Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 19

4

Filipino
Unang Markahan - Linggo 4 - Modyul 12:
Pagsagot sa Tanong Tungkol sa Nabasang
Balita

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas


Filipino – Ikaapat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Linggo 4 – Modyul 12: Pagsagot sa Tanong Tungkol sa Nabasang Balita
Unang Limbag, 2020
Paunawa hinggil sa karapatang – sipi. Isinasaad ng Seksyong 176 ng Batas ng
Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o
tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing
akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng
bayad na royalty bilang kondisyon.

Ang mga akda / materyales (mga kwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi ang pahintulot ng mga may
karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng mga
tagapaglathala (publishers) at may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Lungsod ng Valencia


Tagapamanihala ng mga Paaralan: Rebonfamil R. Baguio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Brylle A. Cabaya

Editor: Catherine D. Melos

Tagasuri: Emelita F. Rey, PSDS

Tagapaglapat: Ma. Gelyn G. Zerna


Rommel C. Villa

Ilustrador: Madilyn S. Saphlot

Layout Artists: John Rimmon I. Taquiso

Tagapagpamahala:
Chairperson: Rebonfamil R. Baguio
Tagapamanihala ng mga Paaralan

Co-Chairperson: Eugene I. Macahis, Jr.


Asst. Schools Division Superintendent

Mga Kasapi: Jayvy C. Vegafria, CID Chief ES


Noemie M. Pagayon, EPS – Filipino
Analisa C. Unabia, EPS – LRMS
Joan Sirica V. Camposo, Librarian II
Israel C. Adrigado, PDO II

Inilimbag sa Pilipinas ng:

Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Lungsod ng Valencia


Office Address: Lapu-lapu Street, Poblacion, Valencia City 8709
Telefax: (088) 828-4615
Website: deped-valencia.org

1
4
Filipino
Unang Markahan - Linggo 4 - Modyul 12:
Pagsagot sa Tanong Tungkol sa Nabasang
Balita

Ang kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang na


inihanda at sinuri ng mga guro mula sa pampublikong paaralan.
Hinihikayat namin ang mga guro at iba pang nasa larangan ng
edukasyon na ipadala ang inyong mga puna, komento at
rekomendasyon sa pamamagitan ng email sa Kagawaran ng
Edukasyon sa region10@deped.gov.ph.

Lubos naming pinapahalagahan ang inyong mga puna at


rekomendasyon.

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas


2
3
Ang Modyul na ito

Mabuhay ka at ikaw ngayun ay nasa ika-apat na baitang na sa


pag-aaral tungo sa kaalaman. Magaling ang ipinakita mo sa nakaraang
taon sa paaralan.

Ang modyul na ito ay sadyang isinulat para sa iyo. Sa paglalakbay


mo dito ay mas lalong mapag-iibayo ang mga araling natutunan mo na at
araling matututuhan mo pa. Huwag matakot sa hamon na ito. Sasamahan
ka ng modyul tungo sa kaalaman. Tinatanggap mo ba ang hamon?

Bawat aralin sa modyul na ito ay nagtataglay ng sumusunod:


● Panimula
● Layunin
● Teksto
● Mga Icons tungo sa kaalaman
● At mga dapat tandaan
Hindi man kita masasamahan ng pisikal ay magagabayan ka naman
ng mga susi sa pagwawasto na inihanda para sa iyo.

Tandaan mo lamang ang tugon ko.

Isang masayang pag-aaral sa inyo!

Mga Tala para sa Guro

Ang aralin ay nakasentro kung saan


masusukat ang kakayahang umintindi ng mag-aaral.
Mainam na sa pagbibigay ng puntos ay maghanda
ka ng rubrik at krayterya na pagbabasihan mo ng
katumbas na putos ng kanilang mga sagot. Lalung–
lalo na sa nga pagsasanay o sitwasyon na
nangangailangan ng lohikal na eksplenasyon.

i4
Alamin

Ang nasa ibaba ay ang mga dapat matutunan sa modyul na ito;

(Mga Layunin)

1. Nasasagot ang mga tanong tungkol sa balitang pinakinggan,


nabasa o napanood;
2. Natutukoy ang mga mahahalagang detalye sa balitang
pinakinggan, nabasa o napanood; at
Pagpapahalaga: Nakikinig o Nanonood ng mabuti sa balita.

