Final Demo Aralin 7

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon V
Pambansang Mataas na Paaralan ng Gallanosa
Irosin, Sorsogon

Paaralan Pambansang Mataas Baitang 7


DETALYADONG na Paaralan ng
BANGHAY- Gallanosa
ARALIN SA Guro Angela E. Baloloy Asignatura Filipino
FILIPINO 7
Petsa at Abril 15, 2024, 8:30- Markahan Ikaapat
Oras 9:30 ng umaga

I. LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nagagamit ang mga larawan sa pag papaliwanag ng pag-unawa sa
mahahalagang kaisipang nasasalamin sa bahagi ng akda. (F7PD-IVa-0b-17)
2. Naibabahagi ang sariling damdamin at saloobin patungkol sa kakayahang
pagsasakripisyo para sa pamilya.
3. Nakasusulat ng liham-pasasalamat batay sa ginawang kabutihan ng pangunahing
tauhan sa akdang binasa.

II. PAKSANG-ARALIN
Paksa: Ibong Adarna, Aralin 7: Ang Ibong Adarna
Sanggunian: Aklat ng Pinagyamang Pluma 7, Baisa-Julian, et al. (p.444-450)
Internet: https://www.youtube.com/watch?v=yx3ol8Z-WqQ&t=122s
https://www.youtube.com/watch?v=DxY6q23mUB0
Kagamitan: PowerPoint Presentation, Pantulong-biswal, Mga Larawan, Laptop,
Video Clip, tv
Estratehiya: Ball Roll, Picture Analysis, 4PICS 1WORD, Word Wall, Speaking Chips,
Inquiry-based Instruction, Flip Chart
III. PAMAMARAAN
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
A. PAGHAHANDA

Panalangin

Inaanyayahan ko po ang lahat na tumayo,


para sa ating panalangin. (Ang lahat ng mag-aaral ay
(Magtatawag ang guro ng isang mag-aaral magsisitayo para sa panalangin. Ang
para manguna sa panalangin.) natawag na mag-aaral ay tutungo sa
unahan)
Pagsasaayos ng Silid

Bago kayo umupo, maaari bang


pakihanay sa tama at maayos ang mga (Pupulutin ang mga kalat sa pakigid
upuan. Pakipulot ng mga kalat sa inyong at isasaayos ng mga mag-aaral ang
harapan at pakitapon na rin sa basurahan. mga upuan)

Pagbati

Isang mahiwaga at magandang umaga sa


bawat isa. Kumusta ang bawat isa,
kumusta ang inyong mga araw? (Magandang umaga din po guro. /
Okay/Maayos naman po kami.
Ikinagagalak kong marinig ang inyong
mga tugon. Mabuti naman kung ganon.

Maraming Salamat po. Maari na po


kayong maupo.

Pag-tsek ng Atendans

(Magtsetsek ng atendans ang guro gamit


ang huni/tunog ng ibon)

Ngayon ay alamin natin kung sinu-sino (Ang mga mag-aaral ay nakikinig ng


ang liban sa klase. Ang inyo lamang mabuti sa panuto ng guro)
gagawin ay gagayahin niyo ang tunog ng
ibong nakatalaga sa inyong pangkat.

Sa unang pangkat: Babanggitin niyo ang


tunog na “tik-tilaok!” kung walang liban sa
inyo.

Sa pangalawang pangkat: Babanggitin


niyo ang tunog na “tweet tweet tweet”
kung walang liban sa inyo.

Sa unang pangkat: Babanggitin niyo ang


tunog na “kwak kwak kwak” kung walang
liban sa inyo.

Sa pangalawang pangkat: Babanggitin


niyo ang tunog na “kruu kruu kruu” kung
walang liban sa inyo.

Naintindihan po ba?
Opo

(Sasagot ang mga mag-aaral batay


sa kondisyon ng guro)

B. Balik-Aral

Bago tayo dumako sa aralin ngayong


araw, ay balikan muna natin ang naging
paksa natin noong nakaraang lingo.

