Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 15

9

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan:
Ikaapat na Linggo

Kagawaran ng Edukasyon
1
– Rehiyong MIMAROPA
ARALING PANLIPUNAN
Kwarter IV – Linggo 4
Dahilan at Epekto ng Suliranin
ng Sektor ng Agrikultura,
Pangingisda, at Paggugubat

CONTEXTUALIZED LEARNING ACTIVITY SHEETS


SCHOOLS DIVISION OF PUERTO PRINCESA CITY
Araling Panlipunan – Baitang 9
Contextualized Learning Activity Sheets (CLAS)
Kwarter IV – Linggo 4: Dahilan at Epekto ng Suliranin ng Sektor ng Agrikultura,
Pangingisda, at Paggugubat
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin
ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit
sa CLAS na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring
iyon. Ang anumang gamit maliban sa CLAS na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anumang parte ng
materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang
walang pahintulot ng Kagawaran.
Bumubuo sa Pagsusulat ng Contextualized Learning Activity Sheets
Manunulat: Baby Sairine S. Cabaṅa
Pangnilalamang Patnugot: Imelda V. Villegas, Villaflor C. Ocampo
Editor: Jonah A. Heredero
Tagawasto: Villaflor C. Ocampo
Tagasuri: Marites L. Arenio, Villaflor C. Ocampo, Rodney M. Ballaran,
Carissa M. Calalin, Jouilyn O. Agot, Gee-Ann B. Tamayo

Tagaguhit: Ernesto S. Lerio


Tagalapat: Ruben T. Orocio Jr.
Tagapamahala:
Servillano A. Arzaga, CESO V, SDS
Loida P. Adornado PhD. ASDS
Cyril C. Serador PhD. CID Chief
Ronald S. Brillantes, EPS-LRMS Manager
MaritesL. Arenio, EPS-Araling Panlipunan
Fe O. Cabasal, PSDS
Eva Joyce C. Presto, PDO II
Rhea Ann A. Navilla, Librarian II

Pandibisyong Tagasuri ng LR: Ronald S. Brillantes, Rodney M. Ballaran,


Carissa M. Calalin, Enrile Abrigo Jr., Jouilyn O. Agot

Inilathala ng Dibisyon ng Lungsod ng Puerto Princesa


Division of Puerto Princesa City-Learning Resource Management Section (LRMS)
Sta. Monica Heights, Brgy. Sta. Monica, Puerto Princesa City
Telephone No.: (048) 434 9438
Email Address: puertoprincesa@deped.gov.ph
Aralin 1
Dahilan at Epekto ng Suliranin
ng Sektor ng Agrikultura, Pangingisda,
at Paggugubat

MELC: Nasusuri ang mga dahilan at epekto ng suliranin ng sektor ng agrikultura,


pangingisda, at paggugubat

Mga Layunin:
1. Naiisa-isa ang mga dahilan ng suliranin ng sektor ng agrikultura,
pangingisda, at paggugubat.
2. Naipaliliwanag ang mga epekto ng suliranin ng sektor ng agrikultura,
pangingisda, at paggugubat.
3. Nasusuri ang mga dahilan at epekto ng suliranin ng sektor ng
agrikultura, pangingisda, at paggugubat.

Subukin Natin

Panuto: Unawain mo ang mga katanungan at isulat ang titik ng tamang


sagot sa patlang bago ang bilang.

