Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 24

INTRODUKSYON

Bakit kaya maraming uri at disenyo ng face mask at face shield ang makikita
at mabibili sa panahon ng pandemya? Hindi ba puwedeng pangkaraniwan at
disposable facemask na lamang ang gamitin? Ito na ba ngayon ang bagong
uso? Wala naman masama makisabay sa trend / uso hindi ba? Ang lahat ng iyan
ay tatalakayin sa pamanahong papel na ito.

Naging bahagi na sa pang araw-araw na pamumuhay ng maraming Pilipino


ang pagsusuot ng facemask mula ng magkaroon ng pandemya na COVID-19 sa
Pilipinas. Ayon sa Cordillera Center for Health Development (Department of
Health), mahalaga ang pagsusuot ng face mask dahil kung walang mask ang
isang tao ay malaki ang tyansa na makahawa at mahawaan ang iba, kung
mayroon namang mask ay mas bababa pa ang tyansa na makahawa at
mahawaan ng iba.

Kinalaunan kinailangan na rin ang pagsusuot ng tinatawag na face shield ---


ito ay plastic cover na isinusuot sa mukha upang higit na maging ligtas sa
nakahahawang virus. Ang mga panangga sa mukha (face shield) ay binubuo ng
isang malinaw na plastic na hadlang na sumasakop sa mukha.
(www.longbeach.gov, 2020)

Mahigpit na pinatutupad sa pagpasok sa mga establisyemento at gayundin


sa pampublikong lansangan ang mga naturang proteksyon sa mukha upang
maging ligtas ang mga Pilipino sa virus. Sa paglipas ng ilang buwan na paggamit
ng karaniwang facemask at face shield nagkaroon ng mga balita at umuso sa
social media ang pag-usbong ng iba’t ibang disenyo ng mga ito na naging patok
sa maraming mga Pilipino at mula sa pangyayaring ito ay umusbong ang
kulturang popular sa gitna ng pandemya kung saan ay hindi lamang makakikita
ng karaniwang surgical mask na suot ng mga Pilipino kundi mayroon na rin
washable mask, adjustable mask at facemask na mayroong iba’t ibang kulay at
disenyo.

Kaya naman sa pamanahong papel na ito ay tatalakayin ng mananaliksik


ang pag-usbong ng iba’t ibang disenyo ng facemask at face shield bilang bahagi
ng uso at kulturang popular sa panahon ng pandemya.

LAYUNIN NG PAG-AARAL

Ang pamanahong papel na ito ay isinakatuparan bilang pagtupad sa isa sa


mga pangangailangan ng asignaturang PAN02: Kulturang Popular. Naglalayon
ang mananaliksik na:

a. Maipaliwanag kung paano ang pangangailangan at pagtangkilik ay


nakatulong sa pagbibigay mukha sa kulturang popular
b. Masagot ang tanong na ano ang iba’t ibang uri at disenyo ng facemask
ang umusbong sa Pilipinas sa panahon ng pandemya?
c. Masagot ang tanong na paano naging bahagi ng kulturang popular sa
panahon ng pandemya ang pag-usbong ng iba’t ibang disenyo ng
facemask at face shield?

Ang pagtalakay sa paksa na ito bilang bahagi ng kulturang popular ay


makatutulong sa mga mambabasa at sa mga Pilipino na maunawaan ang
diskurso na nakapaloob sa paggamit ng facemask at face shield bilang
pangangailangan sa gitna ng pandemya at bilang bahagi ng kulturang popular.

METODOLOHIYA

Mahalaga ang pagkakaroon ng maayos na pamamaraan sa pagkalap ng


mga datos sa isang pag-aaral. Sa pamamagitan nito ay lubos na nagiging
matibay ang pag-aaral at ito ang magiging gabay sa pagtatagumpay ng isang
mananaliksik.

Ang mananaliksik ay gumamit ng deskriptibong pamamaraan sa


pamanahong papel na ito na kung saan isinakatuparan ang pagpapaliwanag at
pagbabahagi ng mga impormasyon sa mga mambabasa. Isinakatuparan ng
mananaliksik ang pagtatala ng mga datos mula internet, sa ganitong paraan
magiging maayos ang paglalahad at pagtalakay sa impormasyon na nakalap
sapagkat ito ang magsisilbing suporta sa pag-aaral at makatutulong upang lubos
na mauunawaan ng mga mambabasa ang isinagawang pag-aaral.