Paano matuto sa Modyul na ito?

Upang makamit ang layunin na inilalahad sa itaas, gawin ang mga


sumusunod na mga hakbang;

● Basahin at unawain nang Mabuti ang aralin.


● Sundin at gawin ang inilalahad na panuto sa bawat pagtataya at
pagsasanay.
● Sagutin ang lahat na pagtataya at pagsasanay.

Mga Icons sa Modyul na ito


ii 5
Alamin Ang bahaging ito ay naglalaman ng
layunin sa pagkatuto na inihanda
upang maging gabay sa inyong
pagkatuto.
Subukin Ito ay mga pagsasanay na sasagutin
upang masukat ang iyong dating
kaalaman at sa paksang tatalakayin.
Balikan Ang bahaging ito ay may kaugnayan
sa nakaraang aralin at sa iyong
bagong matututunan.
Tuklasin Ipakikilala ang bagong aralin sa
pamamagitan ng gawaing pagkatuto
bago ilahad ang paksang tatalakayin.

Suriin Ito ay ang pagtatalakay sa


pamamagitan ng gawain sa pagkatuto
upang malinang ang iyong natuklasan
sa pag-unawa sa konsepto.
Pagyamanin Ito ay mga karagdagang gawain na
inihanda para sa iyo upang ikaw ay
magiging bihasa sa mga kasanayan.

Isaisip Mga gawaing idinisenyo upang


maproseso ang iyong natutunan mula
sa aralin.

Isagawa Ito ay mga gawaing dinisenyo upang


maipakita ang iyong mga natutunan
na kasanayan at kaalaman at ito ay
magamit sa totoong sitwasyon.
Tayahin Ang pagtatasang ito ay ginamit upang
masusi ang iyong antas ng
kasanayan sa pagkamit ng layunin sa
pagkatuto.
Karagdagang Ito ay mga karagdagang gawaing
Gawain pagkatuto na dinisenyo upang mas
mahasa ang iyong kasanayan at
kaalaman.

iii
6
Subukin

Panuto: Basahin ang maikling anunsyo ng paaralan. Itala o isulat ang


mga mahahalagang detalye o impormasyong inyong mababasa. Isulat sa
patlang na nakalaan para sa inyong mga sagot.

Tinatawagan ang lahat ng batang nasa ika-apat na


baitang na lumahok sa patimpalak na bigkasan na
gaganapin sa silid ni Ginoong Cabaya sa darating na
Biyernes, Hunyo 23 sa ganap na ika-1:00 ng hapon.
Hinihiling ang mga kalahok na magsuot ng kasuotang
Pilipino. Maraming salamant po.

Mga Tanong:

1. Sino ang tinatawagan na lumahok sa patimpalak sa bigkasan?


__________________________
2. Saan gaganapin ang patimpalak na ito?
__________________________
3. Kailan gaganapin ang patimpalak?
__________________________
4. Anong oras magsisimula ang patipalak?
__________________________
5. Ano ang kasuotang dapat suutin ng mga kahalok sa patimpalak?

iv

7
Z

Aralin
Pagsagot sa Tanong Tungkol
1 sa Nabasang Balita

Ang balita ay isang uri ng pahayag o lathalain na tumatalakay sa


mga kasalukuyang kaganapan sa labas at/o loob ng isang bansa na
nakatutulong sa pagbibigay-alam sa mga mamamayan.

Ito ay maaring maibahagi a pamamaraang pasalita, pasulat at


pampaningin.

● Pasalita
Kung ang ginawang midyum ay ang radio at telebisyon;

● Pasulat
Kung ito at ipinalimbag sa pahayagan at iba pang uri ng babasahin;
at

● Pampaningin
Kung ang midyum ay telebisyon at sine.

Mahalagang napakingan, nabasa o napanuod ng maigi ang mga


balitang nais mong ikalat o ibahagi. Kailangan na isaalang-alang ang
kawastuan at malaman ang mga importanteng detalye ng balita bago ito
ibahagi sa iba upang maiwasan ang kalituhan at maling impormasyon.