_______1. Nalungkot si Aling Marta ng malamang may imported na karneng baboy ang
dumating sa palengke na kaniyang pinagtitindahan dahil sa mas mura ito kumpara sa tinda
niyang lokal na karne ng baboy. Bakit naging dahilan ng suliranin ng agrikultura ang
pagdagsa ng dayuhang kalakal?
A. Hindi tinatangkilik ng mga Pilipino ang gawa ng ibang bansa.
B. Nagdala ng katamaran ang mga produktong galing sa ibang bansa.
C. Hindi ito suliranin na maituturing dahil mababait ang mga negosyanteng Pilipino.
D. Nahihirapang makipaglaban sa murang presyo ng produkto mula sa ibang bansa.
_______2. Si Jemjem ay isang mag-aaral na naniniwalang ang climate change ay dahilan ng
suliranin sa agrikultura, ano ang maaari niyang gawin upang masolusyonan ang problemang
ito sa kaniyang sariling pamamaraan?
A. Pagsaway sa mga dayuhan at ibang tao na huwag magtapon ng basura sa karagatan.
B. Pag-share sa Facebook/Twitter at Instagram ng mga impormatibong impormasyon na
nagtataguyod sa pangangalaga ng kalikasan.
C. Pagsali sa Pista Y ang Kagueban - pagtatanim ng puno at iba pang programa ng
pamahalaan na naglalayong madagdagan ang puno sa mga kapaligiran.
D. Tama ang lahat ng pahayag sa letra A, B at C kung saan nagpapakita ng pagsuporta
at paglutas sa suliranin sa climate change.
_______3. Alin sa sumusunod na pahayag ang HINDI kabilang sa suliraning kinakaharap ng
mga magsasaka?
A. Paggamit ng teknolohiya.
B. Pagtaas ng suplay ng salapi.
C. Pagliit ng lupang pansakahan.
D. Kakulangan ng mga pasilidad at imprastruktura sa kabukiran.

1
_______4. Si Mang Lito ay isang mangingisda at isa sa problema na kanilang kinakaharap ay
ang mapanirang operasyon ng malalaking komersiyal na mangingisda, ano ang epekto ng
problemang ito sa mga mangingisda?
A. Pagkasira ng mga coral reefs na tahanan ng mga isda.
B. Pagkasira ng tahanan ng mga mangingisda dahil sa bagyo.
C. Ang komersiyal na pangingisda ay walang epekto sa mga mangingisda.
D. Pagdami ng bilang ng mga mangingisdang walang makain dahil sa pandemya.
_______5. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa dahilan ng suliranin sa agrikultura?
A. Kakulangan ng trabaho sa bansa.
B. Lumalaking populasyon sa bansa.
C. Kahirapan sa hanay ng mga mangingisda.
D. Pagbibigay prayoridad sa sektor ng industriya.
_______6. Ang lumalaking populasyon sa bansa ay isa sa dahilan ng suliranin sa pangingisda.
Alin sa sumusunod ang posibleng epekto ng suliraning ito?
A. Wala itong magiging epekto dahil marami ang isda sa karagatan.
B. Ang mga isda ay madaragdagan din ng kusa kasabay ng pagdami ng tao at hindi
mauubos.
C. Dahil sa patuloy na pagdami ng tao ay maaaring magdulot ito ng kahirapan na sa
kalaunan ay kakulangan sa pagkain.
D. Dahil sa pagdami ng tao ay hindi na magtatrabaho ang mga mangingisda at uupo na
lamang at mag-iisip ng plano sa buhay.
_______7. Ang Thrawl Fishing ay isang paraan ng pangingisda na gumagamit ng malalaking
lambat na may pabigat, hinihila upang mahuli ang lahat ng isdang madaanan. Alin sa mga
pahayag ang epekto ng ganitong suliranin?
A. Nakadudulot ito ng pagbabago sa klima ng ating mundo.
B. Nasisira ang mga korales na nagsisilbing itlugan at bahay ng mga isda.
C. Nakakalbo ang kagubatan dahil inaabuso ng mga tao ang pagputol sa mga puno.
D. Wala itong epekto dahil isang araw lamang ang lilipas ay tutubo na ang mga korales.
_______8. Alin sa sumusunod ang dahilan ng pagpili at paglipat ng mga manggagawa at
mamumuhunan sa sektor ng industriya at iniiwanan ang sektor ng agrikultura?
A. Dahil sa bandwagon effect sa kasalukuyang panahon.
B. Gusto ng mga manggagawa at mamumuhunan ng mas mabigat na trabaho.
C. Nalungkot ang mga mamumuhunan sa agrikultura kaya sila lumipat ng ibang sektor.
D. Naging prayoridad ng pamahalaan ang pagbibigay ng proteksiyon sa mga favored
import sa pandaigdigang pamilihan.
_______9. Alin sa sumusunod na pahayag ang HINDI posibleng epekto sa problemang mabilis
na pagkaubos ng likas na yaman lalo na ng kagubatan?
A. Magkakaroon ng tirahan ang mga hayop at halaman.
B. Nagiging sanhi ito ng pagbaha na sumisira sa libo-libong ektaryang pananim.
C. Nababawasan ang suplay ng hilaw na sangkap na ginagamit ng mga industriya.
D. Naaapektuhan din ng pagkaubos ng mga watershed, ang suplay ng tubig na ginagamit
sa irigasyon ng mga sakahan.

