Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 19

2

Filipino
Unang Markahan – Modyul 1:
Paggamit ng Naunang Kaalaman o
Karanasan sa Pag-unawa ng
Napakinggang Teksto
Filipino – Ikalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Paggamit ng Naunang Kaalaman o Karanasan sa
Pag-unawa ng Napakinggang Teksto
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtaglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaring kopyahin o iimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat : Nenita F. Albarando at Jonah Fe C. Flores
Tagasuri : Romela U. Quiamco
Tagawasto : Janette P. Cobrado
Tagaguhit : Marco Fernando U. Cecida
Tagalapat : Radino Bryan C. Sardido

Tagapamahala
Schools Division Superintendent:
Dr. Marilyn S. Andales, SDS, CESO V
Assistant School Division Superintendents:
Dr. Cartesa M. Perico
Dr. Ester A. Futalan
Dr. Leah B. Apao

Chief, CID : Dr. Mary Ann P. Flores


EPS, LRMS : Mr. Isaiash T. Wagas
EPS, Filipino : Mrs. Araceli A. Cabahug

Inilimbag sa Pilipinas ng:


Kagawaran ng Edukasyon – Region VII, Division of Cebu Province
Tanggapan: IPHO Bldg., Sudlon, Lahug, Cebu City
Telefax :( 032) 255-6405
E-mail Address: cebu.province@deped.gov.ph
2

Filipino
Unang Markahan – Modyul 1:
Paggamit ng Naunang Kaalaman o
Karanasan sa Pag-unawa ng
Napakinggang Teksto
Modyul 1: Paggamit ng Naunang Kaalaman o Karanasan
sa Pag-unawa ng Napakinggang Teksto

Paunang Salita
Para sa Tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino – Ikalawang Baitang


ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul 1 para sa araling Paggamit ng
Naunang Kaalaman o Karanasan sa Pag-unawa ng Napakinggang Teksto.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng


mga edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang
gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng
mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang
kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong
hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang magaaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang
kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-
alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman


ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding
subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang
pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa
iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa
ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa Mag - aaral:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino – Ikalawang Baitang


ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul 1 ukol sa Paggamit ng Naunang
Kaalaman o Karanasan sa Pag-unawa ng Napakinggan Teksto.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pagaaral habang wala ka sa loob ng
silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong


maunawaan.

Grade 2 Filipino i
Modyul 1: Paggamit ng Naunang Kaalaman o Karanasan
sa Pag-unawa ng Napakinggang Teksto

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang


kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa


iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento,
awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay


sa aralin. Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay at


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa.
Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling
bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang


patlang ng pangungusap o talata upang maproseso
kung anong natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo


upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan
sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang


antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang
kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong


Gawain gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.

Grade 2 Filipino ii
Modyul 1: Paggamit ng Naunang Kaalaman o Karanasan
sa Pag-unawa ng Napakinggang Teksto

Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng


Pagwawasto mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha


o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul


na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul
na ito, huwag mag-alinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong
kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa
iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompet ensi. Kaya mo ito!

Para sa Guro

Mahalagang magamit ng mga bata ang


kanilang sariling karanasan o kaalaman upang
lalong maunawaan ang kanilang napakinggang
teksto.

Grade 2 Filipino iii


Modyul 1: Paggamit ng Naunang Kaalaman o Karanasan
sa Pag-unawa ng Napakinggang Teksto

Alamin

Ang mga araling nakapaloob sa modyul na ito ay


ginawa upang kayo ay may matutunan pa rin kahit kayo
ay nasa bahay lamang dahil sa pandemya na Covid.

Ang mga pagsasanay at mga pagtatasa ay


pinagsumikapang maiangkop ayon sa inyong kakayahan
upang kayong lahat ay matuto na gamitin ang naunang
kaalaman o karanasan sa pag-unawa ng napakinggang
teksto.

