Ian Sinesos

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Cruz,Ian Christhoper E.

BSBA 3-B
Professor: Francis Syre Dee San Pedro Sinesosyedad
1. Pumili ng dalawang teoryang pampanitikan na maaaring maging lunsaran ng
panunuring pampelikula. Ipaliwanag ito.

Ang dalawang teoryang pampanitikan na aking napili ay ang Teoryang Realismo


at ang Teoryang Feminismo. Ang teoryang realism ay maaring maging lunsaran ng
panunuring pelikula sa kadahilanang ito ay nagbibigay halaga sa katotohanan ng buhay
kaysa sa kagandahan nito.Nakatutulong ito para mas maka-konekta ang mga manonood sa
nais ipakita at ibigay ng mensahe ng kabuuan ng pelikula.At isa pa, ito ay naglalayong
magsaad ng mga pangyayari sa totoong buhay at lipunan na siyang nageengganyo sa mga
manonood. Sa kabilang dako, ang teoryang feminismo naman ay maaari ding maging
lunsaran ng panunuring pelikula dahil ito ay tumatalakay sa mga isyung kinakaharap ng
mga kababaihan sa ating lipunan at ang pagbibigay ng pantay na pagtingin at karapatan na
tiyak na maraming manonood ang nakaka-ugnay at may kaparehong karanasan. Ang mga
pelikulang may ganitong teorya ay nagsisilbing kamulatan at pagbubukas ng isipan para sa
mga manonood,lalo na sa mga kalalakihan.

2. Magbigay ng isang halimbawa ng pelikulang napanood sa mga nagdaang araw at


ilarawan ito ayon sa iyong sariling pananaw at pagpapahalaga.

Ang pelikulang napili ko ay ang “Four Sisters and a Wedding” sa direksyon ni Bb.
Cathy Garcia Sampana. Ang pelikulang ito ay tiyak na makukuha ang kiliti ng bawat isang
sambayanang Pilipino dahil sa temang pampamilya nito. Tinalakay dito ang mga isyung
kadalasang kinakaharap ng isang normal na pamilya, kung saan makikita dito ang hidwaan
ng limang magkakapatid na may ibat-ibang personalidad at katayuan sa buhay. Ang
kwentong ito ay isang tipikal na kaganapan sa loob ng isang pamilyang Pilipino at ito
marahil ang dahilan kung bakit ang “Four Sisters and a Wedding” ay pumatok sa masa.

3. Ano ang higit mong binibigyang pansin o halaga sa isang pelikulang iyong napiling
panoorin?

Ang aking binigyang halaga sa pelikulang aking napili ay ang kabuuang mensahe nito.
Masasabi ko na ako ay nakakonekta sa pelikulang ito kahit na may kaibahan ang ibang
detalye nito sa aking buhay. Ito ay nakatulong sa akin para mas maintindihan ko ang
kahalagahan ng kominukasyon sa loob at labas ng isang pamilya. Komunikasyon aqy isa
sa pinakamatibay na pundasyon ng isang relasyon. At isa pa, ang kabuuang pagkakabuo sa
pelikulang ay tiyak na kahanga-hanga, pagdating sa sinematograpiya, direksyon, sa mga
iskrip at maging sa pagkuha ng mga nararapat na gaganap sa mga karakter,nabigyan ito ng
hustisya at naiparamdam ang bawat isang emosyon na kailangan.

4. Ibigay ang aspeto ng pelikulang iyong naibigan o nabigyan ng sapat na pagpapahalaga.


Ipaliwanag ito at pagkatapos ay tukuyin ang teoryang binibigyang tuon.

Teoryang Feminismo
Teoryang Realismo

Ang Pelikulang eto ay nag papakita din


Ang four sisters and a wedding ay
ng feminism dahil ang bawat isa
naangkop sa teoryang realism dahil ito ay
magkakapatid ay may kinakaharap ng
nagpapakita ng katotohanan ng
“stereotypes” para sa kababaihan sa
pangyayari sa isang pamilyang
lipunan. Si Teddie, bilang isang panganay
Pilipino.Ang eksena kung saan
na babae, kailangan niyang maging
pinapakita na sina Teddie, Gabbie, Alex
pinaka-magaling sa kanilang lima. Siya
at Gabbie ay may gustong patunayan sa
ang inaasahang sususnod na aako sa
kanilang Ina pagkatapos magtapos ng
responsibilidad ng kanilang Ina bilang
kolehiya ay isang karaniwang kaisipan “Four Sisters and a
isang panganay. Si Bobbie naman, bilang
lalo na sa mga Pilipino. Nais nating ibalik Wedding”
isang workaholic ng babae, ang pag
ang utang na loob natin para sa ating mga
lalarawan sa kanya ay isang tao na hindi
magulang dahil pinag-aral at binuhay nila
pa kayang bumuo o lumagay sa
tayo.Makikita din natin dito ang tipikal
pagpapamilya. Dumako naman tayo kay
na alitan sa pagitan ng magkakapatid na
Alex, bilang isang “black sheep” sa
siguradong karamihan ng may
pamilya, siya ay inilalarawan bilang
malalaking pamilya ay makaka ugnay.
walang mararating at walang ginagawang
Bilang tapos din sila sa kolehiyo, ang nais
tamas a kanyang buhay. Sa kabilang
agad ng kanilang Ina ay magkaroon ng
dako, si Gabbie, bilang isang matandang
napakagandang trabaho at ito ay tipikal
dalaga,siya ay inaasahang sasamahan
na kaisipan ng isang magulang.
lang ang kaniyang Ina hanggang sa
pagtanda at papalit dito pag ito ay nawala
na.

You might also like