_______10. Bakit ang pagpapatatag sa antas ng teknolohiya sa sektor ng agrikultura ang


nangangailangan ng agarang atensiyon ng pamahalaan?
A. Walang dapat baguhin sa sektor ng agrikultura.
B. Ang pamahalaan ay wala ng magagawang solusyon sa problemang ito.
C. Hindi na ito kailangan dahil hindi nakatutulong ang teknolohiya sa agrikultura.
D. Ang kakayahang mapataas ang produksiyon ng lupa ay higit na makakamit sa
pamamagitan ng paggamit ng teknolohiya.

2
Ating Alamin at Tuklasin

Ang sektor ng agrikultura ay isang mahalagang


tagapagtaguyod ng ekonomiya. Katuwang ito ng
pamahalaan sa pagpapalakas at pagtugon sa mga
Paghawan ng pangunahing pangangailangan ng mamamayan mula sa
Balakid pagkain hanggang sa mga sangkap ng produksiyon.
Gayunpaman ay mabagal ang pag-unlad ng sektor ng
Thrawl Fishing- agrikultura kung ikukumpara sa ibang sektor.
Pangingisda gamit Anong kasalukuyang solusyon ang ginagawa ng
ang malalaking pamahalaan, manggagawa sa sektor ng agrikultura at mga
lambat na may mamumuhunan? Bilang isang mag-aaral ano ang iyong
pabigat, hinihila maitutulong? Ang pinakatiyak na layunin ng bahaging ito
upang mahuli ang ay matutuhan mo bilang mag-aaral ang mga dahilan at
lahat ng isdang epekto ng suliraning pang-agrikultura, pangingisda at
madaanan paggugubat. Aalamin natin kung paano ka makababahagi
sa paglutas ng mga suliraning ito.
Halina’t simulan na natin.

Natatandaan mo pa ba ang nakaraang aralin? Nawa ay napagtanto mo na


ang bahaging ginagampanan ng agrikultura, pangingisda, at paggugubat sa
ekonomiya. Ang susunod na aralin ay tatalakay sa mga dahilan at epekto ng
suliranin ng sektor ng agrikultura, pangingisda, at paggugubat.

Suliranin sa Sektor ng Agrikultura

A. Suliranin sa Pagsasaka

1. Pagliit ng lupang pansakahan


Ang patuloy na paglaki ng populasyon,
paglawak ng panirahan, komersiyo, at industriya ay
nagdudulot ng pagliit ng mga takdang lupain para sa
pagsasaka. Kaakibat ng suliraning ito ang conversion
o pagpapalit ng mga kagubatan at kabundukan
upang maging pansakahan na nagiging dahilan ng
pagkasira ng natural na tahanan (natural habitat) ng
mga hayop at halaman.
2. Paggamit ng teknolohiya.
Ang kakayahang mapataas ang produksiyon ng lupa ay higit na makakamit sa
pamamagitan ng paggamit ng teknolohiya. Ang makabagong kaalaman sa paggamit ng
pataba, pamuksa ng peste, at makabagong teknolohiya sa pagtatanim ay magiging kapaki-
pakinabang lalo na sa hamon ng lumalaking populasyon. Ang pagpapatatag sa antas ng
teknolohiya sa sektor ng agrikultura ay nangangailangan ng agarang atensiyon ng
pamahalaan.

