Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

ARALING PANLIPUNAN 5

WEEK 1

NAME:________________________________ GRADE:_______________

Pamantayan sa Pagkatuto: Naipaliliwanag ang kaugnayan ng lokasyon sa paghubog


ng kasaysayan.
Layunin:
 Natutukoy ang kinalalagyan ng Pilipinas sa mundo gamit ang mapa batay
sa “Absolute Location” nito at “Relative Location” batay sa karatig bansa
na nakapaligid dito gamit ang pangunahin at pangalawang direksyon.
(AP5PLP-1a-1)
Paksa: “Lokasyon ng Pilipinas (Absolute and Relative Location)”
Konsepto:

Malaki ang naitulong ng Mapa sa pagtukoy sa lokasyon ng mga lugar sa daigdig.


Ang pagtatagpo ng mga likhang isip na mga guhit sa kabuuan ng grid ay ginagamit sa
pagtukoy ng eksaktong lokasyon o tiyak na kinalalagyan ng isang lugar.Ang tiyak na
lugar ay naipahahayag sa pamamagitan ng longhitud at latitude. Ang bawat isang guhit
sa mapa ay may itinakdang digri. Sa pagkilala at pagbasa sa mga digri ng latitud at
longhitud at ng kanilang pagtatagpo sa grid, natutukoy ang eksaktong lokasyon. Ang
longhitud ang angular na distansya pasilangan o pakanluran mula sa Prime Meridian.
Ang latitud naman ang anggular na distansya pahilaga o patimog mula sa ekwador.
May dalawang paraan sa pagtukoy ng relatibong lokasyon ng Pilipinas, ang
insular at bisinal. Insular ang paraan sa pagtukoy ng mga katubigang nakapalibot sa
Pilipinas. Bilang bansang arkipelago, napalilibutan ang Pilipinas ng mga katubigan: ang
Pilipinas ay nasa timog ng Bashi Channel; kanluaran ng Pacific Ocean; hilaga ng
Celebes Sea; at silangan ng West Philippine Sea. Bisinal (vicinal) naman ang paraan sa
pagtukoy sa lokasyon ng Pilipinas batay sa mga kalupaang nakapalibot dito: timog ng
Taiwan; hilaga ng Malaysia at Indonesia; kanluran ng Guam; at silangan ng Vietnam.
Reference: Araling Panlipunan, Pilipinas Bilang Isang Bansa, Ikalimang Baitang, pahina 7-10.
Pagsasanay:

Basahing mabuti ang mga pahayag at kilalanin kung ano ang


tinutukoy nito. Isulat ang iyong sagot sa patlang.

_______________1. Ito ang anggular na distansya pahilaga o patimog mula sa


ekwador.
_______________2. May malaking maitulong ito sa pagtukoy ng “Absolute Location” ng
mga lugar sa daigdaig gaya ng bansang Pilipinas.
_______________3. Ito ang anggular na distansya pasilangan o pakanluran mula sa
Prime Meridian.
_______________4. Ito ang paraan sa pagtukoy sa lokasyon ng Pilipinas batay sa mga
kalupaang nakapalibot nito.
_______________5. Ito ang katubigang nakapaligid sa kanlurang bahagi ng Pilipinas.
_______________6. Ito ang paraan sa pagtukoy ng mga katubigang nakapalibot sa
Pilipinas
_______________7. Anong kalupaang nakapaligid sa timog na bahagi ng Pilipinas?
_______________8. Bakit ang Pilipinas ay sinasabing isang bansang arkipelago?
________________________________________________________________

Inihanda ni: ANTONIO P. BUAYA, PhD.


PSDS, Pilar District
ARALING PANLIPUNAN 5
WEEK 2

NAME:________________________________ GRADE:_______________

Pamantayan sa Pagkatuto: Naipaliliwanag ang pinagmulan ng Pilipinas batay sa


teorya (Plate Tectonic Theory), mito at relihiyon.

