Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Noli Me Tangere Kabanata 6 – Si Kapitan Tiyago

Si Kapitan Tiyago ay nag-iisang anak ng isang negosyante ng asukal sa bayan ng Malabon. Siya ay
mahigit kumulang tatlumpu’t limang taong gulang. Datapwat hindi nakapag-aral ay naturuan naman siya
ng isang paring dominiko.

Nang mamatay ang ama ay itunuloy pa rin niya ang pangangalakal. Nakilala niya si Pia Alba na taga-Sta.
Cruz at sila ay nagpakasal. Napabilang ang mag-asawa sa mataas na antas ng lipunan dahil sa pagiging
mayaman at mahusay magpalakad ng negosyo.

Mailalarawan si Kapitan Tiyago bilang isang magandang lalaki na may moreno, pandak, at bilugan ang
mukha. Sinira ng pananabako at pagnganganga ang kanyang hitsura.

Siya ay naninilbihan bilang gobernadorcillo. Kasama sa kanyang paglilingkod ang paghamak sa mga
Pilipino at hayaan ang mga Kastila sa ganitong gawain.

Kastila na rin ang turing ng Kapitan sa kanyang sarili samantalang ang turing naman niya sa mga
Pilipino ay Indio. Pinaniniwalaan ng Kapitan na ang mga Kastila ay mararangal at karapat-dapat pag-
ukulan ng paggalang at pagpapahalaga.

Ang Kapitan ay kaibigan ng lahat ng mga may kapangyarihan lalo’t higit ng mga pari. Kaya naman hindi
mawawala ang kanyang pangalan sa misa at padasal para bilhin ang langit.

Ang mga maibigan niyang santo maging ang kabanalan ay nabibili nito. Punong-puno ng mga
dinadasalan ang silid ni Kapitan Tiyago katulad nina Sta, Lucia, San Pascual Bailon, San Antonio De
Padua, San Francisco De Asis, San Antonio Abad, San Miguel, Sto. Domingo, Hesukristo, at ang larawan
ng Banal na Mag-anak (Hesus, Maria at Hosep).

Maraming ari-arian ang nabibili ng Kapitan dahil sa pagnenegosyo. Kabilang na diyan ang pagbili niya ng
lupain sa San Diego. Siya namang naging daan upang makilala niya ang kura doon na si Padre Damaso
at ang pinakamayaman sa bayang iyon na si Don Rafael Ibarra.

Sa loob ng anim na taon na pagsasama ng mag-asawang Kapitan Tiyago at Pia Alba, at sa kabila ng
magandang buhay na tinatamasa nila ay hindi naman magka-anak ang dalawa. Walang humpay sa
pamamanata ang mag-asawa. Sa payo naman ni Padre Damaso ay namanata ang dalawa sa Obando at
sumayaw sa kapistahan ng San Pascual Bailon at Sta. Clara sa Nuestra Senora De Salambao si Pia Alba.

Nagdalantao nga si Pia Alba makalipas ang kaunting panahon (lingid sa kaalaman ni Kapitan Tiyago ay
hinalay pala ni Padre Damaso ang kanyang asawa at ang katotohanan ay nailantad rin kalunan).

Ngunit si Pia Alba ay naging masasakitin na siya namang naging dahilan upang tuluyang mamatay
pagkatapos nitong manganak.

Maria Clara ang ipinangalan sa bata na inalagaan ni Tiya Isabel. Siya’y busog din sa pagmamahal nina
Kapitan Tiyago at ng mga pari.

Sina Maria Clara at Crisostomo Ibarra ay lumaking magkababata. Sa udyok ng mga pari ay ipinasok ng
kanyang ama si Maria Clara sa kumbento ng Sta. Catalina ng ito ay maging katorse anyos samantalang si
Ibarra naman ay nagtungo sa Europa upang mag-aral ng medisina.

Sina Kapitan Tiyago naman at Don Rafael ay nagkasundong ipakasal sina Maria Clara at Ibarra sa
takdang panahon. Hindi naman ito tinutulan ng dalawa sapagkat sila ay kapwa nag-iibigan.
Talasalitaan
 Bugtong – nag-iisa
 Ganid -sakim
 Kapus-palad – salat
 Kawaksi – katulong
 Magsing-irog – magkasintahan
 Nagkubli – nagtago
 Tinutuligsa – pinupuna
 Tiwasay – tahimik
 Umaalipusta – umaapi

You might also like