3
3. Kakulangan ng mga pasilidad at imprastruktura sa kabukiran.
Isa rin sa mga dapat na mabigyan ng atensiyon ay ang kakulangan sa mga
imprastrukturang magagamit ng ating mga magsasaka. Ang Batas Republika 8435
(Agriculture and Fisheries Modernization Act of 1997) ay naghahangad ng
modernisasyon sa maraming aspekto ng sektor upang masiguro ang pagpapaunlad
dito. Inaasahang sa wastong pagpapatupad ay matugunan ang ilang suliranin sa
irigasyon, farm-to-market-road, at iba pa.
4. Kakulangan ng mga suporta mula sa iba pang sektor.
Ang pagtutulungan sa loob at labas ng sektor ay magtutulak upang higit na
maging matatag ang agrikultura. Ayon sa Batas Republika 8435, ang pagtutulungan
ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan ay binigyang diin bilang suporta sa
implementasyon ng modernisasyon sa agrikultura. Ang pagsulong sa batas na ito ay
isang pagkilala sa napakaraming pangangailangang maaaring hindi kayanin ng
departamento nang mag-isa.
5. Pagbibigay-prayoridad sa sektor ng industriya.
Isa sa mga nagpahina sa kalagayan ng agrikultura ayon kina Habito at Briones
(2005) ay ang naging prayoridad ng pamahalaan sa pagbibigay ng proteksiyon sa mga
favored import sa pandaigdigang pamilihan. Mas binibigyan ng pamahalaan ng
proteksiyon at pangangalaga ang industriya. Dahil dito, nawawalan ng mga
manggagawa at mamumuhunan sa sektor ng agrikultura. Mas pipiliin pa nila ang
pumunta sa industriya dahil sa insentibo rito na nagbunga sa pagbaba ng produksiyon
at kita sa agrikultura.
6. Pagdagsa ng mga dayuhang kalakal.
Isang malaking kompetisyon ang kasalukuyang hinaharap ng bansa dulot ng
pagdagsa ng mga dayuhang kalakal. Maraming magsasaka ang nahirapang
makipaglaban sa presyo ng mga murang produkto mula sa ibang bansa. Bunga ito ng
pagpasok ng pamahalaan sa World Trade Organization (WTO) kung saan madaling
makapasok ang mga produktong mula sa mga miyembro nito. Kalaunan ay ipinagbili
na lamang ng mga magsasakang naapektuhan ang kanilang mga lupa upang maging
bahagi ng mga subdibisyon.
7. Climate Change.
Ang patuloy na epekto ng Climate Change ay lubhang nakaaapekto sa bansa
tulad ng pagdating ng bagyong Yolanda na may pambihirang lakas noong 2013.
Milyon-milyong piso ang halaga ng mga nasirang kabuhayan at personal na mga gamit.
Maaaring mabawasan ang epekto ng pagbabagong ito sa klima ng mundo kung
magkakaisa ang mga bansang iwasan ang dahilang magpapalala at nagpapabago sa
klima ng mundo.

B. Suliranin sa Pangisdaan

1. Mapanirang operasyon ng malalaking


komersiyal na mangingisda.
Ang malalaki at komersiyal na barko na
ginagamit sa paghuli ng mga isda ay nakaaapekto at
nakasisira sa mga korales. Bunga ito ng
pamamaraang thrawl fishing na kung saan ang mga
mangingisda ay gumagamit ng malalaking lambat na
may pabigat. Ito ay hinihila upang mahuli ang lahat
ng isdang madadaanan, maliit man o malaki. Dahil
dito, pati ang mga korales na nagsisilbing itlugan at
bahay ng mga isda ay nasisira. Kung hindi magbabago
at mapipigilan ang mga mangingisdang ito, darating
ang panahong mauubos ang mga isda na isa sa mga
pangunahing pagkain ng mamamayan.

