Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 14

Nobela ni Jose Rizal

Dinatnan ni Padre Florentino na


nagtatawanan na ang nasa kubyerta.
Nagdaraingan ang mga prayle sa
pagkamulat ng mga Pilipino at pag-uusig
sa mga bayarin sa simbahan. Dumating si
Simoun. Sayang daw at hindi nakita ni
Simoun ang mga dinaanan ng bapor. Kung
wala raw alamat ay walang kuwenta sa
kanya ang alinmang pook ayon kay
Simoun.
Alamat ng Malapad na Bato
Isinalaysay ng kapitan ang alamat ng
Malapad na bato. Ito raw ay banal sa mga
katutubo noong una bilang tahanan ng
mga espiritu. Nang panahanan daw ng
mga tulisan ay nawala ang takot sa
espiritu, nasalin sa mga tulisan.
Alamat ng Malapad na Bato
Ang kwento ng alamat ay naglalarawan ng
isang malaking bato na nagiging sagabal
sa ilog.
• Kumakatawan sa mga hadlang at
pasanin na kinakaharap ng bayan
• Isang metapora sa korapsyon,
katiwalian, at mga problema sa
gobyerno na nagiging sagabal sa
kaunlaran ng bansa
Alamat ni Donya Geronima
Sinabi ng Kapitan na may isa pang alamat
na ukol kay Donya Geronima. Si Padre
Florentino ang nahingang magkuwento.
May magkasintahan daw sa Espanya.
Naging arsobispo sa Maynila ang lalaki.
Nagbabalatkayo ang babae. Naparito at
hinihiling sa arsobispo na sundin nito ang
pangako pakasal sila. Iba ang naisip ng
arsobispo. Itinira ang babae sa isang
yungib na malapit sa Ilog Pasig.
Alamat ni Donya Geronima
Doon tumira si Donya Geronima, doon
namatay, at doon din inilibing. Sinasabi sa
alamat na ngaging napakataba ni Donya
Geronima kaya kailangan niyang tumagilid
upang makapasok sa kuweba.
Alamat ni Donya Geronima
Napabantog siyang engkantada dahil
saugali niyang ihagos sa ilog ang mga
pinggan at kubyertos na pilak na ginagamit
sa mga masaganang bangkete na
dinadaluhan ng maraming ginoo. Isang
lambat ang nakalatag sa ilalim ng tubig
ang sumasalo sa mga kasangkapan na
nahuhugasan sa gayong paraan.
Alamat ni Donya Geronima
Wala pang dalawampung taon na halos
humahalik ang Ilog sa pagdaan sa entrada
ng kuweba. Ngunit unti-unting umurong
ang ilog tulad ng paglalaho ni Donya
Geronima sa alaala ng mga Indio.
Alamat ni Donya Geronima
Nagandahan si Ben Zayb sa alamat.
Nainggit si Donya Victorina na ibig ding
manirahan sa kuweba. Tinanong ni Simoun
si Padre Salvi. Sa inyong palagay, hindi ba
higit na mainam ay ilagay sa isang
beateryo tulad ni Sta. Clara? Hindi raw siya
makakahatol sa mga ginawa ng isang
arsobispo, ayon kay padre Salvi.
Alamat ng San Nicolas
At upang mabago ang paksa ay
isinalaysay ang alamat ni San Nicolas.
Namumutiktik sa ilog, gaya ng lawa, ang
mga buwaya. Napakalaki at napakasisiba
ng mga ito. Sinasalakay ang mga bangka
at pinalulubog sa hagkis ng mga buntot.
Alamat ng San Nicolas
Isang araw, may tsinong hindi binyagan na
namamangka sa ilog. Biglang lumitaw ang
demonyo sa anyo ng buwaya. Itinaob ang
bangka ng tsino upang sagpangin siya at
dalhin sa impiyerno.
Alamat ng San Nicolas
Biglang nanawagan ang hindi binyagang
tsino kay San Nicolas at naging bato ang
buwaya.
Nang datnan nila ang lawa ay nagtanong si
Ben Zayb sa Kapitan kung saan sa lawa
napatay ang isang Guevarra, Navarra o
Ibarra.

Itinuro ng Kapitan. Naghanap si Donya


Victorina ng bakas ng pagkamatay ng tubig
labingtatalong taon matapos mangyari
iyon.
Nakasama raw ng ama ang bangkay ng
anak, ani Padre Sibyla. Iyon daw ang
pinakamurang libing, ayon kay Ben Zayb.
Nagtawanan ng iba! Si Simoun ay
namumutla at walang kibo. Ipinalagay ng
Kapitan na si Simoun ay nahilo dahil sa
paglalakabay.

You might also like