PAGTALAKAY

Sa bahaging ito ng pamanahong papel ay tinalakay ng mananaliksik ang


mga layunin ng pag-aaral: maipaliwanag kung paano ang pangangailangan at
pagtangkilik ay nakatulong sa pagbibigay mukha sa kulturang popular gayundin
kung ano ang iba’t ibang uri at disenyo ng facemask ang umusbong sa panahon
ng pandemya sa Pilipinas? At paano naging bahagi ng kulturang popular sa
panahon ng pandemya ang pag-usbong ng iba’t ibang disenyo ng facemask at
face shield.

Pangangailangan at Pagtangkilik Bilang Mukha ng Kulturang Popular

Ang pangangailangan ay bahagi sa buhay ng isang tao at ang mga ito ay


kailangang tugunan o punan. Halimbawa ay ang karaniwang pangangailangan
sa pagkain, inumin, maayos na maisusuot at tahanan na matitirahan. Bukod dito
mayroon pa rin ibang pangangailangan na dapat tugunan --- gaya ng
pangangailangan upang magkaroon ng maayos na kalusugan at
pangangailangan upang tugunan sa sariling kapakanan at kaligtasan.
Ang pagtangkilik naman ay tumutukoy sa pagpili sa isang bagay o produkto
upang gamitin at tugunan alinman sa sariling pangangailangan o kagustuhan.
Mayroon iba’t ibang salik gaya na lamang ng sariling pamantayan ng isang tao
kung alin sa mga pagpipilian ang nais niyang tangkilikin at gamitin.

Nakatulong sa pagbibigay mukha sa kulturang popular ang pangangailangan


dahil ito ay nilikha ng mga negosyante upang kumita, gaya ng pangangailangan
maging maputi, maging tuwid ang buhok at maging makinis ang mukha – sa
pamamagitan nito ang pangangailangan ay nagiging bahagi at mukha ng
kulturang popular. Dito naman pumapasok ang tulong na ibinibigay ng
pagtangkilik, hindi magiging sikat at uso ang isang produkto kung walang
tumatangkilik dito, kaya naman ginagawa ng mga negosyante ang mga paraan
upang may tumagkilik sa kanilang mga produkto gaya ng pagkuha sa mga sikat
ng personalidad upang ipakilala ang mga ito at gayundin ang pagbabago sa mga
lumang produkto.

Kung magkagayon at pangangailangan at pagtangkilik ay kapwa


nakatutulong sa pagbibigay mukha sa kulturang popular dahil ang dalawang ito
ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng uso at bagong produkto --- upang
tugunan ang pangangailangan (marahil sa kakaiba at bagong paraan) at upang
mahikayat ang mga mamimili na tangkilikin ang isang produkto.

Iba’t Ibang Uri ng Facemask

Kumakalat ang COVID-19 sa pamamagitan ng isang tao na umuubo,


bumabahing, kumakanta, nagsasalita, o humihinga nang may layong wala pang
6 na talampakan at posibleng mayroong virus, kahit na maayos pa ang kanyang
pakiramdam at kalusugan.

Para maiwasan na mahawa mula sa virus, kailangan na takpan ang ilon at


bibig sa tuwing lumalabas ng tahanan at nakikihalubilo sa ibang tao. Maaari itong
gawin sa pamamagitan ng pagsusuot ng face mask o takip sa mukha, may
kakayahan itong mapabagal ang pagkalat ng COVID-19 sa pamamagitan ng
paglimita sa paglabas ng virus sa hangin. . Mababawasan ng mga mask na
gawa sa tela o takip sa mukha, sa pamamagitan ng filtration, ang pagkakalantad
mo sa mga nakakahawang droplet. Isinusulong din nito ang pagdistansya sa isa't
isa, at ipinapakita nitong may pakialam ka sa kalusugan ng iba. (covid19.ca.gov)

Narito ang tatlong uri ng facemask o takip sa mukha ayon sa covid19.ca.gov:

Mask o takip sa mukha na gawa sa tela. Ginagamit ang telang ito para
matakpan ang ilong at bibig, na itinatali sa likod ng ulo, o ikinakabit sa tainga
gamit ang mga elastic loop. Gawa ito sa cotton, silk, linen, o neoprene, at
puwede itong gawin sa pamamagitan ng makina o mga kamay. Puwedeng
gumawa ng homemade na bersyon mula sa scarf o t-shirt. Dapat ay gawa ito sa
telang mahigpit ang pagkakahabi.

