Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 14

7

FILIPINO
IKATLONG MARKAHAN

(DO_Q3_FILIPINO_GRADE 7_MODULE 1-8)


1 (DO_Q3_FILIPINO_GRADE 7_MODULE 1-8)
Filipino – Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Una-Ikawalong Aralin
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot
ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang
karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: RUBY ANN R. SISON, MA. EDNALYN C. REJANO, ENROSE L. TORIO


JOANNE CLEOFE, LORENZ IRAH J. AGUSTIN, RACHEL T. GALOSO,
CAMILLE JOY V. DELGADO at GILSANNE I. MEMPIN
Tagasuri ng Nilalaman: GRACE I. YUMUL
Tagasuri ng Wika: GRACE I. YUMUL
Tagasuri: ROSARIE R. CARLOS, EPS- Filipino
Tagaguhit: LR Illustrator
Tagalapat: LR Illustrator Management
Team:
MELITON P. ZURBANO, Assistant Schools Division Superintendent (OIC-SDS)
FILMORE R. CABALLERO, CID Chief
JEAN A. TROPEL, EPS In-Charge of LRMS
ROSARIE R. CARLOS, EPS- Filipino

Printed in the Philippines by ________________________

Department of Education – National Capital Region – SDO VALENZUELA CITY


Office Address: Pio Valenzuela St., Marulas, Valenzuela City
Telefax: (02) 292 – 3247
2 (DO_Q3_FILIPINO_GRADE 7_MODULE 1-8)
E-mail Address: sdovalenzuela@deped.gov.ph

7
FILIPINO
IKATLONG MARKAHAN
UNANG ARALIN

3 (DO_Q3_FILIPINO_GRADE 7_MODULE 1-8)


Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang FILIPINO 7 ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul para sa aralin Una-Ikawalo.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula
sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy
upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng
K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-
ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon
din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo
habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag -aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang magaaral kung


paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad
nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito,
inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang
isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

4 (DO_Q3_FILIPINO_GRADE 7_MODULE 1-8)


Magandang araw sa iyo!
Sa pakikipagtalastasan at paglalahad ng damdamin mahalagang maipabatid natin
nang may kalinawan at kaayusan ang ating mga ipinahahayag upang sa gayon ay
magkaroon nang maayos na daloy ng komunikasyon sa pagitan ng dalawa o higit pang
taong nag-uusap. Kaya naman sa modyul na ito ay matututuhan mo ang kahalagahan at
tulong ng paggamit ng ponemang suprasegmental (tono, diin, antala) sa isang mabisang
pakikipagtalastasan at sa pagpapahayag ng damdamin. Ganoon din ang paggamit ng mga
di berbal na palatandaan gaya ng kumpas, galaw ng mata at katawan.
Kaya naman may mga gawain akong inihanda upang ang mga kaalaman at
kakayahang ito ay iyong mapagyabong pa.
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:
 Naipaliliwanag ang kahalagahan ng paggamit ng suprasegmental (tono, diin, antala),
at mga di berbal na palatandaan (kumpas, galaw ng mata, katawan, at iba pa) sa
tekstong napakinggan (F7PN-IIIa-c-13)

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat ang letra
ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Tumutukoy ito sa pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagsasalita na maaaring
maghudyat ng pahayag.
A. diin B. haba C. intonasyon D. tono
2. Ito ang nagpalilinaw ng mensahe o intensyong nais ipabatid sa kausap.
A. diin B. haba C. intonasyon D. tono
3. Tinatawag itong rehiyonal na tunog o accent. Sa anumang lugar mayroon tayong
pagkakaiba sa pagsasalita.
A. diin B. haba C. intonasyon D. punto
4. Ito ay ang pagbigkas nang mahaba sa patinig (a, e, i, o, u) ng bawat pantig.
A. haba B. hinto o antala C. intonasyon D. punto
5. Ito ay tumutukoy sa lakas ng pagbigkas sa isang pantig ng salitang binibigkas.
A. diin B. hinto o antala C. intonasyon D. punto
6. Ito ay bahagyang pagtigil sa ating pagsasalita upang higit na maging malinaw ang
mensaheng ibig ipahatid sa kausap.
A. diin B. hinto o antala C. intonasyon D. punto
7. Alin sa mga sumusunod ang maaaring mangyari kung hindi nabigyan ng saglit na
pagtigil sa pagsasalita ang isang tao?
A. mas maganda ang pagsasalita
B. magiging malinaw ang pagsasalita
C. hindi magiging maayos ang pagsasalita
D. hindi magiging malinaw ang mensaheng nais ipahiwatig

