COT Lesson Plan in Filipino 1st Quarter

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Division of Cotabato
Arakan East District
DALLAG ELEMENTARY SCHOOL
Dallag, Arakan, Cotabato

BANGHAY ARALIN SA
FILIPINO 6

Paaralan Dallag Elementary School Baitang VI-RIZAL


Guro RHEA O. MONTALES Subject Filipino
Petsa OCTOBER 11, 2023 Kwarter 1st

I. Layunin
A. Pamantayang Naipamamalas ang iba’t ibang kasanayan upang maunawaan ang iba’t
Pangnilalaman ibang teksto
B. Pamantayan sa Pagganap Nagagamit ang nakalimbag at di-nakalimbag na mga kagamitan sa
pagsasaliksik
C. Mga Kasanayan sa Nagagamit ang iba’t ibang uri ng panghalip sa
Pagkatuto. Isulat ang code iba’t ibang sitwasyon
ng bawat kasanayan. F6WG-Ie-g-3
II. NILALAMAN Paggamit ng Panghalip sa Iba’t Ibang Sitwasyon
III. KAGAMITANG
PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa gabay ng Alab Filipino 6 – P.
guro Teacher’s Manual
2. Mga pahina sa kagamitang F6WG-Ie-g-3
Pang Mag-aaral
3. Mga pahina sa teksbuk Alab Filipino 6 – P. 27-28
4. Karagdagang kagamitan tarpapel, mga larawan, activity sheets, glue, pentle pen
mula sa portal ng Learning
Resource
B. Iba pang kagamitang Powerpoint presentation
panturo
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang Panuto: Ibigay ang solusyon sa mga sumusunod na suliranin na makikita
aralin at/o pagsisimula sa sa larawan.
bagong gawain

B. Paghahabi sa layunin ng Itanong:


aralin Ano ang panghalip?
Ipaawit ang “Ako, Ikaw,
Tayo ay Isang
Komunidad.” Ipatukoy ang mga panghalip na ginamit sa awit (tula) na
ginamit.
C. Pag-uugnay ng mga Pagsasadula ng mga napiling mag-aaral sa mga pangungusap gamit ang
halimbawa sa bagong aralin mga iba’t ibang panghalip.

1. Mga kamag-aral, tayong lahat ay kailangang mag-aral mamayang


gabi para sa ating pagsusulit bukas.
2. Gng. Montales, ito na po ang aking proyekto sa asignaturang
Filipino.
3. Alin sa mga ito ang napili mong bagong tsenilas?
4. Ganito ang tamang pagguhit ng bulaklak.
D. Pagtatalakay ng bagong Pagtalakay sa iba’t ibang uri ng Panghalip.
konsepto at paglalahad ng Panghalip- ay ang salitang ginagamit na pamalit sa pangngalan. Ito ay
bagong kasanayan #1 ginagamit kung ang pangngalan ay magkasunod na ginagamit sa isang
pangungusap.
Uri ng Panghalip
1. Panghalip Panao- Ito ang mga panghalip na ginagamit na
panghalili sa pangalan ng tao.
Halimbawa: ako, ko, akin, amin, kami, kayo, atin, inyo, kita,
mo, siya, kanila at kaniya

2. Panghalip Pamatlig- Ito ay tumutukoy sa mga panghalip na


ginagamit upang ipanghalili sa mga itinuturong tao o bagay.
Malapit sa nagsasalita: ito, iri/ire, niri/nire, nito, ganito
Malapit sa kinakausap: iyan, niya, diyan
Malayo sa nag-uusap: iyon, yaon, niyon, noon, doon

3. Panghalip na Pananong- Ito ang mga salitang ginagamit na


pantanong sa tao, hayop, lugar, at pangyayari at sa mga
pangungusap na nangangailangan ng sagot.
Halimbawa: ano, ano-ano, sino, sino-sino, alin, alin-alin

4. Panghalip na Panaklaw- Ito ay ginagamit na panaklaw sa


bilang, dami, kaisahan at kalahatan ng pangngalan.

E. Pagtalakay ng bagong Idikit Mo Ako:


konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #2 Piliin ang angkop na panghalip sa loob ng kahon at idikit ito sa patlang
upang mabuo ang talata.

