Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Buod ng Aralin 4.

1
Ang unang aralin ay naglalaman ng mga kahulugan ng korido na isang patulang salaysay na
paawit kung basahin at ang Awit naman ay isang tulang inaawit na may himig at tinig.
Ang unang bahagi ay ang paghahanap nina Don Pedro, Don Diego at Don Juan sa Ibong
Adarna na tanging makakapag-pagaling sa kanilang amang may karamdaman na si Haring
Fernando na asawa ni Reyna Valeriana ng Kaharing Berbanya.
Sa ikalawang bahagi naman ay ang pakikipagsapalaran ni Don Juan sa kaharian ng Armenya at
pagkahulog nito sa balon. Dito natuklasan at nakilala ni Don Juan si Donya Juana (Prinsesa ng
Armenya at kapatid ni Donya Leonora na siyang naging kabiak ni Don Diego) at Donya
Leonora (magandang prinsesa ng Armenya na nagpakita ng tunay na pag-ibig kay Don
Juan. Siya ang naging kabiyak ni Don Pedro).
Sa ikatlong bahagi makikita ang pagliligtas ng Lobo (Alaga ni Donya Leonora na siyang
gumamot kay Don Juan sa kaharian ng Armenya.) kay Don Juan at ang patuloy na
pakikipagsapalaran hanggang sa kanyang makilala si Donya Maria Blanca (Anak ni Haring
Salermo na tunay na inibig ni Don Juan na nagtataglay ng mahiwagang Mahika).
At sa Ikaapat na bahagi masasaksihan ang pagbabalik ni Don Juan sa kahariang Berbanya na
kasama si Donya Maria at nagtapos sa pagpapakasal ni Don Juan kay Donya Maria.

Iba pang mga Tauhan:


Haring Salermo- Ama ni Donya Maria at Donya Isabela na siyang hari ng Kahariang Reyno de
los Cristales.
Donya Isabela- Bunsong anak ni Haring Salermo na kapatid ni Donya Maria.
Ang Leproso- Ang matandang Ketonging nanlimos ng pagkain kay Don Juan at tumulong sa
prinsipeng mahanap ang Ibong Adarna.
Arsobispo- Ang humatol na si Donya Leonora dapat ang ikasal kay Don Juan.
Unang Ermitanyo- Ang nagsabi kay Don Juan kung paano mahuhuli ang Ibong Adarna at kung
paano maililigtas ang dalawa nitong kapatid.
Ermintanyong Uugod-Ugod- Ang nakasalubong ni Don Juan sa kanyang paghahanap sa
kaharing Reyno de los Cristales na siya ring tumulong kay Don Juan upang manumbalik ang
lakas nito matapos siyang pagtaksilan ng kanyang mga kapatid.
Serpiyente-Malaking ahas na pito ang ulo na siyang nagbabantay kay Donya Leonora.
Higante- Ang nagbabantay kay Donya Juana.

You might also like