Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

R epublic of the P hilippines

D epartment of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF OLONGAPO CITY
BALIC-BALIC ELEMENTARY SCHOOL
Waterdam Rd., Balic-Balic Sta. Rita, Olongapo City, Zambales
IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT SA AP 5
S. Y. 2023-2024

Panuto: Basahin at unawain ang bawat bilang. Itiman ang bilog ang katumbas na titik
ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Sinong Gobernador - Heneral ang naniniwala sa liberalismo at nagpamalas ng mahusay


na pakikitungo sa mga Pilipino?
a. Ramon Blanco c. Rafael de Izquierdo
b. Narciso Claveria d. Carlos Maria Dela Torre

2. Anong tawag sa mga Pilipinong maykaya at nakapag-aral na bumuo sa pang gitnang uri
ng lipunan o middle class noong panahon ng Espanyol?
a. Indio c. ilustrado
b. Secular d. propagandista

3. Liberalismo ang tawag sa kaisipang galing sa Europa, anong damdamin ang ipinapakita
nito?
a. pagpapalaya sa mga nasasakdal
b. pagpapahayag ng pagkamuhi sa mga kastila
c. pagbibigay ng kalayaan sa pagpapahayag ng damdamin
d. pagbibigay ng pagkakataon sa pagpapalayas sa mga prayle sa Pilipinas

4. Alin ang paraan na nagpapakita ng damdaming nasyonalismo?


a. pag-alis sa bansa sa panahon ng krisis
b. pagsasawalang bahala sa mga nangyayari sa bansa
c. hindi pakikisama sa mga gawain tungo sa pagbabago
d. pakikiisa at pagtataguyod ng mga pagbabago sa lipunan

5. Alin ang naglalarawan ng maalab, labis at matinding pagmamahal sa lupang


sinilangan?
a. kolonyalismo b. nasyonalismo c. patriyotismo d. sosyalismo

6. Bakit kakaiba si Gobernador-Heneral Dela Torre sa lahat ng naging Gobernado–Heneral


sa Pilipinas? Dahil siya ay _______________
a. may kaisipang liberal
b. may mataas na pinag aralan
c. tinaguriang may kamay na bakal
d. nagbibigay ng pagkakataon sa mga paring Pilipino na mamuno sa parokya

7. Ano ang naging epeko ng pagbubukas ng Pilipinas sa Pandaigdigang kalakalan?


a. nabigyan ng pagkakataon ang Pilipinas at mga Pilipino na makipagkalakalan sa
iba’t-ibang bansa
b. maraming negosyanteng pumasok sa ating bansa
c. maraming mga Pilipino ang naghirap
d. wala sa nabanggit

8. Alin ang hindi bunga ng pagbubukas ng Suez Canal?


a. napadali ang transportasyon
b. mas mabilis at maikliang paglalakbay
c. naging mabilis ang pakikikipagkalakalan
d. mas mapapadali ang pagpunta sa Maynila
9. Sa mga sumusunod na pahayag. Alin ang nagpapaliwanag ukol sa liberal na
pamumuno?
a. mahigpit na nagpapatupad ng mga batas at patakaran sa mga mamamayan
b. paghihigpit sa mga mamamayan na ipahayag ang kanilang saloobin at matamasa
ang mga Karapatan
c. pagtanggal ng karapatan makilahok ang mga mamamayan tungkol sa usaping
pampamahalaan
d. paghihikayat sa mga mamamayan na sumali at maki-isa sa mga usaping pulitikal at
suliraning kinakaharap ng mga tao.

10. Bilang isang mamayang Pilipino, paano mo maipakikita ang damdaming nasyonalismo?
a. pagtalikod sa tungkulin sa bansa at kapwa
b. hindi pakikialam sa mga nangyayari sa bansa
c. hindi pakikisama sa mga gawain tungo sa pagbabago
d. pagpapaunlad ng sariling kakayahan upang maging kapaki-pakinabang sa Lipunan

11. Alin ang hindi salik na nagbigay daan sa pag - usbong ng nasyonalismong Pilipino?
a. pagbukas ng Suez Canal
b. paglitaw ng panggitnang uri
c. pagsunod sa utos ng mga prayle
d. pagkakaroon ng malayang kalakalan

12. Paano nakakaapekto sa mga Pilipino ang pagkamatay ng tatlong paring martir?
a. natakot ang mga Pilipino sa mga Espanyol
b. nalungkot ang mga Pilipino at sumuporta sa mga Espanyol
c. nagsawalang kibo ang mga Pillipino laban sa mga Espanyol
d. nag–alab ang damdaming makabayan ng mga Pilipino at nagsimulang bumuo ng
mga pangkat laban sa mga Espanyol

