Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

10

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Ikatlong Markahan – Modyul 6 (Week 6)
Mga Angkop na kilos na
Nagpapamapalas ng Pagmamahal sa
Bayan
Modyul 6: Mga Angkop na kilos na
Nagpapamapalas ng Pagmamahal sa Bayan

Mga Kasanayang Pampagkatuto

1. Napangangatuwiran na: Nakaugat ang pagkakakilanlan ng tao sa pagmamahal sa bayan.


(Hindi ka Global Citizen kung hindi ka mamamayan.) (EsP110PB–IIIF-II-3)
2. Nakagagawa ng angkop na kilos upang maipamalas ang pagmamahal sa bayan (Patriyotismo)
(EsP10-IIIF-II-4)
3. Napatutunayan na ang pagmamahal sa bayan ay mahalaga sa buhay ng tao higit pa sa sarili.

Mga Talang Konsepto

Sa nakaraang modyul, nalaman mo na ang paggalang sa buhay ay ang pagkamit ng


pinakamabuting layunin ng tao kahit anong estado ng buhay, hangarin ng tao ang pagiging
mabuti sa lahat lalong-lalo na kapag kinikilala ng tao ang Diyos. Ito ay kailangan upang
mapatibay ang pagkilala sa Kaniyang kadakilaan, kapangyarihan at kahalagahan ng tao bilang
nilalang ng Diyos.
“Mga kapatid, hindi mga amerikano ang tunay nating mga kalaban, kundi ang ating sarili.”
Hango sa sikat na pelikula sa bansa na pinamagatang, Heneral Luna. Kung inyong titingnan, isa
sa mga malaking hamon na kinakaharap ng bayan ay ang sarili. Dito nagsisimula ang pagiging
tao ng tao sapagkat
Layunin ng modyul na ito na mas lalong maintindihan ang kalikasan ng pagiging isang
mamamayan at mapaunlad ang sarili kapag inangkop ang ito sa pagmamahal sa ating bayan.

Ano nga ba ang Global Citizen?


Ito ay isang pagkakakilanlan na lumalampas sa heograpiya o mga hangganan pampulitika at
ang mga responsibilidad o karapatan na nagmula sa pagiging kasapi sa isang mas malawak na
klase: "sangkatauhan". Hindi ito nangangahulugan na ang ganoong tao ay tumutuligsa o
talikuran ang kanilang nasyonalidad o iba pa, mas maraming mga lokal na pagkakakilanlan,
ngunit ang mga nasabing pagkakakilanlan ay binibigyan ng "pangalawang lugar" sa kanilang
pagiging kasapi sa isang pandaigdigang pamayanan.

Karanasan ng Tao bilang Global Citizenship


Ang Global Citizenship ay tungkol sa ibinabahaging karanasan ng tao. Kinikilala at
ipinagdiriwang na, saan man tayo nagmula at saan man tayo nakatira, magkasama tayo rito.
Ang aming kagalingan at tagumpay ay nakasalalay. Marami pa tayong dapat matutunan sa
isa’t isa kaysa matakot sa hinaharap.
Ang pagkamamamayan ng buong mundo ay tungkol din sa mga ibinahaging halaga at
ibinahaging responsibilidad. Naiintindihan ng mga mamamayan sa buong mundo na ang mga
lokal na kaganapan ay makabuluhang hugis at apektado ng pandaigdigan at malalayong mga
kaganapan, at sa kabaligtaran. Pinagtaguyod nila ang pangunahing mga karapatang pantao sa
itaas ng anumang pambansang batas o pagkakakilanlan, at mga kontratang panlipunan na
nagpapanatili ng mga elemento ng pagkakapantay-pantay sa lahat ng mga tao.

Mga Angkop na kilos na nagpapamalas ng Pagmamahal sa Bayan


May magagawa ang isang mamamayan upang mabigyan ng solusyon ang mga problemang
kinakaharap ng bayan. Mulat ka na sa katotohanang kabahagi sa pagbabagong kailangan ang
mga kabataan. Bukos sa tungkulin na dapat isabuhay bilang isang Pilipino at mamamayan n
gating bansa na nakasaad sa Konstitusyon, may mga simpleng bagay na maaaring isabuhay
upang makatulong sa bansa ayon kay Alex Lacson:

a. Mag-aral nang mabuti b. Huwag magpapahuli, ang oras ay mahalaga

c. Pumila nang maayos d. Awitin ang Pambansang Awit nang may


paggalang at dignidad

e. Maging totoo at tapat, huwag mangopya o f. Magtipid ng tubig, magtanim ng puno, at


magpakopya huwag magtapon ng basura kahit saan

g. Iwasan ang anumang gawain na hindi h. Bumili ng produktong sariling atin, huwag
nakatutulong peke o smuggled

i. Kung puwede nang bumoto, isagawa nang j. Alagaan at igalang ang nakatatanda
tama
k. Isama sa panalangin ang bansa at ang kapuwa mamamayan

Mga Gawaing Pampagkatuto

Gawain 1: KANTAHIN MO AKO!


