AP3 - Q3 - Mod1 - Kultura NG Mga Lalawigan NG Kinabibilangang Rehiyon - Jessa P. Cadio - Baguio - v0

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 25

3

Kultura ng mga Lalawigan sa


Kinabibilangang
Rehiyon
Modyul ng Mag-aaral
saAralingPanlipunan 3
IkatlongMarkahan ● Unang Linggo

JESSA P. CADIO
Tagapaglinang ng Modyul
Kagawaran ng Edukasyon • Dibisyon ng Baguio City

Pangalanng Mag-aaral:________________________________________

i
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Cordillera Administrative Region
SCHOOLS DIVISION OF BAGUIO CITY
# 82 Military Cut-off, Baguio City

Published by:
DepEd Schools Division of Baguio City
Curriculum Implementation Division

COPYRIGHT NOTICE
2020

Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides:

“No copyright shall subsist in any work of the Government of the Philippines.
However, prior approval of the government agency of office wherein the work
is created shall be necessary for exploitation of such work for profit.”

Ang modyulnaito ay inihanda para saimplementasyon ng K to 12


Curriculumsapamamagitan ng Curriculum Implementation Division (CID)-
Learning Resource Management and Development System (LRMDS).
Maaariitongkopyahin para salayuning pang-edukasyon at maaringhilingin ang
pahintulotsanagmamay-arinito. Ang panghalaw o pagpapaunladnito ay
maaaringgawin, ibigaylamang ang karapatangpagkilalasaorihinalnalumikha.
Hindi pinahihintulutan ang paghalaw ng anumanglikhamularito kung ang
layunin ay pangkomersiyo o pagkakakitaan.

ii
PAUNANG SALITA
Ang modyulnaito ay isang proyekto ng Curriculum
Implementation Division partikular ang Learning Resource
Management and Development Unit, Kagawaran ng Edukasyon,
Schools Division ng Baguio City bilang tugonsa pagpapatupad ng K-12
Kurikulum.

Naglalayon itong mapataas ang performans ng mga mag-aaral


particular sa Araling Panlipunan 3.

Petsa ng Pagkakagawa : Enero, 2021

Lokasyon : Baguio City

Asignatura : AralingPanlipunan

Baitang :3

Uri ng Materyal : Modyul

Wika : Filipino

Markahan/Linggo : Q3/W1

KasanayangPampagkatuto :Nailalarawan ang kultura ng


mga lalawigan sa
Kinabibilangang rehiyon
AP3PKR-IIIa-1

iii
PASASALAMAT

Ang manunulat ay lubos na nagpapasalamat sa mga taong tumulong


sa pagbuo ng modyul na ito. Ang katuparan ng pag-aaral na ito ay hindi
nagging matagumpay kung wala ang mga taong ito na nagbigay ng kanilang
suporta, tulong at kooperasyon:
Kay Dr. Marina D. Tabangcura, ang Pansangay na Tagamasid sa
AralingPanlipunan, sa kaniyang walang humpay na paggabay at tiyaga sa
pagbibigay –linaw sa mga mahahalagang impormasyon tungo sa pagsusulat.
Sa Punong Guro ng Baguio Central School, Gng. Esther K. Litilit; kay Gng.
Renita E. Laranang, Assistant Principal; Gng. Carina G. Walsiyen at Bb.
Merlyn M. Lapada, mga dalub-guro, sa walang sawang pagbibigay ng
inspirasyon at patuloy na gumagabay sa mga guro sa paggawa ng mga
kagamitang panturo.
Kay Gng. Benieve P. Laquiao sa pagbahagi ng etnikong larawan para
sa module.
Sa pamunuan ng LRMDS na naglaan ng kanilang kagalingan upang
ibahagi ang mga kinakailangang impormasyon na nagamit.
Higit sa lahat, sa Maykapal na nagbigay ng katatagan, lakas, patnubay,
karunungan, kaalaman, walang hanggang biyaya at determinasyon upang
matapos ang modyul na ito.