5 (DO_Q3_FILIPINO_GRADE 7_MODULE 1-8)


8. Bukod sa mga ponemang suprasegmental, alin sa mga sumusunod ang
nakatutulong din sa mabisang pagpapahayag?
A. ponema C. berbal na palatandaan
B. ponemang suprasegmental D. di berbal na palatandaan
9. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng mga di berbal na palatandaan maliban sa
isa.
A. galaw ng katawan C. pagbigkas ng tula
B. kumpas ng kamay D. galaw ng mata
10. Ito ang bantas na ginagamit sa pagkuha ng diin ng isang salita. A. gitling (-)
B. kuwit (,) C. patlang (_) D. tutuldok (:)
11. Mahalagang bigkasin nang wasto ang mga ponemang suprasegmental sa
pakikipagtalastasan upang ______.
A. mas maging malakas ang ating tinig sa pagbigkas.
B. maging wasto ang baybay ng mga salitang ating isinusulat.
C. maging malinaw ang kahulugan ng nais nating ipabatid.
D. maipaabot sa kausap ang tumpak na mensahe at damdamin.
12. Ginagamit ito upang maihatid ang damdamin ng tula sa madla o mailarawan ang
kasisipang inilalahad nito kasabay ng pagsasalita.
A. galaw ng katawan C. pagbigkas ng tula
B. kumpas ng kamay D. galaw ng mata
13. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa wastong gamit ng pagkumpas ng
kamay sa pagbigkas ng tula? A. Hindi pasulpot-sulpot ang kamay.
B. Hindi palamya-lamya ang galaw ng bisig.
C. Ang pagkumpas ng kamay ay kailangang natural at hindi pabigla-bigla ang
pagtaas at pagbaba nito.
D. Ang pagkumpas ng kamay ay hindi dapat angkop sa daloy ng damdaming
nais ilarawan.
14. Bakit mahalaga ang paglalapat ng angkop na galaw habang bumibigkas ng tula?
A. Ito ay nakatutulong sa pagpapahayag ng damdamin.
B. Ito ay nakatutulong upang mawala ang kaba habang bumibigkas.
C. Ito ay nakadaragdag sa kasiningan o kagandahan sa pagpapahayag.
D. Ito ay kalimitang ginagawa upang ituon ang pansin ng mga tagapakinig sa
galaw ng katawan.
15. “Pare ang tatay ko?” Ang ginamit na ponemang suprasegmental sa pahayag ay
______.
A. diin B. hinto o antala C. intonasyon D. punto

Aralin Pagpapaliwanag sa Kahalagahan ng


1 Ponemang Suprasegmental
Magandang araw!
Alam mo ba kung bakit minsan ay nagkakaroon nang hindi magandang
pagkakaunawaan ang dalawa o higit pang nag-uusap? Tama, isa sa mga nagiging dahilan
nito ay ang maling paraan ng pagpapahayag o pagbigkas ng mga salita.
Sa mabisang paglalahad ng damdamin at sa pakikipagtalastasan makatutulong ang
paggamit ng ponemang suprasegmental gaya ng tono, diin, haba, at antala. Gayundin ang
paggamit ng mga di berbal na palatandaan.

6 (DO_Q3_FILIPINO_GRADE 7_MODULE 1-8)


Kaya naman samahan mo ako upang alamin ang mga ito. Halina na’t ating
simulan!

Panuto: Suriin kung anong kaalamang-bayan (Tulang/Awiting Panudyo, Tugmang de-


Gulong, Bugtong, at Palaisipan) ang mga sumusunod na pahayag sa loob ng
kahon. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Si Maria Kond Dende 2. Ang di magbayad


Nagtinda sa gabi walang problema, sa
Nang hindi mabili karma pa lang, bayad
Umupo sa tabi. ka na.

3. Aanhin pa ang
gasolina kung
dyip ko ay sira
na.

4. Bumili ako ng 5. Ano ang tinapay na


alipin, mas mataas hindi kinakain ang
pa sa akin. gitna?

Panuto: Basahin nang wasto ang mga pahayag batay sa bantas na ginamit at suriin ito.
Pagkatapos ay sagutin ang mga tanong sa sagutang papel.

Kinahuhumalingan Malaking paso sa


niya ang mga halaman. kamay ang
tinamo ng bata
Ang paso ay nilagyan ng nang matapunan
Kinahuhumalingan
lupa ni Mang Ramon upang ng kumukulong
niya ang mga
taniman ng halaman. tubig.
halaman?