Layunin:
 Natutukoy ang teorya ng Tectonic Plate, mito at relihiyon sa pagkakabuo
at pinagmulan ng Pilipinas.
Paksa: “Ang Pinagmulan ng Pilipinas ”
Konsepto:
Ipinaliwanag ng Teorya ng Tectonic Plate ang paggalaw ng mga kalupaan.
Ayon dito, ang crust ay nahahati sa malaki at makakapal na tipak na lupa na tinatawag
na mga tectonic plate. Dulot ng paikot na paggalaw ng init sa ilalim ng mga tectonic
plate -sa asthenosphere (sa mantle) ay napapagalaw rin ang mga tectonic plate palayo,
pasalubong, at pagilid sa isa’t isa. Dahilan ang prosesong ito hindi lang sa paggalaw ng
mga kontinente kung hindi maging sa iba pang prosesong pangheograpiya tulad ng
paglindol, pagputok ng bulkan, at pagbuo ng mga kabundukan.
Ayon naman sa mito, may amang higante na nakatira sa kuweba na may tatlong
anak na sina Minda, Lus at Bisaya. Isang araw, umalis ang amang higante upang
mangaso. Pinagbilinan niya ang kanyang tatlong anak na huwag lumabas sa yungib
dahil mapanganib sa labas. Dahil hindi masunurin sa ama si Minda lumabas ito at
namasyal sa may dagat habang ang dalawa ay naglinis. Naglaro si Minda sa dagat ng
biglang sumigaw ng tulong at narinig ang sigaw niya sa kanyang dalawang kapatid at
agad siyang tinulungan. Ngunit pati silang dalawa ay nadala ng dambuhalang alon. At
sa kasamaang palad, ang tatlong anak na babae ng higante ay hindi na nakaahon.
Nagtaka ang amang higante ng pag-uwi niya wala na ang kanyang tatlong anak. Agad
niya itong hinanap ngunit wala siyang nakita. Biglang umalon ulit nang malakas at
dumagundong, at nabuo sa isip ng ama na baka nalunod ang tatlo. Tumingin ang
higante sa malayo at nakita niya ang bawat munting bato at kahoy sa malayo. Dahil sa
pagod at hapis, nakatulog nang mahaba ang higante at sa kanyang paggising nakita
niya ang tatlong pulo. Napasigaw siya nang malakas na ang tatlong pulong ito ay sina
Lus, Bisaya at Minda. At buhat noon, tinawag na luzon, Visayas at Mindanao ang
tatlong pulo. Dito nagmula ang bansang Pilipinas.
Lahat halos ng paniniwala o relihiyon ay nagpanukala na nilalang ang daigdig ng
kinilalang Diyos. Batay sa mga sinaunang relihiyon ng mga taga Mesopotamia, India at
maging sa Pilipinas, may higit na puwersa na naglalalang sa sinukob. Sa relihiyong
Kristiyano (Christianity), nakasaad sa aklat ng Genesis sa bibliya ang kasaysayan
ng paglalang ng Diyos sa sandaigdigan. Ayon sa relihiyon na Creationism, na ang
daigdig ay nilikha ng Dakilang Maykapal, na noo’y “Ama” ang kanilang tawag dito.
Nilikha ang daigdig sa loob ng anim na araw. Ito ang mga pahayag tungkol sa
pinagmulan ng daigdig kung saan kabahagi rito ang pinagmulan ng Pilipinas ayon sa
relihiyon.
References: Batayang Aklat (Pilipinas Bilang Isang Bansa) pahina 40-41, Google, https;//brainly.ph,
Alamat tungkol sa Pinagmulan ng Pilipinas, Google https://prezi.com, Ang Pinagmulan ng Daigdig by
Jasmine Adao on Prezi ,at Google,https://www.slideshare.net, Daigdig: Saan ka ba nagmula?
Pagsasanay:

Basahing mabuti ang mga pahayag at kilalanin kung ano o sino ang
tinutukoy nito. Isulat ang iyong sagot sa patlang.

_______________1. Ayon sa mito, ano ang pinagmulan ng tatlong pulo sa Pilipinas:


Luzon, Visayas at Mindanao?
______________________________________________________________________
_______________2. Saan nakatira ang amang higante na may tatlong anak na babae
na
naging pulo?
_______________3. Anong relihiyon ang may paniniwala na nakasaad sa aklat ng
Genesis sa bibliya ang kasaysayan ng paglalang ng Diyos sa
Sandaigdigan?
_______________4. Anong relihiyon ang naniniwala na nilikha ang daigdig ng Dakilang
Maykapal sa loob ng anim na araw?
_______________5. Ayon sa dalawang relihiyon (Christianity and Creatinism), sino ang
lumikha sa daigdig kung saan kabahagi nito ang Pilipinas?
_______________6. Ito’y tumutukoy sa malaki at makakapal na tipak ng lupa.
_______________7. Ito ang teoryang nagsabi na ang pinagmulan ng Pilipinas ay ang
paggalaw ng mga kalupaan dahil sa paglindol at pagputok ng
bulkan
kung saan nabuo ang mga kabundukan at kapuluan.
_______________8. Ang bahagi ng kalupaan na maaring mahahati nang malaki at
makapal na tipak ng lupa kung may lindol o putok ng bulkan o
paggalaw sa ilalim ng lupa (mantle).

Inihanda ni: ANTONIO P. BUAYA, PhD.


PSDS, Pilar District
ARALING PANLIPUNAN 5
WEEK 3

NAME:________________________________ GRADE:_______________

Pamantayan sa Pagkatuto: Natatalakay ang pinagmulan ng unang pangkat ng tao


sa Pilipinas batay sa teoryang Austronesyano, mito
(Luzon, Visayas at Mindanao) at relihiyon.
Layunin:
 Natutukoy ang teoryang Austronesyano, mito (Luzon, Visayas at
Mindanao) at relihiyon sa pinagmulan ng unang pangkat ng tao sa
Pilipinas.