Panuto: Basahin at unawain ang liriko ng awiting ni Roel Rostata na may pamagat na “Bagani –
Quincentennial Theme Song”. Maaari mo itong pakinggan gamit ang youtube na makikita sa internet.

“BAGANI”
Roel Rostata
Quincentennial Theme Song
Verse1 Verse2
Hubarin ang takot sa iyong sarili, ipamalas ang Hawakang mahigopit ang aking kamay,
angking galing Sabay nating abutin ang tagumpay,
Tumayong buong tapang, harapin ang buhay, Huwag kang mainip sa pagpapanday,
yakapin ang tagumpay Pagmamahal ng Diyos ang ating gabay,
Ang kapwa Pilipino ay tulungan, huwag hatakin Pre Chorus
pababa, Subukan nating sumulong at ligawan ang
Isipin huwag lang ang iyong sarili, makisama, magandang bukas,
magtulungan. Ikaw at ako, magkasama tayo, salubungin ang
Pre Chorus kinabukasan!
Subukan nating sumulong at ligawan ang Chorus:
magandang bukas, Bagani! Ating lahi! Mandirigmang Pilipino,
Ikaw at ako, magkasama tayo, salubungin ang Dakila ang lahi ko, Bayaning Pilipino sa
kinabukasan! makabagong panahon!
Chorus:
Bagani! Ating lahi! Mandirigmang Pilipino,
Dakila ang lahi ko, Bayaning Pilipino sa
makabagong panahon!

Mga Gabay na Tanong:

1. Ano-Anong mensahe ang gusting iparating ng awiting?


2. Napapanahon ba ang mga mensaheng ito? Ipaliwanag.
3. Mahirap bang isabuhay ang mensaheng gusting iparating ng awitin? Bakit oo? Bakit hindi?
Ipaliwanag.
4. Makakatulong ba ang mensahe ng awitin sa pagsasabuhay ng pagmamahal sa bayan? Pangatuwiran
ang sagot.

Gawain 2: PAGMAMAHAL NGA BA!

Panuto: Anong mahalagang konsepto ang nahinuha mo mula sa nagdaang gawain at


babasahin. Puwede mo itong gawin o sagutin sa pmamagitan ng paglikha ng concept map.
Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Pagmamahal
sa Bayan
Gawain 3: TULA MO ‘KO!

Panuto: Ibahagi ang iyong sariling opinyon/ideya bilang isang mamamayan ng bansa sa pamamgitan
ng pagsulat/paggawa ng tula.

Ako’y Mabuting Pilipino

_______________________________________

____________________________________
____________________________________
____________________________________

____________________________________
____________________________________

Pagninilay

Panuto: Gumawa ng isang liham ng pasasalamat sa Diyos sa mga biyayang ipinagkaloob Niya bilang
isang mamamayang Pilipinong may pagmamahal sa bayan.

___________________

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Kawanihan ng Edukasyong Sekundarya, Kagawaran ng Edukasyon. 2010. Gabay sa Pagtuturo sa


Edukasyon sa Pagpapahalaga para sa 2010 Kurikulum ng Edukasyon Sekundarya (SEC). Pasig City.
Awtor

On Defining Ang Global Citizen from


“en.wikipedia.org/wiki/Global_citizenship”

On Defining Karanasan ng Global Citizenship mula sa


https://www.weforum.org/agenda/2017/11/what-is-global-citizenship/
may vary may vary
vary Answers
Answers may Answers may Vary Answers
Gawain 1 Gawain Gawain 3 Pagnilayan

Itinipon ni:
IRENE MAE G. GETUTUA
(Pangalan)

___Bankal National High School__


(Paaralan)

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Curriculum Implementation Division ( CID )


Division of Lapu-Lapu City
Address: B.M. Dimataga St., Poblacion, Lapu-Lapu City
Telephone Nos.: (032) 340-7887
Email Address: deped.lapulapu@deped.gov.ph
Website: http://depedlapulapu.net.ph

You might also like