Gabay na tanong:

7 (DO_Q3_FILIPINO_GRADE 7_MODULE 1-8)


a. Basahing muli ang mga pahayag sa itaas ngunit sa pagkakataong ito ay huwag
lagyan ng damdamin o buhay ang pagbigkas. Gawing isang tono lamang ang
pagbigkas nito.
b. Anong napansin mo habang binibigkas ito nang walang anomang damdamin?
c. Bakit mahalaga ang wastong pagbigkas ng mga salita sa pagpapahayag ng
damdamin o saloobin? Ipaliwanag.

Ponemang Suprasegmental
Ang Ponemang Suprasegmental ay mahalaga para sa mabisang
pakikipagtalastasan. Nakatutulong ito upang maging mas maliwanag at maiparating ang
tamang damdamin sa pagpapahayag.

1. Intonasyon, Tono, at Punto- Ang intonasyon ay tumutukoy sa pagtaas at pagbaba


na iniuukol sa pagbigkas ng pantig sa salita na maaaring makapagpaiba sa
kahulugan ng mga salita maging ang mga ito man ay magkapareho ng baybay. Ang
tono ng pagsasalita ay nagpapahayag ng tindi ng damdamin samantalang ang
punto ay ang rehiyonal na tunog o accent. Halimbawa:
• Ang ganda ng tula? (Nagtatanong/ Nagdududa)
• Ang ganda ng tula. (Nagsasalaysay)
• Ang ganda ng tula! (Nagpapahayag ng kasiyahan)
2. Diin at haba- Ang haba ay tumutukoy sa haba ng bigkas na iniuukol ng nagsasalita
sa patinig ng pantig ng salita. Ang diin naman ay tumutukoy sa lakas ng bigkas sa
pantig ng salita. Halimbawa:

balah/ (bullet)
• /bala/ (threat)
• /tu.boh/ (pipe)
• /tuboh/ (sugar cane)
3. Hinto o Antala- Ito ay ang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging
malinaw ang mensaheng ipinahahayag. Ginagamit ang kuwit, tuldok, semi-kolon,
at kolon sa pagsulat upang maipakita ito. Halimbawa:
• Hindi maganda. (sinasabing hindi maganda ang isang bagay)
• Hindi, maganda. (pinasusubalian ang isang bagay at sinasabing maganda ito)
Bukod sa mga ponemang suprasegmental ay nakatutulong din sa mabisang
pagpapahayag ang mga di berbal na palatandaan gaya ng kumpas ng kamay at galaw ng
mata at katawan lalo na sa pagbigkas ng tula.
Ang pagkumpas ay mahalagang sangkap sa sining ng pagbigkas ng tula. Ginagamit
ito upang epektibong maihatid ang damdamin ng tula sa madla o mailarawan ang
kaisipang inilalahad nito. Dapat tandaan na ang bawat kumpas ay kailangang maging
natural o hindi pabigla-bigla ang pagtataas o pagbababa ng kamay. Hindi pasulpot-sulpot
ang kamay at lalong hindi palamya-lamya ang galaw ng bisig. Kailangang ang kumpas ay
maging angkop sa daloy ng damdaming nais ilarawan. Ang wastong pagkumpas ay
nakatutulong sa pagpapataas ng damdamin hanggang marating ang pinakamaigting na
damdaming inihahatid sa madla.

8 (DO_Q3_FILIPINO_GRADE 7_MODULE 1-8)


Gayundin, mahalaga sa pagbigkas ang disiplina. Maging ang galaw ng mata at
katawan ay dapat magkaroon ng kaisahan. Kung ang pokus ng paningin ay sa gawing
kaliwa, lahat ng pares ng mga mata ay dito dapat nakatuon. Ang paglalapat ng angkop
na galaw ay nakadaragdag sa kagandahan o kasiningan sa pagpapahayag. Ang kumpas
o kilos na gagawin ay dapat umaayon sa diwang isinasaad o sa nais sabihin ng bibigkasin.

Gawain 1: Piliin mula sa kahon at isulat sa sagutang papel ang tamang salitang pupuno
sa diwa ng pangungusap.
/ asoh/, /a.soh/

1. Ang ____________ ni Marie ang kanyang naging sandigan sa kalungkutang


nararamdaman.
2. Nabugahan ng ____________ na nanggagaling sa mga nasusunog na kahoy si Mang
Ben kaya siya nahirapang huminga.

