Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

ARTS

Ika-apat na Markahan –
Aralin 1: Paggawa ng Mobile Art,
Papier Mache Jar at Paper Beads

MELC: Identifies the materials used in making 3-dimensional crafts which express balance
and repeated variation of shapes and colors:
1.1 mobile
1.2 papier-mache jar
1.3 paper beads
(A5EL-IVa)

Identifies the different techniques in making 3-dimensional crafts:


2.1 mobile
2.2 papier-mache jar
2.3 paper beads
(A5EL-IVb)

Objectives:
1. Naiisa-isa ang mga materyales sa paligid na maaaring gamitin sa paggawa ng mobile art,
papier-mache jar at paper beads
2. Nakikilala ang mga paraan ng paggawa ng mobile art, papier-mache jar at paper beads

Ang mobile art ay isang kenetikong eskultura na kung saan ang mga bagay ay
isinasabit sa mga tali, kawad o kabilya upang malayang makagalaw. Ginagamit itong
pandekorasyon sa mga tahanan o maging sa paaralan.

Ang paper beads ay nalilikha sa pamamagitan ng mga pinulupot na mga papel na


may iba’t ibang hugis at kulay. Maaari itong gawing palamuti sa ating mga tahanan.

Ang papier mache ay isa pang katutubong sining na yari sa papel na idinidikit sa
isang balangkas o hulmahan.
SINING
Ika-apat na Markahan –
Aralin 2: Ang Kahalagahan ng mga Gamit
ng 3D-Crafts

MELC: Discuss possibilities on the use of created 3-D Crafts.


(A5EL-IVc)

Mga Layunin:
1. Naipapaliwanag ang mahalagang gamit ng 3-D crafts.
2. Napapahalagahan ang 3-D crafts at ang mga gamit nito.

Ang Pilipinas ay mayaman sa mga kuwento tungkol sa sining at kultura. Ang mga
kwentong ito ay may kaugnayan sa sinaunang sining tulad ng mga banga, palayok,
bangka, mga disenyong arkitektural at iba pang mga sinaunang bagay.

Ang mga antigo o sinaunang kagamitan ay hindi lamang pinahahalagahan dahil sa


angking katangian nito. Pinayayabong din at pinagyayaman ng mga ito ang sining,
kasanayan, at kultura ng bansa. Halimbawa, ang mga kagamitan sa loob ng tahanan lalo
na ang mga sinauna ay pinahahalagahan dahil taglay nito ang pambihirang katangiang
sining, mataas na halagang salapi, at mga kuwento na may kinalaman ng pamilya o tao.

Maaari rin itong pagkunan ng kaalaman tungkol sa pamamaraan ng buhay sa


nakaraang panahon at mahahalagang kaalaman tungkol sa kasaysayan ng isang lugar o
bansa. Sa paksang ito, gagamitin ang mga antigong banga bilang inspirasyon.

Ang kahalagahan ng banga ay lagayan ng tubig, pagkain, at kung ano ano pa ito ay
gawa ng ating mga ninuno.

Halimbawa ng mga nagawang 3–D crafts.


SINING
Ika-apat na Markahan –
Aralin 3: Elemento ng Sining
Gamit sa Paggawa ng Mobiles,
Paper-Mache Jars at Paper Beads

MELC: Applies knowledge of colors, shapes, and balance in creating mobiles, paper-mache
jars, and paper beads.
(A5PL-IVd)

Layunin
1. Nagagamit ang kaalaman sa kulay,hugis at balanse sa paggawa ng mobiles,paper
mache jar at paper beads.
2. Nasasabi ang kahalagahan ng kulay,hugis at balanse sa paggawa ng mobiles, paper
mache jar at paper beads.
3. Nakagagawa ng sariling mobiles, paper mache jar at paper beads.

Hindi kumpleto ang mga gawang sining tulad ng mobile, paper mache jar at paper
beads kung wala itong kulay.Maari natin itong gamitin matapos mailapat ang disenyo na
ating nais.Upang pagyamanin ang gawa, maaari tayong gumamit ng iba’t ibang
hugis.Mahalaga rin ang balanse lalo na sa paggawa ng mobile o gumagalaw na
bagay.Sapagkat di magiging malaya sa paggalaw ang mga disenyo at palamuti kung walang
balanse ang mga ito.
MUSIC
Ika-apat na Markahan –
Aralin 4: Ang Gumagalaw na Sining (Mobile Art)

MELC: Demonstrates artistry in making mobiles with varied colors and shapes.
(A5PL-IVe)

Layunin:
1. Naisasagawa ang pagiging malikhain sa paggawa ng mobile na may iba’t ibang disenyo
na kulay at hugis.
2. Napapahahalagahan ang ibat ibang paraan na maaaring gamitin sa paggawa ng mobile.

Ang mobile art ay isang uri ng kenetikong eskultura na kung saan ang mga bagay ay
isinasasabit sa mga tali, kawad, at kabilya upang malayang makagalaw at makaikot.

Upang maging makabuluhan ang paggawa ng mobile art ay kailangang lagyan ng


diwa tulad ng pangangalaga sa kalikasan, pagpapahayag ng yaman ng kultura, o pagsa-
salaysay ng isang kuwento.

Mas mabuti ring gumamit ng mga bagay na nagamit na at maaaring i-recycle upang
mabigyan ng bagong buhay. Maaari ring gumamit ng mga found object o mga bagay na
napulot tulad ng mga kabibe, maliliit na bato, at iba pa. Ang iyong pagiging malikhain ang
matatag na pinagmumulan ng magandang mobile art na magagawa.
SINING
Ika-apat na Markahan –
Aralin 5: Ang Sining at Kabuhayan:
Paggawa ng mga Paper Beads

MELC: Creates designs for making 3-dimensional crafts paper beads


(A5PR-IVf)

Layunin:
1. Nakalilikha ng kaaya-ayang disenyo ng paper beads
2. Napahahalagahan ang pagsunod sa tamang hakbang sa paggawa ng likhang sining

Gusto mo bang subukan ang paggawa ng mga palamuti sa katawan? Madali lang
itong gawin kung gagamitin mo ang pagkamalikhain sa pagdidisenyo. Lalo nang mainam
kung ang gagamiting materyales sa paggawa ay recycled o mga gamit na patapon ngunit
maaaring bigyan ng bagong buhay.

Ang mga Paper Bead ay likhang sining na ginagamitan ng mga pinulupot na papel na
may iba’t ibang hugis at kulay.

Ang paggawa ng mga paper bead ay isang mabisang paraan upang


mapakinabangang muli ang mga lumang diyaryo, magasin, at makulay na papel. Maaari
itong gawing palamuti o dekorasyon sa ating mga tahanan at higit sa lahat, maari rin itong
pagkakitaan.

Ang pagpili ng wastong kumbinasyon ng kulay mula sa nagawang paper bead ay


makatutulong sa pagpapaganda ng paggawa ng disenyo na iyong nais.

You might also like