Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

1

Homeroom Guidance
Ikaapat na Markahan-Modyul 4:
Kapwa ko, Mamahalin ko!
Homeroom Guidance Self-Learning Module 4 - Baitang 1
Ikaapat na Markahan-Modyul 4: Kapwa ko, Mamahalin ko!
Edisyon 2021

Isinasaad sa Intellectual Property Code of the Philippines na: “Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.”

Ang hiram na mga materyales (teksto, larawang-guhit, awit, larawan, ngalan ng


produkto o brand name, tatak o trademark, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ng DepEd
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales sa pagbuo at
paglimbag nito. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon.

Mungkahing Tala sa Pagsisipi:

Department of Education. Homeroom Guidance Grade 1 Self-learning Module 4:


Kapwa ko, Mamahalin ko! Bulacan: Department of Education—Schools Division
of Bulacan, 2021.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Assistant Secretary: Alma Ruby C. Torio

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat/Tagaguhit/Tagalapat/Editor: Elena P. Pura, Aira C. Elemino,


Marlyn D. Endico, Jovelyn S. Felix, Ronald G. Gabito, Heavenly Anne A. Villegas

Tagasuri ng Nilalaman : Mary Jade F. Hernaez, Mary Grace DS. Bernardino


Tagasuri ng Wika: Mary Grace DS. Bernardino
Tagasuri ng Paglalapat: Mary Grace DS. Bernardino

Tagapamahala: Gregorio C. Quinto, Jr., EdD


Rainelda M. Blanco, PhD
Agnes R. Bernardo, PhD
Glenda S. Constantino
Joannarie C. Garcia

2
Homeroom Guidance Baitang 1
Ikaapat na Markahan-Modyul 4:
Kapwa ko, Mamahalin ko!

Gabay sa Magulang/
Tagapag-alaga
Isinulat ang modyul na ito upang gabayan ang mag-aaral sa Unang baitang
na linangin ang kaniyang aspektong personal, sosyal, akademiko at karera. Dinisenyo
ito sa alternatibong pamamaraan ng pagkatuto na hindi nangangailangan ng pisikal
na presensya sa paaralan, bilang tugon sa direktiba na pagkansela ng face-to-face
class dulot ng pandemyang COVID-19.

Maaaring may pagkakataon na hingin ng mag-aaral ang inyong patnubay sa


pagsunod sa mga tagubilin at pagsagot sa mga tanong sa bawat bahagi ng mga
gawain. Hinihiling ng Kagawaran ng Edukasyon ang inyong suporta upang
matagumpay niyang maisakatuparan ang mga gawaing ito. Tiyakin na sasagutin niya
ang bawat bahagi ng modyul ng tapat.

Gawain 1: Hatiin at iguhit ang pantay na bilang ng prutas sa bawat kahon.


Gawain 2: Basahin ang maikling kwento at sagutin ang mga katanungan tungkol
dito.
Gawain 3: Gumuhit ng bituin kung ang isinasaad ng pangungusap ay nagpapakita
ng pagiging patas at ekis naman kung hindi.
Gawain 4: Bilugan ang titik ng tamang sagot na nagpapakita ng pagiging patas at
magandang pakikitungo sa kapwa sa bawat sitwasyon.
Gawain 5: Gumuhit ng larawan na nagpapakita ng pagiging patas at walang
kinikilingan upang mapanatili ang patas na pagtingin sa kapwa.

Tiyakin na ang lahat ng mga gawain sa bahagi ng modyul ay matatapos at


maipapasa sa petsa at oras na itinakda ng gurong-tagapayo.

3
Paunang Salita
Para sa mag-aaral:

Ang modyul na ito ay binuo upang matulungan ka sa pagdedesisyon sa iyong


buhay sa gabay ng mga taong nakapaligid sa iyo. Kabilang dito ang iyong
pagdedesisyon sa gitna ng kasalukuyang krisis na nararanasan. May mga gawaing
inilaan na makatutulong sa iyo upang malaman ang mga pamamaraan sa
pagdedesisyon. Kinakailangang isulat mo ang iyong sagot sa sagutang papel at ipasa
sa iyong tagapayo upang mailagay ito sa iyong portfolio.

Saguting mabuti ang mga gawain at humingi ng tulong kung kinakailangan.


Tandaan na sa buhay natin ay may mga bagay na hindi natin kontrolado. May mga
negatibong pangyayari na maaaring makapagpabago sa ating positibong pananaw.
Sa kabila nito ay hindi dapat mawalan ng pag-asa, maraming paraan para
mapagtagumpayan ito. Simulan mo ang paglalakbay na ito upang madaig mo ang
iyong kahinaan at magamit mo ang iyong kalakasan sa pagbabago.

Ang modyul na ito ay naglalaman ng anim na interaktibong mga gawain. Ito ay


ang mga sumusunod:

Subukin Natin – Ito ay paghahanda sa proseso ng iyong pagkatuto.