4
2. Epekto ng polusyon sa pangisdaan.
Ang mga dumi ng tao, mga kemikal na sangkap sa mga abono o pataba na gamit sa
pagtatanim, at mga kemikal na mula sa pabrika ay pumapatay sa mga anyong-tubig ng
bansa. Dahil sa polusyon, ang mga yamang-tubig ay naaapektuhan at maaaring
makaapekto rin sa mga mamamayan sa pagdating ng panahon.
3. Lumalaking populasyon sa bansa.
Ang patuloy na pagtaas sa bilang ng mga mamamayang Pilipino ay nagdudulot ng
mataas na pressure sa yamang tubig ng bansa at sa lahat ng yamang-likas, sa kabuuan.
Kung hindi magkakaroon ng patuloy na pag-unlad, halimbawa sa teknolohiya,
mahihirapang makaagapay ang bansa sa lumalaking pangangailangan ng mamamayan
dulot ng pagdami ng tao. Dahil habang lumalaki ang bilang ng populasyon, unti-unti rin
ang pagbaba sa bilang ng mga yamang-dagat at lahat ng likas na yaman dahil sa dami ng
kumokonsumo.

4. Kahirapan sa hanay ng mga mangingisda.


Ang mga magsasaka at mangingisda ay isa sa may pinakamababang sahod na
natatanggap. Dahil dito, sila ay nabibilang sa mga pangkat na hikahos sa buhay. Ang
mababang kita sa uri na ito ng hanapbuhay ay hindi nanghihikayat sa mga batang
miyembro ng kanilang pamilya na manatili sa sektor. Dahil dito, karaniwan ng makikita
ang kanilang pagpunta sa mga kalunsuran upang makipagsapalaran.

C. Suliranin sa Paggugubat

1. Mabilis na pagkaubos ng mga likas na yaman


lalo na kagubatan.
Malawakan ang paggamit sa ating mga likas na
yaman. Mabilis na nauubos ito dahil sa mga
pangangailangan sa mga hilaw na sangkap sa
produksiyon tulad ng mga troso at mineral.
a. Nababawasan ang suplay ng mga hilaw na
sangkap na ginagamit ng mga industriya.
b. Nawawalan ng tirahan ang mga hayop kaya
hindi sila makapagparami.
c. Sanhi rin ito ng pagbaha na sumisira sa libo-libong ektaryang pananim taon-taon.
d. Naaapektuhan din ng pagkaubos ng mga watershed ang suplay ng tubig na ginagamit
sa irigasyon ng mga sakahan.
e. Ang pagkaubos ng kagubatan ay nagdudulot din ng pagguho ng lupa. Dahil sa kawalan
ng mga puno, natatangay ng agos ng tubig ang lupa sa ibabaw, kasama ang sustansiya
nito. Hindi nagiging produktibo ang mga pananim na itinatanim dito.

(Pinagkunan: Bernard R. Balitao, et al., Ekonomiks – Araling Panlipunan-Modyul para


sa Mag- aaral, Pasig City: Department of Education-Vibal
Publishing House, Inc., 2015, 310-314.)

5
Tayo’y Magsanay

Gawain 1
Panuto: Kompletuhin ang Fishbone Diagram at isulat ang tamang
impormasyon sa patlang.

MABABANG
KITA SA
SEKTOR NG
AGRIKULTURA

Gawain 2
Panuto: Suriin ang larawan at tukuyin ang angkop na salitang
maglalarawan nito. Isulat ito sa kahon sa ilalim ng bawat larawan.