13. Bakit hindi naimpluwensyahan na maging Kristiyano ang ilang pangkat ng mga
Pilipino noon?
a. matapang ang mga Muslim
b. may pagkakaisa ang mga Muslim
c. ayaw kilalanin ang relihiyong Kristiyanismo
d. dahil may pagkakaisa at pagpapahalaga ang mga Muslim sa kanilang paniniwala

14. Anong uri ng pamahalaan ng mga sinaunang Pilipino na umiral sa katimugang bahagi
ng Pilipinas?
a. barangay b. sultanato c. monarkiya d. demokrasya

15. Aling kaisipan ang lubos na pinahahalagahan at ayaw masayang ng mga Muslim?
a. katatagan at kayamanan c. kaunlaran at katatagan
b. kapayapaan at karangyaan d. kayamanan at kaunlaran

16. Bakit hindi ninais na magpasakop ng mga Muslim sa mga Espanyol?


a. papalitan ng prayle ang pinuno ng sultanato
b. itinuturing na kapantay ng mga Espnayol ang mga Muslim
c. nais makipag-ugnayan ng mga Espanyol sa Indonesia na kapanalig ng mga Muslim
d. ginawang alipin ng mga Espanyol ang mga katutubong Pilipino sa Luzon at Visayas

17. Upang mas katanggap-tanggap ang sultanato sa mga Muslim. Ano ang dapat isaalang-
alang?
a. higit na mataas ang taglay na kapangyarihan ng sultan
b. may karampatang parusa ang hindi kikilala sa sultanato
c. iginagalang nito ang kapangyarihang taglay ng ibang pinuno
d. mataas ang pagpapahalaga ng mga Muslim sa mga datu o sultan

18. Bakit nakipagkasundo ang mga Espanyol sa sultan ng Jolo?


a. upang mahinto ang labanan
b. upang malinlang nila ang mga Muslim
c. upang mahikayat ang mga Muslim sa relihiyong Katoliko
d. upang kilalanin ng Muslim ang kapangyarihan ng Espanya
19. Paano ipinakita ng mga Pilipino ang kanilang pagtutol sa pamamalakad ng mga
Espanyol?
a. nagpasakop sila sa mga Espanyol
b. kinaibigan nila ang mga Espanyol
c. tinanggap nila ang relihiyong Kristiyanismo
d. tinanggap nila ang relihiyong Kristiyanismo

20. Bakit pinayagan ng mga Espanyol na magkaroon ng kalayaan ang mga Muslim?
a. masunurin ang mga Muslim
b. nasupil nila ang mga Muslim
c. mayayaman ang mga Muslim
d. hindi nila nagalugad ang lugar ng mga Muslim

21. Alin ang nagpapamalas ng kalayaan sa isang bansa?


a. pagpili ng nais mamuno sa bayan
b. pagbabawal sa nais mag-rally o magtipon
c. pagbabalewala sa mga batas na ipinatutupad
d. paggawa sa mga nais gawin sa kanilang ikasisiya

22. Bakit hindi tuluyang nasakop ng mga Espanyol ang Mindanao?


a. malawak ang lugar
b. hindi interesado ang mga Muslim
c. walang sasakyan ang mga Espanyol patungo rito
d. nagkaisa ang mga Muslim laban sa mga Espanyol

23. Sa iyong palagay, bakit hindi nagtagumpay ang mga pag aalsa ng mga Pilipino laban sa
mga Espanyol?
a. walang sapat na kaalaman sa pakikipaglaban
b. walang pagkakaisa ang mga Pilipino
c. kakulangan ng armas
d. lahat ng nabanggit

24. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipamamalas ang pagpapahalaga sa kalayaang


iyong tinatamasa sa loob ng paaralan?
a. magrereklamo sa panuntunang ipinapatupad
b. susunod ako sa mga alituntunin na ipinapatupad ng paaralan
c. gagawin ko ang mga bagay na nais ko kahit na nakakasakit sa kapwa ko
d. magsasalita nang malakas habang naglalakad sa pasilyo sa pasilyo dahil gusto ko

25. Alin sa mga sumusunod ang hindi naging epekto ng sapilitang pagtatanim ng tabako
sa pamumuhay ng mga Pilipino? Maraming _____________
a. nabaon sa utang
b. Pilipinong magsasaka ang naghirap
c. umunlad ang kabuhayan ng mga Pilipino
d. mga pananim ang hindi nabigyan ng pansin

26. Sa iyong palagay, alin sa mga sumusunod ang nakahihigit na epekto ng monopolyo sa
tabako?
a. pagpuslit ng pananim
b. lumaki ang produksyon ng tanso
c. nagkaroon ng trabaho ang mga mamamayang Pilipino
d. hindi nakakapagtanim ng ibang produktong pang agrikultura