Tuklasin Natin – Ito ay gabay mo kung ano ang dapat mong matutuhan.

Tandaan – Ito ay ang mga aralin na dapat mong matutuhan at maunawaan.

Kaya Mo – Ito ay ang aplikasyon mo sa mga araling iyong natutuhan.

Natutuhan Ko – Susukatin nito ang iyong kaalaman tungkol sa paksang


pinag-aralan.

Pagpapahalaga - Ito ay bahagi kung saan ilalahad mo ang iyong sariling


karanasan sa pagsasagot ng modyul na ito.

Siguraduhing ikaw ay magbabasa, mag-iisip at susunod sa bawat gawain at


higit sa lahat gawin mo itong kapaki-pakinabang!

4
MODYUL

4 Kapwa ko, Mamahalin ko!

Layunin:

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


• Nasasabi ang mga batayan na nagpapakita ng
pagiging patas o walang kinikilingan; at
• Natutukoy ang kakayahan na makitungo sa kapwa
na mayroong respeto at pagmamahal.

Panahon: 4-5 Linggo ng Ikaapat na Markahan


Kabuuang bilang ng oras na gugugulin:
120 Minuto
Mga kinakailangang Materyales:
Lapis/Bolpen
Blankong Papel (Pirasong Papel)

5
Panimula

Ang pagiging patas ay hindi lamang


nangangahulugan na ikaw ay may parehong dami ng
bagay na nakukuha sa mga taong nakapaligid sa iyo.
Ang araling ito ay makatutulong upang maintindihan ang
tunay na kahulugan ng pagiging patas at matukoy ang
mga kakayahan na makitungo sa iba nang may respeto
at pagmamahal. Ito ay pagbibigay ng nararapat sa tao
batay sa kanyang pangangailangan at hindi lamang
pagkakapare-pareho ng dami ng bagay na makukuha sa
iba.
Ang pagiging patas o walang kinikilingan ay isang
pamamaraan din upang magkaroon ng magandang
pakikitungo sa iba nang may respeto at pagmamahal.

6
Subukin Natin
Mungkahing bilang ng oras: 20 minuto
Hatiin ang mga prutas sa mga bata at iguhit ang pantay
na bilang ng prutas sa loob ng bawat kahon.

Sandra Grace

Robert Andrew

7
Peter Mark

Mga katanungan:
1. Ano ang iyong ginawa upang magkaroon ng parehong
dami ng prutas ang magkakaibigan?

2. Bakit kailangan na pareho ang bilang ng prutas sa


bawat bata?

3. Sa iyong palagay, ano ang maaaring mangyari kung


hindi pantay ang paghahati ng mga prutas na ibibigay
sa magkakaibigan? Bakit?

8
Tuklasin Natin

Mungkahing bilang ng oras: 20 minuto


Sa tulong ng inyong mga magulang o tagapag-
alaga, basahin ang maikling kwento at sagutin ang mga
katanungan sa ibaba.

“Ang Tinapay”
ni Elena P. Pura

Gumawa ng tinapay na may kaunting


prutas sa ibabaw ang nanay ni Sally para sa
kanilang bagong lipat na kapitbahay.
May natirang isang piraso ng tinapay sa
lamesa at gusto itong kainin ni Sally.
Ang kanyang Kuya Joshua naman ay
ayaw ng tinapay na niluto ng kanilang
ina. Ang gusto lamang niyang kainin ay
ang prutas na nasa ibabaw nito. Binigay ng nanay ni Sally
sa kanya ang tinapay at ang ilang piraso ng prutas na
nasa ibabaw nito ay binigay sa kanyang kuya.

Mga katanungan:
1. Ano ang ginawa ng nanay ni Sally para sa kanilang
bagong lipat na kapitbahay?

2. Ano ang gustong kainin ni Sally at ng kanyang Kuya


Joshua?

3. Paano hinati ng nanay ni Sally ang tinapay na may


prutas sa ibabaw sa kanilang magkapatid?

9
4. Naging pantay o patas ba ang nanay ni Sally sa
kanilang magkapatid? Bakit?

5. Bilang isang bata, sa paanong paraan mo maipakikita


ang pagiging pantay o patas sa iyong kapatid?

Tandaan
Mungkahing bilang ng oras: 20 minuto

Ang pagiging patas o walang kinikilingan ay ang


pagbibigay ng nararapat sa tao batay sa kanyang
pangangailangan. Ang ilang batayan na nagpapakita
ng pagiging patas ay ang pagbabahagi ng mga pagkain
sa lahat, pagpapahiram nang mga gamit na wala ang
iba, pagsunod sa mga patakaran sa loob ng tahanan,
paaralan at pamayanan, pagsasabi nang maling
ginagawa ng ibang tao at ang pagiging masunurin.
Bilang isang bata
nararapat na malaman mo
ang mga hakbang upang
mapanatili ang pagiging
patas o pagpapakita ng
pagkakapantay-pantay. Ilan
sa mga ito ay ang
pagkakaroon ng respeto sa
kapwa, pagiging disiplinado
sa paglalaro, pagkilos ng naaayon sa alituntunin at
pagsunod sa mga itinakdang batas.

