q1 Week 3 Filipino

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education

5
REGION V
SCHOOLS DIVISION OF SORSOGON
GUBAT III DISTRICT

SANAYANG PAPEL SA PAGKATUTO NG FILIPINO 5


Kwarter 1, Linggo 3

Pangalan: ___________________________________________________________

Baitang/Taon: ________________________________Petsa: __________________

I.KASANAYANG PAMPAGKATUTO MULA SA MELCS


Nasasagot ang mga tanong sa binasang kwento. (F5B-Ia-3.1)

II. PANIMULANG KONSEPTO

Ang pagbabasa ay sadyang napakahalaga hindi lamang sa inyong mga kabataan


kundi maging sa mga nakatatanda. Ito ay isang daan upang ang isipan ay maging
matalas, at madadagdagan pa ang inyong kaalaman..

Sa pagbabasa, ikaw ay tila ba nakakarating sa ibang mundo sa pamamagitan ng


imahinasyon na kung saan, marami tayong natutuklasan at napupulot na aral. Sa
pamamagitan din nito ay malilinang ang inyong kasanayan sa pagkilala sa
mahahalagang parte ng isang kuwento sa pagsasagot sa tanong na ano, kailan, saan,
bakit at paano.

III- MGA GAWAIN:

Gawain 1

Basahin at unawain ang kwento. Sagutin ang mga kasunod na tanong. Bilugan ang letra
ng iyong sagot.

Si Maki Nilya at si Kom Pyuter


(sipi mula sa Hiyas sa Pagbasa p. 186)

Hindi na mapigil ang agham at teknolohiya sa pagtuklas ng mga modernong


kagamitan na angkop sa uri ng pamumuhay ng tao.

Malungkot si Maki Nilya. Siya’y nasa madilim at maruming sulok, sa ibabaw ng


isang lumang mesang uuga-uga na. Marami na siyang alikabok. Bihira na siyang
gamitin ni Jon-Jon.

Dati-rati, tuwang-tuwa siya kapag umuupo na sa kanyang harap si Jon-Jon.


Mangyari, nahahawakan ni Jon-Jon ang kanyang mga letra at bilang. Nililinis siya ng
malilinis na daliri ni Jon-Jon. Pagkatapos ng mahigit na isang oras na pagmamakinilya
ni Jon-Jon ay lalo siyang natutuwa dahil masayang- masaya ang kanyang tagapag-
alaga.

“ Sige na po, Daddy. Ibili na ninyo ako ng computer. Mas madali akong makapag-
research at mas mabilis akong makapagmakinilya ng aking mga assignment,” ang
paliwanag ni Jon-Jon sa kanyang ama.

“Ano? Ipagpapalit ako ni Jon-Jon sa computer? Hindi na ba ako mahal ni Jon-Jon?


Paano na niya ako malilinis kung may computer na siya? Ano na ang mangyayari sa
akin?” Ang tanong ni Maki Nilya.

Kinabukasan, may bagong computer na si Jon-Jon. Malungkot na malungkot si Maki


Nilya. Nainggit siya nang ilagay ito sa ibabaw ng matibay at bagong lamesa.
Sinisimangutan niya si Kom Pyuter kapag nakikita niya itong nakatingin sa kanya.

“Okey ang computer mo, Jon-Jon,” ang sabi ng kanyang Daddy. “Mapagagaan at
mapabibilis mo ang iyong mga gawain dahil madali kang makapagbubura kung may
mali kang nai-type. “Hindi pa mabubura o mawawala ang mga impormasyong
minakinilya mo.”

Madalas mag-unahan sa paggamit ng computer si Jon-Jon at ang kanyang mga


kapatid.. Nagkakaroon tuloy sila ng pagtatampuhan.

Isang araw, ibinalita sa radyo na maghapong magba-brownout sa lugar nina Jon-


Jon. Hindi makapagkompyuter si Jon-Jon. Ipapasa pa naman niya ang kanyang report
sa kanyang guro bukas ng umaga.

“Anong gagawin ko?” ang tanong niya. May naisip si Jon-Jon. Nilapitan ni Jon-Jon
si Maki Nilya at nilinis ng malambot na puting papel.

“Kailangan din kita,” Ang sabi ni Jon-Jon kay Maki Nilya. “Ikaw yata ang unang
gamit na iniregalo sa akin ni Daddy noong magtapos ako ng Kinder. Alaagaan at
gagamitin din kita lagi katulad ng computer,” ang sabi ni Jon-Jon. Mula noon hindi na
malungkot si Maki Nilya. Nginingitian na niya si Kom Pyuter.