27. Kung ikaw si Francisco Dagohoy, mag aalsa ka rin ba laban sa mga Espanyol? Bakit?
a. hindi, dahil malakas ang pwersa ng mga Espanyol
b. oo, dahil hindi makatarungan ang ginawa sa kanyang kapatid
c. oo, upang matagumpay na pamunuan ang kanyang nasasakupan
d. hindi, dahil malaki ang naitulong ng mga Espanyol sa kabuhayan ng mga Pilipino

28. Anu-ano ang naging reaksyon ng mga Pilipino sa patakarang pangkabuhayan ng mga
Espanyol?
a. nagpamalas ng kahusayan sa larangan ng pagsasaka
b. sumunod ng walang tutol sa kagustuhan ng mga Espanyol
c. natuwa dahil maraming Pilipino ang nagkaroon ng hanapbuhay
d. nag aklas ang mga Pilipino dahil sa hindi makatarungang patakarang
pangkabuhayan ng Espanya

29. Alin ang tama sa mga sumusunod na pangyayari?


a. Iisa ang layunin ng pakikipaglaban sa mga Espanyol
b. nagtagumpay ang mga pakikipaglaban ng mga Pilipino
c. Iba-iba ang layunin sa pakikipaglaban ng bawat pangkat ng mga Pilipino
d. Nag-aalsa ang mga ninuno natin upang pamahalaan nila ang ating bansa

30. Bakit tinanggihan ng simbahan si Hermano Pule na maging pari? Siya ay isang
_______________
a. guro b. ilustrado c. katutubo d. mandirigma

31. Bakit nagalit si Diego Silang sa mga Espanyol?


a. ibig nilang maging pari ang mga Pilipino
b. sapilitang pinagbayad ng buwis ang mga Pilipino
c. ibig nitong maging kristiyanismo ang mga katutubo
d. may pinunong nagmalabis at naging mapagsamantala sa mga Pilipino

32. Alin ang unang naging pagtugon ng mga Pilipino sa malupit na pagtrato sa kanila ng
mga Espanyol?
a. Pakikipagkaibigan c. pag-aalsa o paggamit ng armas
b. Pakikipagkalakalan d. pagsang-ayon sa malupit na pamamahala

33. Bakit kaya nasabing walang pambansang pagkakaisa ang mga Pilipino? Dahil _______
a. maraming Pilipino ang nagtaksil sa bayan
b. ang mga pinuno ay nagpabinyag sa Kristiyanismo
c. maraming Pilipino ang sumang-ayon sa mga Espanyol
d. watak-watak at walang pangkalahatang pamunuan ang mga katutubong Pilipino

34. Naniniwala ka bang kulang pa ang kakahayan at kasanayan ng mga Pilipino noon sa
pakikipaglaban?
a. oo, dahil maraming Pilipino ang sumakop sa mga kastila
b. oo, dahil hindi naging matagumpay ang kanilang pag-aalsa
c. oo, hindi nasakop ng mga Espanyol ang mga katutubong Igorot
d. hindi, dahil buong tapang na nakipaglaban ang mga Pilipino noon.

35. Si Weng ay isang aktibong miyembro ng samahang tumutulong sa mga babaeng


inaabuso at kapus-palad. Bilang isang babe, anong katangian ang tinataglay niya?
a. Matapang c. kasipagan
b. Masunurin d. mapagkawanggawa

36-40. Sumulat ng isang talata na may tatlo (3) hanggang sa limang (5) pangungusap
tungkol sa paksang: Bilang isang kabataan sa makabagong henerasyon, paano mo
maipapakita ang iyong pagpapahalaga sa partisipasyon ng iba’t ibang rehiyon at
sektor sa pagsulong ng kamalayang pambansa?

Rubrik sa Pagmamarka
Indikasyon Puntos Nakuhang Puntos
Malinaw na naipahayag ang saloobin tungkol sa tugon ng
3
mga katutubong Pilipino sa kolonyalismo
Maayos ang pagkakasulat ng talata at ugnayan ng mga
2
kaisipan.
Kabuuang Puntos 5

Inihanda ni:

DINIA P. MALIT
Teacher I
Key Answer:
1. c
2. b
3. d
4. a
5. a
6. c
7. d
8. b
9. a
10. b
11. b
12. a
13. d
14. d
15. d
16. a
17. d
18. d
19. b
20. d
21. d
22. d
23. a
24. a
25. c
26. a
27. d
28. a
29. b
30. b
31. d
32. d
33. d
34. b
35. c

You might also like