Paksa: “Ang Pinagmulan ng Unang Pangkat ng Tao sa Pilipinas ”


Konsepto:

MAPA NG PAGKALAT NG AUSTRONESIAN PROFESSOR PETER BELLWOOD

SA TIMOG-SILANGANG -ASYA

Ang mga teoryang nabuo ay nagpapaliwanag sa pinagmulan ng mga Pilipino. Isa


sa mga teoryang ito ang Teorya ng Austronesian Migration. Ayon, sa teoryang ito,
ang ninuno ng mga Pilipino ay ang mga Austronesian na maaring nagmula sa Timog
China. Sinasabing naglakbay ang mga ito patungo sa kapuluan ng Pilipinas gamit ang
sasakyang balangay. Ang arkeologong si Peter Bellwood, ang nagsabi na ang mga
Austronesian ang ninuno ng mga Pilipino. Dumating ang mga taong ito sa Pilipinas
noong 2500 B.C.E. mula Taiwan. Ang orihinal na pinagmulan ng mga taong ito ay
sa Timog China kaya kinikilala itong Teoryang Austronesian Migration. Naging
batayan ni Bellwood sa kanyang teorya ang pagkakatulad ng wikang gamit sa
Timog-silangang Asya at sa Pacific.

Ayon naman sa mito, na noong unang panahon,wala pang taong


naninirahan sa daigdig. Isang araw, isang diyos at diyosa ang dumalaw sa daigdig.
Sila ay nalungkot sapagkat wala silang nakitang tao sa mga burol, lambak, at
dalampasigan. Sila ay kumuha ng luwad sa tabing ilog at hinubog ito sa dalawang
anyo, isang babae at lalake at niluto ito sa apoy. Dahil sa wala pa silang karanasan
sa pagluto, ang mga anyo ay maitim sapagkat ito ay nasunog. Hindi sila nasiyahan
sa kanilang ginawa kaya naghugis silang muli ng isang pares na anyo at nilagay
muli ito sa apoy, dahil sa unang pagkabigo, naging lubha silang maingat sa pagluto
kaya mabilis nilang inalis sa apoy ang mga anyong luwad. Sa kanilang
pagkamangha, nakita nilang ang mga anyo ay mapuputla dahil sa hindi ito
gaanong naluto. Sa pangatlong pagkakataon, gumawa na naman sila ng isang
pares na anyo at muli itong inilagay sa apoy. Sa pagkakataong ito, dahil sa
kanilang sapat na karanasan, nakapagluto na sila nang walang kapintasang anyo.
Buhat sa nasunog na anyo ay nagmula ang maitim na tao. Mula naman sa mga
hilaw na anyo ay nagbuhat ang mga puting tao. Ang mula sa perpektong
pagkakaluto nagbubuhat ang lahing kayumanggi, ang ating mga ninuno.
Ayon naman sa relihiyon, Kristiyano-mula sa aklat ng Genesis ay sinasabing
ginawa niya ang tao sa ikaanim na araw. Ito ay sina Adan at Eba. Islam-Nakatala sa
Koran. Hinubog ni Allah ang tao mula sa luwad, lupa, buhangin, at tubig. Hinduism-Sa
mga bahagi ng katawan ng kauna-unahang si Purusa. Nagmula di umano ang mga
taong nabibilang sa iba’t ibang caste. Judaism-Ang lahat ay nilalang ng isang
makapangyarihang Panginoon na kaparehas din ng paniniwala ng Kristiyanismo.
Buddhism-Ang paglikha ng tao ay patuloy at paulit-ulit lamang. Ang isang nilalang ay
ipinanganganak, mabubuhay, mawawala sa daigdig at muling ipanganganak. Ito ang
pinagmulan ng unang pangkat ng tao sa Pilipinas batay sa relihiyon.
Reference : Araling Panlipunan 5 (Pilipinas Bilang Isang Bansa) pahina 50 at 52, Google, kasaysayan-ng-
pilipinas.blogspot.com at Google, https://www.slideshare.net, Ang Pinagmulan ng tao ayon sa mga
relihiyon

Pagsasanay:
Basahing mabuti ang mga pahayag at kilalanin kung ano o sino ang
tinutukoy nito. Isulat ang iyong sagot sa patlang.

_______________1.Ayon sa teoryang ito, ang ninuno ng mga Pilipino ay ang mga


Austronesian na maaring nagmula sa Timog China.

_______________2. Ang arkeologong nagsabi na ang mga Austronesian ang ninuno

ng mga Pilipino .
_______________3. Ayon sa mito ng pinagmulan ng ating mga ninuno, sinu-sino ang
_______________ dumating sa daigdig na gumawa ng pares na tao mula sa luwad
at niluto sa apoy?
_______________4. Anong lahi ang nagawa ng diyos at diyosa mula sa pekspektong
pagkaluto ng pares na luwad na tao na pinagmulan ng ating
ninuno?
_______________5.Saan nanggaling ang lahing itim ayon sa mito ng pinagmulan ng
tao?
_______________6. Anong relihiyon ang nagsabi na ginawa ng Panginoon ang tao sa
ikaanim na araw?
_______________7. Anong relihiyon ang nagsabi na ang paglikha ng tao ay patuloy at
paulit-ulit lamang ?
_______________8. Hinubog ni Allah ang tao mula sa luwad, lupa, buhangin, at tubig,
anong relihiyon ang nagsabi nito?
Inihanda ni: ANTONIO P. BUAYA, PhD.
PSDS, Pilar District

ARALING PANLIPUNAN 5
WEEK 4

NAME:________________________________ GRADE:_______________

Pamantayan sa Pagkatuto: Nasusuri ang paraan ng pamumuhay ng mga sinaunang


Pilipino sa panahong Pre-kolonyal.
Layunin:
 Natutukoy ang paraan ng pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino noong
mga panahon ng kasaykasayan: Panahon ng Bato, Panahon ng Lumang
Bato, Panahon ng Bagong Bato, at Panahon ng Metal.

