Professional Documents
Culture Documents
Q4 Filipino 5 Week7
Q4 Filipino 5 Week7
Q4 Filipino 5 Week7
Bahagi ng Pahayagan
Pangmukhang Pahina- tinataglay nito ang pangalan ng diyaryo pahayagan at ang mga pangunahing balita sa isang araw.
Balitang Pandaigdig- mga balitang nagagganap sa ibat ibang panig ng mundo ang tinataglay ng bahaging ito.
Balitang Panlalawigan- mga balitang nagaganap sa mga lalawigan o rehiyon sa ating bansa ang nilalaman ng bahaging ito.
Pangulong Tudling/Editoryal- tinataglay nito ang opinyon o kuro-kuro ng patnugot tungkol sa napapanahong isyu.
Anunsiyo Klasipikado- dito makikita ang mga anunsiyo para sa iba’t ibang uri ng hanapbuhay, serbisyo, bahay, lupa, sasakyan
at iba pang kagamitang ipinagbibili o kaya’y pinauupahan.
Lifestyle- tinataglay nito ang mga artikulo tungkol sa pinakausong pananamit, sikat na kainan, pasyalan, pamumuhay,
tahanan, paghahalaman, kalusugan, at iba pa.
Isports- balitang pampalakasan ang nilalaman ng bahaging ito.
Libangan- mga balita tungkol sa artista, ipalalabas na pelikula, programa sa telebisyon, concert, play, at iba pa. Naririto rin
ang crossword puzzle, komiks istrip, at horoscope.
1. Ganap na kawastuhan- dapat tumpak, paktuwal, maayos ang mga detalye nailalahad, tamang pagbibigay diin, hindi
magulo ang diwa.
2. Walang kinikilingan.
3. Kaiklian
4. Kalinawan
5. Kasariwaan
Ulo ng Balita- ito ay tumutukoy sa pamagat ng isang balita. Kailangang ito ay kakaiba at nakakuha ng atensyon ng isang
mambabasa.
Pamatnubay- dito nakalahad lahat ng mahahalagang impormasyon na dapat malaman ng mambabasa. Ito ang puso ng
isang balita.
Katawan ng Balita- ito ay naglalaman ng mga datos na naglalahad ng patnubay mula sa pinaka mahalagang datos
hanggang sa pinaka maliit na detalye ng mga pangyayari ukol sa balita.
*Upang higit na maunawaan ang ating aralin, maaari kang sumangguni sa aklat na Alab Filipino 5, pahina 196-198.
https://www.youtube.com/watch?v=zjYhr3AVdvA
Ang editoryal o pangulong-tudling ang pangunahing tudling ng kuro-kuro ng isang pahayagan. Kumakatawan ito sa
sama-samang paninindigan ng patnugutan ng pahayagan kaya sinasabing kaluluwa ito ng publikasyon. Layunin nito sa
pagbibigay ng kuru-kuro ang magpabatid, magpakahulugan, magbigay-puna, magbigay-puri, manlibang at
magpahalaga sa natatanging araw.
Itinutuwid ng editoryal ang mga maling palagay o paniniwala at pagkalito ng tao sa isang isyu. Nagbibigay
pakahulugan din ang isang editoryal sa balita o kaganapan upang bigyang-linaw sa kahuluguhan ng pangyayari.
Nagbibigay-puna ang editoryal sa layunin ng magkaroon ng pagbabago para sa pakinabangan ng nakararaming tao. Ang
pagtuligsa ay hindi kailangan makasakit ng damdamin ng kapwa. Pumupuri ang editoryal kung may dapat pahalagahan.
May mga editoryal naman na ang pagkakasulat ay nanlilibang subalit taglay nito ang mahalagang opinyon.
Ngayon ay nalaman mo ana iba’t ibang bahagi ng pahayagan at ang mga pamamaraan ng pagsulat ng balita at editoryal.
Halika at sagutan mo ang unang pagsasanay.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Basahin at unawain ang sumusunod na sitwasyon. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa
iyong kwaderno.
1. Si John Leirson ay nais maghanap ng trabaho. Anong bahagi ng pahayagan ang kanyang titingnan?
A. Lifestyle B. Libangan C. Anunsiyo D. Isports
2. Si Mang Jonathan ay mahilig manood ng larong basketball, nagkataong may pinuntahan siya kung kaya hindi niya
napanood ang championship game ng kanyang paboritong koponan. Saan niya pwedeng malaman ang resulta ng
laro.?
A. Libangan C. Balitang Panlalawigan
B. Pangmukhang balita D. Isports
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
3. Tumataas ang kaso ng COVID-19 sa bansa, nais mo ring malaman ang kaso sa ibang bansa. Anong bahagi ng pahayagan
ang iyong babasahin?
A. Pangmukhang Pahina C. Balitang Panlalawigan
B. Balitang Pandaigdig D. Pangulong Tudling
4. Kinahiligan ni John Roy ang pagsasagot ng crossword puzzle sa diyaryo. Saang bahagi ng pahayagan niya ito makikita?
A. Isport B. Lifestyle C. Anunsiyo D. Libangan
Magaling! Ngayon ay maaari mo nang ipagpatuloy ang pagsagot sa susunod na mga gawain o pagsasanay.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Tukuyin sa Hanay B ang bahagi ng pahagyagan na dapat basahin upang tumugma sa hinihingi
sa bilang sa Hanay A. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa iyong kwaderno.
Hanay A Hanay B
1. Anong bahagi ng pahayagan ang A. Pangulong Tudling
naglalahad ng pinaka tampok na balita?
2. Saang bahagi ng diyaryo mababasa ang mga B. Lifestyle
iipinagbibiling mga lote?
3. Saan makikita ang horoscope? C. Pangmukhang Pahina
4. Saang bahagi ng pahayagan nasusulat ang
opinyon ng mga manunulat? D. Anunsiyo
5. Naglalaman ng mga artikulong may
kinalaman sa pamumuhay, tahanan pagkain. E. Libangan
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Sumulat ng maikling balita base sa iyong napanood sa telebisyon. Alalahanin ang mga
mungkahi sa pagsulat ng balita. Sundin ang mga pamantayan sa pagsusulat ng balita upang mas lubos na maunawaan.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Sumulat ng isang pangulong tudling o editoryal tungkol sa pagpapatupad ng curfew sa inyong
barangay. Alalahanin ang mga mungkahi sa pagsulat ng editoryal at ang bahagi nito. Sundin ang mga pamantayan sa
pagsusulat ng editoryal upang mas lubos na maunawaan.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Punan ang patlang. Piliin sa loob ng kahon ang sagot.Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.
Ang __________ ay ang kaalaman o impormasyong nagaganap sa ____________sa looob at labas ng bansa. Maaring
magmula ang balita sa radyo, telebisyon, diyaryo o pahayagan. Ang _____________ay may ibat ibang bahagi upang maging
mas maayos ang pagbibigay ng balita. Samantalang ang ____________ ang pangunahing tudling ng ____________ ng isang
pahayagan.
Mahusay! Binabati kita at natapos mo ang mga pagsasanay. Sa susunod na aralin ay iyong matututuhan ang pagkakaiba
ng pang-uri at pang-abay na kapwa bahagi ng pananalitang naglalarawan.
Naunawaan ko na________________________________________.
Nabatid ko na ____________________________________________.
Naisasagawa ko na_______________________________________.