Sa araling ito, susukatin ang iyong kakayahan sa


pakikinig. Magpatulong ka sa iyong kapamilya para
basahin ang mga teksto o kuwento. Maaari ring humingi
ng gabay sa pakikinig ng teksto sa kamag-anak na
nakatira o malapit sa inyong bahay tulad ng iyong tiya at
tiyo.

May mga gawain akong inihanda para sa iyo upang


mahasa ang iyong kaalaman tungkol dito. Basahin mong
mabuti ang panuto sa bawat bahagi at isulat ang iyong
mga sagot sa sagutang papel.

Pagkatapos pag-aralan ang modyul na ito, ang mag-


aaral ay inaasahang:

 Nagagamit ang naunang kaalaman o karanasan sa


pag-unawa ng napakinggang kwento. (F2PN-Ia-2)

Grade 2 Filipino 1
Modyul 1: Paggamit ng Naunang Kaalaman o Karanasan
sa Pag-unawa ng Napakinggang Teksto

Paggamit ng Naunang Kaalaman


Aralin o Karanasan sa Pag-unawa ng
1 Napakinggan Teksto

Subukin

Nasubukan niyo na ba na magpunta sa isang mall?


Ano ang napapansin mo doon? Naisipan mo rin bang
magkaroon ng ganoon sa inyong lugar? Pakinggan ang
tekstong babasahin ng iyong kapamilya. Sagutin mo ang
sumusunod na tanong. Isulat ang letra ng iyong sagot.
Si Nonong Mapangarap

Isang araw, namasyal si


Nonong sa mall kasama ng
kanyang Kuya Lito at Ate
Ningning. “Ang lamig-lamig pala
rito,” ang sabi ni Nonong.’’Bakit
malamig kahit saan tayo pumunta?” “Naka-aircon ang
buong gusali,” ang sagot ng kanyang kuya Lito. “Naku,
ang daming mabibiling pagkain, damit, sapatos at
laruan!” ang hiyaw ni Nonong.
“Narito lahat ang
maaaring bilhin ng mga
tao. Namamasyal ka na,
nabibili mo pa ang
kailangan mo,” ang sagot
ng kanyang Ate Ningning.
“May naisip ako,” ang
sabi ni Nonong. “Ano? Ang tanong ng kanyang Kuya Lito.

Grade 2 Filipino 2
Modyul 1: Paggamit ng Naunang Kaalaman o Karanasan
sa Pag-unawa ng Napakinggang Teksto

“Magpapatayo ako nito sa probinsya natin paglaki ko,”


ang sagot ni Nonong.
Natawa ang kanyang Kuya Lito at
Ate Ningning. “Nangarap ka na naman,”
ang sabi ng kanyang Kuya Lito. “Kung sa
bagay baka magkatoo.” “Baka nga.
Baka si Nonong ang makagawa ng pag-
unlad sa San Roque,” ang sabi ng
kanyang Ate Ningning.

1. Kanino ipinatungkol ang kwento?


A. Nonong B. Roque C. Neneng

2. Ano ang pangunahing ideya ng kwento?


A. Ang Bisita ni Nonong
B. Ang Pangarap ni Nonong
C. Ang mga Kaibigan ni Nonong

3. Anu-ano ang nakita ni Nono sa mall?


A. mga pagkain, sapatos, damit at laruan
B. mga magagandang tanawin
C. mga payaso at mahikero

4. Dapat bang hangaan si Nonong sa kanyang


pangarap?
A. Opo B. Hindi C. Siguro

5. Naisipan mo rin bang magkaroon ng ganoong


pangarap sa inyong lugar?
A. Siguro B. Hindi C. Opo

Grade 2 Filipino 3
Modyul 1: Paggamit ng Naunang Kaalaman o Karanasan
sa Pag-unawa ng Napakinggang Teksto

Balikan
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Saan nagpunta sina Nonong, Kuya Lito at Ate
Ningning?

A. B.
2. Ano-ano ang nakita ni Nonong sa mall?

A.