Pagtotroso

Climate Change
1. _______________ 2. _______________
Thrawl Fishing

Farm-to-market-road

3. _______________ 4. _______________

6
Ano ang ibang dahilan ng pagbaba ng kita ng Agrikultura?

Ating Pagyamanin
Gawain 1
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang posibleng epekto ng bawat suliranin sa
pagsasaka na tinutukoy sa Hanay A.

Hanay A Hanay B
Dahilan Epekto
_______1. Pagliit ng lupang A. Farm-to-market-road.
sakahan. B. Milyong piso ang halaga ng mga nasirang
_______2. Paggamit ng teknolohiya. kabuhayan ng malalakas na bagyo.
_______3. Pagdagsa ng mga C. Nahihirapang makipaglaban sa presyo ng
dayuhang kalakal. mga murang produkto galing sa labas na
_______4. Climate Change bansa ang ating mga magsasaka.
_______5. Kakulangan ng mga D. Ang makabagong teknolohiya ay kailangan
pasilidad at imprastruktura upang mapataas ang produksiyon ng lupa.
sa kabukiran. E. Kailangang mas maging produktibo ang
mga natitirang lupain sa agrikultura,
kundi ay magdudulot na kakulangan sa
suplay.

Gawain 2
Panuto: Tukuyin ang sumusunod na pahayag. Isulat sa patlang ang T kung
tama at M naman kung mali.

________1. Sa pagkawala ng kagubatan, nagkakaroon ng tirahan ang mga hayop


kaya sila ay makapagpaparami.
________2. Ang patuloy na epekto ng Climate Change ay lubhang nakaaapekto sa
bansa tulad ng pagdating ng bagyong Yolanda.
________3. Kung hindi magbabago at mapipigilan ang Thrawl Fishing ay mauubos
ang mga isda sa karagatan.
________4. Ang patuloy na paglaki ng populasyon ay maaring magdulot ng
kahirapan na sa kalaunan ay kakulangan sa pagkain.
________5. Ang mga magsasaka at mangingisda ay isa sa may pinakamababang
sahod na natatanggap.

Paano ka makatutulong upang maiwasan ang suliranin ng sektor ng


agrikultura, pangingisda, at paggugubat?

7
Ang Aking Natutuhan

Gawain 1
Panuto: Punan ng angkop na salita ang bawat patlang upang mabuo ang
mga pangungusap. Pillin sa loob ng mga kahon ang tamang sagot.

pangisdaan likas yaman


sektor ng agrikultura sektor mangingisda

Ang ay may malaking kontribusyon sa ating pambansang


ekonomiya, ngunit mabagal ang pag-unlad nito kompara sa ibang sektor. Ito ay
dahil sa mga suliranin na kinakaharap sa pagsasaka, at
paggugubat. Isa sa suliranin sa pagsasaka ang kakulangan ng suporta mula sa iba
pang . Ang kahirapan sa hanay ng mga ay
suliranin din sa pangisdaan at ang malawakang paggamit ng ating mga
na ang epekto ay nababawasan ang suplay ng mga hilaw na sangkap na
ginagamit ng mga industriya ay suliranin naman sa paggugubat.

Ating Tayahin

Panuto: Unawain mo ang mga katanungan at isulat ang titik ng tamang


sagot sa patlang bago ang bilang.

_______1. Ang lumalaking populasyon sa bansa ay isa sa dahilan ng suliranin sa


pangingisda. Alin sa sumusunod ang posibleng epekto ng suliraning ito?
A. Wala itong magiging epekto dahil marami ang isda sa karagatan.
B. Ang mga isda ay madaragdagan din ng kusa kasabay ng pagdami ng tao at hindi
mauubos.
C. Dahil sa patuloy na pagdami ng tao ay maaaring magdulot ito ng kahirapan na sa
kalaunan ay kakulangan sa pagkain.
D. Dahil sa pagdami ng tao ay hindi na magtatrabaho ang mga mangingisda at uupo

8
na lamang at mag-iisip ng plano sa buhay.
_______2. Ang Thrawl Fishing ay isang paraan ng pangingisda na gumagamit ng malalaking
lambat na may pabigat, hinihila upang mahuli ang lahat ng isdang madaanan. Alin sa mga
pahayag ang epekto ng ganitong suliranin?
A. Nakadudulot ito ng pagbabago sa klima ng ating mundo.
B. Nasisira ang mga korales na nagsisilbing itlugan at bahay ng mga isda.
C. Nakakalbo ang kagubatan dahil inaabuso ng mga tao ang pagputol sa mga puno.
D. Wala itong epekto dahil isang araw lamang ang lilipas ay tutubo na ang mga korales.