10
Mahalaga na maging patas at walang kinikilingan sa
lahat ng oras upang maiwasan ang anumang hindi
pagkakasunduan. Ito rin ay isang paraan upang ipakita
ang kakayahan na makitungo sa iba ng may respeto at
pagmamahal.
Ang pakikitungo sa iba nang
may respeto at pagmamahal ay
mahalagang matutuhan ng isang
batang kagaya mo. Dito nagsisimula
ang mabuting pakikipagkapwa-tao
ang pagkakaroon ng mabuting
ugnayan sa isa’t isa. Ang
paggalang sa mga matatanda,
pagiging masunurin, maunawain,
pakikiisa sa kapwa at pagkakaroon
ng malasakit sa iba ay ilan lamang na
pamamaraan upang maipakita
natin na may kakayahan tayo na
makipagkapwa-tao.
Mahalaga na habang bata ay matutuhan mo ang
mabuting pakikitungo sa kapwa. Ito ang magiging daan
upang magkaroon ng maayos at mapayapang
pamumuhay.

11
Kaya Mo

Mungkahing bilang ng oras: 20 minuto

A. Gumuhit ng bituin (⭐) kung ang isinasaad ng


pangungusap ay nagpapakita ng pagiging patas o
walang kinikilingan at ekis (❌) naman kung hindi.
______1. Nagbibigayan ng daan ang mga tsuper sa
kalsada.
______2. Nakikinig si Josh sa kanyang matalik na kaibigan
at pinapanigan niya ito.
______3. Hinahayaan ni Amie na maglaro ang lahat ng
mga bata sa kanilang palaruan.
______4. Palaging si Dorothy ang nagsasalita at hindi niya
pinagbibigyan ang kanyang kagrupo.
______5. Sama-sama sina Fatima at ang buong pamilya sa
pagbuo ng plano para sa kaarawan ng kanilang
lola.

B. Ikahon ang larawan na nagpapakita ng kakayahang


makitungo sa iba nang may respeto at pagmamahal.

12
Natutuhan Ko

Mungkahing bilang ng oras: 20 minuto


Basahin ang sitwasyon sa bawat bilang at isulat ang titik
ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Habang naglalakad si Anthony ay may humintong


sasakyan sa tapat niya. Ang lalaki ay nagtatanong ng
direksyon ng kanyang pupuntahan at alam ni Anthony
ang sagot. Ano ang nararapat niyang gawin?
a. Hindi niya ito papansinin at tatakbo palayo.
b. Sasabihin niya nang malinaw ang tamang
direksyon.
c. Sasabihin niya na hindi niya alam ang direksyon.

13
2. Si Cynthia ay nagtatrabaho sa lugawan. Isang araw ay
may pulubing nanghihingi ng limos sa harapan ng kainan.
Ano ang nararapat niyang gawin?
a. Bibigyan niya ito ng lugaw.
b. Itataboy niya ang pulubi.
c. Tatawagin niya ang kanyang amo para isumbong
ang pulubi.

3. Nakita mong nadapa ang matanda. Ano ang gagawin


mo?
a. Hindi papansinin.
b. Pagtatawanan ito.
c. Tutulungan ang matandang makatayo.

4. Mayroon kayong pagsusulit ngunit hindi ka nakapag-


aral ng iyong aralin.Ano ang gagawin mo?
a. Hindi na ako kukuha ng pagsusulit.
b. Mangongopya ako ng sagot sa aking kaklase.
c. Sisikapin kong sagutan ang pagsusulit kahit hindi
ako nakapag-aral.

5. Nais maglaro ng magkakaibigang Alex, Pia, Rhianne,


Mike at Randy ng habulan ngunit si Pia ay kagagaling
lamang sa sakit. Ano ang dapat nilang gawin?
a. Ituloy nila ang paglalaro dahil wala nang sakit si Pia
b. Maglalaro ng ibang laro na hindi kailangang
mapagod ang katawan upang hindi mabinat si Pia.
c. Hindi na lang isasali si Pia.

14
Pagpapahalaga

Mungkahing bilang ng oras: 20 minuto


A. Gumuhit ng larawan na nagpapakita ng pagiging
patas at walag kinikilingan upang mapanatili ang
pagkakapantay-pantay.

B. Sa loob ng garapon, isulat ang mga nagawa mo na


nagpapakita ng mabuting pakikitungo sa iyong kapwa.

Masaya ka ba sa
nagawa mo sa iyong
kapwa? Bakit?

15
==============

Para sa mga katanungan o puna, sumulat sa:

Department of Education, Schools Division of Bulacan


Curriculum Implementation Division (CID)
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan
Email Address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph

16

You might also like