Paksa: “Pamumuhay at Teknolohiya ng mga Sinaunang Pilipino”

Konsepto:

Ilang kasangkapang ginamit ng mga sinaunang Pilipino at mga pinakinis na bato

Nakatuklas at nakagawa ng iba’t ibang kasangkapan ang mga sinaunang Pilipino


na kanilang ginamit upang mapadali ang kanilang pamumuhay araw-araw .Noong
Panahon ng Bato ay natutuhan ng mga sinaunang Pilipino ang paggamit ng mga
kasangkapang bato, ito ang paraan nila sa pamumuhay. Noong Panahon ng Lumang
Bato o Panahong Paleolitiko, naninirahan sila sa mga yungib at gumamit ng mga
tinapyas na bato bilang kasangkapan. Nabuhay sila sa pangangaso at pangangalap ng
pagkain. Mula naman sa mga nahukay na buto ng malaking hayop tulad ng baboy-ramo
at usa sa Guri Cave (Tabon Cave Complex sa Palawan), napatunayan ng mga
antropologo na higit na mahusay mangaso ang mga sinaunang Pilipino sa naturang
yungib kaysa sa Taong Tabon. Noong Panahon ng Bagong Bato o Panahong
Neolitiko, nilisan ng mga sinaunang Pilpino ang mga yungib at nagsimulang paunlarin
ang kanilang pamumuhay ayon sa kanilang pangangailangan at hamon ng kapaligiran.
Hinasa at pinakinis nila ang dating magaspang na mga kasangkapang bato. Nagsimula
silang manirahan sa tabi ng mga dagat at ilog. Natutunan din nilang magsaka at mag-
alaga ng hayop. Natuto ring gumawa ng mga banga at palayok ang sinaunang Pilipino.
Nang lumaon ay natuklasan nila ang paggamit ng metal. Tinawag ang panahong
ito na Panahon ng Metal. Nahati ito sa dalawa: ang Maagang Panahon ng Metal
at ang Maunlad na Panahon ng Metal. Ilang halimbawa ng mga kasangkapan noong
Maagang Panahon ng Metal (800-250 B.C.E) ay natagpuan sa Palawan, Masbate, at
Bulacan tulad ng sibat, palaso, at kutsilyo. Gawa ang mga ito sa tanso at bronse. Noong
Maunlad na Panahon ng Metal, higit na napaghusay ng mga sinaunang Pilipino ang
kanilang mga kasangkapang metal. Patunay rito ang mga nahukay na talim ng sibat,
kampit, gulok, kutsilyo, at iba pang sandata sa Kalanay sa Masbate at Novaliches sa
Quezon City.
Reference : Araling Panlipunan 5 (Pilipinas Bilang Isang Bansa) pahina 65 at 67.

Pagsasanay: Basahing mabuti ang mga pahayag at kilalanin kung ano ang tinutukoy
nito. Isulat ang iyong sagot sa patlang.

_______________1. Ito ang paraan ng pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino sa


Panahon ng Bato.
_______________2. Ang panahon sa kasaysayan na ang mga kagamitan ay yari sa
magaspang na mga bato.
_______________3. Ang panahon sa kasaysayan na ang mga kasangkapan ay yari sa
metal.
_______________4. Dito nanirahan ang mga sinaunang Pilipino noong Panahon ng
Lumang Bato o Panahong Paleolitiko.
_______________5. Anong paraan ng pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino noong
Panahon ng Metal?
_______________6. Sa anong panahon ng kasaysayan na ang mga sinaunang Pilipino
ay natuto ng magsaka at mag-alaga ng hayop?
_______________7. Saan naninirahan ang mga sinaunang Pilipino noong Pahanon ng
Bagong Bato o Panahong Neolitiko?
_______________8. Sa anong uri ng metal na yari ang mga kasangkapang tulad ng
sibat,
palaso at kutsilyo na ginamit ng mga sinaunang Pilipino noong
Maagang Panahon ng Metal?

Inihanda ni: ANTONIO P. BUAYA, PhD.


PSDS, Pilar District
ARALING PANLIPUNAN 5
WEEK 5

NAME:________________________________ GRADE:_______________

Pamantayan sa Pagkatuto: Nasusuri ang pang-ekonomikong pamumuhay ng mga


Pilipino sa panahong pre-kolonyal.