_______3. Alin sa sumusunod ang dahilan ng pagpili at paglipat ng mga manggagawa at


mamumuhunan sa sektor ng industriya at iniiwanan ang sektor ng agrikultura?
A. Dahil sa bandwagon effect sa kasalukuyang panahon.
B. Gusto ng mga manggagawa at mamumuhunan ng mas mabigat na trabaho.
C. Nalungkot ang mga mamumuhunan sa agrikultura kaya sila lumipat ng ibang
sektor.
D. Naging prayoridad ng pamahalaan ang pagbibigay ng proteksiyon sa mga favored
import sa pandaigdigang pamilihan.
_______4. Alin sa sumusunod na pahayag ang HINDI posibleng epekto sa problemang
mabilis na pagkaubos ng likas na yaman lalo na ng kagubatan?
A. Magkakaroon ng tirahan ang mga hayop at halaman.
B. Nagiging sanhi ito ng pagbaha na sumisira sa libo-libong ektaryang pananim.
C. Nababawasan ang suplay ng hilaw na sangkap na ginagamit ng mga industriya.
D. Naaapektuhan din ng pagkaubos ng mga watershed ang suplay ng tubig na
ginagamit sa irigasyon ng mga sakahan.

_______5. Bakit ang pagpapatatag sa antas ng teknolohiya sa sektor ng agrikultura ang


nangangailangan ng agarang atensiyon ng pamahalaan?
A. Walang dapat baguhin sa sektor ng agrikultura.
B. Ang pamahalaan ay wala ng magagawang solusyon sa problemang ito.
C. Hindi na ito kailangan dahil hindi nakatutulong ang teknolohiya sa agrikultura.
D. Ang kakayahang mapataas ang produksiyon ng lupa ay higit na makakamit sa
pamamagitan ng paggamit ng teknolohiya.

_______6. Nalungkot si Aling Marta ng malamang may imported na karneng baboy ang
dumating sa palengke na kaniyang pinagtitindahan dahil sa mas mura ito kumpara sa
tinda niyang lokal na karne ng baboy. Bakit naging dahilan ng suliranin ng agrikultura
ang pagdagsa ng dayuhang kalakal?
A. Hindi tinatangkilik ng mga Pilipino ang gawa ng ibang bansa.
B. Nagdala ng katamaran ang mga produktong galing sa ibang bansa.
C. Hindi ito suliranin na maituturing dahil mababait ang mga negosyanteng Pilipino.
D. Nahihirapang makipaglaban sa murang presyo ng produkto mula sa ibang bansa.

_______7. Si Jemjem ay isang mag-aaral na naniniwalang ang climate change ay dahilan ng


suliranin sa agrikultura, ano ang maaari niyang gawin upang masolusyonan ang
problemang ito sa kaniyang sariling pamamaraan?
A. Pagsaway sa mga dayuhan at ibang tao na huwag magtapon ng basura sa karagatan.
B. Pag-share sa Facebook/Twitter at Instagram ng mga impormatibong impormasyon
na nagtataguyod sa pangangalaga ng kalikasan.
C. Pagsali sa Pista Y ang Kagueban - pagtatanim ng puno at iba pang programa ng
pamahalaan na naglalayong madagdagan ang puno sa mga kapaligiran.
D. Tama ang lahat ng pahayag sa letra A, B at C kung saan nagpapakita ng pagsuporta
at paglutas sa suliranin sa climate change.
_______8. Alin sa sumusunod na pahayag ang HINDI kabilang sa suliraning kinakaharap
ng mga magsasaka?
A. Paggamit ng teknolohiya.
B. Pagtaas ng suplay ng salapi.
9
C. Pagliit ng lupang pansakahan.
D. Kakulangan ng mga pasilidad at imprastruktura sa kabukiran.