Anong Say Mo?

(Ang guro ay magpapakita ng mga litrato)

Mayroon akong mga larawang ipapakita.


Base sa mga larawan ano ang inyong
mahihinuha mula sa ating mga nakaraang
aralin

1.

Ang nasa litrato po ay ang kaharian


ng Berbanya.

2.

Pinapakita po ng larawan ang


pagkakasakit ni Haring Fernando.

3. Siya po ang panganay na anak ni


Haring Fernando at Reyna Valeriana,
at unang sumubok upang hanapin
ang Ibong Adarna.

4.
Ang pangalawang anak ni Haring
Fernando at Reyna Valeriana, ang
pangalawang sumubok upang
hanapin ang Ibong Adarna.

5.
Siya naman po ang bunsong anak ni
Haring Fernando at Haring Valeriana,
ang huling sumubok upang hanapin
ang Ibong Adarna.

6.

Siya po ang leprosong ermitanyo na


tumulong kay Don Juan.

C.PANGGANYAK

"IBONG ADARNA, PALIPAD-LIPAD”


(BALL ROLL) (4PICS 1WORD)

(Magpapanood ang guro ng isang larawan


na may ibong lumilipad)
Ano po ang nakikita niyo? Ibon po.
Tama. Ang nakikita niyo ngayon ay isang
ibong lumilipad. Mayroon tayong gawain
na may kinalaman sa Ibon at sa paglipad
nito.
Ngayon, bago natin simulan ang ating
pagtalakay ay magkakaroon muna tayo ng
maikling gawain na tatawagin nating,
"Ibong Adarna, Palipad-lipad"
Mayroon akong hawak na Ibon dito, sa
saliw ng awiting "Ang Pipit”, pakikinggan
natin ang awit na ito at ipapasa ninyo ang
ibon. Kung sino ang mahintuan ng awitin
ay siyang tatayo at huhulaan ang
tinutukoy ng ipapakita kong mga larawan.
Maliwanag ba ang panuto? Opo, guro.
Kung gayon ay magsimula na tayo.

“May pumukol sa pipit sa sanga ng isang


kahoy
At nahagip ng bato ang pakpak ng
munting ibon
Dahil sa sakit di na nakaya pang lumipad (pinakikinggan ang awit at sasabayan
At ang nangyari ay nahulog ngunit parang ng pagpasa ng ibon)
taong bumigkas
Mamang kay lupit ang puso mo'y di na
nahabag
Pag pumanaw ang buhay ko may isang
pipit na iiyak”

Mga larawang huhulaan (4PICS 1WORD):


1.

MATANDA

2.

TINAPAY

3.

PUNO

4.

BUNDOK

5.
IBON

Ang mga salitang nabuo niyo kanina ay


may kinalaman sa araling tatalakayin natin
ngayong araw.

D.PAGLALAHAD NG LAYUNIN

Sa ating pagtalakay, narito ang mga


layunin ng ating paksang-aralin ngayon.
(Isa-isang ilalahad ng guro ang mga (Nakikinig ang mga mag-aaral sa
Layunin) sasabihin ng guro)

E.PAGPAPAYAMAN NG
TALASALITAAN

“Salita’y Pagyamanin, Mula sa Puno ay


Kunin”

(Ang mga mag-aaral ay pipili ng mga


salitang sa tingin nila ay tama mula sa
puno at ilalagay sa nakasalungguhit na (Pupunta ang mga tinawag na mag-
salita sa pisara na siyang magiging aaral sa unahan upang sagutin ang
bagong salita ng pangungusap.) mga hinihingi ng bawat
(Ang guro ay magtatawag ng sampung pangungusap.)
mag-aaral na pupunta sa pisara upang
sumagot.)