Development Team
Developer/s: Jessa P. Cadio
Layout Artist:
Illustrator:

School Learning Resources Management Committee


Esther K. Litilit School Head / Principal
Merlyn M. Lapada Subject / Learning Area Specialist
Renita E. Laranang School LR Coordinator

Quality Assurance Team


Marina D. Tabangcura EPS – AralingPanlipunan
Lourdes B. Lomas-e PSDS – District 6
Armi Victoria A. Fiangaan EPS-LRMDS
Learning Resource Management Section Staff
Armi Victoria A. Fiangaan EPS – LRMDS
Christopher David G. Oliva Project Development Officer II – LRMDS
Priscilla A. Dis-iw Librarian II
Lily B. Mabalot Librarian I

CONSULTANTS

JULIET C. SANNAD, EdD


Chief, Curriculum Implementation Division – CID

CRISTOPHER C. BENIGNO
OIC, Asst. Schools Division Superintendent

MARIE CAROLYN B. VERANO, CESO V


Schools Division Superintendent

iv
TALAAN NG NILALAMAN
Pahina

Paunawa Hinggil sa Karapatang Sipi ………………………………………….i

PaunangSalita …………………………………………………………………..ii

Pagkilala ………………………………………………………………………….iii

Talaan ng Nilalaman ……………………………………………………………iv

PahinangPamagat ………………………………………………………………1

Alamin ……………………………………………………………………………..2

Mga Inaasahang Matutuhan ……………………………………………………..3

Subukin …………………………………………………………………………...4

Balik-aral ………………………………………………………………………….5

Tuklasin …………………………………………………………………………...5

Suriin ………………………………………………..…………………………….6
……………………………………………………………………………...13

Pagyamanin ……………………………………………………………….……14

Gawain 1 …………………………………………………………………..15

Gawain 2……………………………………………………………………15

Gawain 3……………………………………………………………………17

Isaisip …………………………………………………………………………….16

Isagawa ………………………………………………………………………….. 16

Tayahin …………………………………………………………………………...17
Karagdagang Gawain …………………………………………………………. 17

Susi sa Pagwawasto …………………………………………………………..… 18

Talangsanggunnian ………………………………………………………………19

v
Kultura ng
mgaLalawigan
saKinabibilangang
Rehiyon
Modyul sa
Araling Panlipunan 3
Ikatlong Markahan. Ikalawang Linggo

JESSA P. CADIO
Tagapaglinang ng Modyul

Kagawaran ng Edukasyon • Rehiyon ng Cordillera.


Dibisyon ng Lungsod ng Baguio

-1-
ALAMIN

Maligayangaraw at pinauuna ko na ang aking pagbati


dahil nagsisikap ka upang matuto.
Ating pag-aaralan sa modyul na ito ang tungkol sa
mayamang kultura ng Rehiyong Cordillera. Ang kultura ay
mga kaugalian, tradisyon,paniniwala, pagdiriwang,
kagamitan, awit, sining at iba pa.
Angkultura ay mga pinaghalong impluwensya ng mga
katutubong unang nanirahan ditto sa ating rehiyon. Sa
modyul na ito ay iyong mapapag-aralan ang kulturang mga
taong nakatira sa mga lalawigang kasali sa Rehiyong
Cordillera. Ano-anong kultura ng mga tao ang mayroon sa
ating rehiyon? At ano naman ang mga nagpapatuloy at
nakikita pa rin hanggang ngayon?

Ihanda ang iyong sarili sa isang paglalakbay sa pagsuri


at pag-unawa sa ating layunin.

Taglay ng modyul na ito ang sumusunod na bahagi;

1. Subukin – Ang bahaging ito ang susukat kung gaano na


kalawak ang nalalaman mo tungkol sa paksang layunin.

2. Balikan – Ito ang pagbalik-tanaw sa mga naunang paksa


upang ito ay maiugnay sa kasalukuyang aralin.

3. Tuklasin– Ito ay pagsagot sa gawain na magbibigay ng


panimulang kaalaman upang maiugnay mo ito sa konsepto
ng paksa na iyong pag –aaralan sa modyul na ito.

4. Suriin– Ito ay pagtalakay sa mga konsepto tungkol sa


pagsuri at pag-unawa sa layunin.

5. Pagyamanin- Ito ay mga gawain at pagsasanay para


mas lalo mong malinang ang iyong kabihasaan tungkol sa
mga kasanayan na dapat mong matamo sa modyul na ito.

-2-
6. Isaisip – Inaasahan na sa bahaging ito ng modyul ay
makakagawa ka ng paglalahat ukol sa layunin.

7. Isagawa- Nakapaloob dito ang mgapaglalapat ng


mgakaalaman at kasanayang prinsipyong nakapaloob sa
mga bawat aralin. Ito rin ay bahagi kung saan inaasahang
may aplikasyon ito sa iyong buhay.

8. Tayahin - Bahagi ng modyul na kung saan sasagutan mo


ang panghuling pagsusulit.