Dapat magsuot ang karamihan ng mga tao ng mask na gawa sa tela. Ito ay para
magkaroon ng sapat na surgical mask at N95 respirator mask para sa mga
medikal na tauhan.

Hindi pinapalitan ng pagsusuot ng takip sa mukha ang physical distancing.


Epektibo ito kapag pinagsabay sa pagpapanatili ng 6 na talampakang distansya
mula sa ibang tao.

Paggamit at pangangalaga: Magsuot ng malinis na mask sa tuwing lalabas ka.


Labhan ito sa labahan o sa pamamagitan ng kamay pagkatapos ng bawat
paggamit. Tumingin ng higit pang tagubilin sa pangangalaga ng mask mula sa
CDC.
Surgical mask. Isa itong mina-manufacture na mask na disposable, na madalas
ginagamit sa operasyon. Ang mga tauhang medikal ay nagsusuot ng mga ito
para sa proteksyon laban sa mga pagtalsik ng fluid.

Nagsusuot din ang ilang hindi medikal na manggagawa ng surgical mask dahil
sa disposability at proteksyon sa fluid. Kasama rito ang mga taong nagtatrabaho
sa:

Manufacturing
Pagpoproseso ng pagkain
Serbisyo sa komunidad/lipunan
Gawaing panlipunan
Day care sa tahanan
Tagapagpatupad ng batas/kaligtasan ng publiko
Mga paaralan
Huwag bumili ng mga surgical mask para sa personal na paggamit. Bahagi
ito ng PPE na kinakailangan ng mga medikal na propesyonal.

Paggamit at pangangalaga: Gumamit ng bagong mask araw-araw. Palitan at


itapon ito ayon sa mga alituntunin sa iyong lugar ng trabaho.
Mga N95 respirator mask. Isa itong mask na may respirator na nagba-block sa
95% ng mga particle na puwedeng malanghap. Mga medikal na tauhan ang
pinakanangangailangan sa mga ito, pero ginagamit ito ng ilang manggagawa sa
ibang industriya.

Huwag bumili ng mga N95 respirator mask para sa personal na paggamit.


Bahagi ito ng PPE na kinakailangan ng mga medikal na propesyonal.

Paggamit at pangangalaga: Gumamit ng bagong mask araw-araw. Palitan at


itapon ito ayon sa mga alituntunin sa iyong lugar ng trabaho.
Iba’t Ibang Disenyo ng Facemask at Face Shield na Umusbong sa Pilipinas
sa Panahon ng Pandemya

Copper Mask (Antimicrobial Facemask). Ang copper mask ay itinuturing na


antimicrobial mask dahil mayroon itong layer o bahagi na mayroong
antimicrobacterial na filter. Gayundin ay lubos nitong hinaharangan ang
infectious droplets o nakahahawang talsik ng laway dahil sarado ang labas nito.
Maaari din itong labhan gayundi ang filter na nasa loob.
Neoprene Mask. Ito ay gawa sa isang uri ng tela na neoprene --- gawa sa
foamed na goma na may karagdagang sangkap na nagpapataas ng pagkalastiko
at tibay. Kung magkagayon, ang mga neoprene facemask ay masasabing
matibay, tumatagal sa haba ng panahon at matibay sa tubig (waterproof).
Adjustable Mask. Masasabi na adjustable ang isang mask kung maaaring ma-
adjust o mabago ang luwag at higpit sa bahagi ng earloop o tali na ikinakabit sa
tainga na bahagi ng facemask upang manatili ito sa mukha.

Stretchable/ Elastic Mask. Ito naman ay tumutukoy sa stretchable o nababanat


na facemask na maaaring magamit kahit na maliit o malaki man ang mukha ng
gagamit. Masasabi na maganda rin ang stretchable mask dahil hindi ito madaling
mahulog o malaglag sa mukha ng gumagamit.
Printed Mask. Tumutukoy sa washable facemask na mayroong larawan o
disenyo na naka-print. Mayroong iba’t ibang disenyo na maaaring i-print dito ---
mayroong mga bulaklak, cartoon at nakatatawang ayos ng mukha na
kinagigiliwan ng maraming Pilipino.
Painted Mask. Gaya ng printed mask, ito ay tumutukoy din sa washable
facemask na mayroong larawan o disenyo ngunit hindi naka-print kundi
nakapinta na obra mismo, sining o disento na likhang kamay ng isang artists o
maunong sa pagpipinta. Napahahalagahan ang facemask na ito dahil mahabang
oras ang ginugugol upang magkaroon ng magandang sining ang isang
facemask.