1. Bakit nalungkot si Maki Nilya?


a. Bihira na siyang gamitin ni Jon-Jon at puno na siya ng alikabok.
b. Inaway siya ni Kom Pyuter.
c. Nagmukha na siyang basura dahil hindi na siya kailangan ni JonJon.
d. Itatapon na siya ni Jon-Jon dahil pangit na ang hitsura nito.

2. Bakit dati-rati’y tuwang –tuwa siya kapag umuupo na sa kanyang harap si Jon-Jon?
a. Naaalagaan pa siya ni Jon-Jon at nalilinisan.
b. Nararamdaman niyang siya ay kapakipakinabang dahil ginagamit siya ni Jon-Jon at
niliinis pagkatapos siyang gamitin nito.
c. Hinahawakan ni Jon-Jon ang mga letra at bilang na nakakabit sa kanya.
d. Nilalaro-laro ni Jon-Jon ang mga letra at bilang na nakakabit sa kanya.
3. Ano ang pinag-uusapan ni Jon-Jon at ng kanyang Daddy?
a. Pinag-uusapan nila ang tungkol sa pagtapon sa makinilya at pagbili ng bagong
computer.
b. Pinag-uusapan nila ang tungkol sa pagbili ng bagong computer at ipamigay na ang
makinilya.
c. Pinag-uusapan nila na ilagay na sa bodega ang makinilya at bumili na ng computer
para mas mapadali ang kanyang gawain sa pagreresearch at hindi na siya magbubura
sa tuwing nagkakamali siya ng naitayp.
d. Pinag-uusapan nila ang tungkol sa pagbili ng bagong computer dahil mas mapapadali
ang kanyang gawain sa pagreresearch at para na rin makapaglaro siya online kasama
ang kanyang mga kaibigan.

4. Ano ang naisip at nadama ni Maki Nilya nang marinig niya ang paguusap ng mag-
ama?
a. Nalungkot siya dahil mawawalan na siya ng silbi kay Jon-Jon at naisip din niyang di
na siya maaalagaan nito.
b. Nalungkot siya dahil naisip niyang hindi na siya gagamitin ni JonJon at itatapon na
siya nito.
c. Natuwa siya dahil sa wakas ay makakapagpahinga na siya.
d. Masaya siya dahil hindi na siya pag-aagawan ng mga kapatid

5. Paano nakakatutulong ang computer sa iyo bilang mag-aaral?


a. Napapadali ng computer ang paggawa ng mga takdang aralin dahil posibleng
makakapagsearch tungkol dito at maaari na ring ipasa ito online sa pamamagitan ng
internet.
b. Ang computer na mismo ang gagawa ng takdang aralin at panonoorin na lamang ito
hanggang sa matapos.
c. Sa pamamagitan ng computer, nagkakaroon ng koneksyon sa pagitan ng guro at
mag-aaral sa mga panahong kinakailangan.
d. Lahat ng nabanggit maliban sa letrang ___. Isulat kung anong titik ito.

IV- PAGTATAYA

Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga katanungan sa pamamagitan ng pagsulat


ng talata sa patlang na binubuo ng limang pangungusap. (10 puntos bawat numero)

1. Kung ikaw ay mabibigyan ng pagkakataon na mabigyan ng isang computer o laptop,


paanomoitopangangalagaan?
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
2. Sa iyong kuro-kuro, dapat bang mas pahalagahan ang computer at pabayaan o
itapon na ang makinilya dahil nalaos na ito at computer na ang palaging ginagamit?
Bakit?
___________________________________________________________________
____________________________________________________________________

Repleksiyon: Bakit mahalaga ang masusing pang-unawa sa binasa?


___________________________________________________________________
____________________________________________________________________

Sanggunian:

Mula sa Aklat: Lalunio, Lydia P. et.al. (1999). Hiyas sa Pagbasa Batayang Aklat para sa
Ikalimang Baitang. Quezon City: LG&M Corporation

Mula sa Internet Duque, Lawrence B. Rubriks sa Pagsulat ng Talata. Retrieved from


https://google.com/slideshare.net

Susi sa Pagwawasto

Gawain 1
1. a
2. b
3. d
4. a
5. d (B)

Pagtataya

Ang sagot ay nakabatay sa mag-aaral

You might also like