/pitoh/, /pi.toh/

3. Naghanda nang munting salo-salo ang mga magulang ni Risa sa kanyang ika-
________________ng kaarawan.
4. Pinatunog ng tanod ang kanyang ________________ upang patigilin ang mga
nagsisipagtakbuhang mga kalalakihan na lumabag sa kanilang alituntunin.
/pasoh/, / pa.soh/

5. Tinapon ni Aling Tyang ang mga_______na pagkaing nakaimbak sa kanilang kusina.


6. Umiyak nang malakas ang bata dahil sa pagka___________ niya sa kanyang braso
nang madikit sa kalderong pinaglulutuan ng kanyang ina.

Gawain 2: Tukuyin ang uri ng bigkas sa patinig batay sa kahulugang nakatala sa


panaklong. Gumawa at gamitin ito sa makabuluhang pangungusap. Sundan
ang halimbawa sa ibaba. Isulat ang gawain sa sagutang papel.

Kaibigan (friend) /kaibi.gan/

Pangungusap: Ang tunay na kaibigan ay maaasahan sa oras ng


pangangailangan

1. kaibigan (mutual friend; lover)

Pangungusap:

2. bukas (open)

Pangungusap:

9 (DO_Q3_FILIPINO_GRADE 7_MODULE 1-8)


3. bukas (tomorrow)

Pangungusap:

4. Manonood
(watcher)

Pangungusap:

5. Manonood (to
watch)

Pangungusap:

Gawain 3: Isulat sa sagutang papel ang pagkakaiba at kahulugan ng sumusunod na


pangungusap batay sa hinto o antalang mayroon ang bawat pahayag.

Hindi siya si G. Carlos. _______________________________


Hindi, siya si G. Carlos. _______________________________
Hindi siya, si G. Carlos. _______________________________
Hindi si Rosa ang tumawag sa
akin. _______________________________
Hindi, si Rosa ang tumawag sa
akin. _______________________________
Hindi maayos ang disenyo. _______________________________
Hindi, maayos ang disenyo. _______________________________
Gawain 4: Ang paraan ng ating pagbigkas ng mga pahayag ay nagkakaiba ng kahulugan
batay sa pagtaas at pagbaba ng ating tinig. Basahin at bigkasin nang malakas
ang mga pahayag batay sa hinihingi nito at ibigay ang tono nito. Iguhit sa staff
ang notang quarter note ( ) na may katumbas na 1 para sa mababa, half
note ( ) 2 sa katamtaman, dotted half note ( ) 3 sa mataas at whole note (
) 4 para sa pinakamataas.

Halimbawa: masaya ka ba ngayon? 213

1. Tunay ang inilalahad niya sayo? (nagtatanong)

10 (DO_Q3_FILIPINO_GRADE 7_MODULE 1-8)


2. Maaari mo ba akong ikuha ng maiinom?
(nakikiusap)

3. Nakapasa ako sa pagsusulit. (masaya)

4. Nasaan ka na ba? (pagalit)


5. Tulungan mo anak ang iyong ama. (nakikiusap)

Gawain 5: Bumuo ng isang usapan na ginagamitan ng mga ponemang


suprasegmental. Iguhit at isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Ibigay
ang kahalagahan ng paggamit ng wastong intonasyon, diin at antala sa mabisang
pakikipagtalasatasan o sa pagpapahayag ng damdamin.
 Intonasyon, Tono, at Punto___________________________________________
 Diin at haba _________________________________________________________
 Hinto o Antala________________________________________________________

Basahin ang tulang “Saludo sa mga Gurong Streamer” nang may


damdamin, wastong pagbigkas ng mga salita, wastong paghinto, pagtaas at pagbaba ng
tono o tinig. Gawing gabay ang pamantayan sa ibaba sa pagmamarka sa gawaing ito.

11 (DO_Q3_FILIPINO_GRADE 7_MODULE 1-8)


Mga Pamantayan Puntos
10- 8– Pinakamahusay
Maliwanag na nabigkas at nalapatan7-nang5– Mahusay
4- 2 – Di- Gaanong mahusay
may wastong ritmo (tono, diin at antala ang
pagbigkas)
Angkop ang bawat kilos at ekspresyon ng
mukha sa tula; kumpas ng kamay, galaw
ng mata, labi at iba pa.

Sagutin ang sumusunod na tanong sa iyong sagutang papel.

o Batay sa iyong isinagawang pagbigkas, ilahad mo ang mga naging tungkulin ng


paggamit ng ponemang suprasegmental (tono, diin, antala), at mga di berbal na
palatandaan sa ating pagbabasa o pagbigkas ng mga salita o pahayag. o Magbigay ng mga
salitang may magkakaparehong tono, diin at antala. o Ilahad mo rin ang mga di berbal
na palatandaan na iyong ginamit habang binibigkas ang tula.