Layunin:
 Natutukoy ang kabuhayan ng sinaunang panahon kaugnay sa kapaligiran,
mga kagamitan sa iba’t ibang kabuhayan, at mga produktong pangalakal.
(AP5PLP-1g-7)

Paksa: “Kabuhayan ng mga Sinaunang Pilipino”

Konsepto:
Bago pa matapos ang Panahon ng Bagong Bato nang magsimulang magsaka
ang mga sinaunang Pilipino. Ang pagsasaka ay isang salita na ginagamit upang
ilarawan ang isa sa mga subsektor ng agrikultura.Dito nakapaloob ang pagtatanim o
hindi kaya ay pag-aalaga ng mga halaman. Ang pagsasaka ay isa sa mga pangunahing
pinagkukunan ng suplay ng pagkain ng isang bansa. May dalawang paraan ng
pagsasaka ang mga Pilipino-ang pagkakaingin at pagsasaka sa pamamagitan ng
pagbubungkal ng lupa. Pagkakaingin ay uri ng pagsasaka na kung saan ang mga puno
sa kagubatan ay pinuputol at sinusunog.
Nagiging kapaki-pakinabang din para sa mga sinaunang Pilipino ang pagiging
insular ng Pilipinas.Dahil sa katubigang nakapaligid sa kapuluan ay naging pangunahing
kabuhayan din nila ang pangingisda. Ang pangingisda ay ang panghuhuli ng isda sa
pamamagitan ng bingwit, lason, lambat, at basket. Ang lason na kanilang ginamit ay
mula sa katas ng ugat at dahon ng halaman. Nangangaso rin ang mga sinaunang
Pilipino. Gumamit sila ng mga bitag o patibong tulad ng mga hukay upang makahuli ng
malalaking hayop.
Ang ating mga ninuno ay umaasa sa kapaligiran upang makalikha ng mga
kagamitang kailangan nila sa paghahanapbuhay.Gumawa sila ng salakab, araro, bangka
at marami pang iba.Sibat at pana naman ang ginamit ng mga tao sa panghuhuli ng
mga hayop. Sa pangingisda, gumamit sila ng lambat, bingwit, basket at lason. Sa
Visayas isinasagawa ang Placer Mining o pagmimina sa batis gamit ang kahoy na kawali
at kahoy na batya ayon sa Amerikanong hitoryador na si William Henry Scott.
Hindi lumaon ay natuklasan ng mga sinaunang Pilipino ng iba pang mga gawain,
produkto at paraan upang higit na mapakinabangan ang mga nakukuha sa kanilang
kapaligiran.Nakatuklas sila ng ibang paraan ng paggamit ng mga hilaw na materyal.
Nabuhay ang ibat-ibang industriya gaya ng pagpapalayok, paghahabi, paggawa ng
sasakyang pandagat at iba pa. Ang kahoy na karaniwang ginamit sa paggawa ng
bangka ay lawaan dahil ito ay matibay.
Sa sinaunang lipunan sa Visayas, kababaihan ang nagpapalayok gamit ang
tinatawag na anvil-and-paddle technique o paggamit ng patpat at sangkalan sa
paghubog ng luwad. Ang balanga naman ay isang kawali na karaniwang ginagamit sa
pagpiprito.Nariyan din ang banga na lalagyan ng tubig at dulang na isang malaking
plato.
Ang mga sobra sa kanilang mga pangangailangan ay natutunan nilang ipagpalit
para sa ibang mga produkto ng ibang pamayanan. Ito ang naging simula ng
pakikipagkalakalan. Unang isinagawa ang pakikipagkalakalan ng mga sinaunang Pilipino
sa pagitan ng iba’t ibang barangay at sa paglipas ng panahon ay sa mga karatig na
lugar sa Timog-silangang Asya. Sa simula ay nakipagpalitan sila ng kani-kanilang mga
produkto. Ang pagpapalitan ng produkto ay tinatawag na sistemang barter. Sa
kalaunan, gumamit sila ng ginto at kabibe bilang salapi at nagkaroon din sila ng mga
kasangkapang panimbang at panukat para sa pagtataya sa dami at halaga ng bilihin.
Hindi rin nagtagal ay naitatag ang sistema ng pakikipagkalakalan gamit ang salapi.
Reference : Araling Panlipunan 5 (Pilipinas Bilang Isang Bansa) pahina 75 -78.

Pagsasanay: Basahing mabuti ang mga pahayag at kilalanin kung ano ang tinutukoy
nito. Isulat ang iyong sagot sa patlang.
_______________1. Ano ang karaniwang hanapbuhay ng mga sinaunang Pilipino kung
sila ay nakatira malapit sa dagat?
_______________2. Kapag ang mga tao ay nakatira sa malawak at patag na lugar, ano
naman ang kanilang hanapbuhay?
_______________3. Ito ay kabuhayan ng mga sinaunang Pilipino na gumamit sila ng
mga bitag o patibong tulad ng mga hukay,upang makahuli ng
malalaking hayop.
_______________4. Ito ay uri ng pagsasaka na kung saan ang mga puno sa
kagubatan ay pinuputol at sinusunog.
_______________5. Ang sistema ng pangangalakakal ng mga sinaunang Pilipino kung
saan nagpapalitan ng produkto sa iba’t ibang pamayanan at sa
mga
karatig na lugar sa Timog-silangang Asya.
_______________6. Ito rin ang ibang tawag ng pagmimina sa batis gamit ang kahoy
na
kawali at kahoy na batya.
_______________7. Anong uri ng kahoy ang ginamit sa paggawa ng bangka?
_______________8. Anong uri ng hanapbuhay ng mga sinaunang Pilipino ang
gumagamit ng patpat at sangkalan sa paghubog ng luwad o anvil-
and-paddle technique ?

