Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 17

Face to face classes sa panahon

ng Pandemya:
Sa paglaganap ng pandemya sa
ating bansa, marami ang
naapektuhan at nagbago
lalo na sa sektor ng edukasyon.
Hindi maaaring lumabas kung
kaya’t sinuspinde ang
klase sa buong bansa nang
mahigit anim na buwan.
Kinakailangan ng bawat isa na
patuloy matuto at mag-aral kaya
naman pinatupad ang online
classes sa ating bansa.
Mahirap ang naging simula
dahil sa kawalan ng kagamitan
at kakulangan ng kaalaman
sa mga makabagong
teknolohiya. Marami ang
hindi makasabay dahil sa
bagal ng
internet at signal sa ating bansa
na nakakahadlang upang
maunawaang mabuti ng mga
mag-aaral ang mga tinuturo.
Dahil nga sa mga
suliraning kinakaharap sa
online classes, minungkahi
ang
pagpapatupad ng face to face
classes sa panahon ng
pandemya. Ayon din sa bagong
panukala ng Commission on
Higher Education (CHEd),
pinayagan na ang limitadong
face to face classes sa 24 na
kolehiyo at unibersidad sa ating
bansa. Ngunit, magiging
epektibo ba ito lalong lalo na sa
pagsugpo at pagtigil ng patuloy
na dumaraming kaso
ng COVID-19? Hindi, lalo
lamang itong kakalat dahil sa
dalasang paglabas ng mga
mag-aaral.
Batay sa tala ng
Department of Health
(DOH) noong ika-26 ng
Marso 2021,
mayroong 9,838 na bagong
kaso ng covid. Ito ang
pinakamataas na naitalang
positibong kaso sa loob lamang
ng isang araw. Sa kasalukuyan,
ang bilang ng aktibong
kaso sa ating bansa ay umabot
na sa 109,018. Marami pa rin
ang naitatalang mga
bagong kaso at patuloy itong
tumataas kaya’t hindi pa
maaaring ipatupad ang face to
face classes. Marahil maraming
nahihirapan sa online class
ngunit mas mahalaga pa
rin ang ating kalusugan. Hindi
natin alam kung sino ang ating
mga nakakasalamuha
kung magkaroon ng face to face
classes. Maaring sila ay positibo
na at wala tayong
kaalam alam na maaring
magdulot ng hawaan. Bagaman
limitado ang face to face na
ito, hindi pa rin maiiwasan na
makasalamuha ng iba lalo na
kung bumi-byahe pa ang
mga mag-aaral.
Wala pa ring kongkretong
solusyon ang ating bansa ukol
dito. Wala pang gamot,
may mga bakuna na ngunit
limitado lamang ang bilang
nito. Tanging mga
healthworkers
at frontliners pa lamang ang
nababakunan sapagkat mas
kailangan nila ang mga ito.
Hindi lahat kayang
mabakunahan kaya’t hindi pa
ligtas ang lumabas. Hindi pa
ligtas na
magkaroon ng face to face
classes lalo na sa panahong ito.
Mahalaga na matuto at mahirap
ang sitwasyon sa online classes.
Totoo ang mga ito
ngunit ang pinakamahalaga ay
ang ating kalusugan upang
matupad at maisagawa natin
ang ating mga hangarin.
Gumagawa rin naman ng
paraan ang mga guro
upang
makasabay ang mga mag-
aaral. Kailangan ng
pagkakaisa at pagtutulungan
nang
mawala na ang mikrobyo sa
ating bansa. Ipagpaliban ang
face to face classes at
patuloy tayong sumunod sa mga
protokol na ipinapatupad sa
ating bansa
ANG PAGBABALIK NG FACE-TO-FACE CLASSES
SA BATAC JUNIOR COLLEGE

Sa pagsasailalim ng Inter-Agency Task Force sa Ilocos Norte bilang Alert Level 1 noong
unang araw ng Marso, nabigyang pagkakataon ang iba pang paaralan na hindi nakasali sa limited
face-to-face classes na maisagawa na ito pagkalipas ng dalawang taon. Isa na sa makikisali rito
ang Batac Junior College.

Plano ng nasabing paaralan na simulan ang implementasyon ng face-to-face classes sa


lalong madaling panahon upang matulungan ang mga estudyanteng nahihirapan sa kanilang mga
aralin. Ngunit bago nila ito sisimulan, kailangan muna nilang mag-comply sa mga
kinakailangang dokumento ng DepEd at iba pang piling sangay ng gobyerno.

Ang pagsasagawa ng face-to-face classes ay boluntaryo lamang. Dahil na rin sa mataas


na bilang ng mga estudyante, mahahati sa dalawang grupo ang bawat seksyon. Ang unang grupo,
na kinabibilangan ng mga estudyante mula Barangay 1 hanggang 20, ay inaasahang sa umaga ng
Martes at Miyerkules papasok at ang natitirang mga estudyante ay sa Huwebes at Biyernes.
Magkakaroon lamang sila ng tig-apat na oras upang pag-aralan ang mga asignaturang kaakibat
ng pinili nilang strand sa Senior High School.

