Mahalin Mo Ang Diyos Na Iyong Panginoon

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Topic: Mahalin mo ang Diyos na iyong Panginoon

Text: John 14: 21-23


Intro (Panimula)
Kung may magtatanong sa iyo, “mahal mo ba ang Panginoon?”, alam natin na ang
tamang kasagutan ay oo.
- Ngunit hindi sapat ang salita lamang bilang pruweba ng ating pagmamahal.
- Maraming tao, maging kristiyano, ay hindi lubusang naiintindihan kung paano
mahalin ang Panginoon.
- Kahit ang mga taos-pusong mananampalataya ay maaaring magkamali dito dahil sa
maling paniniwala tulad ng:
1. Napagpapalit o napagbabaliktad ang Pananamapalataya at Pagkatakot sa
Panginoon bilang Pagmamahal sa Diyos.
2. nalilito sa pagitan ng ating pangangailangan sa Panginoon at pagmamahal sa
Kaniya.
3. Ginagamit ang pagseserbisyo sa Panginoon bilang pagpapakita ng pagmamahal
sa Kaniya.
4. Inaakala na ang ating pagbibigay ay palaging pagpapakita ng pagmamahal sa
Kaniya.
5. Pag-aakala na ang mga aksyong relihiyoso ay katumbas ng pagmamahal sa
Panginoon.
Ang pag-awit, pangangaral, pagtuturo, at pagpapakalat ng ebanghelyo (gospel) ay
maaaring hindi nagpapakita pagmamahal sa Panginoon kung ito ay ginagawa
lamang dahil sa obligasyon.
(1 Corinthians 13:1-3)
I. Paano ba mahalin ang Panginoon? (Deutronomy 6:5/ Matthew 22:37)
a. Mahalin mo ang Diyos nang buong puso (kaloob-looban ng tao)
b. Mahalin mo ang Diyos nang buong kaluluwa (emosyonal)
c. Mahalin mo ang Diyos gamit ang isip (mental)
d. Mahalin mo ang Diyos gamit ang iyong buong lakas (pisikal)

II. Bakit dapat nating mahalin ang Panginoon?


a. Ang Panginoon ang lumikha satin. (Genesis 1:27)
b. Ang Panginoon ang umako sa ating mga kasalanan (Psalms 85:2)
c. Ang Panginoon ang nag-utos nito sa atin (John 14:15) (Comfort)
d. Ang Panginoon ay may pangako sa atin. (Hebrews 13:5)
- Hindi tayo iiwan at ipagkakalalo ng Panginoon (Hebrews 13:5)
- Ibibigay ng Panginoon ang ating pangangailangan. (Philippians 4:19)
- Sasagutin ng Panginoon ang ating mga panalangin. (Matthew 7:7)
- Pinatawad na ng Panginoon ang ating mga kasalanan. (1 John 1:9)
- Pinupuno tayo ng Panginoon ng banal na espirito na nagbibigay lakas satin upang
mamuhay nang masagana at produktibo.
- May plano ang Panginoon na inihanda para sa atin sa langit. (John 14:2)
- Bibigyan niya tayo ng perpektong katawan sa kabilang buhay
- Bibigyan niya tayo ng walang-hanggang buhay ressurected
III. Ano ang mga ebidensiya sa pagmamahal natin sa Panginoon?
a. Ang ating kagustuhan na sumunod at magserbisyo para sa Panginoon (John
14:23)
b. Ang ating kasiyahan na magbigay-puri at magpasalamat sa Panginoon.
(Psalms 112:4)
c. Ang ating determinasyong ipamahagi ang Panginoon at kaniyang salita sa
ibang kaluluwa.
d. Ang ating determinasyong magtiis para sa Panginoon.

Konklusyon:
“Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, Kung ang sinoman ay umiibig sa akin, ay
kaniyang tutuparin ang aking salita: at siya'y iibigin ng aking Ama, at kami'y pasasa kaniya,
at siya'y gagawin naming aming tahanan.
John 14:23

You might also like