Balikan
8
Panuto: Kayo ay natutung sumulat ng maikling tugma o kaya ay tula.
Pag-aralang maigi ang tulang nasa ibaba. Basahin ito ng may tamang
bilis, diin, ekspresyon at intonasyon. Pagkatapos ay subukang sagutin
ang mga tanong sa ibaba.

BATANG MAGALANG
https://www.tagaloglang.com

Ang batang magalang


Kinatutuwaan ng mga magulang
At maging sinuman

Ang po at opo
Laging nasa puso
Lalo na’t kausap
ng mga kaanak.

Tungkol saan ang tula? ______________________


Bakit magalang ang bata sa tula? ______________

Tuklasin

Kapag nagbabasa o nakikinig ng isang tula, mas mainam kung ito


ay bigyan ng tamang bilis, diin, ekspresyon at intonasyon. Gayundin sa
pakikinig o pagbabasa ng balita. Ituon ng mabuti ang atensyon upang
makuha at malaman ang mahahalagang impormasyon nito.

9
Kung ang sagot mo sa unang tanong sa tulang binasa ay tungkol
sa batang magalang, kayo ay tama. Sapagkat nakatuon ang ideya ng tula
sa pagiging magalang. Magalang ang bata na nasa tula dahil lagi niyang
isinasapuso ang pag sasalita ng “po” at “opo”. Ang sagot na man sa
pangalawang tanong.

Kayo ay naging magaling na sa wastong pagbabasa at paggawa ng


tula. Sa ariling ito naman ay pagtutuunan natin ang wastong pakikinig ng
balita o isyu.

Suriin

Ano ang ginagawa ng mag-aaral sa larawan?

Bakit nakatuon ng mabuti ang bata sa mahahalagang impormasyon


na nasa balita?

Pagyamanin

10
Sa ating pang-araw-araw na pamumuhay, hindi maiiwasan ang
pakikinig sa mga balita, patalastas, o anunsyo sa radyo at telebisyon.

Bakit mahalaga ang pakikinig?

Mahalaga ang pakikinig sa isang mag-aaral na tulad mo. Ito ang


nagbibigay ng pagkakataun upang malaman mo ang mga nangyayari sa
paligid at sa iba pang bahagi ng bansa.

Paano magiging mabisa ang pakikinig?

Isang paraan upang maging mabisa sa pakikinig ng mga balita ay


sa pamamagitan ng pagtanda sa mga mahahalagang detalye o
impormasyong narinig o nabasa. Kung ikaw ay malilimutin, mainam na
itala o isulat na lamang ang mga mahahalagang detalye upang may
mabalikan at mabasang muli kapag nais ibahagi sa iba ang balita.

Isaisip

Narito ang dapat tandaan upang maging mabuting tagapakinig.

1. Ituon ang buong pansin sa balitang pinanunuod, pinakikinggan o


kaya ay binabasa.
2. Sikaping masundan ang mahahalagang bagay o impormasyon ng
balita.

11
3. Laging maging mapanuri sa mga detalyeng may kinalaman sa ano,
sino, kailan, bakit, paano, at iba pa kapag nagbabasa o nanunuod
ng balita.
4. Kung kinakailangan ay isulat muli ang mga detalye ng balita sa
papel upang maiwasang malimutan ito.

Isagawa

Panuto: Basahin ng mabuti ang balitang nasa ibaba at sagutin ang


mga tanong na inihanda. Ang balita ay tungkol sa isang batang huwaran.
Isulat ang sagot sa patlang.

Si Tomas ang pinakamaliit na batang lalaki sa klase ni Bb.


Reyes. Siya rin ang pinakamalusog at pinakamaliksi sa lahat.
Makisig na bata si Tomas. Lagi siyang malinis. Ang kanyang
buhok ay laging nakasuklay at maayos. Parang hinudhod ng
tuwalya ang kanyang pisngi. Mapula-pula at makinis ang mga ito.
Maganda ang kanyang ngiti sapagkat mapuputi ang kanyang mga
ngipin.
Palaging malinis ang kanyang puting polo. May panyo pa ito
sa bulsa. Malinis din ang kanyang sapatos.
Kung itatanong sa kanyang kaklase kung sino ang huwarang
mag-aaral sa kalinisan, tiyak na si Tomas ang kanilang pipiliin.
Malinis at maayos siya sa kanyang gamit.