Inihanda ni: ANTONIO P. BUAYA, PhD.


PSDS, Pilar District
ARALING PANLIPUNAN 5
WEEK 6

NAME:________________________________ GRADE:_______________

Pamantayan sa Pagkatuto: Nasusuri ang sosyo-kultural at politikal na pamumuhay


ng mga Pilipino

Layunin:
 Natutukoy ang sistema ng paniniwala, kaugalian at kalagayang
pampolitika ng mga sinaunang Pilipino. (AP5PLP-1g-8)

Paksa: “Sistema ng Paniniwala, Kaugalian at Kalagayang Pampolitika ng mga


Sinaunang Pilipino”
Konsepto:
Anito at Diwata

Animismo -uri ng paniniwala o pananampalataya na may


kaugnayan sa pagsamba sa kalikasan o mga bagay sa
kalikasan gaya ng araw, bituin, puno, hayop, at iba pa.
Tinatawag itong anito ng mga Tagalog at diwata ng mga
Bisaya. Ang mga espiritung nananahanan sa kanilang
kapaligiran.

May mga sinaunang Pilipino rin ang sumasamba sa maraming diyos


at pinaniwalaang banal ang daigdig.
Bago simulan ng mga sinaunang Filipino ang anumang gawain tulad ng
pagpapatayo ng bahay at pagtatanim ay humihingi muna sila ng gabay at pahintulot
mula sa mga espiritu ng kalikasan.Ang rituwal na ito ay pinangunahan ng mga
katalonan (sa Tagalog) at babaylan (sa Bisaya). Ang Katalonan at babaylan ay
sinasabing tagapagitan sa mundo ng tao, ng diyos at ng yumao. Masasalamin din ang
paniniwalang animismo ng mga katutubo sa mga pamahiin na kanilang nabuo. Ang
pamahiin ay paniniwala batay sa kutob, kinagawian, tradisyon at relihiyon ng isang
pamayanan.
Inihanda ng mga sinaunang tao ang kanilang yumao para sa kabilang buhay sa
pamamagitan ng paglilinis, paglalangis, at pagbibihis ng magagarang kasoutan.
Pinabaunan din nila ang mga yumao ng mga kasangkapan tulad ng seramika at
palamuti upang may magamit ang mga ito sa kabilang buhay. May dalawang bahagi
ang paglilibing. Una, inilibing nila ang mga yumao sa lupa kasama ang ilang
kasangkapan. Matapos matuyo ang mga labi ay hinahango ito mula sa libingan at
isinisilid sa loob ng banga.
Ang sinaunang kalalakihang Pilipino ay nagsuot ng pantaas na damit na tinawag
na kanggan. Pula para sa datu at asul o itim para sa may mas mababang katayuan sa
datu. Bahag naman ang kanilang naging pang-ibabang kasuotan. Binalutan din nila
ang kanilang ulo ng putong. Sa kababaihan, ang pang-itaas na kasoutan ay ang baro
at ang pang-ibaba naman ay ang maluwag na palda na tinawag na saya ng mga
Tagalog at patadyong ng mga Bisaya. Mahilig magsuot ng mga palamuti sa katawan
ang sinaunang kababaihan at kalalakihang Pilipino. Halimbawa ng mga palamuting
kanilang isinusuot ay ang pomares-isang alahas na hugis rosas-at ganbanes-isang uri
ng gintong pulseras na isinuot nila sa braso at binti. Nagsuot naman ang kababaihan at
kalalakihang Bisaya ng hanggang apat na pares ng gintong hikaw sa kanilang tainga.
Gumamit din sila ng ginto upang palamutian ang kanilang ngipin. Gayundin, naglalagay
sila sa kanilang katawan ng mga tato o mga permanenteng disensyo at marka sa balat.
Sa pagdating ng mga Espanyol, tinawag nilang pintados ang mga katutubong puno ng
tato ang katawan.
Dalawa ang uri ng pamahalaan na umiiral sa sinaunang panahon sa Pilipinas-ang
barangay at ang sultanato. Ang barangay ay isang yunit pampolitika, panlipunan, at
pangkabuhayan noong sinaunang panahon sa Pilipinas. Ang Datu ang tawag sa pinuno
ng barangay. May dalawang uri ng batas na umiiral sa barangay noon-ang batas na
nakasulat at ang batas na hindi nakasulat.Ang batas na nakasulat, matapos itong
mapagtibay, ay ipinagbibigay-alam sa isang pagtitipon sa pamamagitan ng
umalohokan o tagapagbalita. Siya ang inaasahang maglilitis hanggang magkasundo
ang mga nagkaalitan. Ang Sultanato ay isang sistema ng pamamahala na batay sa
katuruan ng Islam. Ang sultan ang pinakamataas na pinuno sa isang sultanato. Ang
sultan ang siyang nagtatakda at nagpapatupad ng mga batas sa isang sultanato. Siya
rin ang nagsisilbing hukom sa paglilitis sa mga paglabag sa batas. Siya rin ang
tagapagtanggol ng kaniyang mga nasasakupan at tagapagturo ng mga aral ng Islam.
Reference: Araling Panlipunan “Pilipinas Bilang Isang Bansa “ Batayang Aklat.Ilkalimang Baitang pahina 72-75 at
88-90