9. Karagdagang Gawain – Ito ay ang bahagi na


magkakaroon ka ng karagdagang gawain para mas
malinang ang iyong kaalaman at kasanayan maliban sa
mga gawain at pagtataya na natapos mo sa modyul na ito.

Inaasahang maipamamalas mo na kasanayan

Nailalarawan ang kultura ng mga tao sa mga


lalawigan sa kinabibilangang rehiyon.

-3-
SUBUKIN

Sukatin natin kung ano ang nalalaman mo sa paksang


Ating tatalakayin. Nais kong maingat mong pag-
aralan ang bawat pahayag.

Panuto: Piliin ang tamang impormasyon gamit ang “cultural


map” sa ibaba. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Wika: ________
a. Iloko 4. Produkto:
b. Pangasenense a. Kawayan
c. Waray b. Strawberry
c. Kape

2.Pangunahing
hanapbuhay:
a. Pagsasaka
b. Pangingisda
c. Pagtitinda
c.

3.Sinaunang
Kasuotang 5. InstumentongMusikal:
pang ibaba ng a. biyolin
lalaki: b. gitara
a.Kimona c. gangsa
b. Ku’val
c. Alugandi

-4-
BALIKAN

es
Sa nakaraang aralin, natutuhan mo ang pinagmulan
ng iyong kinabibilangang lungsod. Balikan mo muna ang
nakaraang aralin at mga kasanayan na iyong natamo.

Ang Lungsod ng Baguio ay nagsimula bilang isang


kabundukang binabalot ng napakadami at makakapal na
puno habang ang lupain nito ay natatakpan ng berdeng
mga damo. Ito ay tinatawag noon bilang “Kafagway”. Dahil
sa ganitong kapaligiran, ito ay may natural na klimang
malamig.
May pagbabago sa ilang kinagisnan kultura ng mga tao sa
lungsod at sa ibang lalawigan ng Cordillera dahil sa
pagdating ng mga banyaga, pagkakaroon ng
makabagong teknolohiya at pag -unlad ng lugar.

s
TUKLASIN

ves Ikinagagalak ko ang matagumpay mong


pagsagot sa mga katanungannang
nakaraang aralin. Sa bahaging ito ay
iyong tuklasin ang bagong aralin. Halika
at unawain mo ito.

Ang bawat lugar sa ating rehiyon ay may


nakagawiang pamumuhay na nagpasalin-salin mula sa mga
ninuno hanggang sakasalukuyan. Nakikita ito sa pang-araw-
araw na buhay ng mga tao. Nariyan ang mga tradisyon at
paniniwala, pagdiriwang panlalawigan, kagamitan,
kasabihan at pananaw, mga awit at iba pang anyo ng
sining.

-5-
SURIIN

Ngayon pag-aralan natin ang mga kultura ng


tao sa mga lalawigan sa kinabibilangang
rehiyon.

Ang Kultura ay kabuuan ng mga tradisyon, paniniwala,


kaugaliang natutuhan ng tao mula sa kanyang
pakikisalamuha sa pamayanan o lipunang kanyang
kinabibilangan. Ito rin ang humuhubog kung paano
namumuhay ang mga tao sa kinabibilangang rehiyon.
Ang Rehiyon Cordillera ay binubuo ng anim na lalawigan
at dalawang lungsod. Ito ang Benguet, Abra, Apayo, Mt.
Province, Kalinga at Ifugao. Ang dalawang lungsod
naman ay ang Lungsod ng Baguio at Lungsod ng Tabuk.

Dalawang uring Kultura

Materyal Di- Materyal


(Mga kulturang nakikita at (Mga kulturang nakikita at hindi
nahahawakan) nahahawakan)
1. Kasangkapan 1. Edukasyon
2. Kasuotan 2. Kaugalian
3. Pagkain 3.Paraan ng
4. Tahanan pamamahala
5. Teknolohiya 4.Paniniwala
6. Sining 5.Relihiyon
6.Sining
7.Kaalamang Pang-
agham
8 Wika

-6-
MgaMateryal na Kultura

Kasangkapan

Mayroon ng kasangkapan
ang ating mga ninuno bago pa
man dumating ang mga banyaga.
Ang kayabang ay ginagamit na
pinaglalagyan ng gulay at prutas
na inaani. Ito ay gawa sa kawayan Kayabang
at nakalagay sa likuran ng ulo ng
mga kababaihan at orihinal na
ginagamit upang magdala ng
mga pananim, gulay at prutas na
naani mula sa mga bukid.

