Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

PANINIGARILYO DAPAT NGA BANG IPAGBAWAL SA PAMPUBLIKONG LUGAR

Paulit-ulit na paggamit, paulit-ulit na babala, ngunit bakit di ka pa rin nadadala. Sa tuwing na


bibitawan ang salitang “sigarilyo” ang una agad na pumapasok sa aking kaisipan ay ang mga
negatibong dulot nito sa pangkalusugan, ang paninigarilyo ay isa sa mga sanhi ng sakit ng mga tao
kagaya na lamang ng asthma, cancer, emphysema at iba pa. (Mga Sakit Na Dulot Ng Paninigarilyo,
n.d.). Ngunit ang malaking katanungan kung ito ay isa sa mga nagdudulot ng sakit bakit marami
paring gumagamit nito lalo na sa mga pampublikong lugar. Ating mas palawakin ang ating sariling
kaisipan ukol dito sa pamamagitan ng pagtalakay kung bakit nakakasama ang paninigarilyo, ano nga
ba ang mga posibleng dulot nito sa ating katawan, at kung bakit dapat itong ipagbawal sa mga
pampublikong lugar.

Una sa lahat ating bigyang linaw kung bakit nga ba nakakasama ang sigarilyo sa ating
kalusugan, ayon sa Local Rehab Alcohol and Drug Addiction Treatment ang usok ng tabako ay
lubhang mapanganib para sa mga tao. Ang lahat ng uri ng paninigarilyo ay sinasabing nakamamatay.
Ang paggamit ng anumang mga kasangkapan sa paninigarilyo ay hindi nakakabawas sa pinsalang
ito sa iyong kalusugan. Di naman talaga mapag kakaila na kapag usapang paninigarilyo agad
talagang pumapasok sa ating kaisipan ang mga negatibong dulot nito na kahit ano pang gawing mga
kasangkapan sa paninigarilyo kagaya nalamang ng vape ay nakakadulot pa rin ito ng mga
matitinding sakit kagaya na lamang sa baga na maaaring makapag himok ng asthma, cancer,
emphysema at iba pa. (Mga Sakit Na Dulot Ng Paninigarilyo, n.d.).

Susunod naman ay ang masamang epekto ng paninigarilyo sa ating katawan kagaya na lamang
sa utak at pakiramdam. Nicotine kung tawagin ay isang kemikal na may kakayahang baguhin ang
pakiramdam ng isang tao, isa ito sa mga aktibong sangkap ng sigarilyo. Ang nicotine ay
nakakaapekto sa iyong utak sa loob ng ilang segundo. Sa loob ng maikling panahon, ito ay isang
sangkap na nagpapakilala sa iyong CNS (Central Nervous System). Gayunpaman, kapag ang
katawan mo ay hindi na gumagamit ng nicotine, magkakaroon ka ng pagkapagod, na nagpapataas
ng pangangailangan para sa nicotine. Ang paghina ng mata, katarata, at biglaang paglabo ng
paningin ay nauugnay sa paninigarilyo. Bilang karagdagan, ang iyong kakayahang makalasa at
makaamoy ay mahina dahil dito, maaaring hindi mo na gusto ang pagkain. (Reyes, 2017).

Iilan pa lamang ito sa mga maaring sakit at karamdaman na ma du-dulot ng paninigarilyo, kaya
aking hinihimok na disiplinahin ang sarili upang maiwasan na ang paggamit hanggang sa tuluyang
matigil ang paninigarilyo na wala namang mabuting dulot para sa pangkalusugan. Bagaman hindi ito
madali sa umpisa meron namang maaaring gawin upang paunti-unting mabawasan ang paggamit ng
mga ito halimbawa na lamang ay ang pagkakaroon ng mabuting dahilan sa pagtigil, paghahanap ng
ibang libangan, at page-ehersisyo etc. (Mga Sakit Na Dulot Ng Paninigarilyo, n.d.).

Para naman sa panghuli ay dahilan kung bakit dapat ipagbawal ang paninigarilyo sa mga
pampublikong lugar. Kinakailangan na ipagbawal ang paninigarilyo sa mga pampublikong lugar
upang mapanatili ang kaayusan ng kalusugan ng bawat isa. Ang pampublikong lugar ay para sa lahat
ito ay napapaligiran ng maraming mga tao kung kayat hindi ligtas na manigarilyo sa mga ganitong
lugar kung saan maraming tao, sa kadahilanan ng usok na buga na hatid ng mga naninigarilyo, ito’y
maaaring masimoy at malanghap ng mga taong napapa-daan o nakapaligid dito na pwedeng pag
mulan ng mga sakit, dapat din ikonsidera ang mga taong naroon sa pampublikong lugar halimbawa
na lamang sa mga matatanda, buntis, at bata.

At dahil sa maraming masamang epekto ng paninigarilyo, dapat itong ipagbawal sa publiko.


Hindi lamang sa mga indibidwal, kundi pati na rin sa kapaligiran ng ating bansa. Kahit na sabihin na
ito ay pampalipas oras lang o pang panandaliang limot sa pag-iisip sa problema ito ay tumatagal ng
ilang oras upang mawala at hindi rin naman ito nakakatulong sa ating katawan. Ang 4,000 kemikal sa
produktong ito ay nakakaapekto sa ating isipan at katawan, ayon kay Chi Changkyun. Ang mga
kemikal na ito ay nakakalason at mapanganib para sa mga taong nakakaamoy .(Gentiles, 2021).

Sa kabuuan ng lahat masasabing ang paninigarilyo ay nagdudulot ng mga negatibong epekto


sa pangkalusugan ng tao at dito matatanto na marami itong sakit na hatid kagaya na lamang ng
maaring pagkakaroon ng asthma, cancer, emphysema at iba pa. Ating din mapag-aalaman ang mga
posibleng epekto ng paninigarilyo halimbawa na lamang dito ang paghina ng mata, katarata, at
biglaang paglabo ng paningin. Dahil sa mga masamang epekto nito nararapat na ito ay ipagbawal sa
pampublikong lugar upang maiwasan ang dulot na sakit sa katawan at mapanatili ang maayos na
kalusugan ng bawat isa.

Ako ay isa sa mga kababayan na naghi-himok na ating pairalin ang disiplina sa sarili, respeto
sa bawat isa upang maiwasan ang mga sakit na maaaring mag kitil ng buhay. Bagaman hindi ito
magiging madali ngunit kung tayo ay tulong-tulong sa pagsulong ng kaayusan sa kalusugan ng
isa’t-isa ay maaari tayong mabuhay ng masaya, mayroong malinis na kapaligiran, at may malusog na
pangangatawan.
Pinagkunan ng Basehan:

Mga Sakit na Dulot ng Paninigarilyo. (n.d.).


https://www.ritemed.com.ph/smoking/mga-sakit-na-dulot-ng-paninigarilyo

Reyes, E. (2017, February 21). Ano Ang Masamang Epekto Ng Paninigarilyo.


https://localrehab.net/epekto-ng-paninigarilyo/

Gentiles, M. N. (2021, December 7). “Nararapat na Ipagbawal ang Paninigarilyo sa Publiko. ”Medium.
https://medium.com/@marleegentiles/nararapat-na-ipagbawal-ang-paninigarilyo-sa-publiko-

You might also like