Bago sila pumasok sa kanilang mga silid, kinakailangan muna nilang mag-temperature at
mag-disinfect. Hindi rin sila pinapayagang lumabas sa kahit ano mang oras, maliban sa oras ng
kanilang pag-uwi. Kinakailangan rin nilang magbaon ng sariling meryenda dahil hindi na
pwedeng bumili sa kantina. Inaasahan rin ang mga estudyante na palagiang magsuot ng kanilang
face mask, mag-alcohol, at sundin ang lahat ng Covid-19 protocols.

Sa oras na magkaroon ng positibong kaso, kinakailangang mag isolate lahat ng


estudyante, pati na rin mga guro at mga tauhan ng nasabing paaralan. Hindi rin papayag ang
paaralan na maisapubliko ang pangalan ng estudyanteng nagpositibo. Mayroon ding karapatan
ang isang estudyante na hindi na lumahok sa face-to-face classes kung ito ang kaniyang nais.
Kinakailangan lamang niyang sabihan ang kaniyang guro ukol dito.

Kung papayagan lang din natin ang mga batang lumabas ng kanilang bahay, mas mainam
na sa eskuwelahan na lamang din sila magpunta lalo na sa mga low-risk areas o mga lugar na
wala o kakaunti lang ang kaso ng COVID-19. May malaking maitutulong pa ito sa kanilang
kapakanan kung magagabayan sila ng personal ng kanilang mga guro sa kanilang mga aralin at
makakasalamuha pa nila ang kanilang mga kamag-aral.

Nais nating bigyang-diin na marami nang munisipalidad sa buong bansa ang walang kaso
ng COVID-19. At naniniwala ang inyong lingkod na ang pagkakaroon ng ligtas na pagbubukas
ng mga paaralan sa mga lugar na ito ay tutugon sa mga problema na kinakaharap ng distance
learning tulad ng mahinang internet connection at kakulangan ng pakikipag-ugnayan sa mga
guro.

Face to face classes sa panahon


ng Pandemya:
Sa paglaganap ng pandemya sa
ating bansa, marami ang
naapektuhan at nagbago
lalo na sa sektor ng edukasyon.
Hindi maaaring lumabas kung
kaya’t sinuspinde ang
klase sa buong bansa nang
mahigit anim na buwan.
Kinakailangan ng bawat isa na
patuloy matuto at mag-aral kaya
naman pinatupad ang online
classes sa ating bansa.
Mahirap ang naging simula
dahil sa kawalan ng kagamitan
at kakulangan ng kaalaman
sa mga makabagong
teknolohiya. Marami ang
hindi makasabay dahil sa
bagal ng
internet at signal sa ating bansa
na nakakahadlang upang
maunawaang mabuti ng mga
mag-aaral ang mga tinuturo.
Dahil nga sa mga
suliraning kinakaharap sa
online classes, minungkahi
ang
pagpapatupad ng face to face
classes sa panahon ng
pandemya. Ayon din sa bagong
panukala ng Commission on
Higher Education (CHEd),
pinayagan na ang limitadong
face to face classes sa 24 na
kolehiyo at unibersidad sa ating
bansa. Ngunit, magiging
epektibo ba ito lalong lalo na sa
pagsugpo at pagtigil ng patuloy
na dumaraming kaso
ng COVID-19? Hindi, lalo
lamang itong kakalat dahil sa
dalasang paglabas ng mga
mag-aaral.
Batay sa tala ng
Department of Health
(DOH) noong ika-26 ng
Marso 2021,
mayroong 9,838 na bagong
kaso ng covid. Ito ang
pinakamataas na naitalang
positibong kaso sa loob lamang
ng isang araw. Sa kasalukuyan,
ang bilang ng aktibong
kaso sa ating bansa ay umabot
na sa 109,018. Marami pa rin
ang naitatalang mga
bagong kaso at patuloy itong
tumataas kaya’t hindi pa
maaaring ipatupad ang face to
face classes. Marahil maraming
nahihirapan sa online class
ngunit mas mahalaga pa
rin ang ating kalusugan. Hindi
natin alam kung sino ang ating
mga nakakasalamuha
kung magkaroon ng face to face
classes. Maaring sila ay positibo
na at wala tayong
kaalam alam na maaring
magdulot ng hawaan. Bagaman
limitado ang face to face na
ito, hindi pa rin maiiwasan na
makasalamuha ng iba lalo na
kung bumi-byahe pa ang
mga mag-aaral.
Wala pa ring kongkretong
solusyon ang ating bansa ukol
dito. Wala pang gamot,
may mga bakuna na ngunit
limitado lamang ang bilang
nito. Tanging mga
healthworkers
at frontliners pa lamang ang
nababakunan sapagkat mas
kailangan nila ang mga ito.
Hindi lahat kayang
mabakunahan kaya’t hindi pa
ligtas ang lumabas. Hindi pa
ligtas na
magkaroon ng face to face
classes lalo na sa panahong ito.
Mahalaga na matuto at mahirap
ang sitwasyon sa online classes.
Totoo ang mga ito
ngunit ang pinakamahalaga ay
ang ating kalusugan upang
matupad at maisagawa natin
ang ating mga hangarin.
Gumagawa rin naman ng
paraan ang mga guro
upang
makasabay ang mga mag-
aaral. Kailangan ng
pagkakaisa at pagtutulungan
nang
mawala na ang mikrobyo sa
ating bansa. Ipagpaliban ang
face to face classes at
patuloy tayong sumunod sa mga
protokol na ipinapatupad sa
ating ba

You might also like