Second-Quarter-Exam-Filipino 9

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VII -CENTRAL VISAYAS
Schools Division of CEBU PROVINCE
CANTUMOG NATIONAL HIGH SCHOOL

Second Quarter Exam in Filipino 9


Name: ________________________Section:____________Date:_________ Score:______
Panuto: Basahin at unawain ang bawat katanungan at piliin ang titik ng tamang sagot batay sa
hinihingi nito. Isulat ang titik ng sagot sa papel.

1. Ang Tanka at Haiku ay ilang anyo ng tula na pinahahalagahan ng panitikang;


A. China B. Japan C.Taiwan D. Korea
2. Ang tanka ay ginawa noong ikawalong siglo at ang haiku ay sumunod sa;
A. ika-9 na siglo B. ika-12 siglo C.ika-14 na siglo D.ika-15 siglo
3. Ang pinakaunang tanka ay kasama sa kalipunan ng mga tula na tinatawag na;
A. Kana B. Kireji C. Manyoshu D. Shizu
4. Ang tawag sa ponemikong karakter na ito na ang ibig sabihin ay “hiram na mga pangalan”;
A. Kana B. Kireji C. Manyoshu D. Shizu
5. Ang haiku ay may labimpitong pantig na nahahati sa __________ taludtod.
A. 7 B. 6 C. 3 D. 4
6. Ang Tanka ay isang maikling awitin na may limang taludtod at binubuo ng ____ pantig.
A. 50 B. 31 C. 25 D. 40
7. Magkaiba ang paksa ng tanka at haiku, MALIBAN SA ISA;
A. pagbabago B. pag-ibig C. pag-iisa D.kalikasan
8. Pinakamaliit na yunit ng salita na may kahulugan.
A. morpema B. salitang-ugat C. ponema D. pantig
9. Ito ay ang lakas, bigat o bahagyang pagtaas ng tinig sa pagbigkas ng isang pantig sa salita.
A. tono B. diin C. antala D. hinto
10. Ang pagtaas at pagbaba ng tinig na maaring makapagpasigla, makapagpahayag ng iba’t
ibang damdamin.
A. tono B. diin C. antala D. hinto
11. Ito ay ang bahagyang pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang
mensaheng ibig ipahatid sa kausap.
A. diin B. tono C. antala D. intonasyon
12. Piliin ang pangungusap na nagpapahiwatig na siya’y napagbintangan ng isang bagay na
hindi nya ginawa.
A. Hindi/ ako si Joshua. C. Hindi ako, si Joshua.
B. Hindi ako si Joshua. D. Hindi ako si/ Joshua.
13. Batay sa simbolong makikita sa salitang magaling, ito’y may tonong;
A. pag-aalinlangan B. pagpupuri C. paghamon D. pagtatanong
Ibigay ang tamang bigkas ng salitang sinalungguhitan sa pangungusap.
14. Ang buhay ng tao ay mahalaga, kaya dapat natin itong ingatan.
A. BU:hay B. bu:HAY C. BUH:ay D. buh:AY
15. Buhay pa nang makita ng mga tao ang biktima.
A. BU:hay B. bu:HAY C. BUH:ay D. buh:AY16.
16. Sino ang tinaguriang ama ng pabula?
A. Aesop B. Edgar Allan Poe C. Amado V. Hernandez D. Aristotle
17. Anong katangian ang sinisimbolo ng ahas kung gagamitin sa pabula?
A. Tapat B. Taksil C. Gahaman D. Mabagsik
18. Alin sa mga sumusunod na salita ang nagpapakita ng pinakamasidhing damdamin?
A. yamot B. inis C. galit D. suklam
19. Ano ang pinakatanyag na akda na isinulat ni Aesop?
A. Aesop Poem B. Aesop play C. Aesop fable D. Aesop Tales
20. Anong uri ng kathang-isip na panitikan kung saan ang mga hayop o kaya mga bagay na
walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan at nagbibigay aral sa mga kabataan?
A. Pabula B. Alamat C. Mitolohiya D. Parabula
21. Anong katangian ang sinisimbolo ng aso kung gagamitin sa pabula?
A. Tapat B. Taksil C. Gahaman D. Mabagsik
22. Ano ang ibig sabihin ng salitang Koreanong Choson?
A. malawak na bayan C. lupaing mapayapang umaga
B. maliwanag na lupain D. maunlad na bansa
23. Ano ang dating pangalan ng South Korea?
A. Kogoryo B. Kawasaki C. Joeson D. Gangnam
Para sa bilang 24-25.

Kinabukasan, muling sumigaw ang tigre upang humingi ng tulong hanggang mapaos. Gutom
na gutom at hapong-hapo na ang tigre. Lumupasay na lamang siya sa lupa. Naisip niyang ito
na ang kaniyang kamatayan. Walang ano-ano ay nakarinig siya ng mga yabag. Nabuhayan
siya ng loob at agad tumayo“ Tulong! Tulong!” muli niyang isinigaw.

Hango mula sa: Ang Hatol ng Kuneho


24. Ang salitang sinalungguhitan sa talata ay nangangahulugan na?
A. uhaw na uhaw C. pagod na pagod
B. gutom na gutom D. masayang- masaya
25. Lumupasay na lang siya sa lupa. Ang kasingkahulugan ng lumupasay ay_____?
A. nakahiga B. nakalinga C. nakatalikod D. nakalakad
26. Alin sa mga sumusunod ang hindi pamagat ng pabula?
A. Si Langgam at si Tipaklong C. Ang Daga at Lion
B. Si Kuneho at Pagong D. Ang Alamat ng Saging
27. Mahalagang pag- aralan ang pabula dahil ito ay?
A. pampalipas oras ng mga bata.
B. nakapagpapalawak ng isipan at nagbibigay aral sa mga bata.
C. makakapukaw ng interes ng mga bata.
D. nakatutulong upang mahasa ang kanilang pagbasa.
28. Alin sa mga sumusunod ang hindi paksa sa pagsusulat ng pabula?
A. buhay ng tao C. kalagayan ng lipunan
B. pag-uugali ng tao D. karanasan ng hayop.
29. Anong instrumentong ginagamit bilang pangunahing tauhan sa pabula?
A. bahay B. tao C. hayop D. pook
30. Sino ang nagsalin sa akdang “Ang hatol ng Kuneho”?
A. Vilma Ambat B. B.O Jocson C. Shiela C. Molina D. Serafin C. Guinigundo
Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang wastong diin ng salita ayon sa hinihingi ng bawat bilang.
Isulat sa patlang ang sagot.
BU: not bu: NOT SA: ya sa: YA A: so
TA:la ta:LA PU: no pu: NO a: SO
_______31. Bao ng niyog na ginagamit na pagpapakintab ng sahig.
_______32. Paghugot ng isang bagay sa suksukan o lalagyan.
_______33. Ligaya
_______34. Isinuot ng babae
_______35. Bituin
_______36. Listahan
_______37. Isang punong kahoy
_______38. Puno ng laman
_______39. Hayop na inaalagaan
_______40. Usok
Answer key

No. No. No. No.


1 B 16 A 31 bu:NOT 46
2 D 17 B 32 BU:not 47
3 C 18 D 33 SA:ya 48
4 A 19 C 34 Sa:YA
5 C 20 A 35 Ta:LA
6 B 21 A 36 TA:la
7 B 22 C 37 PU:no
8 C 23 C 38 pu:NO
9 B 24 C 39 A:so
10 A 25 A 40 a:SO
11 C 26 D 41
12 C 27 B 42
13 B 28 D 43
14 A 29 C 44
15 B 30 A 45

You might also like