Barong Collection Facemask. Ito ay mula sa Lumban, Laguna na kilala sa


paggawa ng mga natatanging barong. Ang barong collection facemask ay
gumamit ng tela na gaya ng ginagamit sa barong --- makikita rin dito ang
pagiging malikhain ng mga Pilipino at may kakayahang umangkop sa
pangangailangan sa isang sitwasyon.
3D Mask. Mula ito sa pinaikling salita na “three dimensional”. Tinawag na man
itong 3D Mask dahil sa pagkakaroon nito ng tatlong bahagi (sa harap, sa ilong, at
sa baba) kung saan ay maaari itong paliitin at palakihin depende sa sukat ng
mukha na gagamit.

Strechable Tube Mask. Ito naman ay uri ng mask na madalas gamitin ng mga
motorcycle rider, biker at mga namamasada ng tricyle --- marahil ay madali itong
suotin sapagkat nakasabit sa leeg at hindi madaling malipad ng hangin sa tuwing
nasa biyahe. Masasabi na mainam gamitin ang stretchable tube mask dahil ito
ay stretchable o madaling mabanat at maaaring gamitin sa iba’t ibang paraan
bukod sa pagiging mask gaya ng pagiging subrero (panaklob sa ulo), scarf (sa
leeg) at iba pa.

Silk Satin Face Mask. Ito ay gawa sa telang satin --- nagmula sa bansang
Tsina, gawa sa natural na mga sutla, makinis, malambot ay kumikislap sa tuwing
natatamaan ng sinag ng liwanag.

Washable Face Mask with Filter Pocket. Tumutukoy sa pagkakaroon ng bulsa


sa loob ng facemask upang lagyan ng mga filter gaya ng tissue paper at pinaliit o
ginupit na bahagi ng surgical/ disposable mask upang magdagdag ng proteksyon
sa gumagamit.
Facemask with Ethnic Native Designs. Ito ay mula sa ipinagmamalaking mga
katutubong disenyo at tela mula sa mga katutubong grupo (ethic groups) sa
Pilipinas. Mayroon ito iba’t ibang disenyo at kulay. Ito ay hand-made o
manomanong nilikha gamit ang kamay kaya naman nararapat itong pahalagahan
sapagkat mahabang oras ang inilalaan sa paglikha nito gayundin ay ipinakikita
nito ang sariling kultura, pagkakakilanlan at pagiging malikhain ng mga Pilipino.
(Filter Breathing Valve Mouth Respirator) Activated Carbon Face Mask. Ito
ay ang uri ng facemask na mayroong butas sa unahan at activated carbon na
nagsisilbing filter o pansala nito upang hindi malanghap ang mga toxic gases o
polusyon sa hangin. Kadalasan ay makikita ang mga activated carbon sa
washable mask o maaaring labhan upang malinis pagkatapos na gamitin ng
isang tao.
Protective Cap with Face Shield / Regatta Bucket Hat with Removable Face
Shield. Ito ay eksklusibong disenyo ng subrero na mayroong nakakabit na
faceshield at mabibili sa loob stall ng Regatta (kilalang brand ng damit) na nasa
loob ng mall. Masasabi na isa ang mall sa lunsaran ng mga bagong produkto at
uso na nililikha bunsod ng pangangailangan ng mga tao gayundin ng sariling
kagustuhan na tangkilikin ang ibinibida ng isang kilalang brand gaya ng Regatta.
Facemask and Face/ Eye Shield Combination. Ito ay tumutukoy sa disenyo na
pinagsamang facemask at face shield na maaaring labhan at linisin. Isang
natatanging produkto na hindi kailangan pang magpatong ng facemask at face
shield sa mukha ng isang gumagamit dahil ito ay nilikha na magkasama at
magkakabit ngunit maaari din naman tanggalin ang face shield kung nais ng
gumagamit.
Regular Face Shield. Ito ang karaniwang face shield na mabibili sa mga
bangketa at tindahan. Walang ibang disenyo at pangkaraniwan at itsura at kapal.
Gawa sa plastic at sumasakop sa buong mukha bilang pangharang sa talsik ng
laway o droplets. Ito ay karaniwang nakakabit sa band na inilalagay sa noo o
kaya naman ay sa frame ng salamin na isinasabit sa tainga.
Butterfly Face Shield. Gaya ng pangkaraniwan o regular face shield, ito ay
gawa rin sa plastic at sumasakop sa buong mukha bilang pangharang sa talsik
ng laway o droplets. Ito ay karaniwang nakakabit sa frame ng salamin na
isinasabit sa tainga. Ang pagkakaiba lamang nito sa ibang uri ng face shield ay
mas makapal ito at hugis pakpak ng paruparo na mayroong iba’t ibang kulay
kaya naman mas mataas din ang presyo kaysa ibang face shield.
Sunscreen Eye Face Shield. Ito naman ay tumutukoy sa uri ng face shield na
hindi buong mukha ang natatakluban kundi mata lamang, mayroong iba’t ibang
kulay at ginagamit din ng mga motorcylcle rider at biker upang hindi masilaw sa
liwanag ng araw.
Iba’t Ibang Disenyo ng Facemask at Face Shield Bilang Bahagi ng
Kulturang Popular sa Panahon ng Pandemya