B.
3. Ano ang nararamdaman ni Nonong nang siya ay nasa
mall?

A. B.
4. Kung ipapasyal ka ng magulang mo sa isang mall, ano
ang mararamdaman mo?

A. B.
5. Kasama ba nina Nonong at Kuya Lito si Ate Ningning sa
pamamasyal sa mall?
A. Tama B. Mali

Grade 2 Filipino 4
Modyul 1: Paggamit ng Naunang Kaalaman o Karanasan
sa Pag-unawa ng Napakinggang Teksto

Tuklasin
Panuto: Makinig sa kuwentong “May Sakit si Ina” na
babasahin ng iyong kapamilya.

May Sakit si Ina


Mabait at masipag na bata si Trina. Lagi
siyang tumutulong sa mga gawaing bahay.
Isang araw, nagising si Trina na may sakit ang
kaniyang ina. Maaga pa nang pumunta sa
trabaho ang kaniyang ama. Inutusan siya ng
ina na bumili ng gamot. Dali-dali naman
siyang sumunod. Alalang-alala si Trina. Naisip niyang
ipagluto ang kaniyang ina ngunit hindi siya marunong.
“Inay, ipagluluto ko po kayo ng lugaw. Ituro po ninyo sa
akin kung paano,” pakiusap ni Trina.
“Naku, maraming salamat, anak,” sabi ng kaniyang ina.
“Makinig kang mabuti. Una,
maglagay ka ng kalahating takal ng
bigas sa kaldero. Sunod naman ay
hugasan mo ang bigas. Pagkatapos ay
lagyan mo ito ng tatlong basong tubig para sa sabaw.
Isalang mo sa kalan at hintaying kumulo. Hayaan mong
kumulo nang sampung minuto. Panghuli, timplahan mo
ng asin kapag luto na,” sabi ng ina.
“Madali lang pala. Hayaan po ninyo,
susundin ko nang maayos ang inyong sinabi,”
masayang sabi ni Trina.
Masayang pinanood ng nanay si Trina
habang abala sa pagluluto. “Maaasahan
talaga si Trina,” bulong ng ina.

Grade 2 Filipino 5
Modyul 1: Paggamit ng Naunang Kaalaman o Karanasan
sa Pag-unawa ng Napakinggang Teksto

Suriin

Pagkatapos makinig, sagutan ang mga tanong ukol sa


kuwento. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.

1. Anong uri ng bata si Trina?

2. Ano ang nangyari sa kaniyang ina?

3. Paano niya ipinakita ang pagmamahal sa kaniyang


ina?

4. Sa palagay mo, masusundan ba ni Trina ang panuto


na ibinigay ng kaniyang ina?

5. Ano kaya ang nararamdaman ng ina ni Trina sa


ipinakita nitong pagmamalasakit sa kaniya?

Tandaan ito!
Bawat kwento ay may ipanapahiwatig na ideya
na maari nating maiugnay sa ating sariling kaalaman o
karanasan. Ang kuwentong isinasalaysay ay dapat
mapakinggan nang mabuti upang lubusang
maunawaan ito. Mahalagang masagutan ang mga
tanong tungkol sa detalye ng kuwento. Ang mga
tanong na dapat sagutin ay ang sino, ano, saan at
kailan. Ang taong na sino ay tumutukoy sa tao. Ang ano
ay sumasagot sa bagay. Ang saan ay naglalarawan ng
lugar. Ang kailan ay nagsasabi ng oras at panahon.