1. Nakatulala na naman si Don Juan sa


malayo pagkatapos niyang nagnuynoy
kung ano ang dapat niyang gawin 1. Napag-isipan
matapos ang mga pagsubok
2. Siya ay hapong-hapo matapos lakbayin
ang daan patungo sa bundok Tabor.
3. Napaghulo ni Don Juan na iisa na 2. Hingal
lamang ang tinapay na kaniyang dala.
4. Tiniis ni Don Juan ang antak matapos 3. Napagtanto
niyang sugatan ang kaniyang sarili.
5. Si Don Juan ay nagtaka sapagkat 4. Hapdi
kapara ng tinapay ng ermitanyo ang
tinapay na kaniyang binigay sa leproso. 5. Katulad
6. Upang hindi makatulog binusbos ni Don
Juan ang kaniyang palad.
7. Sa oras na hiniwa ni Don Juan ang 6. Hiniwa
kaniyang palad, agad niyang pinatakan ng
katas ng dayap ang kaniyang sugat. 7. Limon

F. PAGTALAKAY SA ARALIN

a. Paglalahad ng Paksa
Ngayon ay batid kong alam na inyo ang
ating paksang tatalakayin. Tama, ito ay
tungkol sa Ibong Adarna. Pag-aaralan
natin ang tungkol sa natuklasan ni Don
Juan sa bundok ng Tabor, ARALIN 7:
ANG IBONG ADARNA

b. Talakayan

ARALIN 7: ANG IBONG ADARNA

Mga Saknong:
Dumating sa punongkahoy na wala pa
nga ang ibon, kaya't sandaling nagnuynoy
ng marapat gawin doon.

Dapwa't hindi natagalan ang ganitong


paghihintay, at kanya nang natanawan
ang Adarna' y dumaratal.
(Ang mga saknong ay nabasa na ng
mga mag-aaral bilang takdang aralin
Napuna pa nang dumapo ang Adarna' y noong nakaraang linggo)
tila hapo, kaya't kanyang napaghulong
ibo'y galing sa malayo.
Pagkalapag ay naghusay ng kanyang
buong katawan, ang pagkanta"y
sinimulan, tinig ay pinag-linam.

Ginamit na unang gayak sa Prinsipe'y


nakabihag, kung malasi' y sadyang perlas
nagniningning sa liwanag.

Nagbago ng kanyang bihis na lumalo pa


ang dikit, katugon nang inaawit na
malambing at matamis.

Natutukso nang matulog si Don Juang


nanunubok, ang labaha' y dinukot at ang
palad ay binusbos.
Lamang gumiti sa balat pinigaan na ng
dayap, sa hapdi' y halos maiyak nag-ibayo
pa ang antak.

Napawi ang pag-aantok dahil sa tindi ng


kirot; si Don Juan ay lumuhod,
nagpasalamat sa Diyos.

Pitong kanta nang malutas nitong bong


sakdal-dilag, pito rin ang naging sugat ni
Don Juang nagpupuyat.

Ang ibon ay nagbawas na ugali pagtulog


niya, ang Prinsipe nang makita'y inilagan
kapagdaka.

Kaya hindi tinamaa't naligtas sa kasawian,


inantay nang mapahimlay ang Adarnang
susunggaban.

Kung matulog ang Adarna ang pakpak ay


nakabuka, dilat ang dalawang mata kayat
gising ang kapara.

Nang sa Prinsipeng matatap tulog ng ibo'y


panatag, dahan-dahan nang umakyat sa
puno ng Piedras Platas.

Agad niyang sinunggaban sa paa' y


biglang tinangnan at ginapos nang
matibay ng sintas na gintong lantay.

Sa katuwaang tinamo halos di


magkantututo, ang Adarna ay pinangko't
dinala sa Ermitanyo.

Magalak namang kinuha ang nahuli nang


Adarna, hinimas pang masaya nang
ipasok na sa hawla.

Upang higit niyong maunawaan ang mga


saknong na binasa natin sa akda ay
ipapanood ko sainyo ang buod nito.