Tinalakay at ipinakita sa itaas ang iba’t ibang disenyo ng facemask at face


shield na umusbong at patok sa gitna ng pandemya. Nakatulong ang
pangangailangan at pagtangkilik sa pagbibigay mukha sa kulturang popular ---
dahil higit sa lahat ng panahon, ngayon ay lalong kinakailangan na may suot na
facemask at face shirld ang isang indibidwal sa tuwing lalabas ng tahanan at
pupunta sa pampublikong lugar gaya ng simabahan at pamilihan.

Naging bahagi ng kulturang popular sa panahon ng pandemya ang paggamit


ng ang iba’t ibang disenyo ng facemask at face shield dahil bukod sa kailngan
ito, ang mga bago at patok na disenyo ay nagsimula na rin maging bahagi ng
uso --- disenyo na tinatangkilik at patok sa maraming Pilipino dahil kakaiba at
maaaring bumagay sa estilo ng pananamit ng isang indibidwal.

KONKLUSYON

Mula sa mga datos na nakalap at ipinaliwanag sa pagtalakay ay masasabi


na maraming iba’t ibang uri ng facemask at face shiled na umusbong at patok sa
panahon ng pandemya. Bilang bahagi ng kulturang popular masasabi rin na
makikita sa bawat gumagamit nito ang antas ng pamumuhay ng isang tao sa
lipunan sapagkat mayroong iba’t ibang presyo ang bawat uri at disenyo ng
facemask at face shield. Ang mga ito ay mabibili sa bangketa, sa lansangan
(sapagkat marami din ang naglalako ng mga ito) ngunit hindi rin nagpapahuli ang
mga kilalang brand ng damit sa loob ng mall na nagbebenta ng mga ito gaya ng
Regatta, OXGYN, Penshoppe, MEMO at Artwork.

Nakadepende sa pamantayan ng isang tao kung alin klase at disenyo ng


facemask at face shield ang kanyang gagamitin sa tuwing lalabas ng tahanan at
pupunta sa ibang lugar. Sa mga klase ng facemask --- mayroon itong iba’t ibang
uri at kapal ng tela, gayundin sa face shield na mayroong iba’t ibang kapal,
disenyo at kulay.

Magkagayon pa man, bukod sa kagustuhan na makasabay sa uso mahalaga


pa rin na mapanatili ang kahahalagahan ng pagsusuot nito --- bilang proteksiyon
sa nakahahawang sakit at pandemya gayundin upang mapanatili ang sariling
kaligtasan mula sa sakit upang hindi na mahawa at makahawa pa ng iba.

SANGGUNIAN

Mga Larawan mula sa: https://www.shopee.ph at


https://covid19.ca.gov/tl/masks-and-ppe/

Cordillera Center for Health Development. Tamang Paraan ng Pagsusuot ng


Face Mask at Face Shield. Retrieved from: https://www.caro.doh.gov.ph

covid19.ca.gov. (n.d). Mga Mask. Retrieved from:


https://covid19.ca.gov/tl/masks-and-ppe/

longbeach.gov (2020). Gabay para sa mga Pantakip ng Mukha. Retrieved from:


https:www.longbeach.gov > healthPDFGabay para sa mga Pantakip ng Mukha –
City of Long Beach

You might also like