Ang _______ ina ay sinasabing ilaw ng tahanan. ______ ang nag-aaruga


at nag-aalaga sa _______ mula pagsilang hanggang sa ________ paglaki.
Malaki ang kaugnayan _____ sa ______ mga anak. _______ ang
humuhubog sa _______ pagkatao upang lumaking mabuti. Sinisikap
ibigay ang lahat ng ______ pangangailangan. Pinag-aaral _______
_______ upang maging maganda ang ________ kinabukasan. Bilang
ganti naman dapat _______ suklian ng kabutihan at pagmamahal ang mga
nagawa ______. _______ naman sana ay maging responsableng mga anak
sa _______.

F. Paglinang sa Kabihasnan Pangkatang Gawain:


(Tungo sa Formative Bigyan ang bawat grupo ng limang minuto sa kanilang magkaibang
Asessment) gawain.

Pangkat 1
Panuto: Piliin sa loob ng panaklong ang angkop na panghalip na bubuo sa
diwa nito.
1. (Siya, Ikaw, Kami) ay isa sa magaganda’t mapanghalinang babae
sa Pilipinas.
2. Labis ang pagdurusa ni Mathilde dahil sa may paniniwala
( akong, kaming, siyang ) isinilang siya sa daigdig upang
magtamasa ng lubos na kaligayahan sa buhay.
3. “Anak, akala ko’y ikatutuwa ( nila, ko, mo) ang inihanda kong
regalo sa’yo.”
4. Ang pagkawala ng kuwintas ang nagging sanhi ng matinding
paghihirap ni Diana at ng asawa (nila, mo, niya).
5. Sumapit ang inaasahan ( kaniya, niyang, nitong) araw.

Pangkat 2
Panuto: Punan ng angkop na panghalip ang mga patlang upang mabuo
ang diwa ng talata.
Lunes ng madaling araw, nakatanggap _______ ng isang mesahe
mula sa pinakamatalik kong kaibigan. _____ ang kaibigang halos kapatid
____ na kung ituring. Sa pagitan ng alas -3:00- 4:00 ng umagang
_______, isang malagim na aksidente ang naganap habang binabagtas
_____ ang kahabaan ng Daang maharlika.

Pangkat 3
Panuto: Bumuo ng kapaki-pakinabang na pangungusap gamit ang
sumusunod na panghalip.
1. kanya
2. mo
3. atin
4. namin
5. gaano
G. Paglalapat ng aralin sa Panuto: Bumuo ng pangungusap na ginagamitan ng angkop na panghalip
pang araw-araw na buhay. sa pamamagitan ng mga larawan sa ibaba.

H. Paglalahat ng aralin. Ano ang panghalip?


Magbigay ng pangungusap na may panghalip.
I. Pagtataya ng aralin Panuto: Punan ang patlang ng wastong uri ng panghalip na bubuo sa diwa
ng pangungusap.

1. Hindi ka raw sasama kasi marami kang gagawin?


_________________ naman iyon?
2. Naglalaba si nanay at __________ naman ang nagsasampay ng
mga nilabhan.
3. ____________ ang ginagawa ng mga magulang ay para sa
kabutihan ninyong mga anak.
4. Hinog nap o ang langkang _______, Tatay. Pitasin nyo nap o,”
ang sabi ni Ana sabay turo sa punong langka.
5. Maraming masisipag na mga guro sa _______ paaralan.
J. Karagdagang Gawain para Magpaguhit o magpagupit ng isang larawan.
sa takdang aralin at Ipakilala ito sa kamagaral gamit ang panghalip.
remediation.
IV. MGA TALA
V. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation.
C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng
mag-aaral na nakaunawa
sa aralin.
D. Bilang ng mga mag-aaral
na magpapatuloy sa
remediation.
E. Alin sa mga
istratehiyang pagtuturo
nakatulong ng lubos?
Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang
aking naranasan na
solusyunan sa tulong ng
aking punungguro at
superbisor?
G. Anong kagamitang
panturo ang aking
nadibuho na nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko
guro?

Inihanda ni:
RHEA O. MONTALES
Teacher - I

Inobserbahan ni:
JOSEPH G. PELINGON
Principal – I

You might also like