12 (DO_Q3_FILIPINO_GRADE 7_MODULE 1-8)


A. Panuto: Basahin ang mga pahayag sa ibaba at isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.

1. Isang _________ na hayop ang nahuli sa ginawang pain ni Raul sa kagubatan. Anong
salita ang angkop sa pangungusap?
A. /LI.gaw/ B. /ligaw/ C. /li: GAW D. /LI.GAW/ 2. Bukod sa ponemang
suprasegmental ito ay isa ring ginagamit upang mas mailahad nang epektibo ang
damdamin na ginagamitan ng pagkilos ng katawan.
A. berbal na palatandaan C. palatandaang aksyon
B. di berbal na palatandaan D. palatandaan ng kumpas ng kamay
3. Tumutukoy sa pagtaas at pagbaba na iniuukol sa pagbigkas ng pantig sa salita.
A. haba B. intonasyon C. punto D. tono
4. Alin sa mga pahayag ang nangangahulugan na kulay puti ang tinutukoy na kulay.
A. Hindi puti. B. Hindi, puti. C. hindi puti, D. Hindi puti?
5. “Maaari bang makahingi ng inumin?” Anong intonasyon ang angkop sa pahayag?
A. 231 B. 234 C. 321 D. 211
6. Ito’y ponemang suprasegmental na tumutukoy sa lakas ng bigkas sa pantig ng
salita.
A. antala B. diin C. punto D. tono
7. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng di berbal na palatandaan maliban sa isa.
A. kumpas ng kamay C. paggalaw ng mata
B. galaw ng katawan D. takbo ng isipan
8. “Saan ka pupunta?” Anong intonasyon ang angkop sa pahayag? A. 231
B.123 C. 213 D. 212
9. _______ na nang nakauwi ng tahanan si Mang Rico dahil sa bigat ng trapikong
kanyang naranasan sa daan. Anong salita ang angkop na gamitin sa
pangungusap?
A. / gabi/ B. /ga.bi/ C. /ga.bi? / D. /ga.bi!/
10. Anong bantas na maaaring gamitin upang maipakita ang saglit na pagtigil sa
pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng ipinahahayag?
A. panaklong B. kuwit C. kolon D. semi-kolon
B. Isulat sa sagutang papel ang salitang nagsasaad ng kahulugan ng pariralang nasa
kaliwa.

11. marka sa balat (baLAT, BA:lat)


12. pagtanggap ng isang gawain (aKO, A: ko)
13. kasalungat ng salitang tayo (Upo, uPO)
14. nararamdaman matapos kumain (BUsog, buSOG)
15. kita sa Negosyo (TU:bo, tu:BO)

Gawain 1: Lumikha ng sariling tula sa sagutang papel tungkol sa iyong mga naging
karanasan sa panahon ng pandemya. Gumamit ng wastong ponemang

13 (DO_Q3_FILIPINO_GRADE 7_MODULE 1-8)


suprsegmental, (intonasyon, diin, haba at hinto o antala). Isulat ito sa isang
bond paper at lagyan ng disenyo. Gawing gabay ang pamantayan sa pagbuo
ng sariling tula.

Mga Pamantayan Puntos


10- 8– Pinakamahusay
7- 5–
Maliwanag at makahulugan ang kabuoan Mahusay
ng tula. 4- 2 – Di- Gaanong mahusay
Gumamit ng wastong ponemang
suprasegmental (intonasyon, diin haba at
hinto o antala.
Kabuoan

Gawain 2: Ibigay ang mga hinihingi sa bawat bilang.

A. Magbigay ng dalawang salitang magkatulad ngunit nagkakaiba ng kahulugan batay sa


diin at haba at gamitin ito sa pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1.

2.

B. Magbigay ng pangungusap batay sa mga sumusunod na tono at isulat ang wastong


bilang ng tono nito. Gawin ito sa sagutang papel.
(nagtatanong) _________________________________________________________________
(nakikiusap) __________________________________________________________________
(nagagalit) ____________________________________________________________________
C. Isulat sa sagutang papel ang pagkakaiba ng mga pahayag.
1. Hindi ako ang nagtanim ng mga rosas. ____________________________________
2. Hindi, ako ang nagtanim ng mga rosas. ___________________________________

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – NCR, SDO Valenzuela City


Office Address: Pio, Valenzuela St., Marulas Valenzuela City
Telefax: 02-292-3247
Email Address: sdovalenzuela@deped.gov.ph

14 (DO_Q3_FILIPINO_GRADE 7_MODULE 1-8)

You might also like