Grade 2 Filipino 6
Modyul 1: Paggamit ng Naunang Kaalaman o Karanasan
sa Pag-unawa ng Napakinggang Teksto

Pagyamanin

Gawain A
Basahing mabuti ang kwentong “Ang Halamanan ni
Helen” at sagutan ang mga sumusunod na tanong ukol sa
kuwento. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang
papel.
Ang Halamanan ni Helen

Si Helen ay masipag na bata. Ang


kanilang halamanan ay nasa kanilang
bakuran sa Kalye Maharlika. Alagang-
alaga niya ang kaniyang tanim na mga
gulay at mga bulaklak. Napakaganda
ng kaniyang mga rosas at mga sampagita. Tamang-
tama na gawing kuwintas at ipagbili kay Gng. Flores, ang
may-ari ng tindahan ng mga bulaklak.
Isang umaga, nagising si Helen na
sirang-sira ang kaniyang halamanan.
Nakatumba ang mga puno ng mga bulaklak.
Wala ng dahon ang mga gulay. Nalungkot si
Helen. Isang misteryo sa kaniya ang nangyari.
Nag-imbestiga si Mang Rodel, ang tatay ni
Helen. Inikot niya ang paligid ng bakuran.
Pinuntahan din niya ang likod
bahay at kulungan ng mga hayop.
Nakita niya ang mga bakas ng mga
paa ng kambing sa buong paligid.
Sa hindi kalayuan ay nakita niya si
Goryo, ang paboritong alagang kambing ni Helen.

Grade 2 Filipino 7
Modyul 1: Paggamit ng Naunang Kaalaman o Karanasan
sa Pag-unawa ng Napakinggang Teksto

1. Sino ang batang mahilig sa halaman?


A. Mang Rodel B. Helen C. Goryo

2. Saan nakatira sina Helen?


A. Kalye Mabini
B. Kalye Marikit
C. Kalye Maharlika

3. Anong hayop ang sumira ng halaman ni Helen?


A. Aso B. Kabayo C. Kambing

4. Ano ang nararamdaman ni Helen nang malaman niya


na ang paborito niyang kambing ang sumira ng
kanyang halaman?
A. nagalit B. masaya C. nalungkot

5. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Helen, ano ang


gagawin mo?
A. Ibebenta ang kambing.
B. Wala akong gagawin.
C. Papaluin ang kambing.
D. Hayaan nalang ang nangyari sapagkat hindi naman
sinasadya na sirain ng kambing ang kanyang mga
halaman.

Grade 2 Filipino 8
Modyul 1: Paggamit ng Naunang Kaalaman o Karanasan
sa Pag-unawa ng Napakinggang Teksto

Gawain B
Pagtambalin ang mga nasa Hanay A sa Hanay B batay
sa kuwento na “Halamanan ni Helen”. Isulat sa sagutang
papel ang iyong mga sagot.

Hanay A Hanay B

1. Ang alagang hayop ni Helen na A. Gng. Flores


sumira sa kanyang mga halaman.
2. Ang batang nagmamay-ari ng B. mga gulay at
ng isang hardin. bulaklak
3. Tumulong kay Helen na mag- C. Goryo
imbestiga sa nangyari
4. Mga halaman ni Helen sa D. Helen
kanyang hardin.
5. Ang may-ari ng tindahan ng E. Mang Rodel
mga bulaklak.

Isaisip

Bawat ________ ay may ipanapahiwatig na ideya


na maari nating maiugnay sa ating sariling ___________.
Ang kuwentong isinasalaysay ay dapat mapakinggan
nang mabuti upang lubusang maunawaan ito.
Mahalagang masagutan ang mga tanong tungkol sa
detalye ng kuwento. Ang mga tanong na dapat sagutin
ay ang sino, ano, saan at kalian. Ang taong na sino ay
tumutukoy sa tao. Ang ano ay sumasagot sa bagay.
Ang saan ay naglalarawan ng lugar. Ang kailan ay
nagsasabi ng oras at panahon.

Grade 2 Filipino 9
Modyul 1: Paggamit ng Naunang Kaalaman o Karanasan
sa Pag-unawa ng Napakinggang Teksto

Isagawa

A. Batay sa iyong sariling karanasan, ano ang gagawin


mo sa mga sumusunod:

1. Nakita mo ang isang matandang babae na may


maraming dala.
2. May mga tuyong halaman sa inyong bakuran.
3. Nagkasakit ang iyong ama.
4. May maraming nakatambak na basura sa iyong
paligid.