Mga halimbawa nito ang gangsa


at solibao, Pasiking

gangsa Solibao
mga instrumentong ginagamit sa tuwing may mga
pagdiriwang o okasyon.

-7-
Kasuotan

Katangi-tangi rin ang pananamit ng ating mga ninuno.


Nagkakaiba-iba sila ayon sa kanilang pinagmulan at pag-
aangkop sa klima ng kapaligiran. Sa kasalukuyan,
karaniwan na ang modernong kasuotan sa rehiyon na
impluwensya ng mga banyaga.Ngunit sa mga espesyal o
pormal na okasyon o pagdiriwang nakikita ang mga
Cordilleran na nagsusuot ng mga kasuotang etnikong
hinabi. Sa mga kasuotang ito nasasalamin ang
pagkamalikhain ng mga Cordilleran. Mapapansin sa mga
nahabing kasuotan ang sining ng mga taga-Cordillera
pati na ang kagalingan nila sa paghahabi (weaving).

Narito ang mgahalimbawa ng kanilang mga kasuotan :

Lufid

Ku’val
Wanes
Baag
Gitap

Sa’dey

Dingwa

Devit

-8-
Badio

Bahakat

Bahakat

Kimona

T
olg
e
2019 DIvisionIPEd Festival - Showcase of Attires

Mga Katawagan sa Kasuotan

Benguet Abra
Pambabae Pambabae
Sa’dey –pantaas na kasuotan Kimona –pantaas
Devit- Pang-ibabang nakasuotan
kasuotan. Dingwa- Pang-ibabang
Panlalaki kasuotan na yari sa telang
Ku’val- tawagsa pang piningilan.
ibabang kasuotan Panlalaki
Baag- tawag sa pang
ibabang kasuotan

Mountain Province Kalinga


Pambabae Pambabae
Lamma –pantaas na Alugandi –pantaas na
kasuotan kasuotan
Gitap- Pang-ibabang Ginamat- Pang-ibabang
kasuotan. kasuotan.
Panlalaki Panlalaki
-9-
Wanes- tawag sa pang Baag- tawag sa pang
ibabang kasuotan ibabang kasuotan

Apayao Ifugao
Pambabae Pambabae
Badio –pantaas na kasuotan Lamma –pantaas na
Bahakat Pang-ibabang kasuotan
kasuotan. Tolge Pang-ibabang
Panlalaki kasuotan.
Badio- tawag din sa pang Panlalaki
taas na kasuotan ng lalaki. Wano- Kasuotang pang
Abag- Kasuotang pang ibaba.
ibaba.

Pagkain:
Noong unang panahon pangangaso at
pangingisda ang mga pangunahing paraan ng
pangunguha ng pagkain ng ating mga
ninuno.Nanggagaling ang kanilang mga pagkain sa
kagubatan, karagatan at ilog. Dahil sapag- unlad ng
rehiyon, marami na rin ang pinagkukunan ng
pangunahing pangangailangan.
Ilan sa mga pagkaing madalas inihahains a
Cordillera ay ang pinikpikan, etag, kamote, saba,
binungor, sinapan at mais. Sa paglipas ng panahon,
ibat-ibang pagkain na rin ang kinakain ng mga
Cordilleran.

- 10 -
Tahanan

Ang Bale ay tradisyunal na


bahay ng mga Ifugao.Ito ay yari sa
pawid, kahoy, kawayan, sawali at
kugon. Ang mga materyales ay
ginagamit para maging malamig ang
pakiramdam sa loob ng bahay.Dahil
sa pagbabago ng klima, panahon at
pag-unlad ng lalawigan, nagkaroon
na rin ng bagong disenyo at materyales ang mga tirahan sa
lalawigan.

Sa kasalukuyan, maraming mga tirahan sa Cordillera


ang may modernong disenyo na yari sa mga matibay at
makabagong mga materyales gaya ng semento, bakal at
iba pa. Pero may mga tradisyunal na tirahan pa rin sa mga
lalawigan ng rehiyon.

Mga Di-Materyal na Uri ng Kultura

Edukasyon

Malaki ang pagpapahalaga ng mga mamamayan sa


rehiyon sa edukasyon. Maliban sa mga natutunan sa
pamilya at komunidad, sila ay nag-aaral upang malinang
ang kaalaman at kasanayan at mapauunlad ang
kabuhayan ng pamilya at komunidad. Ang pagkakaroon ng
mga paaralan at unibersidad sa rehiyon ay patunay na
maraming mga kabataan o mag -aaral ang gusting
makapag -aral.