Pagsasanay:
Basahing mabuti ang mga pahayag at kilalanin kung ano ang tinutukoy nito.
Isulat ang iyong sagot sa patlang.
______________ 1. Ito ay uri ng paniniwala o pananampalataya na may kaugnayan sa
pagsamba sa kalikasan o mga bagay sa kalikasan gaya ng
araw, bituin, puno, hayop, at iba pa.
______________ 2.Ito rin ay uri ng paniniwala batay sa kutob, kinagawian, tradisyon at
relihiyon ng isang pamayanan
______________ 3. Ito ay isang kagamitan na sisidlan ng tuyo na katawan ng patay na tao
matapos hanguin sa libingan.
______________ 4. Ang tawag sa mga katutubong puno ng tato ang katawan sa pagdating
ng Espanyol.
______________ 5. Ano ang tawag ng pantaas na damit na isinuot ng mga kalalakihang
Pilipino?
______________ 6. Ano ang tawag ng sistema ng pamamahala na batay sa katuruan ng
Islam?
______________ 7. Ano ang tawag sa yunit pampolitika, panlipunan, at pangkabuhayan noong
sinaunang panahon sa Pilipinas ?
______________ 8. Ano ang tawag sa pinuno ng barangay ng mga sinaunang Pilipino?

Inihanda ni: ANTONIO P. BUAYA, PhD.


PSDS, Pilar District

ARALING PANLIPUNAN 5
WEEK 7

NAME:________________________________ GRADE:_______________

Pamantayan sa Pagkatuto: Natatalakay ang paglaganap at katuruan ng Islam sa


Pilipinas
Layunin:
 Nailarawan ang paglaganap at katuruan ng Islam sa Pilipinas.
(AP5PLP-1i-10)

Paksa: “Paglaganap at Katuruan ng Islam sa Pilipinas”

Konsepto:

Paniniwalang Islam sa Pilipinas

Qur’an (Koran)
Ang Islam ay isang relihiyong may paniniwala sa iisang diyos. Allah ang diyos
ng relihiyong Islam. Muslim ito ang tawag sa mga tagasunod ng relihiyon. Qur’an o
koran ang tawag sa pinakabanal na aklat ng mga Muslim. Naniniwala ang mga Muslim
na ang bawat salita na nakasulat sa Qur’an ay nagmula sa salita ni Allah. Mosque –
ang tawag ng banal na simbahan ng mga Muslim. Noong huling bahagi ng ika-15 siglo,
nanguna sa pagpapalaganap ng Islam sa Mindanao si Sharif Kabungsuan mula sa
Johor, Malaysia. Siya rin ang nagtatag at naging unang sultan ng pamahalaang itinatag
sa Mindanao. Mula sa Sulu at Mindanao ay mabilis na lumaganap ang Islam sa Luzon
at Visayas. Gayunpaman, mabilis ding natuldukan ang paglaganap na ito sa pagdating
ng mga Espanyol noong ika-16 na siglo. Nagtungo ang mga Pilipinong Muslim sa
Katimugang bahagi ng Pilipinas upang mapanatili ang kanilang pagsasarili mula sa
mga Espanyol. Sa kabila ng hangarin ng mga Espanyol na binyagan ang mga Muslim sa
Kristiyanismo, patuloy pa ring pangunahing paniniwala ang Islam sa rehiyon.
May mga kaugaliang itinakda na dapat sundin ng mga kasapi ng relihiyong Islam
tulad ng katapangan, karangalan, pagkaroon ng respeto, pagmamahal sa karunungan,
pagpakumbabang-loob,at kagandahang asal. Sinasabing lahat ng mabubuting Muslim
ay alam ang aralin sa Koran kung saan dito ibinatay ang kanilang mga tungkulin tulad
ng pagtitiwala ni Allah, pagdasal ng limang beses sa maghapon na nakaharap sa Meca,
pag-aayuno at hindi pagkain sa buwan ng Ramadan.

Reference: www.google.ph , Araling Panlipunan “Pilipinas Bilang Isang Bansa “ Batayang Akla, .Ilkalimang
Baitang pahina 91-92.

Pagsasanay:
Basahing mabuti ang mga pahayag at kilalanin kung ano ang tinutukoy nito.
Isulat ang iyong sagot sa patlang.
_____________________1. Ang tawag sa relihiyon ng mga Muslim.