(Ang guro ay ipanonood ang video clip, ito


ay ang buod ng Aralin 7: Ang Ibong
Adarna.)
BUOD NG ARALIN 7: Ang Ibong Adarna

(Papanoorin ng mga mag-aaral ang


inihandang Video Clip)

Matapos niyong mapanood ang buod ng


aralin, ngayon ay palalimin ninyo ang
inyong pag-unawa sa pamamagitan ng
pagsagot sa mga sumusunod na tanong.

Mga Gabay na Tanong:


(Kung sinong mag-aaral ang makasasagot
sa tanong ay magkakaroon ng Speaking
Chips ,ito ay magsisilbing karagdagang
puntos ) (Tatawag ng iilang mga mag-aaral
para sa maikling Gawain)
1. Ano-ano ang napansin ni Don Juan
nang marating niya ang bundok ng Tabor?

Tama! Sa Bundok Tabor ay makikita ang Mayroon pong isang puno na


isang puno n kung saan kumikinang, at kumikinang.
ang tawag dito ay Piedras Platas.

2. Paano niya napaglabanan ang antok


nang magsimulang umawit ang
mahiwagang ibon?
Nalabanan po ni Don Juan ang antok
sa pamamagitan ng paghiwa sa
Opo, Tama! Naiwasan niyang kaniyang palad.
makatulog dahil sa pagsugat o paghiwa
niya sa kaniyang palad at pinatakan ng
katas ng dayap.

3. Ano ang naging bunga ng paghiwa niya


sa palad at pagpatak dito ng dala niyang
dayap?
Dahil po dito ay nakaramdam siya ng
matinding sakit at siya ay hindi na
Mahusay! Sa pamamagitan ng kaniyang
nakatulog.
ginawa ay naiwasan niya ang makatulog
sa pitong awit ng Ibong Adarna.

4. Bakit naging matagumpay ang


paglalakbay ni Don Juan at hindi natulad
sa kaniyang mga kapatid?

Tama po, ang ipinakitang kaugalian ni Dahil po sa kaniyang kabutihan at


Don Juan ang siyang naging paraan at busilak na puso para sa pagtulong sa
ang pagtulong niya sa leproso ay naging kapwa.
daan upang mapagtagumpayan ang
kaniyang misyon.

5.Kung ikaw si Don Juan, kakayanin mo


rin kayang magtiis, magsakripisyo, at
magtiwala sa Diyos alang-alang sa iyong
pamilya? Bakit o bakit hindi?
(Subhetibo ang kasagutan ng mga
Magaling! Talaga namang binasa, mag-aaral)
pinangkinggan at pinanood niyo ng mabuti
ang aralin.

G. PAGLALAPAT

PANGKATANG GAWAIN:

Gawaing Nakaatas, Sa Talento


Ipamalas!
(Ang bawat pangkat ay gagawa ng iba’t-
ibang aktibiti base sa mga larawang
nakapaskil at nakatalaga sa kanilang
grupo.)

Sa unang pangkat: Kayo ay gagawa ng (Pupunta sa kani-kanilang pangkat


sanaysay base sa larawan. ang mga mag-aaral)

(Ang mag-aaral susuriin ang mga


larawan at aktibong makikilahok sa
Mga anak na tinuruan ng kabutihan gawain)

Sa pangalawang pangkat: Kayo ay


gagawa ng tula base sa larawan.
Pagtulong sa nangangailangan

Sa pangatlong pangkat: Kayo ay


magsasagawa ng Dula-dulaan base sa
larawan.

Paggawa ng makakaya para sa mahal na


ama

Sa ikaapat na pangkat: Kayo ay gagawa


ng slogan base sa larawan.

Kahalagahan ng pagiging buo ang


pamilya

Naunawaan po ba?
Opo, guro

Narito ang rubrik para sa inyog gawain.