Mga tanong:

12
1. Sino ang pangunahing tauhan sa balita?
_____________________________________________________
2. Bakit laging malinis si Tomas?
_____________________________________________________
3. Bilang isang mag-aaral, ano-ano ang dapat mong gawin upang
maging batang huwaran?
_____________________________________________________

Tayahin

Ang nasa ibaba ay isang halimbawa ng isang balitang galing sa


diyaryo o pahayagan. Panuto: Basahin ng mabuti at isaalang-alang
ang mga mahahalagang impormasyon o detalye. Isulat ang sagot sa
nakalaang patlang sa ibaba.

MAYNILA — Gumawa ng kasaysayan para sa bansa ang


gymnast na si Carlos "Caloy" Yulo nang makuha niya ang gold medal
sa floor exercise sa 41st FIG Artistic Gymnastics World
Championships sa Stuttgart, Germany noong Sabado.
Ito ang kauna-unahang gold medal ng Pilipinas sa Gymnastics
World Championships.
Si Yulo, 19 taong gulang, ang pinakabata at pinakamaliit na
atleta sa kompetisyon.
Ilang taon nang nagsasanay sa Tokyo, Japan si Yulo sa ilallim
ng Japanese coach na si Munehiro Kugimiya.
Nagpasalamat si Yulo kay Gymanstics Association of the
Philippines president Cynthia Carrion na gumawa ng paraan para
makapag-training siya sa Japan.
news.abs-cbn.com/sports
Mga katanungan.

13
1. Tungkol saan ang binasang balita?
___________________________________________________
2. Sino ang kaunaunahang nakakuha ng Gold Medal sa larangan ng
Gymnastics?
___________________________________________________
3. Ilang taon lamang ang atleta ng sumali siya sa kompetisyon?
___________________________________________________

4. Saang bansa nagsanay ang atleta sa ilalim ni coach Munehiro


Kugimiya?
___________________________________________________
5. Ano ang ginawa ni Yulo upang siya ay naging mahusay na
gymanast?
___________________________________________________

Karagdagang Gawain

Panuto: Makinig ng ilang impormasyon, balita o paanunsyo sa radyo


o telebisyon. Itala ang pangunahing kaisipan at mahahalagang detalye sa
narinig na impormasyon o anunsyo. Gawing gabay ang mga tanung na
nasa ibaba upang makuha ng impormasyong kinakailangan.

1. Ano ang paksa ng balitang napakinggan o napanuod?


2. Sino o Sino-sino ang mga sangkot sa balita?

14
3. Saan nangyari ang balita?
4. Kailan nangyari ang balita?
5. Ano o ano-ano ang nagging kahalagaan ng balita?

Susi sa Pagwawasto

15
16
https://www.tagaloglang.com
Batang Magalang (Tula)
Mga Sanggunian:
Tayuhin
1.Kaunaunahang Gold Medal ng Pilipinas sa
Gymnastics Championship
2.Carlos “Caloy” Yulo
3.19 taong gulang
4.Tokyo, Japan
5.Pagsasanay ng ilang taon
Subukin
1. Lahat ng batang nasa-ikaapat na baiting
2.Sa silid ni Ginoong Cabaya
3.Biyernes, Hunyo 23
4.Sa ganap na ika-1:00 ng hapon
5.Kasuotang Pilipino
Unang gold: Gymnast na si Carlos Yulo lumikha ng kasaysayan para sa
Pilipinas (Balita)
https://news.abs-cbn.com/sports/10/13/19/unang-gold-gymnast-
na-si-carlos-yulo-lumikha-ng-kasaysayan-para-sa-pilipinas

17
Para sa anumang katanungan o puna, maaring ipadala sa
pamamagitan ng sulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon - Sangay ng Lungsod ng Valencia

Lapu - Lapu Street, Poblacion, Valencia City 8709

Telefax: (088) 828 - 4615

18

You might also like