Kaugalian

Maraming kaugalian ang ating mga ninuno na na


isasabuhay hanggang sa kasalukuyan. Ang paggalang sa
mga nakakatanda, ang pagtutulungan at pagmamalasakit
sa pamilya at sa pamayanan. Ang pag-aalaga sa
kapaligiran at mga pinagkukunan at ang pag –iingat na

- 11 -
hindi makasakit o makagawa ng masama sa kapwa. Isang
halimbawa ng katutubong pagpapahalaga sa Cordillera ay
ang tinatawag nating Inayan na ang tunay na diwa ay
pagtataguyod ng kabutihan.Ang ibig sabihin ng "inayan" ay
pigilan o pigilin ang isang tao sa paggawa ng isang bagay
na hindi kasiya-siya.Hindi dapat gumawa ng masama sa
kapwa. At sa kabaligtaran ng linya, gumawa ng
mabubuting bagay at susuklian ka rin ng kabutihan.

Pamahalaan o Paraan ng Pamamahala

Noon pa man ay may kaalaman na sa pamamahala


ang ating mga ninuno. May mga tinatawag na lupon ng
matatanda. May sistema sila kung paano ayusin ang hindi
pagkakaintindihan ng mga kasapi ng pamilya o
pamayanan.
Ang mga desisyon o pagpapasiya ng mga matatanda ay
iginagalang ng mga taong sangkot sa hindi
pagkakaintindihan.

Sining

Mayaman sa sining ang rehiyon. Makikita ito sa mga


gawaing pangkabuhayan, pagdiriwang, paglilibang at mga
disenyo sa kagamitan, kapaligiran at iba pa.

Ang Lungsod ng Baguio ay napabilang sa Most Creative


City dahil sa galing ng sining na ipinamalas ng mga
magagaling at malikhaing mga Artist ng rehiyon.

Matatagpuan sa Ifugao ang Hagdan-hagdang Palayan na


kinilalang “8th Wonder of the World” at ang galing ng mga
mamamayan dito sapag- uukit ng kahoy.

Makikita ang mga ukit sa ibang bahagi ng bahay ng


ating mga ninuno. Iba-iba rin ang disenyo at hugis ng
kanilang mga kagamitan.

- 12 -
Ang sining ay maaaring di-materyal at material na
kultura halimbawa ng materyal ay ang mga nagawang
sining pintor at iskultura.

Ang pagkahilig nila sa sining ay ipinapakita rin sa mga


tattoo sa katawan. Ito ay isang simbolo ng katayuan sa
buhay o katapangan ng mga mandirigma. Narito ang
halimbawa ng mga tattoo.

Ang paghahabi ay isang malikhaing sining ng ibang


mamamayan sa rehiyon. Malaki ang naitutulong ng
kasanayan sa paghahabi. Kung minsan, ito ay pinagkukunan
ng kita ng pamilya.

Wika

Iloko ang ginagamit ng karamihan sa rehiyon. May wika


ring ginagamit ng mga etnikong grupo gaya ng
Kankanaey, Ibaloi, Bontok, Kalinga, Isneg, Ifugao at iba
pa.

Maituturing na nspakayaman ng rehiyon sa kultura lalo


na ang mga katutubong sistema at pamumuhay.
Aalagaan at pagyamanin ang nasabing kultura dahilt
andito ang pagkakakilanlan saan man tayo naroroon.

- 13 -
PAGYAMANIN

Gawain 1

Panuto: Isulat sa talahanayan ang pangalan ng mga


sumusunod na larawan sa tamang pangkat.

Gulay Iskultur Gangsa

Tapis Pinikpikan Etag

Bahay kubo Solibao Bahag

Kasangkapan Pagkain Kasuotan Tahanan


1. 1. 1. 1.

2. 2. 2. 2.

- 14 -
Gawain 2

Magtala at iguhit sa kahon ang kultura ng iyong


kinabibilangang rehiyon na nais mong mapanatili.
Itala rin kung bakit mo ito gustong mapanatili.

Gawain 3

Panuto: Magbigay ng halimbawa ng mga sumusunod


na kultura na matatagpuan sa Cordillera.
A. Kasuotan
1.
2.

B.Pagkain
1.
2.

C. Tahanan

1.
2.

- 15 -
ISAISIP

ves
Sa bahaging ito ng modyul, ikaw naman ay
magbabahagi ng iyong mga natutunan tungkol sa
ating layunin. Punan ng angkop na salita ang
patlang sa ibaba upang mabuo ang talata.