B. Pumili ng 1 sa tatlong kwento na iyong napakinggan.


Iguhit at isulat ang iyong sariling karanasan batay sa
pagkabasa mo nito.

Tayahin

Direksiyon: Basahin ang mga sumusunod na mga


katanungan batay sa mga kwentong napakinggan. Piliin
ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang naramdaman ni Nonong sa loob ng mall?
A. nanlalamig B. naiinitan C. natatakot
2. Paano ni Trina ipinapakita ang kanyang pagmamahal
sa kanyang ina na may sakit?
A. Inaalagaan B. Inuutusan C. Pinagmalabisan
3. Dapat bang tularan si Trina? Bakit?
A. Oo, dahil mabait at masipag si Trina.
B. Hindi, dahil mapapagod lang tayo.
C. Ewan ko.

Grade 2 Filipino 10
Modyul 1: Paggamit ng Naunang Kaalaman o Karanasan
sa Pag-unawa ng Napakinggang Teksto

4. Sino ang tumulong kay Helen na mag-imbestiga sa


nangyari sa kanyang halamanan?
A. Gng. Flores
B. Mang Roldan
C. Mang Rodel
5. Bakit kaya naisipan ni Helen na gawing kwentas ang
mga bulaklak ng sampaguita at rosas?
A. Upang may mapagkakakitaan.
B. Upang mabawasan ang kanyang mga pananim.
C. Upang maubos ang kanyang mga halaman.

Karagdagang Gawain

Direksiyon: Ikuwento ang iyong sariling


. karanasan na hindi mo malilimutan.
Isulat to sa sagutang papel.

Sa wakas!!!!! Natapos mo na rin


ang iyong aralin sa linggong ito.
Handang-handa kana para sa
susunod na Aralin…..

Grade 2 Filipino 11
12 Grade 2 Filipino
Subukin Balikan Suriin Pagyamanin
1. Mabait at masipag. A. B.
1. A 1. A 2. Nagkasakit 1. B 1. Mali
2. B 2. B 3. Inaalagaan nya ito. 2. C 2. Tama
3. A 3. A 4. Opo 3. C 3. Mali
4. A 4. A 5. Masaya 4. C 4. Tama
5. C 5. A 5. D 5. Tama
Isaisip Isagawa Tayahin
Kuwento A.
Karanasan 1. Tulungan ang matanda sa kanyang mga dalahin. 1. A
2. Walisin ang mga tuyong halaman sa bakuran. 2. A
3. Alagaan at painumin si Itay ng gamut. 3. A
4. Linisin at itapon ang mga basura sa tamang lugar 4. A
B. Tanggapin ang mga sagot. 5. A
Sagot sa mga Pagsasanay
sa Pag-unawa ng Napakinggang Teksto
Modyul 1: Paggamit ng Naunang Kaalaman o Karanasan
Modyul 1: Paggamit ng Naunang Kaalaman o Karanasan
sa Pag-unawa ng Napakinggang Teksto

SANGGUNIAN:

Garvia, Nilda S. D., et.al. 2014, 2016. Ang Bagong Batang Pinoy, Filipino
Kagamitan ng Mag-aaral 2: 70-73.
Liwanag, Lydia B., 1999. Filipino sa Pagbasa 2: 33-34.
Villafuerte, Patrocinio V., Ona, Luzviminda L., 2003. Pagdiriwang ng
Wikang Filipino 2: 175-176.
MELC Grade 2 pp. 147, aklat: Ang Bagong Batang Pinoy Filipino 2: 70-
73.
K to 12 Filipino Gabay Pangkurikulum sa Filipino. Department of
Education 2016, 18.
K to 12 Most Essential Learning Competencies for Filipino Grade 2.
Department of Education Curriculum and Instruction Strand 2020, 147.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)


IPHO Bldg., Sudlon, Lahug, Cebu City, Philippines 6000
Telefax: (032) 255-640
Email Address: cebu.province@deped.gov.ph

Grade 2 Filipino 13

You might also like