_______9. Si Mang Lito ay isang mangingisda at isa sa problema na kanilang kinakaharap


ang mapanirang operasyon ng malalaking komersiyal na mangingisda, ano ang epekto ng
problemang ito sa mga mangingisda?
A. Pagkasira ng mga coral reefs na tahanan ng mga isda.
B. Pagkasira ng tahanan ng mga mangingisda dahil sa bagyo.
C. Ang komersiyal na pangingisda ay walang epekto sa mga mangingisda.
D. Pagdami ng bilang ng mga mangingisdang walang makain dahil sa pandemya.

_______10. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa dahilan ng suliranin sa agrikultura?


A. Kakulangan ng trabaho sa bansa.
B. Lumalaking populasyon sa bansa.
C. Kahirapan sa hanay ng mga mangingisda.
D. Pagbibigay prayoridad sa sektor ng industriya.

10
Susi sa Pagwawasto
Tayo’y Magsanay Ating Pagyamanin
Gawain 1 Gawain 1
1. Suliranin sa pagsasaka 1.E
2. Suliranin sa pangisdaan 2.D
3. Suliranin sa paggugubat Ang Aking Natutunan 3.C
Sektor ng agrikultura 4.B
pangisdaan 5.A
sektor
Tayo’y Magsanay mangingisda Ating Pagyamanin
Gawain 2 likas yaman Gawain 2
1. Farm-to-market-road 1.M
2. Pagtotroso 2.T
3. Climate Change 3.T
4. Thrawl Fishing 4.T
5.T

Subukin Tayahin
1. D 6. C 1. C 6. D
2. B 7. B 2. B 7. D
3. B 8. D 3. D 8. B
4. A 9. A 4. A 9. A
5. A 10. D 5. D 10.A

Sanggunian
Aklat

Balitao, Bernard R., Martiniano D. Buising, Edward D.J. Garcia, Apollo D. De Guzman, Juanito L.
Lumibao Jr., Alex P. Mateo at Irene J. Mondejar. Ekonomiks Araling Panlipunan- Modyul
para sa Mag-aaral. Pasig City: Department of Education- Bureau of Learning Resources,
2017.
FFEEDBACK SLIP

11
FEEDBACK SLIP

A. PARA SA MAG-AARAL

Maraming salamat sa paggamit ng CLAS na ito. Hangarin nito ang iyong


lubusang pagkatuto sa tulong ng iyong kapamilya. OPO HINDI
1. Kontento at masaya ka bang natuto gamit ang CLAS na ito?
2. Nasunod at nagawa mo ba ang mga proseso at pamamaraang nakasaad
para sa iba’t ibang gawain para sa iyong pagkatuto?
3. Ikaw ba ay ginabayan o sinamahan ng sinuman sa iyong kapamilya para sa
pag-aaral gamit ang CLAS na ito?
4. Mayroon bang bahagi sa CLAS na ito na ikaw ay nahirapan (kung Opo, ano
ito at bakit?)

B. PARA SA MAGULANG O TAGAPATNUBAY

Suhestiyon o Rekomendasyon para sa mas maayos na serbisyo at


pagkatuto ng inyong anak gamit ang CLAS na ito?

Mayroon (Pakisulat sa nakalaang guhit)

Wala

Contact Number: __________________________________

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyong MIMAROPA


Meralco Avenue, corner St. Paul Road, Pasig City, Philippines 1600
Telephone No. (02) 863-14070
Email Address: lrmds.mimaroparegion@deped.gov.ph

12

You might also like