(Ang mga mag-aaral ay nakikinig
RUBRIK nang mabuti sa guro.)
Nilalaman………………………….35%
Pagkamalikhain…………………...35%
Orihinalidad………………………..30%
_______
Kabuuan 100%

Integrasyon sa ESP

Ang mga larawang ginamit niyo sa


inyong aktibi ay masasalamin ang mga (Ang mga mag-aaral ay nakikinig
kaugalian nating mga Pilipino. Ang mga nang mabuti sa guro.)
magulang, kung paano turuan ng
kabutihang asal ang kanilang mga anak.
Ang pagiging matulungin sa kapwa, na
kung saan ang mga Pilipino ay kilala
bilang mga “Hospitable People”, o
mapagmalasakit sa kapwa. Ang
pagsasakripisyo, ang paggawa sa lahat
ng ating makakaya para sa taong ating
minamahal. Pati na rin ang ating
pagpapahalaga at pagmamahal sa ating
pamilya.
Pinapakita sa akdang Ibong Adarna
na napakayaman ng kaugalian at kultura
nating mga Pilipino.

Tanong:
Sa inyong palagay, ano-anong sakripisyo
naman ang ang maaari ninyong gawin (Subhetibo ang kasagutan ng mga
para sa inyong magulang at iba pang mag-aaral)
kapamilya para maipakita ang
pagmamahal mo sa kanila?

Magaling! Talaga namang mahuhusay at


galing sa puso ang inyong mga
kasagutan.

H. PAGLALAHAT

Liham-Pasasalamat

Ang bawat isa sa inyo ay gagawa ng


Liham-Pasasalamat. Liham-pasasalamat (Ang mga mag-aaral ay tahimik na
para sa mga/ sa taong gumawa sa inyo ng gagawin ang iniatas na gawain.)
kabutihan.
Narito ang rubrik para sa pagsulat ng
liham-pasasalamat.

RUBRIK
Nilalaman………………………….30%
Pagkamalikhain…………………...25%
Orihinalidad………………………..25%
Gramatika at Balarila ……………20%
_______
Kabuuan 100%

IV. PAGTATAYA
Tukuyin ang mahahalagang detalye ng mga bahagi ng akdang narinig o binasa.
Bilugan at piliin ang tamang sagot.

1. Ang tawag sa kaharian nina Haring Fernando at Donya Valeriana.


a. Albanya b. Berbanya c. Kroton
2. Ang punong tirahan ng mahiwagang Ibong Adarna.
a. Piedras Platas b. Piedro de Oro c. Piedras Blanca
3. Ang nangyayari sa taong napapatakan ng dumi ng mahiwagang ibon.
a. Namamatay b. nakakatulog c. nagiging bato
4. Ang sakit ng matandang nasalubong ni Don Juan sa kaniyang paglalakbay.
a. Kanser b. ketong c. hika
5. Ang bagay na ibinigay ni Don Juan sa matandang nakasalubong.
a. Tubig b. kanin c. tinapay
6. Ang bilang kung ilang beses sinugat o hiniwa ni Don Juan ang kaniyang
palad.
a.9 b. 7 c. 8
7. Ang ipinatak ni Don Juan sa kaniyang sugat.
a. Dayap b. kamias c. duhat
8. Ang bundok na narrating ni Don Juan sa paghuli ng Ibong Adarna.
a. Bundok Armenya b. Bundok Apo c. Bundok Tabor
9. Ang ginawa ni Don Juan upang hindi makatulog.
a. Sinugatan ang kaniyang palad
b. Si Don Juan ay kumanta rin.
c. Umalis muna para hindi marinig ang kanta.
10. Ang bilang kung ilang beses umawit ang ibon.
a. 6 b. 8 c. 7
V. TAKDANG-ARALIN
PANUTO:
Basahin at pag-aralan ang susunod na aralin. Aralin 8: Ang kaligtasan ng Dalawang
Kapatid.

Inihanda ni: Angela E. Baloloy


Nagsasanay na guro/Nagpakitang-turo

Namasid nina:

You might also like