Ang Paghihiganti Ay Hind Isa Atin

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Ang Paghihiganti ay hind isa atin, ito’y sa Diyos.

Palimos po!! Palimos po!! Sige na po!! Palimos po!!. Pahingi naman po ako ng tinapay! Maawa
na po kayo sa akin! Ako ay bata lamang, napakapayat, at gusgusin. Bakit ka nakatingin sa
akin?!!! Oo ako ay isang bulag, pero alam kong nakatingin kayong lahat sa akin!!! Bakit kayo
nagbubulungan?!! HA!!! Bakit?!!! Kilala mo ba si Inay? Kilala mo ba si Itay??? Kilala mo ba ako??
Hoy!! Kilala mo baa ko?!!! Sa nakaraang limang taon, Kilala mo baa ko???

Oo, lumipas na ang limang taong puro pasakit, puro pahirap at puro kapighatian. Naaalala ko
pa ang mga napakaliligayang kwentuhan at pagsasama naming ni Inay. Napakasaya talaga
namin.

Subalit, Limang magkakasunod n amalakas na katok ang aming narinig sa Pinto at nabalot
kami ng katahimikan. Natagpuan na ba ng malulupit na Hapon ang ating tahanan? HALA!
HALA! HALA! Tumakbo si Inay patungo kay Itay “ Luis! Luis! Pakiusap Luis! Magtago ka sa
kisame Luis! Hindi ka nila makikita roon Luis! Pakiusap Luis! Makinig ka sa akin.” Hinila ko ang
braso ni Itay ngunit hindi ko siya maalis sa kanyang pwesto na para bang nakadikit ang
kanyang mga paa sa sahig. tay!! Magtago ka na tay!!! Sige na!! Imbis na magtago ay niyakap
lamang kami ni Itay.

Bumukas ang Pinto ng napakalakas at may limang mga PANGIT na lalake ang nagsipasok sa
aming tahanan. “Ikaw ba si Kapitan Luis Santos?” sigaw ng pinakapangit sa kanilang lima. “
Oo, ako si Luis Santos” sabi ng aking Itay. “Ikaw ay aming inaaresto” sabi ng isa sa mga
halimaw na Hapon. Hinila nila si Itay na para bang mapuputol na ang kanyang mga kamay sa
lakat at diin ng paghila nila. Hinila nila ng hinila si Itay hanggang sa maka-alis na sila. Hindi
man lamang nakapag paalam sa amin si Itay.

Naglakbay kami ni Inay ng milya milya para lamang masundan sila. Kami ay gutom na gutom
at uhaw na uhaw. Maya maya ay may Nakita kaming mga taong naghihiyawan at
nagtatawanan. Ito pala ay grupo ng mga Hapon na kumakain. Nako! Tila isang Talon ang
aming mga laway sa bibig na patuloy na tumutulo dahil sa nakikita naming pagkain.

Bigla kaming nakarinig ng isang boses na tumatawag ng pangalan. “


Consuelo…..(name)…….Consuelo……(name)……..Consuelo……..(name)…..” Hinanap
naming ang pinanggagalingan ng boses, naglakad at tumakbo kami patungo sa direksyon ng
boses, pero huli na kami. “Whaaaaaaaaaaaa!!!!!” Nakita naming si Itay na nakabitin patiwarik
sa isang punong kahoy at wala ng buhay.

“Itay!!!! Itay!!!!! Itay!!!!” Bugbog na bugbog ang kanyang mga katawan! Lubos siyang
pianhirapan bago siya pinatay! “Itay!!!! Itay!!! Itay!!!”
Lahat ay tila naging isang madilim na pangyayari at ang sunod na nalaman ko ay nasa tabi ko
na si Inay at ito’y wala na sa kanyang katinuan.

Naglakad lakad ako. Lakad dito, Lakad doon, Parito at Paroon. Isang araw, narinig naming
ang malakas na tunog ng kampana ng Simbahan “Bleng!!! Bleng!!! Bleng!!! Bleng!!!” Eto na
naman!! Eto na naman ang walang katapusan na taguan. Ang tunog ng kampana ang hudyat
na kailangan na naman naming humanap ng matataguan ngunit Paano!! Paano si Inay?
Ngayon wala siya sa wasto, Hindi ko siya pwedeng iwan kaya kahit anong mangyari ay
sinubukan ko siyang isama sa aming pagtataguan.

Nang hindi inaasahan, Biglang nagsimula umulan ng mga bomba mula sa kalangitan
“Boom!!!” ang mga tunog ng eroplano ay umuugong sa himpapawid. “Boom!!!” sa bawat
paligid ay may nagsisiliparan na mga kanyon “Boom!! Boom!! Boom!! Boom!!”

“WHAAAAAA!!!!!!” Si Inay ay natamaan. “Inay!!!!” ang kanyang binti at mga paa ay


nagkalasog lasog. “Inay!!!! Inay!!!!” Binuhat ko siya ng dahan dahan gamit ang aking mga
braso’t bisig habang ako ay umiiyak “MAGHIHIGANTI AKO!!! MAGHIHIGANTI AKO!!!
MATITIKMAN NILA ANG BAGSIK NG ISANG API!!!!!!” Maya maya may narinig ako “Huwag (name)
Ang paghihiganti ay nasa Diyos” sabi ni Inay.

Lubos akong humiyaw at sumisugaw ng Paghihiganti. Para akong isang bulkan na malapit ng
sumabog. “ITO!!! ITO!!! Itong paghihiganti ay para sa akin!!!! At hindi ito para sa Diyos!!”

“Hindi (name) Ang Paghihiganti ay hindi para sa atin, ito’y sa Diyos” ito ang huling salitang
binitawan ni Inay bago siya tuluyang binawian ng hininga. “ INAY!!!!! INAY!!!!!”

Patay na si Inay, ako nama’y isang bulag. Ang Paghihiganti ay hindi sa atin???? Ang
magpatawad nga nama’y BANAL ngunit ang Paghihiganti ay mas matamis sa pagiging
Banal.. MATAMIS!!! Ito’y limang taon na ang nakalilipas….limang taon.

Palimos po!!! Palimos po!!! Palimos po!!!! Pahingi naman po kahit tinapay, Maawa na po kayo,
ako’y bata lamang, napakapayat at gusgusin.

ANG PAGHIHIGANTI AY HINDI SA ATIN, ITO’Y SA DIYOS……ITO’Y SA…. SA DIYOS…… OO


SAKANYA.

You might also like