado
____4. Alin sa mga sumusunod na kalinangan ang maidudulot ng pakikipagdebate?
A. Wasto at mabilis na pagsasalita
B. Mabilis na pagtakbo
C. Mahinang pangangatwiran
D. Hindi nakakapagtimpi
____5. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang halimbawa ng pagsang-ayon?
A. Tama ang aking ina, napakaganda nga aming probinsiya.
B. Ayaw kong kumain ng hapunan.
C. Masarap sana ang minatamis na saging, ngunit bawal sa akin.
D. Walang katotohanan ang paratang ng mga tao laban sa aking kapatid.

You might also like