Ang aking bagong natutunan ay tungkol sa


___________________________________________________________

________________________________________. Aking napag-


alaman na ito ay nahahati sa dalawang uri. Ito ang
_______________________________ at ________________________ .

ISAGAWA

Isulat ang OO kung ang kultura ay nabibilang sa


rehiyon at hindi kung ito naman ay hindi nabibilang sa
kultura ng Cordilleran.

__________________ 1. Ati-Atihan Festival


_________________ 2. Ang gangsa at solibao,mga
Instrumentong ginagamit sa tuwing
may mga pagdiriwang o okasyon.
___________________3. Vakul ang gamit bilang
Pananggalang sa araw ng mga
Ivatan ng Batanes.
___________________4. Kankanaey, Ibaloi, Bontok, Kalinga,
Isneg at Iloko ang mga wika ng mga

- 16 -
tao.
___________________5. Ku’val ang karaniwangisinusuot ng
mga kalalakihan sa Benguet tuwing may tradisyon na
kaganapan o programa.

TAYAHIN
Kulayan ang mga sumusunod
na larawan kung ito ay
nagpapakita ng kultura ng mga lalawigan ng
rehiyon.

- 17 -
Susi saPagwawasto

SUBUKIN

1.Wika:A
2:HanapbuhayA 3.atutubong kasuotan: C

4.ProduktoC 5: Instromentong musical


Pagyamanin C
Gawain 1
Isaisip
Kasangkapan Pagkain Kasuotan Tahanan
Ang aking bagong natutunan ay
1.Solibao 1.etag 1.Tapis 1.Solibao tungkol sa__________________ Aking
napagalaman na ito ay nahahati sa
dalawang uri ang
2.gongs 2.pinikpikan 2.Bahag
_______________________________ at
_____________________________________ .

Gawain 2 Isagawa
1. Hindi
2. OO Tayahin
3. hindi
4. OO
5. OO

Gawain3 Karagdagang Gawain


A.Kasuotan
1. Rubrik saPagguhit ng larawan
2.
5-Lubos naipinamalas ang pagkamalikhain at naangkopsa
B. Pagkain paksa.
1. 4-Malikahin at naangkopsapaksa.
2. 3-Hindi gaanongmalikhain.
C. Tahanan 1-Walang ipinamalasnapagkamalikhain
1.
2.

- 18 -
TALASANGGUNIAN

Department of Education.2015.Aralingpanlipunan – IkatlongBaitang,


Kagamitan ng Mag-aaralsa Tagalog. Pasig City. Department of
Education

Department of Education. 2019. AralingPanlipunan-IkatlongBaitang,


Kagamitan ng Mag-aaral. Cordillera Administrative Region.
Department of Education

AralingPanlipunan-IkatlongBaitangKagamitan ng mag-aaral –
Cordillera Administrative Rehiyon Unang Edisyon 2019
Philippine Basketry of the Luzon Cordillera from the Fowler Museum at UCLA |
SFO Museum

BAGUIO CITY, PHILIPPINES (stemonegrouptwo.blogspot.com)

Philippines Traditional Music Instrument.... — Steemit

Tattoos in the Cordillera | Inquirer News

https://pinoy-culture.tumblr.com/

Wooden crafts of Benguet by machidiel on DeviantArt

Philippine Folk Dance – JPMANZANO (wordpress.com)

(203) Pinterest

Baguio, Philippines - December 23, 2019: View of Houses in Baguio City,


Philippines Stock Photo - Alamy

KANKANA-EY GROUP: It's All About Kankana-ey (johnrasalan.blogspot.com)

(211) Pinterest

Educational Blog (home.blog)

RENT-C091 Igorot Costume Female (Kalinga Tribe) (mommyslist.co)

Native dress, Banaue Museum - Ifugao - Wikipedia

Baguio City: Cordillera Gateway | Go Baguio!

- 19 -
SLU, UB, and BSU Released Enrollment Schedules | BCG News
(baguiocityguide.com)

https://en.wikipedia.org/wiki/Cordillera_Administrative_Region#/media/File:Ph
_cordillera.png

Shopee Philippines | Buy and Sell on Mobile or Online, Best Marketplace For
You

‘Inayan’ to a Cordilleran – HERALD EXPRESS | News in Cordillera and Northern


Luzon (baguioheraldexpressonline.com)

Filipino Culture - Expat.com.ph

Library of free clip art transparent download images for chinese new year png
files ►►► Clipart Art 2019

- 20 -

You might also like