_____________________2. Ang tawag ng banal na simbahan ng mga Muslim.

_____________________3. Ito ang tawag sa banal na aklat ng Islam.

_____________________4. Siya ang nangunguna sa pagpapalaganap ng Islam sa


Mindanao at naging unang sultan sa itinatag na
pamahalaan sa Mindanao.

_____________________5. Ito ang tawag ng buwan kung saan nag-aayuno,


nagdarasal ng limang beses maghapon na nakaharap sa
Meca at hindi kumakain ang mga Muslim.

_____________________6. Siya ang propeta ng mga Muslim.

_____________________7.Dito nagtungo ang mga Pilipinong Muslim upang mapanatili


ang kanilang pagsasarili mula sa mga Espanyol.

_____________________8. Maliban sa Sulu at Mindanao, saan pang bahagi ng Pilipinas


mabilis na lumaganap ang relihiyong Islam?

Inihanda ni: ANTONIO P. BUAYA, PhD.


PSDS, Pilar District
ARALING PANLIPUNAN 5
WEEK 8

NAME:________________________________ GRADE:_______________

Pamantayan sa Pagkatuto: Napahahalagahan ang kontribusyon ng sinaunang


kabihasnang Asyano sa pagkabuo ng lipunan at pagkakakilanlang Pilipino.
Layunin:
 Nasasabi ang mga nagiging epekto ng mga kontribusyon ng sinaunang
kabihasnan sa pagbuo ng lipunan at pagkakakilanlang Pilipino. ( AP5PLP-
1j-12.3)
Paksa: Kontribusyon ng Sinaunang Pilipino
Konsepto:
Malaki ang naging kontribusyon ng sinaunang kabihasnan sa pagbuo ng lipunan at
pagkakakilanlan ng mga Pilipino na maipagmamalaki hanggang sa kasalukuyan. Naging saksi ang
mga dayuhan sa mahusay na sistema ng kalakalan at mayamang kultura ng mga Pilipino na
lalong nagpayaman ng kanilang pakikipag-ugnayan sa mga ito.
Sa pamamagitan ng kanilang kasuotan, natutukoy ang uri ng estado sa buhay ang isang
Pilipino. Dahil sa kanilang paniniwalang animismo at Islam, naging maayos at napanatili nila ang
kanilang magandang pakikitungo sa kapwa, kalikasan at sa kinikilala nilang diyos. Ang kanilang
paniniwala ay nagsilbing gabay sa pagbuo ng desisyon, o paliwanag sa mga pangyayari sa
kanilang kapaligiran. Kahit hindi pormal ang uri ng kanilang edukasyon, natuto pa rin ang mga
bata sa kaalaman, sa pagsulat, gawaing pangkabuhayan at kasanayan sa pagtatanggol sa sarili.
Sa pamamagitan ng musika, sayaw, panitikan at sining, naipahayag ng mga Pilipino ang
kanilang damdamin, paniniwala, at mga karanasan. Naisalin nila ito sa mga sumunod na
henerasyon at naging bahagi ng modernong kultura. Dahil sa heograpiya, natutong makibagay
ang mga tao sa kalikasan na makikita sa uri ng kanilang mga bahay at pamumuhay.
Reference: AP-CG 5, iPlan- DepEd Bohol Division by Isabel S. Piquero, AP5 (Gabuat, Maria Annalyn, et.al,
2016).Pilipinas Bilang Isang Bansa, pp. 86- 103, Vibal group, Inc., Davao City, Philippines.
Pagsasanay:
Tama o Mali. Basahing mabuti ang mga pahayag. Isulat ang T kung Tama ang
ipinahahayag sa pangungusap at M naman kung ito ay Mali.
____1. Ang paniniwala ng mga sinaunang Pilipino ay hindi nagsilbing gabay sa pagbuo ng
desisyon, o paliwanag sa mga pangyayari sa kanilang kapaligiran.
____2. Dahil sa kasaysayan, natutong makibagay ang mga sinaunang Pilipino sa kalikasan.
____ 3. Ang paniniwalang animismo at Islam ng mga sinaunang Pilipino ay naging dahilan
upang naging maayos at napanatili nila ang kanilang magandang pakikitungo sa kapwa,
kalikasan at sa kinikilala nilang diyos.
____ 4. Mahusay ang sistema ng kalakalan at mayaman ang kultura ng mga sinaunang Pilipino.
____ 5. Naging bahagi ng modernong tradisyon ang sining at panitikan ng mga sinaunang
Pilipino.
____ 6. Malaki ang naging kontribusyon ng sinaunang kabihasnan sa pagbuo ng lipunan at
pagkakakilanlan ng mga Pilipino.
____ 7. Natuto pa rin ang mga bata sa mga kaalaman kahit hindi pormal ang edukasyon noon.
____ 8. Sa pamamagitan ng musika, sayaw, panitikan at sining, naipahayag ng mga Pilipino ang
kanilang damdamin, paniniwala, at mga karanasan.

“Maliliit man na butil ng mga kaalaman, ang dulo nito ay malaking kaginhawaan.” Mr.Whew

Inihanda ni: MARJOHN B. ALPEREZ. Ed.D.


SVES/T-III

You might also like